Episode 3

2417 Words
Chapter 3 ELENA Kinaumagahan maaga ako nagising upang paglituan si Rafael. Gusto ko rin puntahan si Ate sa hospital. Hindi pwede na gayaan ko lang siya mag-isa na harapin ang sakit niya. Pagsapit na nga ng alas-sais ng umaga ay lumabas na si Rafael sa kaniyang silid. Nangangapa siya na pumapasok dito sa kusina. "Babe, ikaw ba 'yan?" tanong nito na si Ate Miranda ang tinutukoy niya. "Oo, Babe. Nagluto na ako ng almusal mo hanggang tanghalian," sagot ko sa kaniya. Pinagmamasdan ko ang madilim niyang mukha ngunit litaw pa rin ang kagwapuhan nito. Umupo na siya sa kaniyang upuan. Nakahanda na rin ang pagkain sa lamesa. "Hanggang tanghalian ko? Aalis ka ba?" malumanay nitong tanong sa akin. "Oo, mamaya pa ako makabalik. Uuwi lang ako sa bahay dahil may kukunin oang akong gamit," pagsisinungaling ko kay Rafael. Ang totoo pupunta ako sa Ate ko na girlfriend niya. "Puwede bang huwag ka na muna umalis? Dito ka lang, Babe. Please?" paglalambing nito sa akin. Sininyasan niya ako na lumapit sa kaniya at iyon naman ang ginawa ko. Nang mahawakan niya na ako sa aking kamay ay bigla niya akong hinila kung kaya't napaupo ako sa kandungan niya. Bumibilis ang pintig ng puso ko sa ginawang iyon ni Rafael sa akin. "Don't leave me, babe, please?" muli niyang pakiusap sa akin na may kasamang paglalambing. "Babe, saglit lang naman ako aalis. Babalik din ako mamaya," paliwanang ko naman sa kaniya. Kanina ay mahigpit ang yakap niya sa aking baywang, subalit bigla na lang iyon lumuwag nang marinig niya ang sagot ko. "Sige, alam mo naman na hindi ako ang priority mo," sabi nito na may halong pagtatampo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Subalit tumayo na lang ako at nilagyan ng kanin ang plato niya. Nilapit ko na rin ang kape sa tabi niya na tininpla ko para sa kaniya. Nakikita ko sa mukha niya ang pagtatampo. "Babe, huwag ka naman magtampo, oh. Saglit lang talaga ako. Babalik din naman agad ako," pakiusap ko sa kaniya. Lalo lang naging malamig ang mukha niya sa sinabi ko. "It's okay, I understand," malamig niyang tugon sa akin. Kung alam niya lang na si Ate Miranda ang pupubtahan ko. At paano kung malaman niya na hindi ako si Ate Miranda? "Bakit kakaiba ang luto mo ng adobo? Dati hindi ka naglalagay ng maraming suka, pero bakit umaapaw ang suka sa adobo ba niluto mo?" nagtataka nitong tanong sa akin. Nakalimutan ko na hindi pala gaano naglalagay ng suka si Ate. Napakagat na lang ako ng aking labi at nag-iisip kung ano ang isasagot ko kay Rafael. "Nabuhusan ko kasi ng maraming suka kanina. Pangit ba ang lasa?" tanong ko sa kaniya. "Masarap naman siya. Pero mas gusto ko ang luto mo na hindi gaanong maasim," sagot niya sa malamig na boses. "Sige, sa susunod pagbutihin ko na. May gusto ka bang ipabili?" muli kong tanong sa kaniya. "Wala naman. Tumawag ba si Tita? Kumusta na kaya ang kompanya?" tanong ko sa ianiya na hindi ko naman masagot-sagot dahil wala naman akong alam tungkol doon. Wala naman sinabi si Ate tungkol sa bagay na iyon. "Hindi naman tumawag ang Tita mo. Saka maayos naman ang kompanya," sagot ko na lang sa tanong niya. Hindi na siya umimik. Kunain na lang siya Habang ako naman ay umupo sa harap niya. Nagkape lang ako at hindi na ako kumain ng kanin. Habang humihigop ako ng kape ay hindi maalis-alis ang paningin ko kay Rafael. Kahit bulag ang kaniyang mga mata ay hindi man lang nabawasan ang kaniyang kagwapuhan. "Maghahanap ako ng donor sa mga mata mo, Rafael. Makakakita ka ulit at magagawa mo na ang mga dati mong ginagawa," sabi ko sa kaniya na puno ng pag-asa. Gusto ko magkaroon pa siya lalo ng pag-asa na muli siyang makakita. "Paulit-ulit mo sinasabi iyan, Miranda. Pero ilang beses na ba tayong pinaasa at nabigo? Sa tuwing nagbabayaran na o hindi kaya sa tuwing isasagawa na ang operasyon ko palagi na lang silang umaatras. Hindi ko alam kung ano ang malaking nagawa ko para parusahan ako ng ganito. Alam mo at naging saksi ka kung gaano ako kabait sa kapwa ko. Maraming masasamang tao riyan na halang ang mga bituka, pero bakit hindi na lang sila ang nawalan ng paningin?" Naramdam ko ang hinagpis na nararamdaman ni Rafael. Naramdaman ko ang bigat na nararamdaman niya at nawawalang pag-asa. "Marahil may mga dahilan kung bakit ito nangyayari sa'yo, Babe. Pero hindi ibig sabihin ay mawalan ka na lang ng pag-asa. Pinapangako ko sa'yo makakakita kang muli," puno ng pag-asa na sabi ko sa kaniya. "Ayaw ko na umasa, Babe. At hindi na rin ako magugulat kung isang araw ay sasabihin mo na lang sa akin na aalis ka na sa buhay ko. Na may nahanap ka ng iba na mas higit pa sa akin at makaapagpapasaya sa'yo. Hindi na ako magugulat kung iwanan mo ako.' Napalunok ako ng sarili kong laway sa sinabing iyon ni Rafael. Kung alam niya lang ang tunay na kalagayan n Ate, ewan ko lang kung masasabi niya pa ang mga bagay na iyon. Kung alam niya lang na sa kabila ng dinadanas na sakit ngayon ni Ate ay siya pa rin ang iniisip nito. At alam ko na masasaktaan si Ate kapag narinig niya ang sinabi ni Rafael. "Wala ka bang tiwala sa akin, Rafael? Ganiyan ba ang tingin mo sa akin? Kung mahal mo ako, hindi mo ako pag-iisipan ng ganyan. Noong unang araw na nabulag ka hindi mo na sana tako naramdaman pa. Ginagawa ko ang lahat para sa relasyon natin. Hindi ako sumusuko na maghanap ng donor mo dahil umaasa ako na makakakita ka pa. Tapos iyan pa ang sasabihin mo sa akin?" Panunumbat ko sa kaniya na iniisip ko na lang na ako si Ate Miranda. Alam ko kung gaano kamahal ni Ate si Rafael. Alam ko rin na ayaw ni Ate na panghinaan ng loob si Rafael dahil siya ang unang masasaktan. 'I'm sorry, Babe. Inaamin ko na natatakot ako na dumating ang araw na iyon. Ang bigla mo na lang maramdaman na unti-unti ng nawawala ang pag-ibig mo sa akin dahil sa kalagayan ko. Natatakot ako na sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal dahil isa na akong inutil," sabi pa nito sa akin. Nakaramdam ako ng awa para kay Rafael. Tumayo ako at lumapit sa kaniya saka niyakap siya ng mahigpit. "Hinding-hindi mangyayari iyon, Babe. Mahal na mahal kita at mag-sasama tayo hanggang sa pagtanda natin. Makakakita ka pa at hindi ka isang inutil. kahit hindi ka pa makakakita, ako ang magsisilbi na mga mata mo subalit gagawin ko ang lahat para nakakakita ka. Makikita mo pa ang mga magiging anak natin," sabi ko sa garalgal na boses. Ang mg salita kong iyon ay galing mismo sa aking puso. Hindi dahil sa nagpapanggap ako bilang si Miranda. "Salamat Babe. I'm sorry," Hingi ng paumanhin ni Rafael, at hinagkan ako nito sa aking noo. Kitang-kita ko kung gaano niya kamahal si Ate Miranda. Ang hindi niya alam matapos na magwawakas ang lahat sa kanila dahil sa karamdaman ni Ate. Natapos si Rafael sa pagkain na may mga ngiti sa labi. Kahit alam ko na mabigat pa rin sa kaniyang loob ang nangyayari sa kaniya, kaya tama si Ate. Huwag ko na dagdagan ang bigat na nararamdaman ni Rafael. Hindi dapat malaman ni Rafael ang kalagayan ni Ate Miranda. Pagkatapos kong ihigpit ang pinagkainan ni Rafel ay gumayak na rin ako para umalis na. Mabuti na lang pumayag siya na umalis ako. Sinigurado ko naman na may makain siya mamaya. Mabuti na lang paglabas ko ng gate ay may dumaan naman na taxi. Pinara ko iyon ay nagpahatid ako so Las Palmas hospital, kung saan naroon si Ate Miranda. Pagdating ko sa hospital agad kong hinanap ang silid ni Ate. Nagulat pa ito nang pumasok ako sa kaniyang silid. May nakakabit na dextrose kaniyang kamay. "Elena, anong ginagawa mo rito?" nagtataka niyang tanong habang nakahiga siya. "Ate?" Agad akong lumapit sa kaniya saka niyakap siya ng mahigpit. Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko na nag-iisa lang siya na hinaharap ang sakit na nararamdaman niya. "Ate, samahan kita, rito," mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya. "Elena, hindi puwede. Gusto ko mag-isa ako rito. Ang bilin ko sa'yo, iyon ang susundin mo. Nakausap ko na ang doktor ni Rafael. Ano mang oras ay pwede na ako mawala. Gusto ko malipat na ang mga mata sa mga mata ni Rafael, Elena. Huwag mo syang pababayaan, Elena. Huwag mong ipaalam kay Tita Victoria ang tungkol sa operasyon ni Rafael. At kapag oras na makita ka nila na kasama si Rafael, sabihin mong Ikaw si Miranda Welson. Kung sakali lang naman. Hindi pa nila ako nakikita ng personal. Malakas ang kutob ko na siya ang may pakana sa aksidenteng nangyari kay Rafael. Bantayan mo si Rafael, para sa akin hanggang sa makakita siya. Kapag nakakita na siya, magiging malaya ka na," mahaba-habang pakiusap ni Ate Miranda sa akin. Kahit tutol man ako sa mga pakiusap niya subalit hindi ko ipagkakait ang huling kahilingan niya sa akin. "Wala na ba talagang pag-asa na gumaling ka, Ate?" umiyak ko na tanong sa kaniya. Hinaplos niya ang aking pisngi at pinunasan ang aking mga luha. "Malapit ng matapos ang oras ko sa mundong ito. Ilang buwan, oras, araw o taon na lang ang natitira kong panahon sa mundo. Hindi ko pa nga alam kung maabutan pa ako ng isang taon. Ayaw ko na nalulungkot ka dahil sa kalagayan ko, Elena. Ipangako mo sa akin na magtatapos ka sa pag-aaral mo kahit wala na ako. At ngayon pa lang nagpapasaamat na ako sa'yo dahil sa pag-aalaga mo kay Rafael. Alagaan mo siya hanggang sa makakita siya. Ipangako mo rin sa akin na alagaan mo ang sarili mo, Elena. Masaya ako na mawawala sa mundong ito, basta nasa maayos kayo ni Rafael." Muli na naman tumulo ang mga luha ko sa mga sinabi na yon sa akin ni Ate Miranda. Napatango-tango na lang ako at hindi ko na nagawang magsalita pa dahil sumisikip lang ang aking dibdib. Muli ay niyakap ko siya ng mahigpit. Parang hindi ko matanggap na mawawala na siya sa akin. Dalawa na lang kami ang magkasama sa mundong ito, tapos iwanan niya lang din naman pa ako. "Matatanggap mo rin ang paglisan ko, Elena. Tandaan mo mahal na mahal kita. Gagabayan kita kapag kinuha na ako ng Panginoon. Huwag ka na malungkot, Elena. Ayaw kong makita na umiiyak ka dahil sa akin," wika ni Atr sa akin na nagpapadurog lalo sa puso ko Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinalikan iyon ng paulit-ulit. "Kumusta si Rafael?" tanong niya na siyang nagpatigil sa paghalik ko sa kaniya. "Okay naman siya, Ate. Nagtanong siya kung tumawag ang Tita Victoria niya. Saka kung kumusta na ang kompanya niya," sagot ko sa tanong niya. "Ano ang sinabi mo sa kaniya?" muli niyang tanong habang hinahawakan nya ang aking kamay. "Sabi ko ayos naman ang kompanya. Sinabi ko rin na hindi tumawag ang Tita niya," tugon ko sa tanong ni Ate. "Mabuti naman kung ganoon. Kapag sakaling tumawag man si Tita Victoria, sabihin mo nasa ibang bansa si Rafael. Wala kang ibang pagkakatiwalaan, Elena, kundi si Tito Jose lang at ang assistant ni Rafael na si Ella. Si Nathan, tama si Nathan ang partner niya sa isang negosyo niya. Mapagkakatiwalaan mo rin siya. Pero hindi alam ni Nathan ang nangyari kay Rafael. Hindi ko rin alam kung sino ang ibang kapag-anak ni Rafael maliban sa pinsan niya na si Alexander, pero hindi ko pa iyon nakikilala. Basta huwag mo ilapit si Rafael sa Tita Victoria niya. Naiintindihan mo ba ang bilin ko, Elena?" Tumanga-tango lang ako sa tanong ni Ate at sa mga pangalan na binanggit niya. Hindi ko naman kilala ang mga iyon, kaya paano ko naman ilayo si Rafael sa Tita Victoria niya? "Kumain ka na ba, Ate?" tnong ko sa kaniya para malihis ang usapan. "Hindi pa. Mamaya pa ako kakain. Si Rafael ba pinakain mo bago ka umalis?" tanong naman niya sa akin. "Opo,Ate. Ayaw nya sana na umalis ako, pero gusto kitang makita," wika ko kay Ate Miranda. "Dapat hindi ka na umalis. Baka nagtatampo iyon sa akin. Elena, ipangako mo sa akin na huwag mong pasamain ang loob ni Rafael. Ayaw ko na sumasama ang loob niya sa akin," pakiusap ni Ate Miranda sa akin. "Okay, lang kay Rafael na umalis ako, Ate. Huwag ka mag-alala dahil sundin ko lahat ng bilin mo." Ngumiti si Ate Miranda nang sabihin ko iyon. Hindi ko akalain na hahantong sa ganitong sitwasyon ang buhay namin ni Ate Miranda. Punong puno kami ng mga pangarap noon. Ang sabi pa namin kapag nakapagtapos ako ay magta-travel kami abroad. Tapos kapag ikasal siya sa boyfriend niya na walang iba kundi si Rafael, ako dapat ang maid of honor. Punong-puno kami ng mga pangarap na hindi na matutupad. At kung matupad ko man ang ibang mga pangarap namin siguradong hindi ko na kasama si Ate Miranda. "Elena, Honey, umuwi ka na. Baka naghihintay na si Rafael, sayo, Palagi mong ipabango ang pabango ko. Pati ang sabon at shampoo na ginagamit ko huwag mong kalimutan na iyon din ang gamitin. Kapag tumawag na sa'yo ang doktor ni Rafael ibig sabihin nakahanda na ang mga mata ko na ilipat sa kaniya," bilin pa ni Ate sa akin. Ang hirap sa loob ko na hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa hinaharap. Hindi ko alam kung paano harapin ang bukas na wala si Ate Miranda. Paano rin matanggap ni Rafael kapag nalaman niya na ang mga mata na ginagamit niya ay ang mga mata ng minamahal niya? Paano kung kailan siya muling makakita ay hindi niya na makikita si Ate Miranda? Paano kami ni Rafael na maiwan ni Ate? "Tatandaan ko po ang lahat ng mga bilin mo sa akin Ate. Puwede ba bukas na ako umuwi? Samahan na lang kita rito," paglalambing ko sa kaniya. Gusto ko kasi siya makasama, habang narito pa siya. "Elena, hindi puwede. Magtataka si Rafael, kapag hindi ako umuwi. Baka mamaya pag-isipan niya pa ako na may kalaguyong iba," nakangiting sabi ni Ate. Para sa kaniya biro lang iyon, ngunit ako ang nasasaktan at nalulungkot sa sitwasyon nila ni Rafael. Dapat karamay niya ngayon si Rafael sa kalagayan niya. Subalit ayaw niya rin ipaalam kay Rafael ang sitwasyon niya. Wala rin akong magagawa kundi sundin ang gusto ni Ate Miranda, hanggang sa makakita na muli si Rafael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD