Chapter 6
ELENA
Nang makasigurado ko na nakatulog na si Ate sa pagturok sa kaniya ay lumabas na ako sa banyo na mugto ang mga mata.
Nagulat pa ang nurse na nagbabantay sa kaniya.
Sininyasan ko lang ito na huwag maingay. Lumapit ako kay Ate at hinagkan ang kaniyang noo.
Humarap naman ako sa nurse pagkatapos.
“Kumusta ang kalagayan ni Ate?” mahina kong tanong sa nurse na nagbabantay sa kaniya.
“Lalong lumalala ang kalagayan niya. Sa tuwing madaling araw namimilipt siya sa sakit. Tinaasan na nga ng doktor niya ang dosage ng gamot niya para sa pain reliever.
Tipid lang akong tumango-tango at tinapik ang balikat ng nurse.
“Ito ang calling card ko. Kung man ang mangyari tawagan mo ako. Ikaw na muna ang bahalang magbantay sa kaniya,” sabay abot ko ng aking calling card sa nurse.
Kinuha niya iyon at tumango-tango rin. Lumabas na ako ng silid ni Ate na pira-piraso ang puso ko dahil sa nasaksihan ko kung gaano siya lubos na nahirapan. Kaya ayaw niya ako matulog doon dahil ayaw niya na makita ko ang paghihirap niya. Kilala ko si Ate Miranda. Kahit nahihirapan na siya ayaw niyang nakikita ko iyon. Masasabi ko na isa siyang matapang na tao dahil kaya niya harapin ang pagsubok sa buhay niya na mag-isa.
Pumara na agad ako ng taxi pagdating ko sa labas ng hospital. Mag-aalasingko na ng umaga.
Habang nasa byahe ako tulala ako na nakatingin sa labas ng bintana ng taxi.
Alas-singko imedya ay nakarating ako sa harap ng gate ng mansion ni Rafael. Para akong zombie na naglalakad patungo sa pintuan ng mansion.
Sakto naman na pagpasok ko ay nabungaran ko si Rafael.
“Miranda, ikaw ba ‘yan? Kanina pa ako katok nang katok sa silid mo hindi ka sumasagot. Saan ka galing?” tanong ni Rafael sa akin.
Nilapag ko sa lamesa ang aking handbag saka lumapit kay Rafael at niyakap siya ng mahigpit.
Ano kaya kung siya ang nakarinig sa mga hiyaw at sigaw ni Ate? Siguro kahit siya man ay madudutog ang puso kapag narinig niya ang paghihirap ng kasintahan niya.
“Saan ka galing?” may himig na galit sa kaniyang boses.
Kumalas ako sa kaniya at lumunok ako ng sarili kong laway para malinisan ang aking lalamunan.
Parang may bumabara kasi ito na kung anong bagay.
Tumikhim pa ako para mas lalo maging klaro ang aking lalamunan.
“Ga-galing ako sa gilid ng bahay, Babe. Maaga kong diniligan ang mga halaman. Tapos nagwalis na rin ako. Nagugutom ka na ba? Teka at ipaghanda kita ng makain mo,” sabi ko sa kaniya na pinipilit kong huwag mapiyok ang boses ko.
“Akala ko iniwan mo na ako,” sabi niya na nakangiti.
“Ano ka ba? Bakit naman kita iiwan? Kung kailan na kailangan mo ako saka pa talaga kita iiwan?” sabi ko na pilit kong pinapasigla ang aking boses, subalit ang hindi niya alam sobra akong nasasaktan para sa kanila ni Ate Miranda.
Ngumiti siya at hinawakan niya ang dalawa kong pisngi saka hinagkan niya ako sa aking noo.
Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag mahikbi. Naramdaman ko kung gaano ni Rafael, nirerespeto si Ate Miranda. At nararamdaman ko kung gaano niya rin ito kamahal.
“Magbigis ka , Babe. Gusto ko lumabas tayo. Gusto ko e-date kita at ipasyal sa gusto mong pasyalan,” aya ni Rafael sa akin.
Sa totoo lang wala ako sa mood na gumala. Pagod ako, pagod ang isip ko lalo na ang puso ko.
“Babe, hindi mo naman kailangan gawin iyon. Isa pa masakit ang puson ko dahil nariyan ang regla ko. Puwede sa susunod na araw na lang? Ano kaya kung magluto ako ng pasta? Tapos maligo tayo sa swimming pool. Parang bonding natin, kaysa lumabas tayo tapos mapapagod lang tayo sa byahe,” malambing kong sabi sa kaniya.
Lumawak ang mga ngiti niya. Mas lalo siyang naging gwapo sa tuwing ngumingiti siya.
“Sige, Babe. Gusto ko rin ang suhestiyon mo. Isa pa baka pagtawanan ka kapag nakita nila na akay-akay mo ako na isang bulag,” sabi pa niya na para bang may ibig sabihin ang sinabi niya.
“Hindi naman sa ganoon, Babe. Kung iniisip mo na kinakahiya kita, puwes nagkakamali ka dahil kahit ipakilala pa kita sa mundong, hinding-hindi ako mahihiya. Pero kung gusto mo talaga na lumabas tayo, sige. Ikaw ang masusunod,” sabi ko para hindi siya magtampo at mag-isip ng kung ano-ano.
“Sorry, Babe. Sige, rito na lang tayo sa bahay. Basta gusto ko mag-ihaw-ihaw tayo habang naliligo tayo sa gilid ng pool. Ano oras na ba?” tanong niya sa akin.
Mabuti na lang sumang-ayon siya at hindi siya mahirap paintindihin.
“Alas-singko kuwareta uno, babe, tipid kong sagot sa kaniya.
“Maaga pa pala. Sige at simulan na natin magluto para maligo tayo pagsapit ng alas-siete sa swimming pool,” aya niya na sa akin.
“Sige, Babe. Saglit lang at magbibihis muna ako. Nadumihan kasi ang damit ko,” sabi ko sa kaniya. Tumango-tango lang siya, kaya pumasok na ako sa aking silid bitbit ang handbag ko.
Hindi alam ni Rafael na galing ako sa hospital sa kasintahan niya. Agad na akong nagbihis ng pambahay kong damit at naghilamos na muna ako at nag-toothbrush bago ako nagtungo sa kusina.
Nauna na si Rafael sa kusina. Agad naman ako nagbukas ng fridge para kunin ang namarenate na baboy. Iyon ang iihawin namin. Mayroon din malaking isda, kaya pinalabas ko iyon.
Nagluto na rin ako ng pasta para sa amin ni Rafael. Iyon ang kakainin namin ng umagahan.
Habang abala ako sa lababo hindi ko naman napansin na lumapit si Rafael. Niyakap niya ako habang ako’y nakatalikod.
“Uhmmm, ang bango-bango ng, Baby ko.” Sabay halik nito sa aking leeg.
“Rafael, may giangawa ako,” saway ko sa kaniya subalit ang totoo bumibilis na naman ang t***k ng puso ko.
“Hayaan mo na yakapin kita habang nagluluto ka,” malambing niyong sabi sa akin.
“Ikaw talaga, sige na nga!” sang-ayon ko na hindi makatanggi sa kaniya.
Iniisip ko na para kay Ate ang ginagawa kong ito, ngunit may parte ng isup ko na nagtatanong kung para ba talaga kay Ate o para sa sarili ko?
Aminin ko man o hindi kinikilig ako sa tuwing nilalambing ako ni Rafael. Lalo na noong hinalikan niya ako sa aking labi. Kakaiba ang nararamdaman kong iyon. Nakakailimutan ko na boyfriend siya ni Ate Miranda at pansamantala lang ang lahat ng ilusyon kong ito.
“Babe, maupo ka na lang sa lamesa, please. Mamaya ka na yumakap sa akin kapag tapos na ako mag-prepare ng kakainin natin. Matatagalan tayo kapag nakalingkis ka sa akin,” sabi ko sa kaniya na pilit kong pinapasaya ang aking boses.
“Hmm… Napaka-srikta talaga nitong fiancee ko. Sige, na nga at gustong-gusto ko na matikman ang pasta mo.”
Mabuti na lang at pumayag na siya sa gusto ko. Pero bago niya ako binitiwan ay hinalikan niya pa ako sa aking leeg.
Hindi kasi anko makakilos ng maayos habang nakayakap siya sa akin. Habang nagluluto ako hindi naman maalis sa isip ko si Ate Miranda. Gustong-gusto ko diya hatiran ng pasta na niluluto ko. Gustong-gusto ko ipatikim sa kaniya ang mga pagkain na natutunan kong lutuin habang nasa Amerika ako. Subalit alam ko na ayaw ni Ate na pupuntahan ko na naman siya. At gusto niya dito lang ako sa tabi ni Rafael.
“Hmmm… mukhang ang sarap niyan, Babe. Nagugutom na ako sa amoy pa oang ng pasta mo,” sabi ni Rafael hanang nakaupo siya sa lamesa.
“Makalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo ito, Babe,” nakangiti kong pahayag sa kaniya.
“Gusto mo timplahan na kita ng kape?” tanong ko pa.
“Parang masarap ipares diyan ang cocoa, Babe,” sagot nito sa akin.
“Sige, mag-cocoa tayo. Saglit lang, Babe. Malapit na ito maluto,” sabi ko habang busy ako sa pag-aayos ng iihawin namin.
“Hayaan mo, Babe. Kapag nakakita na ako paglulutuan kita ng masarap kong paella. Hindi ba paborito mo iyon?” tanong sa akin.
“Oo, Babe. Puwede mo naman ako paglituan kahit hindi ka pa nakakakita. Alalayan naman kita. Miss na miss ko na ang luto mo,” sabi ko kay Rafael, subalit ang totoo gusto kong ipagluto niya si Ate at matikman ulit ni Ate ang paborito niya.
“Sure ka, Babe?” paninigurado pa na tanong ni Rafael sa akin.
“Oo, naman, babe. Naglalaway na tuloy ako ng paella,” kunwari kong sabi sa kaniya.
“Sige, kapag pumunta ka sa mall bumili ka ng mga kakailanganin ko. Marami pa ba tayong grocery, babe? Kapag wala na tayong stock sa pantry sabihin mo lang sa akin. Kunin mo lang ang card ko roon sa lalagyan ko. Alam mo naman iyon hindi ba?” tanong pa nito sa akin.
“Ha? Ah, oo, Babe. Huwag ka mag-alala dahil marami pa tayong stock,” tugon ko sa kabiya kahit ang totoo hindi ko naman talaga alam kung saan niya nilalagay ang card niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay naluto na ang pasta. Dinala ko na ito sa tabi ng swimming pool. Ihinihanda ko na rin ang ang parelyahan na iihawan ko. Nakapagpalit na rin si Rafael ng damit pang-swimming naka-short lang siya at wala siyang suot pang-itaas. Napaawang pa ang labi ko kanina nang hubarin niya ang pang-itaas niya. Kaya, pala ang daming babae ang nagkakandarapa sa kaniya noong minsan na interview siya noon sa tv. Doon ko siya unang nakita. Ang kaniyang mga muscle ay parang pandesal na nagpuputukan.
Napakaswerte talaga ni Ate Miranda, dahil siya ang nakabihag sa puso ni Rafael.
Natuwa ako nang magtampisaw na sa tubig si Rafael. Mukhang kabisado naman niya ang tubig ng swimming pool.
Kahit bukag siya subalit nagawa naman niyang lumangoy.
Inihaw ko na ang isda at baboy. Naka-short lang ako ng maiksi at naka-t-shirt. Hindi kasi ako ang tipo ng babae na ilalabas ang katawan. Oo, minsan nagsusuot din ako ng swimsuit, pero depende sa mood ko.
“Babe, hali ka na! Ang sarap ng tubig!” sigaw ni Rafael sa akin. Sa kabilang dulo na siya ng swimming pool.
“Mamaya na kubti, Babe. Mabuti pa kumain ka na muna at inumin mo iyong cocoa mo habang mainit pa!” sigaw ko sa kaniya.
Muli na naman siyang lumangoy papunta rito sa akin.
Ilang sandali pa dumating ang isang matanda. Nagtataka ito na lumapit sa akin.
“Ahmm, saan si Sur Rafael?” nagtataka niyong tanong.
“Kayo po ba si Manong Jose?” tanong ko sa kaniya.
Nag-aalangan pa siyang tumango sa akin.
“Oo, i-ikaw, sino ka?”
Inaasahan ko na tatanungin niya ako. Marahil hindi nabanggit sa kaniya ni Aye ang tungkol sa akin.
“Miranda, I mean tawagin mo akong Miranda. Saka ko na ipapaliwanag sa’yo ang lahat. Nariyan na si Rafael,” wika ko nang makita ko na malapit na si Rafael, dito sa dulo ng swimming pool.
“Babe, may tao ba?” tanong ni Rafael sa akin nang makalapit na nga ito.
“Opo, Babe. Si Mang Jose nandito,” nakangiti kong sagot kay Rafael subalit takang-taka naman si Mang Jose sa akin, kung sino ba talaga ako.
“Ganoon ba? Kumusta Mang Jose? Tamang-tama at nandito ka. Nag-iihaw kami ni Miranda ng makakain namin,” nakangiti naman na sabi ni Rafael kay Mang Jose.
“Ayos lang naman, Sir. Pasensya na ngayon lang ako nakapunta. Inayos ko pa kasi ang problema ng anak ko. Magga-grass cutter sana ako at maglilinis dito sa paligid. Saka gusto ko rin sabihin na umalis na ako kina, Ma’am Victoria dahil kailangan ako ng asawa ko,” tugon ni Mang Jose kay Rafael.
Sabi ni Ate mapagkakatiwalaan ko si Mang Jose. Mukhang mabait naman siya. Kahit na nagtataka siya sa akin ay hindi naman siya nag usisa kay Rafael. Marahil hinihintay niya rin ang paliwanag ko mamaya.
“Mabuti naman kung ganoon. Kumusta na pala si Tita? Ibig sabihin mga kasambahay na lang ang kasama niya sa mansion ni Daddy?” tanong ni Rafael kay Mang Jose.
Ganoon na nga, Sir. Ang alam po ni Ma’am Victoria, nasa ibang bansa kayo,” sagot ni Mang Jose kay Rafael.
“Iyon kasi ang sinabi ni Miranda sa kaniya. Ewan ko nga riyan sa fiancee ko, Mang Jose. Kung bakit wala siyang tiwala kay Tita Victoria? Eh, si Tita naman ang nagpalaki sa akin,” natatawa pang sabi ni Rafael sa kay Mang Jose.
Tumingin na naman si Mang Jose sa akin na punong-puno ng pagtataka.
“Umahon ka na riyan, Babe. Kainin mo na itong pasta. Mang Jose, maupo na rin po kayo. Sabayan niyo na po kami ni Rafael, para matikman mo na rin ang luto ko,” patay malisya kong alok kay Mang Jose.
Umupo naman siya, kaya nilagyan ko na ng baso cocoa ang tasa na para sana sa akin. Kukuga na lang ako ng isa pang baso at plato sa loob ng mansion para sa akin.