Chapter 8
ELENA
Iniwan ko ang mga pagkain sa lamesa at umalis. Hinayaan ko muna magtampo si Rafael sa akin. Ang mahalaga ngayon ay madalhan ko ng pagkain si Ate. Tumawag na rin sa akin si Mang Jose at doon na kami magkikita sa labas ng Las Palmas hospital.
Nagpara ako ng taxi at nagpahatid sa hospital. Pagdating ko roon ay isang minuto lang ako naghintay kay Mang Jose, bago ito dumating.
“Pasensya ka na, Iha at natagalan ako. Ano ‘yang mga dala mo?” tanong niyo sa akin ng makababa na ito sa taxi.
“Pagkain para kay Ate,” tipid kong sagot kay Mang Jose, habang nakangiti sa kaniya.
Pumasok na kami sa loob ng hospital. Nagulat pa si Ate nang makita niya kami ni Mang Jose.
“Ma’am Miranda, totoo nga ang sinabi ng kapatid mo,” wika ni Mang Jose na agad lumapit kay Ate.
“Mang Jose, kumusta na po kayo?” mahinang tanong ni Ate.
“Ako ang dapat magtanong niyan sa’yo, Ma’am. Ano ba ang nangyari sa’yo at nagkaganyan ka?” nag-alalang tanong ni Mang Jose.
Nilapag ko sa lamesa ang eco bag na nilagyan ko ng mga pagkain para kay Ate. Isa-isa ko iyon inilabas.
“Heto at nakahiga rito, Manong. Kayo na po ang bahala kay Rafael kapag nawala na ako. Pinapaasikaso ko na sa doktor niya ang operasyon sa mga mata niya. Gusto ko bago ako mawala mailipat na kay Rafael ang mga mata ko. Tayong tatlo lang sana ang makakaalam nito, Manong,” pakiusap pa ni Ate kay Mang Jose.
“Huwag ka mag-alala, Ma’am. Wala akong pagsasabihan kahit isa. Napakabata mo pa para mawala. Paano na si Sir Rafael?” malungkot na tanong ni Mang Jose kay Ate.
Ngumiti naman si Ate sa kaniya. “Kapag mabuksan na ni Rafael ang mga mata niya hindi niya na ako makikita pa. Subalit may maiwan akong video para sa kaniya. At kahit wala na ako, sana palagi niyo siyang samahan. Ilayo niyo siya sa step mother niya. Huwag na huwag niyong sasabihin na e-donate ko ang mga mata ni Rafael dahil alam ko gagawa na naman siya ng paraan para hindi matuloy kapag nalaman niya iyon,” mahigpit pa na bilin ni Ate kay Mang Jose.
“Makakaasa po kayo, Ma’am. Umalis na rin pala ako kina, Ma’am Victoria. Ang narinig ko kukunin niya ang anak niya at patitirahin sa mansion,” sabi ni Mang Jose kay Ate.
“Wala akong tiwala sa babaeng iyon, Manong. May kutob ako na ang pera at kompanya ang habol niya. Kutob ko lang ito Manong, hindi pa naman sigurado. Baka gusto niya mawala sa landas niya si Rafael, para makuha niya ang kompanya,” pagdududa pa ni Ate na sabi kay Mang Jose.
“Hindi naman papayag si Sir Rafael, na makuha ni Ma’am Victoria ang kompanya. Makakahanap din tayo ng ebidensya na kung talagang may kinalaman si Ma’am Victoria sa aksidente na nangyari kay Sir,” sabi pa ni Mang Jose.
Marami pa silang pinag-uusapan habang ako tahimik lang at inaayos ang pagkain ni Ate. Lumipas ang ilang minuto ay nagpaalam na si Mang Jose na umuwi na dahil marami pa siyang aasikasuhin, ngunit nangako naman siya kay Ate na wala siyang pagsasabihan kay sa pinsan pa ni Rafael na nagngangalang Alexander.
Nang umalis na si Mang Jose ay saka naman ako senermonan ni Ate.
“Baka sa susunod si Rafael na ang dalhin mo rito, Elena? Saka sabi ko sa’yo huwag mo na akong alalahanin dahil kaya ko na ang sarili ko.”
Napakibot na lang ako ng aking sarili sa sermon ni Ate.
“Gusto ko lang naman na matikman mo itong luto ko, Ate,” wika ko sa kaniya.
“Ang kulit mo talaga. Pero sa susunod huwag mo na ako dalhan, okay? Kumusta si Rafael, alam niya ba na umalis ka?” tanong ni Ate sa akin at mabuti na lang kinain niya ang mga dala kong pagkain sa kaniya.
“Okay, naman siya. Himala nga at natanghali siya ng gising. Pag-alis ko sa kwarto pa rin niya siya,” kwento ko kay Ate.
“Baka naman masama ang pakiramdam niya o nagtatampo? Ganiyan siya kapag masama ang pakiramdam o ‘di kaya nagtatampo.” Natameme ako sa sinabi ni Ate.
Marahil nagtatampo nga iyon si Rafael dahil mukhang nabitin siya kagabi. Hindi ko naman pwede sabihin kay Ate kung ano ang tinatampororot ng boyfriend niya. Muntik na ako makalimot kagabi, kaya hindi ko iyon pwede sabihin sa kaniya. Ayaw ko masaktan siya na sa halip na siya ang hinahalikan ng boyfriend niya ay ako itong pinanggigilan ni Rafael.
“E-ewan ko, Ate. Hindi naman siguro siya nagtatampo. Baka nga masama ang pakiramdam niya,” pagdadahilan ko na lang kay Ate.
“Umuwi ka na at tingnan mo si Rafael. Hindi mo dapat siya iniiwan. Alam mo naman na bulag ang tao. Hayaan mo na ako rito at huwag mo na ako araw-arawin na dalawin. May mga nurse naman na nag-aasikaso rito sa akin. Sige na, umuwi ka na Elena,” pagtataboy naman ni Ate sa akin.
Hindi ako nagpakita na malungkot ako. Alam ko na gusto ni Ate makita niya na palagi akong masaya. Ayaw niya makita na pinaghihinaan ako ng loob.
“Sige, bahala ka. Hindi na kita dadalawin rito. Hindi na rin kita dadalhan ng mga masasarap kong luyo,” kunwari nagtatampo kong sabi sa kaniya at pinakibot ko pa ang aking labi.
“Sus, magtatampo-tampo ka pa riyan. Hali ka nga. Payakap nga ako sa’yo,’’ agad naman na paglalambing ni Ate sa akin.
Ngumiti naman ako at lumapit sa kaniya saka yumapos sa baywang niya.
Niyakap ako ni Ate ng mahigpit na para bang ayaw niya akong mawala sa kaniya. Sobrang higpit ng yakap niya na parang miss na miss niya ako.
Hinahagkan-hagkan niya pa ang tuktok ng ulo ko.
“Palagi mo tandaan na mahala na mahal kita, Elena. Ayaw ko na nakikita na nasasaktan ka at nalulungkot. Ipagpatuloy mo ang buhay mo at mga pangarap natin kahit wala na ako,” bilin niya sa akin na unti-unting nagpapapunit sa puso ko.
“Mahal na mahal din kita, Ate. Siya, sige na. Baka hinahanap na ako ng boyfriend mo at baka magalit iyon. I love you, Ate,” nakangiti kong paalam sa kaniya at hinagkan siya sa kaniyang pisngi.
Matamis naman ang mga ngiti niya sa akin at hindi ako nagpapahalata na nasasaktan ako ng sobra. Nakangiti nga ako sa kaniya subalit umiiyak naman ang kalooban ko.
“I love you, too. Ingat ka ha?” sabi pa nito sa akin.
Bago pa pumatak ang mga luha ko ay lumabas na ako sa kaniyang silid.
Habang naglalakad ako sa pasilyo ng hospital ay doon na pumatak ang aking mga luha.
Kahit sinong kapatid na makita sa ganoong sitwasyon ang kapatid mo ay maiiyak ka talaga. Lalo na sa akin niya pa hinabilin ang boyfriend niya.
Bago ako pumara ng taxi ay inubos ko na muna ang mga luha sa akin mga mata. Ayaw ko na sana umiyak, pero hindi ko naman mapigilan.
Gustuhin ko man ilaan ang mga oras ko kay Ate, subalit siya naman itong may ayaw.
Pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Siguro lampas ala-una na ng hapon ako umuwi.
Laglag ang mga balikat ko na pumasok sa loob ng mansion.
Subalit sinalubong naman ako ng malamig na mga katanungan ni Samuel.
“Saan ka galing?” tanong nito na nakaupo sa coach.
“Nagpahangin lang,” sagot ko sa kaniya.
“Kailan ka pa natuto magsinungaling sa akin, Miranda?” Nagulat ako sa tanong niyang iyon at sa tono ng boses niya.
Kinumpas-kumpas ko pa ang kamay ko sa malapit sa mata niya. Baka kasi nagpapanggap lang siya na hindi makakita.
“A-anong klaseng tanong ‘yan Rafael?” balik kong tanong sa kaniya.
“Kanina pa ako tumatawag sa’yo! Pati sa cellphone mo. Tapos narinig ko ang taxi na huminto sa labas ng gate. Kaya, huwag ka magsinungaling sa akin. Saan ka galing?” muli niyang tanong na may pagdududa.
“Pagod ako, Rafael. Kumain ka na ba?” mahinahon kong sabi sa kaniya dahil sa totoo lang pagod talaga ako lalo na ang puso ko dahil sa nangyayari kay Ate. Pati utak ko pagod na rin.
“Saan ka pagod, ha? Ayaw sana kitang pagdududahan, pero hindi mo ako masisisi. Baka isang araw malaman ko na lang na buntis ka sa iba!”
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Rafael dahil sa sinabi niya.
“Akala ko mahal mo ako. My God, Rafael. Paano mo nasasabi iyan, ha? Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin?” naiinis kong tanong sa kaniya.
Ngayon ko lang na realize na ganito kakitid pala ang isip niya.
Gumalaw ang panga niya sa pagsampal ko at tanong sa kaniya.
“Hinahanda ko lang ang sarili ko, Miranda. Hindi malabo na ipagpapalit mo ako sa iba. Hinihintay ko na nga lang na sabihin mo sa akin na tapos na tayo, eh. Kasi may nahanap ka ng iba!”
Napapikit na lang ako ng aking mga mata sa mga sinasabi niya. Paano niya nagawang pagdudahan si Ate, eh halos ginagawa na nga ni Ate ang lahat para sa kaniya.
“Alam mo kung ano ang problema sa’yo, Rafael? ‘Yang makitid mong utak at walang tiwala sa akin. Hayaan mo dahil kapag nakakita ako ng iba sasabihin ko kaagad sa’yo! Masyado kang mapanghusga!” naiinis kong sabi sa kaniya.
Hindi ko sana siya papatulan subalit tao rin naman ako na nauubos ang pasensya.
“Eh ‘di sinabi mo rin ang totoo!’ hirit pa nito sa akin.
“Ewan, ko sa’yo! Bahala ka sa buhay mo!” sabi ko sa kaniya at tinalikuran siya. Nagtungo ako sa aking silid at nagbihis. Bahala siya sa buhay niya. May tinatago rin pa lang kasungitan ang lalaking iyon. Ayaw ko na pinagdududahan niya si Ate.
Nang makabihis na ako ay nagtungo ako sa kusina. Hindi talaga siya kumain. Ayaw ko naman makipag-usap sa kaniya dahil baka saan pa mapunta ang usapan namin.
Hinayaan ko siya na walang kinain. Hindi rin ako kumain ng tanghalian. Hanggang sumapit ang gabi nagluto na ako subalit hindi naman siya kumain. Hindi kami nagpapansinan. Wala rin akong balak pansinin siya.
Nasa likod ako ng mansion nagduduyan nang marinig ko na parang may mga nabasag sa loob. Dali-dali akong pumasok at tiningnan kung ano ang nangyari.
“Nakita ko si Rafael na magtitimpla sana siya ng kapr. Nahiya siguro siya mag-utos sa akin kaya sinarili niya na lang. Nahulig ang tasa niya sa sahig.
“Huwag ka muna humakbang at baka masugatan ang paa mo. Bakit kasi hindi ka nagsabi na gusto mo ng kape?” naiinis kong tanong sa kaniya, ngunit naawa rin naman ako sa kaniya.
“Maigi na sanayin ko ang sarili ko na magtimpla ng kape mag-isa,” masungit niyang sagot sa akin.
Hindi ko na lang siya pinatulan at kinuha ko na lang ang basag na tasa.
Nilagay ko iyon sa garbage bag. Pagkatapos bumalik ako sa kinaroroonan niya.
“Hindi ka kumain kaninang tanghali, pati ba naman sa hapunan hindi ka rin kakain?” tanong ko sa kaniya na nag-aalala.
“Wala akong gana kumain,” malamig niyang sagot sa akin.
“Rafael, nama. Mag-iinarte ka pa ba? Mamaya ka na magkape. Kumain na muna tayo dahil nagugutom na ako,” turan ko sa kaniya baka sakaling makonsensya rin siya dahil hindi rin ako nakakain.
“Eh ‘di, sana kumain ka na pagkatapos mo magluto dahil wala naman sa akin ang kaldero,” pilosopo pa nitong sagot sa akin.
Kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko sumuko na talaga ako. Pasalamat na lang siya at gwapo siya kahit magsusuplado pa siya. Bukod doon maswerte siya dahil mahal ko siya.
“Maghahanda na ako ng pagkain natin, kaya kakain tayo,” sabi ko pa sa kaniya.
“Kakain ako kung kailan ko gusto!” masungit niyang sagot sa akin.
Nawalan na rin ako ng gana kumain kaya hindi na ako kumain.
Ang masungit na boyfriend ni Ate ay pumasok na rin sa silid niya. Hindi ko alam kung bakit nagsusungit siya. Hindi ko alam kung paano siya naha-handle ni Ate kapag nag-aaway sila. Wala naman akong experience sa pagbo-boyfriend at hindi ko alam kung anong first move ang gagawin ko.
Bahala na nga dahil pagod ang isip ko ngayon. Tingnan ko kung sino sa aming dalawa ang susuko.