Episode 4

2086 Words
Chapter 4 ELENA "Babe, ikaw ba 'yan?" tanong ni Rafael nang pumasok ako sa loob ng bahay. Nakaupo siya malapit sa may hagdan ng kaniyang mansion. Napakadilim na naman ng paligid, kaya ang lampshade na lang ang binuksan ko. "Oo, babe," tipid kong sagot sa kaniya. Sobrang mabigat ang pakiramdam ko ngayon dahil iniwan ko si Ate sa ho spital mag-isa at inuwian ang boyfriend nito na bulag. Tumutulo ang mga luha ko subalit hindi iyon alam ni Rafael. "Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya. "Hindi pa dahil hinihintay kita," sagot nito sa akin at tumayo ito sa kinatatayuan niya. Agad naman akong lumapit sa kaniya at ibinigay ang tungkod niya na naging gabay niya sa paglalakad. "Bakit hindi ka pa kumain? Alauna na ng hapon, oh," maktok kong tanong sa kaniya. Ang totoo hindi rin ako kumain. Gusto ni Ate na sabayan ko si Rafael sa pagkain, pero bago ako umalis sa hospital ay pinakain ko na muna si Ate. "Alam mo naman na hindi ako kumakain kapag hindi kita kasabay," paglalambing niya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko at inalalayan ko si Rafael magtungo sa kusina. "Dapat sinasanay mo na ang sarili mo kumain mag-isa. Paano na lang kung may masamang mangyari sa akin?" wala sa aking sarili na sabi sa kaniya. Malalim siyang nagbuntong-hininga. "Bakit ba iyan ang sinasabi mo? Kaya, ayaw ko na umalis-alis ka. Sabi mo kahapon dito ka na titira hindi ba? Kaya, ayaw ko na umalis-alis ka na hindi ako kasama." Napapikit ako ng mariin ng aking mga mata sa sinabi ni Rafael. Paano na lang kaya kapag nalaman niya na hindi ako si Ate Miranda? Mabuti na lang talaga at may pagkakahawig kami ng boses ni Ate, kaya hindi niya nahahalataan ang pagkaiba namin ni Ate. Pagdating namin sa lamesa pinaupo ko na siya. Ganoon pa rin ang ayos ng pagkain na pinatong ko kanina sa lamesa. "Teka, langa, ha? Iinitin ko lang itong pagkain natin," wika ko at kinuha ang mga pagkain na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Nilagay ko ang mga iyon sa microwave para initin. Pati na rin ang kanin ininit ko na. "Kumusta ang bahay ninyo? Sana naman pumirmi ka na rito sa bahay, babe," muli na naman pakiusap ni Rafael sa akin. "Huwag ka mag-alala, babe dahil palagi na kitang sasamahan dito. Lalo na at wala na akong negosyo," saad ko sa kaniya. Nakita ko sa mukha niya ang tuwa sa huli kong sinabi. Gusto kong tanggalin ang salamin ni Rafael, para makita ko ang kabuuan niyang kagwapuhan. "Pangako mo 'yan, ha? Kapag may financial kang problema huwag kang mahiyang sabihin sa akin, Babe. Baka kailangan ng kapatid mo ng pera sabihin mo lang sa akin. Alam ko na pangarap mo makapagtapos ang kapatid mo. Sayang hindi ko siya nakilala, ano? Pero hindi bale dahil makikilala ko rin siya. Gusto ko sana ipakilala ka kay Alexander. 'Yong pinsan ko sa ama. Sila lang kasi ang malapit na kamag-anak ko sa side ni Daddy. Sila ni Lander na kapatid niya. Kaso nahihiya humarap sa kanila sa ganitong sitwasyon ko kahit na nakita na ako ni Alexander sa ganitong sitwasyon," sabi niya bagamat may mga ngiti sa kaniyang labi, ngunit maaninag pa rin ang lungkot sa kaniyang mukha. Nilagay ko na sa lamesa ang mga ininit kong pagkain. Nilagyan ko na rin ang plato ni Rafael nang kanin at ulam saka naupo na rin ako sa tabi niya. "Hayaan mo, babe. Kapag nakakita ka na ipakilala kita sa kapatid ko. Tapos ipakilala mo rin ako sa mga kamag-anak mo. May good news ako sa'yo," pilit ang mga ngiti ko na sabi sa kaniya. "Ano ang good news mo, babe?" nasasabik niyang tanong sa akin. "May nakita na ulit ako na donor ng mga mata mo. At this time, sigurado ako na matutuloy na ang operasyon mo," wika ko sa kaniya. Tipid lang siya na ngumiti na parang nawawalan na naman ng pag-asa. "Kumain na tayo, babe. Gusto ko sana kumain sa paborito natin restaurant. Kaso baka ayaw mo na naman. Na miss ko na kasi kumain doon. Na miss ko ang mga pagkain na in-order natin," pag-iba niya ng usapan. Binitiwa. Ko ang kubyertos na hawak ko at hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay. "Babe, alam ko na nawawala ka na naman ng pag-asa. Pero pangako hindi na uurong ang magdo-donate sa'yo ng mga mata mo para muli kang makakita. Sinisigurado ko sa'yo na makakakita kang muli," sabi ko sa kaniya na puno ng pag-asa. "Thank you, Babe. Pero ayaw ko na umasa dahil baka mabigo na naman ako. At kung totoo man nga na mayroong tao na magdo-donate ng mga mata ko sisiguraduhin ko na sa unang pagbukas ng mga mata ko ibibigay ko ang singsing na ponagawa ko para sa'yo. Tapos aalukin kita ng kasal. Gusto ko magkaanak tayo ng maraming-marami para maging masaya ang mansion na ito. Sorry babe, ha? Gusto sana kita ipakilala kay Tita Victoria, kaso nabulag pa ako. Pero hayaan mo at kapag nakakita na ako ipapakilala kita sa kanila," nakangit niyang sabi sa akin kahit pilit ang mga ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ni Ate Miranda na huwag ako magtiwala kay Tita Victoria ni Rafael. Kung hindi pa pala niya ito nakilala? Iyon na naman ang gusto kong itanong kay Ate Miranda. "Sige, babe. Kaya kailangan malakas ang pangangatawan mo para kapag djmating ang operasyon mo wala tayong po-problemahin. Saka pwede mo na rin ako ipakilala sa Tita Victoria mo," sabi ko kay Rafael. Alam ko na kapag nakakita na siya ay hindi ko na siya makakasama pa at tapos na rin ang pagpapanggap ko bilang si Ate Miranda. At marahil kapag dumating ang araw na iyon wala na rin si Ate sa piling namin. Kahit mabigat sa loob ko pinipilit ko na lang kayanin ang lahat. At least kahit mawala man si Ate, wala siyang hinanakit o sama ng loob sa akin dahil tinupad ko ang huling kahilingan niya na alagaan si Rafael hanggang sa makakita ito. Kahit na siya dapat itong inaalagaan ko. Pagkatapos namin kumain ni Rafael nagtungo naman kami sa gilid ng bahay kung saan naroon ang swimming pool. Kahapon lang ako nagwalis subalit marami na naman nagkalaglagan na mga dahon ng chinese bamboo. "Babe, pwede ba doon tayo sa may duyan? Gusto ko magduyan kasama ka," aya ni Rafael sa akin habang nakatayo ito sa gilid ng swimming pool. Ang tinutukoy niyang duyan ay doon sa ilalim ng puno ng mangga. Tatlo ang puno ang naroon sa likod ng mansion at may duyan na nakakabit roon. Mahangin roon at malamig "Sige, Babe. Dadalhin kita roon. Mamaya na ako magwawalis dahil ang dami na naman naglagasan na mga dahon ng chinese bamboo," saad ko sa kaniya at inalalayan ko na siya patungo sa likod ng mansion. "Hayaan mo na ang mga dahon na iyan Babe. Lilinisan naman iyan ni Mang Jose kapag dumating siya sa weekend," tugon naman nito sa akin. Dinala ko na siya sa likod ng bahay. Ang balak ko ayusin din ang mga bulaklak sa hardin para kapag nakakita na si Rafael, ay may maganda naman siyang matatanaw sa mansyon na ito dahil ang akala niya ay maayos na inaalagaan ni Ate ang mga bulaklak. Pinaupo ko na rin siya sa duyan. Siya lang sana ang balak kong paupuin sa duyan ngunit kinabig naman niya ako kaya napaupo ako sa tabi niya. Napaawang ang aking labi nang yakapin niya ako. Hinayaan ko lang siya na nakayakap sa aking baywang isinubsob niya pa ang kanyang mukha sa akin leeg. Lalong bumibilis ang t***k ng aking puso dahil sa presek hindi ko inaasahan na ang lalaki tagal ko nang hinahangaan at pinapantasyahan sa magazine ay kasama ko sa duyan habang nakayakap sa akin. Ang swerte ni Ate na ang isang sikat na negosyante dito sa Las Palmas ay naging nobyo niya. Iyon nga lang ang nakakalungkot dahil hindi magtatapos sa happy ending ang kanilang pagmamahalan. "Mahal na mahal kita, Miranda," bulong ni Rafael sa akin. Pilit kong inaayos ang sarili ko na huwag maiyak at samantalahin na lang ang pagkakataon na na kasama si Rafael, kahit ang inaakala niya ako si Ate Miranda. "Mahal na mahal din kita, Rafael. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay," mangiyak-ngiyak kong wika sa kaniya. Pagkasabi ko kinabig niya ang aking batok at walang alinlangan na hinalikan ang aking labi. Gusto ko man sana siyang itulak subalit natatangay ako sa halik niya sa aking labi. Kahit alam ko na ang mga halik niyang iyon ay para kay Ate Miranda, subalit tinutugunan ko ang halik niyang iyon. Wala man akong experiece dahil unang beses ko pa lang nakaranas ng halik sa aking labi. Bakakatangay ang klase ng mga halik ni Rafael sa aking labi. O sadyang ganito lang talaga ang pakiramdam na halikan ka ng taong gusto mo rin. Ilang segundo pa ay naghiwalay ang labi namin ni Rafael. "Ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan, Miranda. Mahal na mahal kita at gusto ko ikaw ang magiging ina ng aking mga anak," puno ng pagmamahal na sabi ni Rafael sa akin. Lalo akong nakokonsensya sa pagpapanggap ko. Kahit ganito lang ang marainig ni Ate mula kay Rafael, tiyak ako na masaya siyang lilisan sa mundong ito. Kung nararamdaman niya lang sana ang mga halik ni Rafael, tiyak ako na magiging masaya si Ate. "Mahal na mahal din kita Rafael. Pangako hindi kita iiwan. Habang buhay tayo magsasama," pagsisinungaling ko na alam ko na naman malabi ihon mangyari. Niyakap ako ni Rafael ng mahigpit. 'Yong tipong halos ayaw niya mawala ako sa tabi niya, este si Ate pala. Tinugunan ko rin ang yakap niya. Kahit sa mga yakap ko maramdaman niya ang pagmamahal ni Ate sa kaniya. Kahit ang totoo matagal ko na siyang gusto. Ganito pala ang pakiramdam na yakap-yakap mo ang tao na akala mo hanggang sa panaginip at magazine mo lang makikita. Napakasarap sa pakiramdam subalit hindi maikukubli ang lungkot na aking nararamdaman. Sa halip si Ate ang kayakap ni Rafael, ngunit ako ang kayakap niya. Samantalang si Ate nag-iisa sa hospital at lumalaban sa kaniyang sakit. Bakit si Ate pa ang nagkaroon ng sakit? Bakit hindi na lang ang iba? May mga ngiti sa labi ni Rafael na nakatulog na katabi ako sa duyan. Napakakomportable ng pakiramdam niya sa piling ko. Ang hindi niya alam hindi si Ate Miranda ang kayakap at katabi niya. Nang maramdaman ko na talaga na tulog siya ay tinanggal ko ang kaniyang salamin. Napangiti ako nang masilayan ang mga nakapikit niyang mga mata. Nakita ko sa personal ang tunay niyang kagwapuhan. Ang mahahaba niyang mga pilik mata ang lalong nagbibigay ng attractions sa kaniyang mukha. Tinitigan ko siya ng husto at lalo akong nahuhulog sa kaniya. Bukod sa gwapo siya ay maganda ang trato niya sa Ate Miranda ko. "Ibalik mo ang salamin ko, Miranda. Alam ko na tinititigan mo na naman ako." Nagulat ako nang magsalita siya. Ngumiti siya at hinigpitan pa ang pagkayakap sa aking baywang. "Akala ko tulog ka na," nankangiti kong sabi at binalik sa kaniya ang kaniyang salamin na kulay itim. "Tulog na sana kaso tinanggal mo ang salamin ko. Alam mo naman hindi ako sanay na hindi suot ang salamin ko. Ito lang kasi ang nagsisilbing panakip ng mga mata ko. Kapag nakakita ako muli hindi ako magsasawa na titigan ka, Miranda," aniya sabay halik niya sa aking noo. Muli na naman naluluha ang mga mata ko. "I'm sorry, Rafael. Subalit hindi si Ate Miranda ang kasama mo kundi ang kapatid niya na akala mo ay nasa Amerika." Gusto ko sana isatinig iyon subalit minabuti ko na lang na huwag ibuka ang aking mga labi. Sobrang nasasaktan ako para sa kanilang dalawa ni Ate. Nasasaktan din ako para sa sarili ko dahil alam ko panandalian lang ang lahat ng ito sa amin ni Rafael. Nasasaktan ako dahil lalong nahuhulog ang loob ko sa boyfriend ng Ate ko. Nasasaktan ako dahil alam ko na hindi ko pwede ipagpatuloy ang nararamdaman kong ito dahil alam ko na panandalian lang ang lahat ng ito. Alam ko rin na mas lalo pa akong nahuhulog kay Rafael, kahit alam ko na ang pagitan ng edad namin ay napakalayo. Subalit sabi ng iba age is doesn't matter subalit hindi ko rin masabi na ang mahalaga ay nagmamahalan kayo dahil sa katulad namin ni Rafael, ay ako lang ang nagmamahal at sila ni Ate Miranda ang nagmamahalan. Pinahiram lang siya ni Ate sa akin at binilin na alagaan hanggang sa muli siyang makakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD