CHAPTER 27 RAFAEL Walang mapagsdian ang tuwa na aking naramdaman ng sinabi ng aking nurse na sa susunod na araw tatanggalin na ang benda sa aking mga mata. May kalumbayan man na hindi ko maipaliwanag na aking nararamdaman, ngunit natakpan iyon ng tuwa dahil sa wakas makakakita na ako. Parang gusto ko ng hilahin ang mga oras at araw Ang pangungulila ko kay Miranda, malapit ng matapos. Umaasa ako na bukas o sa susunod na araw mahahawakan ko na ang kaniyang mga kamay. Mayakap muli at madama ang kaniyang labi. Maramdaman muli ang mahigpit niyang yakap. Ano man ang dahilan niya kung bakit kahit pagtawag sa akin ay hindi niya magagawa tatanggapin ko kung ano man ang paliwanag niya. Naging maaliwalas ang aking pakiramdam ng tanggalin ng nurse ang aking begote. Gumaan din ang pakiramdam ko ng