Episode 7

2137 Words
Chapter 7 ELENA Pagkatapos namin kumain ay dinala ko na muna ang mga hugasan sa kusina. Dito na ako sa likod ng mansion dumaan. Hindi ko naman akalain na sumundo sa akin si Mang Jose. “Sino ka ba talaga? Bakit ginagamit mo ang pangalan ni Ma’am Miranda? Saan si Ma’am Miranda, ha? Alam ko na niloloko mo lang si Sir Rafael,’’ tanong ni Manong na puno ng pagdududa. Nilapag ko muna sa lababo ang mga hugasan at hinarap si Mang Jose. Maupo ka Manong,’’ mahina kong utos sa kaniya. “Hindi na kailangan. Gusto ko lang marinig ang mga sagot mo,’’ sagot nito sa akin. Malalim muna akong nagbuntong-hininga bago ko sinagot ang sagot ni Manong. “Kapatid ako ni Ate Miranda. Ako si Elena. May malubhang sakit ang Ate ko, Manong.’’ tamad na sana ako magpaliwanag kay Manong, subalit kailangan niya malaman ang kalagayan ni Ate Miranda. “Ano? May malubhang sakit si Ma’am Miranda? At saan siya ngayon?’’ nagtataka at nag-aalala niyang tanong para kay Ate Miranda. “Makinig ka sa sasabihin ko, Manong. Pinakiusapan ako ni Ate Miranda, na magpanggap na siya. Malubha ang sakit niya at nasa hospital siya ngayon. Ayaw niyang ipasabi kay Rafael ang tungkol sa kalagayan niya. At sana huwag mo rin ipagsabi na nagpapanggap ako dahil ginagawa ko ito para sa kapatid ko at kay Rafael. May taning na ang buhay ni Ate Miranda. At ano mang oras ay pwede siyang mawala. Ang mga mata niya iiwan niya kay Rafael. Kapag nailipat na ang mga mata ni Ate kay Rafael, saka lang ako makakalaya sa pagpapanggap kong ito bilang si Ate Miranda,’’ paliwanag ko kay Mang Jose. Kita ko naman sa mukha niya ang pag-aalala para kay Ate Miranda. At mukhang naniniwala rin siya sa sinasabi ko. “Kaya pala ang payat ni Ma’am Miranda, noong huli ko siyang nakita rito sa mansion,’’ malungkot na sabi ni Mang Jose sa akin. “Kung nagdududa ka pwede mo siya puntahan sa Las Palmas Hospital. Naroon siya ngayon nag-iisa na hinaharap ang sakit niya. May mahigpit din siyang bilin sa akin na huwag ipaalam kay Tita Victoria ni Rafael ang tungkol sa paglipat ng mga mata niya kay Rafael. Ang sabi niya ikaw lang daw ang pwede niyang pagkatiwalaan at si Ella na assistant ni Sir Rafael sa kompanya,’’ wika ko kay Manong Jose. “Tama ang sinabi mo. Matagal na rin naghihinala si Ma’am Miranda sa step mother ni Sir Rafael. Kahit ako may kutob din na may kinalaman siya sa aksidente na nangyari kay Rafael. Wala lang talaga kaming sapat na ebidensya, kaya kahit ang bahay na ito ay hindi pinaalam ni Ma’am Miranda kay Ma’am Victoria. Noong araw na naaksidente si Sir Rafael, isang beses lang dinalaw ni Ma’am Victoria si Sir. At narinig ni Ma’am Miranda, na may kausap si Ma’am sa cellphone. Narinig niya na sinabi ni Ma’am Victoria, na sayang dahil hindi pa ito namatay. Hindi niya lang sigurado kung si Sir Rafael, ang tinutukoy ni Ma’am Victoria. Mabuti at hindi nagpakita si Ma’am Miranda kay Ma’am Victoria. At lahat ng contact ni Rafael sa pamilya niya pinutol ni Ma’am Miranda,’’ mahabang pahayag ni Manong Jose sa akin. Napangiti ako na pilit kinukubli ang sama ng loob na nararamdaman ko sa nagyayari kay Ate. “Mahal na mahal talaga ni Ate si Rafael, ano? Kahit mga mata niya kaya niyang ibigay kay Rafael. Manong, wala sana kahit isa ang makakaalam tungkol sa dito,’’ muli kong pakiusap kay Manong. “Huwag kang mag-alala, Iha. Makakaasa ka na walang makakaalam ang tungkol sa pagpapanggap mo at sa pag-opera sa mga mata ni Sir. nalulungkot ako sa nangyari kay Ma’am Miranda. Gusto ko sana siya makita,’’ malungkot na sabi ni Manong sa akin. “Kung gusto niyo po bukas. Sasamahan kita pero hindi ako makatagal dahil walang kasama si Rafael rito,’’ sabi ko kay Manong. Tumango-tango naman si Manong at mabuti na lang naging kampante na siya sa akin. Bumalik kami sa swimming pool kung saan naroon si Rafael. “Ma’am Miranda, Sir Rafael, salamat sa pagkain, ha? Eh, simulan ko na mag-grass cutter ng mga damo. Maiwan ko muna kayong dalawa,’’ paalam ni Manong sa amin. Mabuti na lang at nakikiayon rin siya sa pagpapanggap ko. “Sige, Manong. Kapag nagutom ka kumuha ka lang rito ng inihaw, ha?’’ turan naman ni Rafael sa kaniya. “Salamat, Manong Jose,’’ tipid kong sabi at ngiti sa kaniya. Tumango lang siya at tipid din ngumiti sa akin na pinapakita niya na nauunawaan niya ako. “Babe, samahan mo na ako maligo,’’ aya naman ni Rafael sa akin. Parang sabik na sabik ito sa tubig dahil kanina pa siya nakababad at parang wala siyang plano na umahon. “Sige, babe,’’ sang-ayon ko at lumusong na ako sa tubig. Tumabi na nga ako sa tabi niya at walang ano man ay bigla na lang niya ako kinabig at niyakap sa tagiliran. “Ang ginaw, Babe,’’ sabi nito sa akin. “Hahaha… Malamang nasa tubig tayo. tapos kanina ka pa nakababad,’’ sabi ko pa sa kaniya. “Wala ba tayong wine, babe? Gusto ko kasi uminom para mawala ang ginaw ko,’’ hingi niya ng wine sa akin. “Gusto mo kukuha ako?’’ tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya, kaya umahon ako upang kumuha ng wine. Isang araw kami nag-swimming ni Rafael at mukhang ang saya-saya niya. “Salamat, babe dahil pinagbigyan mo ako buong araw tayo nag-bonding sa swimming pool,’’ pasalamat ni Rafael, nang umahon na kami at nag-shower saka nagpalit ng damit. Umalis naman si Mang Jose, ngunit binigay niya naman sa akin ang cellphone number niya para bukas kapag pumunta kami kay Ate Miranda, ay tawagan na lang niya ako. “Maliit na bagay, Babe. Oh, ‘di ba? Nag-enjoy tayo sa swimming pool kaysa gumala tayo sa mall? At least kahit paano nasolo lang natin ang mga oras natin. Tapos nagkaroon tayo ng mahabang oras sa isa’t isa,” nakangiti kong sabi sa kaniya. “Sayang nandiyan kasi si Mang Jose. Kaya, limitado lang din ang paglalambing ko sa’yo kanina,’’ nakangiti nitong sabi na parang namimilosopo pa. “Hmmm… Paanong limitado? Eh, panay nga ang yakap mo sa akin at nakaw ng halik,’’ sabi ko sa kaniya. Narito kami ngayon sa sala at nanunuod ng kahit ano sa Netflix. “Hindi ko na talaga mahintay ang araw ng kasal natin, Babe. Habang lumilipas ang mga araw nasasabik na akong pakasalan ka,’’ lambing na sabi ni Rafael sa akin. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “Ako rin, Babe. Gusto ko na rin maikasal sa’yo. Natatakot ako na baka maagaw ka pa ng iba sa akin. Lagi mong tandaan mahal na mahal kita,’’ wika ko sa kaniya na galing na mismo sa aking puso. Subalit sa tuwing naiisip ko si Ate Miranda, sobra naman ang konsensya na nararamdaman ko. Nakikipagyakapan ako sa boyfriend niya at nakikipaghalikan, subalit siya nagtitiis ng sakit. Kung puwede ko na lang sana kunin ang sakit ni Ate at ilipat sa akin ginawa ko na sana. “Naninibago talaga ako sayo, Babe. Dati ayaw mo na nababad ako sa swimming pool. Simula nang mabulag ako ayaw mo ako papaliguin sa swimming pool. Tapos mas lalo ka pang malambing sa akin. Kahit sinusupladuhan na kita noon, pero heto ka pa rin sa tabi ko. Hindi mo ako iniwan sa kabila nang lahat na pagsubok na nararanasan ko. Ikaw ang nariyan para alagaan ako habang hindi ako nakakakita. Gusto ko sana magbakasyon tayo. Gusto ko ‘yong tayo lang para lalo pa tayo lumapit sa isa’t-isa.’’ Natuwa ako sa alok ni Rafael sa akin. Subalit hindi kaya ng konsensya ko tanggapin ang alok niya. Magpapakasaya kami sa bakasyon, tapos magre-relax, samantalang si Ate Miranda naghihirap mag-isa. Kung pwede lang sana na silang dalawa ni Ate para naman makasama nila ang isa’t isa kaso alam ko naman na hindi papayag si Ate at siguradong mabubuking siya ni Rafael. “Babe, alam mo naman na lahat gagawin ko, para kang mapasaya ka. Kaso ang tungkol sa inaalok mo na bakasyon, mukhang malabo kitang mapagbigyan.’’ Nakunot ang noo niya sa sinabi kong iyon. “Bakit naman, Babe? Kinakahiya mo na ba ako, kaya napapansin ko na ayaw mong lumabas-labas tayo,’’ sabi niya na sa himig ng boses nito ay nagtatampo. “Hindi sa ganoon, Babe. Ano ba ‘yang iniisip mo? Kahit kailan hindi kita ikinakahiya,’’ malambing na sabi ko sa kaniya para hindi na siya magtampo. “Eh, bakit nga ayaw mo na lumabas tayo o magbakasyon?’’ salubong ang mga kilay niya na tanong sa akin. “Dahil ayaw ko na ako lang ang nag-e-enjoy. Ayaw ko na ako lang ang masaya sa mga nakikita ko. Gusto ko kapag nagbakasyon tayo, sabay tayo panoorin ang magandang view. Gusto ko pareho natin nakikita ang mga hampas ng alon sa dalampasigan. Gusto ko sabay natin makita ang paglubog at pagsikat ng araw. Huwag mo sana sabihin na ikinakahiya kita, babe. Dahil proud na proud ako dahil ikaw ang naging boyfriend ko. At gusto kita ipagmalaki sa buong mundo.’’ Ngumiti siya sa mga sinabi ko at kinabig na naman niya ako kaya napasubsob ako sa kaniyang katawan. “Sorry, Babe. Akala ko ikinakahiya mo na ako. Kumusta pala ang magdo-donate sa akin ng mata? Sigurado ba na hindi siya uurong?’’ tanong niya sa akin. Tumikhim muna ako para mawala ang bara sa aking lalamuman. Nagpapa-condition pa siya ng kaniyang katawan, pero sigurado na iyon, babe. Sa lalong madaling panahon isasagawa na ang operasyon mo. Huwag ka mag-aalala dahil ako ang bahala sa’yo,’’ paninigurado ko naman sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap at hinagkan ang akin noo. “Thank you so much, babe. Paano na lang kapag wala ka? Siguro wala na talagang kwenta ang buhay ko kung hindi ka dumating sa mundo ko. Ikaw lang talaga ang nagpapalakas sa akin, Babe,’’ nakangiti niya pang sabi sa akin at siniil niya na ako ng halik sa aking labi. Natatangay na naman ako sa halik ni Rafael sa aking labi. Saglit ko na naman nakakalimutan kung ano ang posisyon ko. Saglit kong nakalimutan si Ate Miranda. Sumusunod ako sa agos ng paghalik ni Rafael sa akin. Parang solo namin ang mundo. Gustong-gusto ko ang paglapat ng aming mga labi. Ang paglakbay ng mga kamay niya sa aking katawan. Natatangay ako sa daloy ng kakaiba kong pakiramdam. Parehong nag-iinit ang aming mga katawan at kapag hindi namin ito mapigilan tiyak na mawawala kami sa limitasyon. Bago pa man ako tuluyang matangay ay ako na mismo ang umalis ng labi ko sa labi ni Rafael. Ang kaniyang mga kamay ay nakamolde na sa aking dibdib, kaya mahirap pigilan ang nararamdaman at init ng katawan. Ngunit ganoon pa man nagawa kong pigilan si Rafael. “Babe, hintayin na lang natin ang kasal natin. Pasensya ka na, Babe. Lumalampas na tayo sa ating limitasyon,’’ wika ko kay Rafael. Ramdam ko ang pagkabitin niya at pagkadismaya. Umayos siya ng upo at binitiwan niya ako. “It’s okay. i’m sorry kung nadadala na naman ako. Sige, matulog ka na. Papasok na ako sa aking silid,’’ malamig niyang sabi sa akin. Alam ko sobrang nadismaya siya, subalit hindi ko naman siya pwedeng pagbigyan dahil pareho kami ni Ate na huwag isuko ang katawan sa lalake na hindi pa namin asawa. Hindi na ako nakaimik pa ng tumayo na siya at nagtungo sa kaniyang silid. Pinatay ko na lang ang tv at pumasok na rin sa aking silid. Gusto ko ng matulog, ngunit hindi ako makatulog dahil nararamdaman ko pa rin ang halik ni Rafael sa akin. Parang pakiramdam ko nakadikit pa rin sa aking labi ang kaniyang labi. Hanggang sumapit na lang ang madaling araw ay hindi na talaga ako nakatulog. Kaya, bumangon na lang ako at nagtungo sa kusina. Ininom ko na lang ng tubig ang nararamdaman ko. Nagsaing na lang din ako at nagluto. Nagluto ako nang menudo at pinasobrahan ko iyon dahil gusto kong dalhan si Ate sa hospital ng mga niluto ko. maliban sa menudo ay nagluto pa ako ng fried chicken. Alas-singko na ng umaga subalit hindi pa lumalabas si Rafael sa silid niya. Iniisip ko na baka nagalit siya sa akin kagabi. Ganitong oras kasi kailangan gising na siya. Minabuti ko na lang na puntahan siya sa kaniyang silid at katukin ang pintuan. “Rafael, tulog ka pa ba?’’ tanong ko sa kaniya pagkatapos kong kumatok sa pintuan niya. “Mamaya na ako kakain, inaantok pa ako. Huwag mo muna ako isturbuhin!’’ medyo may pagkamasungit ang tono ng boses niya. Marahil nagtampo nga siguro siya kagabi. “Sige, kapag nagutom ka nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Kumain ka na lang, ha?’’ sabi ko sa kaniya. At hindi man lang siya umimik. Hinayaan ko na lang siya kaniyang silid at inasikaso ko na lang ang sarili ko dahil dadalhan ko ngayon si Ate ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD