Nasa bahay kami ng mga Jimenez ng gabing ito. Hindi ko gusto ang ideyang pumunta dito ngunit kailangan naming pumunta dahil naghanda ng munting salu-salo ang ina ni Sasa. Narito din ang kuya Jupiter niya at ang pamilya nito. Hindi ko maiwasang maasiwa sa presensiya ng kuya niya lalo na at masama ang tinging ipinupukol nito sa akin. Tuwang-tuwa itong makita ang kakambal ni Clex na si Alexa. Ngunit hindi naiwasang paringgan niya ako sa pagkakatakas ko sa bata. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at hindi na masyadong pinansin. I know masama pa ang loob niya sa panggagamit ko sa kapatid niya at pagkakabuntis dito. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong magpaiwan sana kanina ngunit nagbago din ang isip kong magpaiwan. Magtatampo panigurado si Sasa at baka isipin pa niyang naduduwag akong harap