Chapter 9
ELENA
Hating gabi na ngunit hindi naman ako makatulog dahil sa gutom. Dagdagan pa na tumutunog na ang tiyan ko. Hindi pa sana ako babangon, ngunit kumakalam na talaga ang sikmura ko. Bumangon na ako at nagtungo sa kusina. Sumasakit ang ulo ko kapag nalilipasan ako ng gutom.
Kinuha ko sa fridge ang ulama na niluto ko pa kanina saka ko ininit sa microwave. Pati na rin ang kanin. Napabuntong hininga ako habang hinihintay na tumunog ang microwave.
Naalala ko naman si Rafael. Parang nakokonsenya ako na ako lang itong kakain tapos siya hindi pa nakakain. Baka nagutom na iyon at tinitiis niya lang talaga. Paano kaya kung si Ate ‘yong katampuhan niya? Ano kaya ginagawa ni Ate para magpansinan sila? Sino sa kanilang dalawa ang unang maglalambing? Bagsak na naman ang balikat ko ng tumunog na ang microwave. Kinuha ko na roon ang mga ininit kong pagkain at inilapag sa lamesa. Parang hindi ko naman matiis na ako lang ang kumakain, samantalang ang boyfriend ni Ate nagugutom. Natutulog na kaya ang lalaking iyon?
Malalim muna ako nagbuntong-hininga at nagtungo sa silid ni Rafael. Sakto naman sana na kakatok ako ng bumukas ang pintuan at lumabas si Rafael kasama ang tungkod niya na siyang gabay niya sa paglakad. Tahimik lang ako subalit alam ko na naaamoy niya ako
dahil huminto siya sa tapat ng pintuan.
“Miranda, anong ginagawa mo rito?’’ tanong niya. Malakas talaga ang pang-amoy niya at pakiramdam kung may tao sa paligid niya.
“Gigisingin sana kita dahil baka nagugutom ka. Ininit ko na ang mga pagkain,’’ sabi ko sa kaniya.
“Salamat, pero wala akong gana kumain,’’ pagmamasungit na naman niya sa akin at naghakbang na siya. Doon siya papunta sa pantry.
‘’Rafael, kumain na tayo. Okay, sorry na,’’ paghingi ko sa kaniya ng paumanhin. Hindi ko naman kasi matiis na may sama siya ng loob sa akin.
Subalit imbis na matuwa siya sa paghingi ko ng sorry, pero parang big deal pa iyon sa kaniya.
“Tsss… Ikaw ba talaga ‘yan, Miranda?’’ tanong niya na parang nang-uuyam.
Medyo kinabahan din ako sa tanong niyang iyon at baka nakakahalata na siya na hindi ako si Ate Miranda.
“May iba pa bang Miranda, bukod sa akin?’’ naiinis kong tanong sa kaniya.
“Wala naman, kaso nanibago lang ako sa’yo. Hindi ka kasi ang tipo ng girlfriend na unang hihingi ng sorry. O unang magpakumbaba kapag may hindi tayo pagkakaunawaan. Hindi ka rin nagsisinungaling sa akin katulad ng pagsisinungaling mo kanina. Alam ko sa labas ka galing, pero ayaw mo pa aminin sa akin,’’ sabi niya sa malamig na boses.
Napakagat na lang ako ng aking labi sa sinabi niyang iyon. Marami nga kaming kaibihan ni Ate. Akala ko kasi siya ang unang nagpapakumbaba kapag nagatatampuhan sila ni Rafael. Subalit kahit ako man sa tuwing naiinis si Ate sa akin, ako pa rin ang unang maglalambing sa kaniya. Siya ang tipong tao na kung hindi mo siya papansinin bahala ka sa buhay mo. Kaya niya mabuhay mag-isa at kaya niya maag-isa na walang kaibigan dahil ang rason niya hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan. Kaya nga kahit may sakit siya, kaya niya mag-isa.
Marami rin kaming pinagkaiba ni Ate sa pananaw sa buhay. Ngunit ganoon pa man magkakasundo naman kami sa ibang bagay.
“Ayaw mo ba noon na ako na nga ako nagpapakumbaba sa’yo? Iniisip ko lang na baka nagugutom ka na. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko sa’yo para hindi ka na magtatampo sa akin?’’ tanong ko sa kaniya.
“Hindi mo naman kaya ibigay ang gusto ko, kaya huwag na lang!’’ masungit niya pa rin sagot sa akin.
“Paano ko ibibigay sa’yo, kung hindi mo naman sinasabi sa akin?’’ Malapit na naman mapigtas ang pasensya ko. Subalit kailangan ko iyon habaan.
“s*x, Miranda! s*x ang kailangan ko na hindi mo kayang ibigay sa akin kahit nangako naman ako na papakasalan kita. Doon naman tayo pupunta hindi ba? Marami naman ang mag-boyfriend girlfriend riyan na nagse-s*x kahit hindi pa kasal!”
Nagulat ako sa sinabing iyon ni Rafael. Hindi ko lubos akalain na iyon ang sasabihin niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o sasabihin sa kaniya.
“Ano, hindi ka makasagot dahil hindi mo kayang ibigay iyon sa akin!’’ May himig na panunumbat sa pananalita niya.
“Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ‘yan, Rafael? Bakit sinusumbat mo sa akin kung hindi ko kayang ibigay sa’yo ang bagay na iyan sa ngayon? Bakit hindi ka makapaghintay na maikasal tayo?’’ panunumbat ko rin na tanong sa kaniya.
Umiinit ang pisngi ko na pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan na dapat para lang sa kanila ni Ate Miranda.
“Hindi mo naman ako naiintindihan dahil hindi ka lalake. Hindi mo kasi alam kung ano ang pakiramdam ng nabitin. Mabuti sana kung kukuha ako ng babae na pansamantalang ibigay ang pangangailangan ko bilang isang lalake na hindi ka magagalit. Ngayon, kung hindi mo kaya ibigay ang gusto ko, huwag mo na ako tanungin kung ano ang gusto ko!’’
Leteraly na napaawang talaga ang labi ko sa sinabi niyang iyon.
“Kung talagang mahal mo ako maiintindihan mo rin sana ako, Rafael. Alam mong hindi pa ako handa ibigay ang sinasabi mo dahil hindi pa tayo kasal,’’ pilit ko na papainitindi sa kaniya.
“Ikaw dapat ang sabihan ko ng ganiyan. Kung mahal mo ako ibigay mo ang gusto ko para makasigurado ako na akin ka lang, Miranda. Alam ko na gusto mo rin na lumampas tayo sa limitasyon, kaso pinipigilan mo ang nararamdaman mo. Nakakasiguro ka naman sa akin, hindi ba? At sigurado naman ako na pakakasalan kita, kahit bukas na bukas kung gusto mo. Alam mo ba na nai-insecure na ako sa sarili ko dahil ang mga kasama ko sa negosyo ano mang oras na kailangan nila ang girlfriend nila, ano mang oras binibigay sa kanila ang pangangailangan nila bilang isang lalake. Simula nang maging tayo alam mo kung paano ako nag-iingat para hindi ako matukso sa iba dahil ganiyan kita kamahal, pero ako hindi ko alam kung gaano mo ako kamahal, Miranda.’’
Bumuntong-hininga ako ng malalim sa mga sinasabi ni Rafael. Paano ko masagot ang mga katanungan niya eh, hindi naman ako si Ate Miranda?
“Hindi pa ba sapat sa’yo na narito ako sa tabi mo para patunayan kung gaano kita kamahal, Rafael? Kung naghahanap ka ng babae na parausan mo lang, hindi ako magtatanong sa’yo kung bakit ginawa mo iyon dahil alam ko kung ano ang sagot. Pero huwag mo ako tanungin kung masasaktan ba ako sa gagawin mo at kung ang nararamdaman ko dahil alam mo na rin ang sagot. Gusto ko man ibigay ang pangangailangan mo bilang isang lalake, pero sana maintindihan mo kung bakit? Nag-usap na tayo na tapos ang kasal natin saka ko ibibigay ang dangal ko. Kung hindi mo iyon maintindihan, wala na akong magagawa,’’ iyon lang ang nasabi ko sa kaniya at nilampasan ko na siya.
Bahala siya kung ano ang isipin niya dahil tama naman siguro ang sagot ko sa kaniya. Naupo na ako sa lamesa at kumain. Nagugutom na ako at kapag pinansin ko ang mga sinabi ni Rafael, tiyak na lalo lang sasakit ang ulo ko at lalo lang ako magugutom.
Bahala siya kung kakain siya o hindi dahil inalok ko naman siya.
Natapos lang nga ako sa pagkain na hindi lumapit sa lamesa si Rafael.
Kumuha lang siya ng biscuit at uminom ng fresh milk. Alam kung gutom lang siya, pero tinitiis niya lang.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at pumasok na ako sa aking silid. Bahala si Rafael kung ayaw niya kumain. Dahil nabusog ako ay nakatulog ako ng maayos. Kaya kinabukasan maaga naman ako nagluto. Hindi na muna ako umalis ng bahay at sinunod ko na lang muna ang gusto ni Ate na huwag na siyang dalawin sa hospital.
Hanggang sa lumipas pa ang mga araw at isang linggo. Lumipas ang mga araw, ngunit hindi kami nag-iimikan ni Rafael. Wala na rin akong balak na pansinin siya. Hahayaan ko na lang kung kailan niya ako iimikin.
At least kumakain naman siya na magkasabay kami. Iyon nga lang hindi kami nag-iimikan. Kaso nga lang naubos na ang mga stock namin pagkain sa fridge at bukas wala na akong mailuluto.
“Aalis pala ako mamaya,’’ ako na rin ang nagbasag sa katahimikan naming dalawa. May pera pa naman akong natira sa atm ko, kaya iyon na lang ang ipambibili ko.
“Saan ka pupunta?’’ malamig niyang tanong. Kumakain kami ngayon ng tanghalian.
“Bibili ako ng stock natin dahil ubos na ang laman ng fridge. Saka wala na rin bigas,’’ sagot ko sa tanong niya..
“Gamitin mo na lang ang card ko. Bumili ka na rin ng groceries. Pasensya na kung hindi kita masamahan. Baka maging sagabal pa ako sa lakad mo,’’ sabi niya na parang may laman na naman ang mga pananalita niya.
“Gamitin mo ang kotse ko para hindi ka mahirapan. Ah, hindi pala. Magcommute ka na lang. Hindi natin alam baka mawalan ng prino ang sasakyan,’’ agad niyang pagbawi sa pagpapahiram niya sana sa akin ng sasakyan.
“Okay, lang. Magta-taxi na lang ako,’’ tipid kong sagot sa kaniya.
Pagkatapos nga namin kumain ay binigay niya sa akin ang black card niya na unlimited ang laman.
Pero balak ko na dumaan sa hospital para kamustahin si Ate Miranda. Gusto ko rin siya dalhan ng ulam. Masarap pa rin kasi kapag lutong bahay kaysa lutong hospital.
Sobrang na miss ko na si Ate. Isang linggo pa lang na hindi ko siya nakikita ay sobrang na miss ko na siya.
“Aalis na ako Rafael,’’ paalam ko na kay Rafael nang makabihis na ako,
“Umuwi ka ng maaga,’’ tipid at seryoso niyang sabi sa akin.
“Oo,’’ mas tipid kong sagot sa kaniya.
Minsan nasasanay na lang talaga ako sa pagiging cold niya, Maigi nga rin iyon kaysa sweet siya at baka matangay pa ako sa tukso.
Tumawag na ako kanina ng taxi para pumasok rito sa loob ng Village. Mahirap din kasi mag-abang ng taxi. Sakto paglabas ko sa gate ay nariyan na ang taxi nag-aabang sa akin. Nagpahatid na ako sa hospital. Pagdating ko roon agad ko ng tinungo ang silid ni Ate.
Malawak ang mga ngiti ko ng makita ko siya na nagbabasa ng pocket book.
“Ate, kumusta ka na?’’ nakangiti kong bati sa kaniya at nilagay ko muna sa side table ang dala kong pagkain sa kaniya.
“Nako, nandito na naman ang makulit kong kapatid. Okay, naman ako, Elena. Medyo okay kaysa dati. Akala ko nagtatampo ka na sa akin. Bakit napadalaw ka?’’ tanong nito sa akin. Yumakap muna ako sa kaniya bago ko sinagot ang katanungan niya.
“Ikaw ang nagsabi na huwag na kitang dalawin. Kaso sobrang na miss na kita, kaya hindi ko kaya na hindi ka puntahan. Heto may dala akong pagkain sa’yo,’’ nakangiti at malambing kong sabi sa kaniya.
Natutuwa ako sa reaksyon ng mukha ni Ate. Mukhang ang saya-saya niya dahil dinalaw ko siya.
“Na miss ko na rin ang luto mo. Kumusta si Rafael?’’ tanong niya sa akin habang nakangiti,’”
“Ayon at nagmamasungit. Wala na kasing laman ang fridge at ang pantry,’’ sabi ko naman kay Ate. Iyon na lang ang dinahilan ko kung bakit nagmamasungit ang boyfriend niya,
“Naku, alam mo na ayaw niya na nauubusan ng stock na pagkain ang pantry at ang fridge. Kaya bumili ka ng marami. Ililista ko kung ano ang mga paborito niya at ang mga dapat mong nilhin,’’ sabi naman ni Ate at kumuha siya ng papel sa kaniyang bag at ballpen. Sinisimulan niya ng isulat ang mga bibilhin ko.
“Ate. halimbawa na magksama kayo ni Rafael at hihingiin niya sa’yo ang katawan mo ibibigay mo ba?’’ Hindi ko alam kung bakit naitanong ko iyon kay Ate Miranda. Gusto ko lang siguro malaman kung ano ang gagawin niya. Kung narinig niya lang ang mga hinanaing ng biyfriend niya sa kaniya, ewan ko na lang kung maiinis siya o mapipikon oh ‘di, kaya pagbibigyan niya ang kahilingan nito.