CHAPTER 28 ELENA Wala na yatang hihigit sa sakit na nararamdaman ko ng lisanin ko ang silid ni Rafael. Bago ako lumabas sa silid niya ng madaling araw ay pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Hinaplos ko ang makapal niyang kilay. Ang matangos niyang ilong hinaplos ko ng aking daliri. Banayad at marahan kong hinagkan ang mapupula niyang labi na hindi ko na madama muli. Ang mainit niyang yakap magiging alaala na lang sa aking isipan. "Salamat sa pagmamahal mo kay Ate, Rafael. Salamat sa mga alaala na pinagsalohan natin," wika ko sa kaniya. Mahimbing ang kaniyang tulog, kaya hindi man lang niya naramdaman ang pagdampi ng banayad kong halik sa kaniyang labi. "I love you. Hon!" Napagitla ako nang magsalita siyang tulog. Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Mahal na mahal ko kayo