Epusode 10

2237 Words
Chapter 10 ELENA Nakunot ang noo ni Ate dahil sa tanong kong iyon sa kaniya. “Alam na ni Rafael, kung hanggang saan lang ang limitasyon namin hanggang hindi kami kasal. Kumain ka na ba? Sabayan mo kaya ako sa pagkain,” alok niya sa akin habang inaayos ko ang dinala kong pagkain para sa kaniya. Halata naman na umiiwas siya pag-usapan ang tungkol sa tanong kong iyon. Ewan, ko ba bakit tinanong ko pa iyon kay Ate! "Sige, Ate. Sasabayan na kita sa pagkain," naka ngiti kong tugon sa kaniya kahit ang totoo nakakain na ako. “Ito pala ang mga bibilhin mo. At huwag mo kalimutan bilhan ng vitamins si Rafael. Bumili ka rin ng vitamins mo, para hindi ka magkasakit at lumakas ang immune system mo," bilin pa ni Ate sabay abot niya ng listahan ng mga bibilhin ko. Kinuha ko iyon sa kamay niya at nilagay sa bulsa ko. Pasensiya na Ate kong ngayon lang ako nakadalaw sa'yo, ha? Kung ano-ano kasi ang masamang iniisip ni Rafael, kapag hindi niya ako nararamdaman sa bahay," sabi ko kay Ate at nagsimula na kaming kumain. "Iyan na nga ang sinasabi ko sa’yo na huwag mo siyang iwanan dahil kahit bulag ‘yon malakas ang pakiramdam niya. Hayaan mo lang kapag nagtatampo siya dahil siya naman ang kusang hihingi ng sorry sa’yo." Tumango lang ako sa sinabi ni Ate. Kaya pala sinabii ni Rafael na naninibagi siya noong humingi ako ng paumanhin sa kaniya? “Kailangan ihanda mo ang mga gamit ni Rafael. Nakausap ko na ang doktor niya. Any time puwede ng mailipat ang mga mata ko sa kaniya. Sa susunod na linggo may check up siya. Kaya, samahan mo siya, ha? Kailang r-condition niya ang katawan niya at matulog siyang maaga. Huwag siyang magpupuyat,” bilin pa ni Ate sa akin. Tumango-tango na naman ako sa bilin niyang iyon. “Saka huwag mo pala siyang hayaan na uminom ng alak. Palagi mong e-check ang silid niya at baka may nakatagong alak,” dugtong pa na bilin ni Ate. “Opo, Ate. Pero huwag mo akong pigilan na dalawin ka dahil gusto ko lang din naman kasi na makasama ka habang nandito ka pa. Darating kasi ang araw na iiwan mo ba ako,” maluha-luha kong sabi kay Ate. “Kahit mawala man ako sa mundo, alam ko na palagi niyo pa rin akong kasama ni Rael dahil palagi lang ako nariyan sa puso ninyong dalawa. At gusto ko kapag nawala na ako ayaw kong makita ako ni Rafael na nasa kabaong ako. Ayaw ko dagdagan ang pighati na mararadaman niya dahil sa pagkamatay ko. Kaya, ang gusto ko bago makakita si Rafael, nailibing na ako,” masakit na bilin ni Ate sa akin. Hapang sumusubo ako ng kanin ay sunod-sunod naman ang pagpatak ng aking mga luha. Masakit na katotohanan na iiwan na talaga ako ni Ate. At hindi ko alam kung paano ko iyon haharapin. Hindi ko alam kung paano mabuhay mag-isa. "Elena. Kumakain tayo. Kaya huwag kang umiyak. Paano ako aalis ng payapa kapag ganiyan ka? Kaya, ayaw ko na pumupunta ka rito dahil ayaw ko makita na umiiyak ka.” Lalo pa akong napahagulgol sa sinabing iyon ni Ate. Huminto ako sa pagkain at yumakap sa kaniya. "Ate, ayaw kong mawala ka. Hindi ba puwede na tumanda muna tayo, tapos sabay na lang tayong maglaho sa mundong ito?” hagulgol na sabi ko kay Ate Miranda. Hinagod-hagod ni Ate ang likod ko. “Buhay pa nga ako iniiyakan mo na ako. Tumahan ka na. Kung hawak lang sana natin ang mga buhay natin pwede, eh ‘di, sana kahit hanggang sa pagtanda natin magkasama pa rin tayo. Gusto ko magpakatatag ka, Elena. Alagaan mo ang sarili mo,’’ paglalambing pa ni Ate sa akin. Kumalas ako ng yakap sa kaniya at pinunasan ko ang aking mga luha. “Sorry, Ate. Hindi ko kasi mapigilan na hindi umiyak. Paano na lang ako kapag wala ka na?’’ tanong ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. “Kapag wala na ako magpatuloy ka sa buhay mo. Magpatuloy kayo sa buhay ninyo ni Rafael. Hinahabilin ko na siya sa’yo, bunso.” Napaawang ang labi ko sa sinabing iyon ni Ate. “Anong ibig mong sabihin, Ate?’’ nagtataka kong tanong sa kaniya. “Hindi ba crush mo si Rafael? Hindi ako magagalit kung mamahalin mo siya at mamahalin ka rin niya. Mas gusto ko pa nga na sa kaniya ka magkagusto o kayong dalawa ang magkatuluyan dahil alam ko at nasisigurado ko na magiging maganda ang buhay mo sa kaniya.’’ Hindi ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Ate sa akin. “Ate, naman! Crush lang naman ‘yon. Saka marami ang nagka-crush kay Rafael. Saka ikaw lang ang mahal niya, Ate. At kapag nakakita na siya aalis ako at ipagpatuloy ang mga pangarap natin,’’ saad ko kay Ate. Hinaplos naman niya ang pisngi ko. “Basta kung saan ka masaya doon ka. Mahal na mahal kita, Elena. Gusto ko ang mapabuti ka. Tama na nga itong drama. Tapusin na natin itong pagkain natin pagkatapos umalis ka na. Baka mamaya pag-iisipan ka na naman ni Rafael, na may kinakatagpong lalaki,’’ nakangiting sabi ni Ate. Natawa na lang din ako sa sinabi niya. Tinapos na namin ni Ate ang pagkain at umalis na rin ako pagkatapos. Tumuloy na ako sa mall para mamili. Habang tulak-tulak ko ang cart ay may bigla na lang kumalabit sa akin. “Elena, ikaw na ba ‘yan?’’ Napalingon ako sa pamilyar na boses. “Kuya Nathan? Kumusta ka na?” Ang lawak ng mga ngiti ko ng makita ko si Kuya Nathan. Siya ang kapit bahay namin dati. Maliit pa lang ako noon. Magka-klase sila ni Ate Miranda at magkabarkada rin. “Dalagang-dalaga ka na, ah? Nag-aalangan pa ako na batiin ka, pero hindi talaga ako nagkakamali at ikaw talaga ‘yan. Kumusta ka na? Ang Ate mo kumusta na?’’ nakangiti niyang tanong sa akin. “Ayos lang po ako, Kuya Nathan. Okay lang din po si Ate. Kayo po, kumusta na?’’ balik kong tanong sa kaniya. Hindi ko na sinabi sa kaniya ang tungkol sa nangyari kay Ate Miranda. Alam ko naman na ayaw ni Ate ipagsabi ang tungkol sa sakit niya. “Ayos naman ako at may mga anak na. Heto nga at naghahanap ako ng Yaya ng triplets ko,’’ sagot niya sa akin. Namangha ako sa sinabi niya. “Wow, triplets po ang anak ninyo? Ang galing mo naman, Kuya!’’ mangha kong sabi sa kaniya. “Ikaw, may asawa ka na? Ang Ate mo kailan sila magpakasal ni Rafael?’’ Nagulat ako sa tanong na iyon ni Kuya Nathan. Ibig sabihin kilala niya si Rafael? “Ahmm, malapit na rin siguro. Kilala mo pala si Rafael?’’ tanong ko sa kaniya, “Oo, naman! Ako kaya ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ng Ate mo. Saka kasusyo ko si Rafael sa ibang negosyo. Wala na nga akong balita sa kanila ng Ate mo simula noong naaksidente si Rafael. Ang alam ko nasa America raw silang dalawa?’’ tanong pa ni Kuya Nathan sa akin. Hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko kay Kuya Nathan. “Oo, nasa Amerika sila ni Ate. Nagbakasyon lang ako rito, pero babalik din ako sa Amerika,’’ pagsisinungaling ko kay Kuya Nathan. “Ganoon ba? Kumusta mo na lang ako sa kanilang dalawa, ha? Paano at magbabayad na ako sa cashier nitong mga gatas ng anak ko,’’ paalam na ni Kuya sa akin. “Sige, Kuya. Ingat po kayo,’’ nakangiti ko na lang sabi sa kaniya. Hindi ko na naitanong kung saan ang asawa niya. Hindi ko talaga alam kung ano ang mga nangyayari. Bakit sinasabi ni Kuya Nathan na nasa Amerika si Ate at Rafael? Alam kaya niya na nabulag si Rafael? Pagkatapos ko na bilhin ang mga dapat kong bilhin ay umuwi na ako. Sakto naman pagdating ko nariyan si Mang Jose, kaya tinulungan niya na ako bitbitin sa loob ang mga pinamili ko. Saan si Rafael, Manong?’’ tanong ko kay Mang Jose. “Naroon sa likod ng bahay nagduduyan. Kanina pa nga iyon naghihintay sa’yo. Ang tagal mo raw nag-aalala pa iyon baka ano na raw ang nangyari sa’yo,’’ sabi pa ni Manong sa akin. Napangiti na lang ako na pinatong sa lamesa ang bitbit ko na eco bag. Marunong din pala mag-aalala ang masungit na iyon. “Manong, may kilala po ba kayong Nathan?’’ tanong ko kay Mang Jose. “Ah, si Sir Nathan Castillo?’’ tanong pa nito sa akin. “Opo,’’ sagot ko kay Manong sabay tango-tango. “Magkasosyo sila sa maraming negosyo. Kaibigan sin iyon ni Alexander, ‘yong pinsan ni Sir Rafael na asawa naman ng anak ko. Hindi nga nila alam ang nangyari kay Rafael, pero alam na ni Alexander ang nangyari sa kaniya. Balak nga nila bisitahin si Sir Rafael, kaso sinabi ko na nasa ibang bansa ngayon si Sir Rafael. Alam mo naman na sinunod ko lang ang bilin ng Ate mo. Baka kasi malaman ni Ma’am Victoria at maudlot pa ang operasyon ni Sir Rafael,” turan naman ni Mang Jose sa akin. Sang-ayon naman ako sa sinabi ni Mang Jose. Lalo na at ilang beses na nga raw naudlot ang operasyon ni Rafael. “Saglit lang Manong, puntahan ko muna si Rafael. Kumuha ka na lang riyan kung ano ang gusto mong meryendahin,” paalam ko kay Mang Jose at nagtungo ako sa likod ng bahay. Nakita ko na nagduduyan si Rafael. Hindi ko alam kung tulog siya o gising dahil may suot siyang sun glasses. “Rafael, nandito na ako,” sabi ko sa kaniya. “Bakit ang tagal mo?” medyo masungit niyang tanong sa akin. “Syempre, nag-iikot pa ako sa kahahanap ng mga bibilhin. Nahilo na nga ako sa kakaikot. Saka dumaan ako sa doktor mo. Kailangan daw e-condition mo ang katawan mo dahil malapit ka ng operahan. Naghahanda lang ang magdo-donate ng mga mata mo,” wika ko sa kaniya sa mahinahon na boses. Kumibot-kibot ang mga labi niya at nagsalubong ang mga kilay niya. “Sino ba ‘yang magdo-donate ng mata ko? Saka bakit niya e-donate ang mga mata niya sa akin?” tanong nito na alam ko darating ang araw na ito na itatanong niya ang tungkol sa magdo-donate ng mga mata niya. “May cancer siya at may taning na ang buhay niya. Actually may bayad ang mga mata niya. At nangako ako na pagkatapos ng operasyon mo ibibigay ko sa pamilya niya ang pera. Hindi ka naman siguro tutol na bayaran siya dahil maiiwan naman niya iyon sa pamilya niya,” pagsisinungaling ko kay Rafael. Tutol man ang kalooban ko na bayaran niya ang mga mata ni Ate, ngunit iyon ang alam kong paraan na maka-survive ako kapag nawala na si Ate. Ubos na ang pera niya dahil sa gamot pa lang niya buti nga lang at libre ang hospital bill niya. At para lang makapagtapos ako sa pag-aaral kailangan ko ang ibabayad ni Rafael. “Magkano ang ibabayad natin sa kaniya?” seryoso niyang tanong sa akin. “Isang milyon. Iyon kasi ang sinabi ko sa kamag-anak niya,” sabi ko pa sa kaniya. “Sige, bayaran mo sila ng one point five million. Basta siguraduhin lang nila na hindi sila uurong sa araw ng operasyon ko. Saka sabihin mo nakikiramay ako ngayon pa lang sa magbibigay ng mga mata ko,” wika niya sa akin. Parang sinasaksak na naman ang puso ko sa sinabi ni Rafael. Kung alam niya lang na si Ate ang nakikiramayan niya, baka hindi niya pa matanggap. “Sinisigurado ko sa’yo na hindi na mauudlot ang operasyon mo, Rafael. Siya nga pala binilhan na rin kita ng vitamins mo. May gusto ka bang meryendahin?” tanong ko sa kaniya. “Busog pa ako dahil nagkape kami ni Manong. Puwede bang lumapit ka sa akin?” malqmbing niyang tanong sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya at naupo sa duyan. Napaigtad ako ng yakapin niya ako sa akin baywang. “Sorry, Babe,” hingi niya ng paumanhin sa akin. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa paghingi niya ng sorry. “Naiintindihan kita, Babe. Sorry din,” malambing ko rin na paghingi ng sorry sa kaniya. Hinaplos-haplos naman niya ang aking buhok at inamoy-amoy ito. “Sana huwag mong isipin na s*x lang ang habol ko sa’yo. Sorry kung naging mapusok ako at sorry sa mga masasakit kong sinabi. Mahal kita, Babe. Kaya patawarin mo sana ako.” Napangiti ako sa sinabing iyon ni Rafael. Ramdam ko ang kaseryosohan niyang paghingi sa akin ng paumanhin. “Mahal din kita, Rafael. Naiintindihan kita, kaya wala kang dapat ipag-alala. Hayaan mo kapag kasal na tayo ibibigay ko sa’yo ang pangangailangan mo. Sorry kung madamot pa ako sa ngayon,” mahinahon ko rin na paghingi sa kaniya ng paumanhin. Naging mahigpit pa ang pagyakap niya sa akin baywang. “Basta kahit ano natin tampuhan ipangako natin sa isa’t isa na hindi tayo maghihiwalay. Ipangako mo na hindi mo ako iiwan dahil pinapangako ko na hinding-hindi kita iiwan.” Masarap ang mga salita niyang iyon sa aking pandinig. “Promise, hinding-hindi tayo maghihiwalay. Lagi mong tandaan saan man ako pumunta palagi mo pa rin akong kasama hangga’t nariyan pa rin ako sa puso mo,” wika ko sa kaniya na iniisip ko na ako si Ate. Dahil alam ko na iyon naman ang sasabihin ni Ate sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD