CHAPTER 26 ELENA Nakaawang ang mga labi ko na nakatingin kay Rafael. Umaasa siya na sasabihin ko na nag apanggap lang ako na kaniyang nurse. Hindi ko siya masisi kung isipin niya iyon. Boses ko ang naririnig niya na kahawig din ng boses ni Ate. Kahit nga sa tindig, pananamit at mukha ay magkahawig kami ni Ate Miranda. Ang pabango lang namin ang magkaiba ngayon. Hindi ko na ginagamit ang pabango ni Ate. Ang paborito kong pabango na oil base sampaguita ang ginagamit ko. "Ano naman po ang mapapala ko Sir, kung magpapanggap ako? Kung girlfriend po ninyo ako nakaraang araw ko pa po kayo niyakap at hinalikan. Elen, po ang pangalan ko. Masyado niyo lang po siguro nami-miss ang girlfriend ninyo. Marami naman po kasi na magkahawig ang boses. Pero marahil mas 'di hamak na maganda naman siguro ak