Episode 2

2990 Words
Chapter 2 ELENA Mabigat para sa akin ang pinapagawa ni Ate Miranda. Subalit minsan lang humingi ng pabor si Ate sa akin, kaya paano ko siya matatanggihan? Mahimbing siyang natutulog sa kama. Malalim na ang gabi subalit hindi ako dinadalaw ng antok. Pinagmamasdan ko ng mabuti. Ang putla niya tingnan, subalit nangingimbabaw pa rin ang kaniyang ganda. Napakasuwerte ko dahil may kapatid ako na katulad niya, ngunit natatakot ako na dumating ang araw na hindi ko na siya makakasama. Hindi ko pinapahalata kay Ate ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa kaniyang sakit. Bakit sa dami ng tao siya pa ang tinubuan ng malubhang sakit? Paano na ako kapag mawala siya? Lumandas ang mga luha sa aking mga mata. Pinunasan ko ang mga luha ko ng aking palad at lumapit kay Ate Miranda. Gusto ko siyang katabi at mayakap. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya na nakatalikod. Gumalaw siya nang maramdaman niya ang yakap ko. "Elena, hindi ka pa tulog? Bakit dito ka sa silid ko?"paos na boses na tanong ni Ate sa akin. "Sorry, Ate dahil nagising kita. Miss na miss kasi kita, kaya gusto kong katabi kita matulog," malambing kong sabi sa kaniya. "Oh, sige. Dito ka sa tabi ko dahil bukas sa mansion ka na matutulog," wika niya sa akin at humarap siya sa akin ng higa.Tinapik-tapik niya ang balakang ko na parang bata habang pinapatulog. "Ate, hindi ba puwede sumama ka sa mansion?" malambing kong tanong sa kaniya. "Elena, magpapa-confine ako bukas sa hospital. Hindi ko aoam kung ilang araw, linggo o buwan ako roon. Basta ang mga bilin ko sa'yo, huwag mo kalimutan. "Yong pabango na palagi kong ginagamit iyon ang gagamitin mo pati ang shampoo ko, para hindi magduda si Rafael, na hindi ako ang kasama niya," mahigpit pang bilin ni Ate. Natatakot ako at kinakabahan. "Ate, paano kung mahulog ang loob ko sa kaniya? Ibig sabhin hin akin na lang siya?" biro kong tanong kay Ate Miranda. Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko. "Mas gugustuhin ko na mapunta ka kay Rafael kaysa iba. Magiging panatag ang loob ko kapag siya ang makatuluyan mo," nakangiti na sabi ni Ate, subalit seryoso siya sa kaniyang pahayag. "Mahpagaling ka Ate. Ayaw kong iwanan mo ako. Gusto ko makita na ikakasal ka sa lalaking mahal mo," malungkot kong sabi sa kaniya. "Matulog ka na dahil maaga ka pa bukas," pag-iwas ni Ate sa sinabi ko. Hinagkan ko siya sa noo at pilit na pinapapatatag ang aking sarili. Ayaq kong makita siyang nag-aalala sa akin at malungkot. "Good night, Ate. I love you," wika ko at ipinikit ko na qng aking mga mata. Sumubsob ako sa braso ni Ate at pinipigilan na huwag umiyak. "I love you, Elena," ganti na sabi ni Ate. Naramdaman ko na hinagka niya ako sa tuktok ng aking ulo. Hanggang sa bumigat na ang talukap ng aking mga mata, kaya nakatulog na ako. Kinabukasan maaga kaming nagising nu Ate. Tinuruan niya ako kung ano ang dapat kong gawin pagdating sa mansion. Ibinigay niya sa akin ang kaniyang mga pabango. Isang bagpack ang dala ko dahil pansamantala roon muna ako sa mansion sa Secret Village. Nagpara kami ng taxi ni Ate sa.labas ng bahay at hinatid niya ako sa mansion bago siya magtungo sa hospital. Hindi naman maiwasan na hindi ako mamanga sa ganda ng mga bahay dito sa Secret Village. Tahimik lang kami ni Ate sa loob ng taxi. Wala na siyang sasakyan dahil kinuha na iyon ng pinagkautangan niya. "Elena?" mahinang sambit ni Ate sa pangalan. "Uhmm?" tipid kong sagot. "Ipangako mo sa akin na magtatapos ka sa pag-aaral mo. Para kahit mawala ako, panatag ang loob ko dahil nakapagtapos ka." Tumango lang ako sa sinabing iyon ni Ate. Hindi ko magawang sumagot dahil baka gumaralgal ang boses ko. Ayaw kong nakikita niya na malungkot ako. "Huwag mo akong isipin, Ate. Ipangako mo sa akin na magpapagaling ka," hindi ko matiis na hindi makapagsalita. Gusto ko pang humaba ang buhay niya kung ako ang masusunod. "Tanggapin mo na ang katotohanan, Elena. Ano mang oras ay lilisanin ko ang mundo. Basta ipangako mo sa akin na kapag wala na ako ipagpatuloy mo ang buhay mo." Pagkasabing iyon ni Ate ay parang dinurog ang puso ko. Masakit man ang na kung bakit kailangan pang lumisan ng tao sa mundo at maiiwan ang mga mahal sa buhay na alaala na lang ang maiiwan. Ilang minto ang lumipas nakarating kami sa tapat ng gate ng mansion ng boyfriend ni Ate. "Ito ang susi ng gate. Ito naman ang sa main door. Palagi mong tatandaan na hindi tumatanggap ng mga bisita si Rafael. Si Tito Juanito lang ang pinagkakatiwalaan niya subalit isang beses na lang pumupunta sito si Tito Juanito. Saka huwag ka basta-basta magtitiwala, Elena. Huwag mo iwanan si Rafael, umalis na mag-isa," mahigpit pa na bilin ni Ate sa akin. Kinuha ko ang mga susi at muling yumakap sa kaniya. "Ate, hayaan mo akong dalawin kita palagi sa hospital," sani ko at kumalas ng yakap. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Tatawagan kita, okay?" wika niya sa akin at hinagkan niya ako sa pisngi. Malungkot akong bumaba sa taxi Hindi umalis ang taxi hanggang hindi ako nakapasok sa loob ng gate. Napansin ko na malikot ang harap ng mansion. Parang inabandona dahil nagtubo ang mga damo. Ang mga halaman sa gilid ay nalanta na. Nagmartsa ako patungo sa pibtuan ng mansion. Binuksan ko iyon sa pamamagitan ng susi. Pagbukas ko ng pintuan ay ang dilim sa loob. Binuksan ko ang aking cellphone upang hanapin ang switch ng ilaw. Nang makita ko ito ay pinindot ko upang mabuksan ang ilaw. "Babe, ikaw na ba 'yan?" tanong ng isang baretonong boses. “Oo, Babe. Kararating ko lang,’’ sagot ko. Sigurado ako na si Rafael na ito; ang kasintahan ni Ate Miranda. Pagbukas ko ng ilaw ay umaliwalas ang buong kapaligiran. Nakita ko ang isang guwapong lalaki na nakaupo sa kulay puting sofa. “Binuksan mo na naman ang ilaw. Alam mo naman na ayaw ko na may naaninag akong ilaw. Hawiin mo na lang ang mga kurtina, para may liwanag na pumapasok dito sa loob,’’ utos niya sa akin. “Ah, sige babe,’’ tugon ko naman. Hinawi ko ang mga kurtina na nakatakip sa mga bintana ng mansion. Napakalawak ng sala. Nakita ko ang hagdan na kulay ginto papunta sa itaas ng mansion. Sa gilid ay may malaking aquarium at mat mga isda na lumalangoy. Pagkatapos kong hawiin sa bintana ang kurtina na kulay gray at cream ay pinatay ko naman ang ilaw. Pinagmasdan ko si Rafael. Bulag man siya ngunit hindi nabawasan ang kaniyang kakisigan at kagwapohan. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang lalake na sa magazine ko lang noon nakikita. Sobrang namangha ako noon sa kaniya dahil ang cute-cute niya tingnan. Ngayon ay lalo siyang gumwapo dahil naging matured na ang kaniyang mukha. Naging binatang-binata na siya. “Babe, hindi ka man lang ba hahalik sa akin?’’ malambing niyang tanong sa akin na akala niya ako si Ate Miranda. “Ha? Teka, babe. Pinagmamasdan pa kasi kita,’’ nakangiti kong sabi sa kaniya. Inunat niya ang kaniyang kamay na ibig sabihin ay lumapit ako sa kaniya at yakapin siya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hablutin, kaya napaupo ako sa kandungan niya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya. “Palagi mo na lang ako tinititigan. Pahalik nga sa magiging asawa ko,’’ malambing niyang sabi at hinagkan niya ako sa tungki ng aking ilong. May kirot akong nararamdaman para kay Ate Miranda. Siya dapat ang nilalambing ngayon ng nobyo niya. “Sorry, babe. Kung hindi lang sana ako naaksidente marahil kasal na tayo ngayon,’’ paghingi niya ng paumanhin. Kung ganoon ikakasal na pala sana sila ni Ate, kaso bigla na lang siguro siya naaksidente. “Okay lang, babe. Kapag nakakita ka na saka na tayo magpakasal,’’ sabi ko na kuhang-kuha ang boses ni Ate Miranda, pati ang mahinhin nitong kilos at salita. “Paano kung hindi na ako makakita? Mamahalin mo pa rin ba ako? Papakasalan mo pa rin ba ako kahit hindi na ako makakita?’’ Muli na naman kumirot ang puso ko sa tanong ni Rafael, para kay Ate Miranda. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi na para bang iniisip ko na ako si Ate Miranda. “Oo naman. Pero huwag kang mawala ng pag-asa, Babe. Makakakita ka pangako ko iyan sa’yo. Malaki naman ang chance na makakita ka. Kaso nga lang palaging umuurong ang mga nagdo-donate sa’yo ng mata. Huwag ka mag-alala dahil hindi tayo susuko na makakuha ng donor mo,’’ sabi ko kay Rafael. Bakit ba kailangan mangyari ito kay Ate at Rafael? Kaya, ba tinutulak ako na umuwi dahil dalawa sila ang paglilingkuran ko? “Salamat, Babe,’’ tipid na pasasalamat ni Rafael at hinaba niya ang kaniyang nguso na ibig sabihin ay halikan ko ang labi niya. Para sa kapatid ko hinagkan ko si Rafael sa labi. Ang bilis ng pintig ng puso ko sa paglapat ng aming mga labi. Ang hindi alam ni Rafael ay hindi ako si Ate Miranda. Matagal ang pahlapat ng mga labi namin ni Rafael. Matagal niya kasi itong bitiwan. Baka saan pa mapunta ang halikan naming iyon ay tinanong ko na lang siya. “Ano ang gusto mo almusalin?’’ Lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan. “Coffee and sandwich na lang. Alam mo bang wala akong gaanong tulog dahil hinihintay kita? Dito ka na titira sa mansion simula ngayon. Ikaw na ang bahala sa silid na tutulugan mo. Alam ko naman na hindi ka tatabi sa akin hanggang hindi tayo kinakasal. Nirerespeto ko ang desisyon mo na saka mo na isuko sa akin ang sarili mo kapag kasal na tayo,’’ malambing niyang sabi sa akin. Napangiti ako dahil ibig sabihin ligtas ang katawan ko. At alam ko naman na may prinsipyo si Ate. Talagang hindi niya isusuko ang sarili niya sa hindi niya pa asawa. At iyon din ang nagiging pananaw ko. Ayaw kong ma-disappoint si Ate Miranda sa akin. Kaya, kahit napaka-liberated ng mga babae sa Amerika, hindi ako gumagaya dahil ang bilin palagi ni Ate Miranda ang iiisip ko. At sa unang pagkakataon ang boyfriend niya pa ang una kong halik. “Huwag ka mag-alala ako na ang bahala sa sarili ko. Kailan ulit ang check up mo?’’ tanong ko sa kaniya at umalis sa kandungan niya. “Hindi ko alam kay Doctor Fidel Manzano. ‘Di ba, sabi niya sa’yo kapag may donor na ulit tayo babalik sa hospital?’’ tanong niya sa akin. “Ha? Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko kasi,’’ alanganin kong tugon kay Rafael. "Sige, ipaghanda na kita ng kape at sandwich," paalam ko pa kay Rafael. Tatalikod na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ni Ate Miranda. “Miranda?’’ lumingon ako sa kaniya. “Bakit, babe?’’ taka kong tanong. “Salamat dahil hindi mo ako iniwan.’’ Maluha-luha ang mga mata ko na tumingin sa kaniya. “Mahal kita, kaya paano kita iiwan? At salamat din sa pagmamahal mo sa akin,’’ ganti kong sabi sa kaniya. Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita. Ramdam ko ang pagmamahal niya para kay Ate Miranda. Napakasuwerte ni Ate dahil mahal siya ng boyfriend niya. At suwerte rin ni Rafael sa Ate ko dahil handa nito ibigay ang kaniyang mga mata para lang muling makakita si Rafael. Tumalikod na ako kay Rafael at nagtungo sa kusina. Dahil sa lawak ng kusina hindi ko alam kung saam nakalagay ang coffee maker. Iyon naman pala sa coffee nook nakalagay at hiwalay iyon sa kusina. Naroon ang iba’t ibang brand nang kape at mga magagandang tasa. Naglagay na lang ako ng kape sa coffee maker saka nagtungo ako sa pantry na katabi lang din ng cofee nook. Iba talaga kapag mayaman dahil punong-puno ng pagkain ang pantry. Parang nasa grocery store ka at mamili ka na lang kung ano ang bibilhin mo. Kaso rito libre mo na lang dadamputin ang gusto mo kainin. Pagkatapos ko magtimpla nang kape para sa amin ni Rafael ay gumawa na ako ng sandwich. Ilang minuto pa ang lumipas ay dinala ko na sa sala ang kape at sandwich. Nakatayo si Rafael, habang hawak-hawak nito ang baston niya na naging gabay niya sa paglakad. “Ito na ang almusal natin,’’ wika ko sa kaniya. ‘’Puwede bang pakidala na lang sa swimming pool ang kape? Gusto ko doon mag-almusal. Gusto ko kasi makalanghap ng sariwang hangin,’’ tugon niya sa akin. “Sige, dadalhin ko roon,’’ tipid kong sagot. Sinimulan niyang tinukod ang tungkod niya at ginagawa niyang gabay iyon sa daan upang hindi siya mabangga. Saglit ko pa siyang tiningnan bago ako lumabas upang dalhin sa gilid ng swimming pool ang kape. Pati ang swimming pool sa gilid ng mansion ay halatang hindi nalinisan. Pati ang palibot nito ay puno ng mga tuyong dahon pati sa tubig. Para tuloy itong hunted swimming pool. Ang mga halaman sa tabi nito ay mga nalanta na. Sa yaman ng lalaking ito hindi man lang kumuha ng katulong. Syempre sa laki ng mansion na ito paano ni Ate pagsabayin sa paglilinis gayong may negosyo din siya dati, kaso nalugi na rin. Inilapag ko sa bilog na lamesa ang tray. Natanaw ko naman si Rafael na papunta na rito. Sinalubong ko siya upang alalayan. Hindi ko naman siya hinahawakan. Nakaalalay lang ako sa tabi niya. “Bakit mo ako sinusundan, babe?’’ tanong niya sa akin na ikinabigla ko. Talaga bang hindi siya nakakakita? Bakit alam niya na nasa tabi ko siya? Hindi na nga ako umiimik eh. “Paano mo nalaman na dito ako sa tabi mo?’’ tanong ko sa kaniya. “Bakit hindi ko malalaman, eh sa amoy mo pa lang,’’ wika niya sa akin. Naawa ako kay Rafael dahil ang buong akala niya si Ate pa rin ang kasama niya. Paano kaya kapag nalaman niya na ang mga mata na nasa kaniya ay galing kay Ate? Paano kung malaman niya ang tunay na kalagayan ni Ate? “Ang galing naman ng pang-amoy mo. Bilisan na natin para hindi lumamig ang kape,’’ pagmamadali ko sa kaniya. “Miranda, kapag may donor sa mga mata ko at muli akong makakita. Ang una kong sasabihin sa’yo ang pakasalan mo ako,’’ nakangiti niyang sabi sa akin. Kahit kumikirot ang puso ko pilit kong kinukubli iyon. Paano niya masasabi iyon kay Ate kung wala na ito? Kung tanging mga video recorded na lang ni Ate ang nakikita niya? “Syempre, hindi kita tatanggihan, Rafael. Makakahanap din tayo ng donor mo,’’ wika ko sa kaniya. “Siya nga pala padalhan mo ng pera ang kapatid mo sa Amerika. Narinig ko kasi na kausap mo siya at mukhang namomoroblema ka sa tuition niya. Bibbigyan kita ng pera para ipadala sa kaniya.’’ Hindi ko inaasahan ang sinabing iyon ni Rafael. Ganito pala siya kabait. “Hindi, okay na. Napadalhan ko na siya. Huwag mo na siyang alalahanin,’’ sabi ko upang hindi na siya magpumilit pa. “Ganoon ba? Ano nga ang pangalan ng kapatid mo? Lalaki ba siya? Hindi mo man lang na-ekuwento sa akin na may kapatid ka pala,’’ sabi niya habang naglalakad kami patungo sa swimming pool. “Elena ang pangalan niya. Sa tingin ko kasi hindi naman mahalaga na malaman mo na may kapatid ako. Isa pa nasa America siya nag-aaral.’’ Huminto siya sa paglakad at kinapa niya ang balikat ko. “Sino ang nagsabi sa’yo na hindi mahalaga iyon, ha? Ang mga taong mahalaga sa’yo ay mahalaga rin sa akin. Lalo na at kapatid mo siya. Kaya, kung may problema ka sa pera sa tuition niya huwag kang mahiya na sabihin sa akin para matulungan kita sa bagay na iyan. Look, babe. Malaki ang isinakripisyo mo para sa akin. Simula nang maaksidente ako, ikaw lang ang nag-alaga sa akin. Ikaw ang nagtyaga sa ugali ko. Hindi mo ako iniwan kahit pinagsusungitan kita kung minsan. Ikaw lang ang taong tunay na nagmamahal sa akin sa kabila ng mga nangyari sa akin. Kaya, hayaan mo akong tulungan ka sa pagpapa-aral sa kapatid mo.’’ Lalo akong humanga sa kabaitan ni Rafael na pinapakita kay Ate Miranda. Hindi maiwasan na hindi ako maluha dahil nakatagpo si Ate ng isang lalake na tunay na nagmamahal sa kaniya. Dapat sana magkasama sila ngayon. Dapat ay dindamayan niya ngayon si Ate sa sakit nito, pero paano ko sabihin kay Rafael ang tungkol kay Ate? Gayong nangako ako kay Ate na huwag sabihin kay Rafael ang sakit niya? Paano ko susuwayin ang pangako ko kay Ate? Naging mabait siyang kapatid sa akin, kaya paano ko susuwayin ang gusto niya mangyari? Wala akong magawa kundi ang sundin ang mga bilin niya sa akin hanggang sa mailipat na kay Rafael ang mga mata niya. “Salamat, Babe. Hayaan mo sasabihin ko sa’yo kapag kailangan ko ang tulong mo sa finacial ng kapatid ko,’’ sabi ko kay Rafael, hanggang nakarating kami sa gilid ng swimming pool. Inalalayan ko siyang makaupo at pagkatapos ay ibinigay ko sa kaniya ang tasa ng kape. “Babe, ang likot na ng swimming pool. Pati ang mga halaman mga tuyo na,’’ sabi ko sa kaniya. “Akala ko ba maganda ang tanawin sa swimming pool? May magagandang halaman at mga berde tingnan.’’ Napakagat ako ng aking labi sa sinabi niya. Pati ba naman sa halaman at sa kalinisan ng swimming pool nagsinungaling si Ate sa kaniya? “Ibig kong sabihn hindi ko na kasi naalagaan, kaya natuyo na sila. Kaya nga lilinisin ko na lang mamaya,’’ dahilan ko na lamang para hindi niya ako mabuking. Naniwala naman siya sa sinabi ko. Masaya kaming nagkuwnetuhan hanggang naubos namin ang kape at sandwich. Habang nakaupo siya sa swimming pool ay unti-unti kong winalisan ang mga tuyong dahon ng chiness bamboo na mataas pa sa pader. Nakapalibot ito sa pader na matataas. Pati sa gilid ng bahay ni Rafael ay winalisan ko na rin. Tahimik lang siya habang nilalanghap ang sariwang hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD