Chapter 1
Elena
“Hi, Ate? Kumusta ka na? Alam mo nami-miss na kita. Salamat sa lahat ng tulong mo Ate ha? Isang taon na lang ay ga-graduate na ako ng nursing. Sabik na akong makita ka, Ate. Apat na taon din tayong hindi nagkita. Paano kasi ayaw mo magbakasyon dito sa Amerika,’’ sabik na sabi ko kay Ate Miranda sa kabilang linya.
“Nami-miss rin kita, Elena. Alam mo naman na hindi sapat ang kinikita ko at sakto lang sa pag-aaral mo, kaya hindi kita mapupuntahan riyan. Puwede ba sa sunod mong tuition fee mag-promissory note ka muna? Baka hindi kasi muna ako makapagpadala sa’yo,’’ mahina at malungkot niyang sabi sa akin.
Malakas ang kutob ko na may problema siya at iyon ang aalamin ko.
“Okay lang, Ate. Huwag mo akong problemahin. Sige Ate, baka malaki na ang babayaran mo sa load. I love you, Ate. Ingat ka riyan palagi.”
“Sige, Elen. Mag-ingat ka rin huwag mo pabayaan ang kalusugan mo.” Pagkasabi ni Ate ay namatay na ang linya. Malalalim akong nagbuntong hininga at napag-isipan ko na umuwi sa Maharlika sa Las Palmas. Hihinto na muna ako sa pag-aaral ko at surpresahin ko si Ate. Puwede naman ako mag-continue sa Las Palmas ng pag-aaral ko sa susunod na taon. Patapos na rin ang pasukan namin at sa susunod na taon ay fourth year college na ako.
Isang buwan ang lumipas ay hindi ko sinabi sa Ate Miranda ko na uuwi ako ng Las Palmas. Excited akong lumabas ng airport at sumakay sa taxi. Nagpahatid ako sa Forest Village sa bahay namin na iniwan ng namayapa naming ama. May dalawang silid ang bahay namin at katamtaman lang ang laki na sakto lang sa aming dalawa ni Ate. Nang bumaba na ako sa tapat ng bahay namin ay napakatahimik ng paligid.
Sarado ang mga bintana at pintuan. May sarili naman akong duplicate ng susi. ‘Yon nga lang kung hindi pinalitan ni Ate ang padlock ng bahay namin. Pumasok ako sa gate namin na yari lang sa kawayan. Kinuha ko ang susi at sinubukan ipasok sa susian ng pintuan.
“Yes!” natuwa ako nang bumukas ang pintuan. Mabuti na lang at ganoon pa rin ang susi ng bahay namin. Pumasok ako sa loob habang bitbit ang mga dala ko. binuksan ko ang mga bintana at tuwang-tuwa na naupo sa sofa.
“Sa wakas nakaupo na ulit ako sa aming sofa!’’ nakangiti kong sabi sa aking sarili. Bahagya muna ako nahiga sa sofa para kahit papaano ay matanggal ang pagod ko.
Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtungo ako sa aking silid. Sadya talagang inaayos pa rin ni Ate ang higaan ko. Tiyak na masusurpresa siya kapag nakita niya ako rito. Marahil ay nasa shop niya ito. May boutique siyang negosyo na minana pa niya sa mama namin. Namatay sina Mama at Papa sa isang aksidente, kaya simula nang mawala ang mga magulang namin ay si Ate na ang nagtaguyod sa akin lalo na sa pag-aaral ko.
Nahiga ako sa aking kama at hindi ko namalayan na nakatulog ako ng mahaba. Nagising na lang ako nang may mga dumating na sasakyan. Bumangon ako at dumungaw sa may bintana. Nakita ko si Ate na nakikipagtala sa mga naka-uniform na mga kalalakihan.
“Please, bigyan niyo pa ako ng palugit. Huwag niyo muna kunin ang sasakyan ko dahil kakatapos ko pa lang bayaran ito sa banko,’’ narinig kong pakiusap ni Ate sa mga kalalakihan.
“Hindi nga puwede, Ma’am. Ito ang ginawa mong collateral sa utang mo, kaya kukunin na namin ito dahil ilang palugit na ang ibinigay sa’yo ng kompanya,’’ tanggi ng isang lalaki na may katandaan na.
Dali-dali akong lumabas sa aking silid at lumabas ng bahay para puntahan si Ate.
“Ate, ano ang nangyayari?’’ tanong ko sa kaniya. Nagulat siya nang makita ako.
“Anak ng- Bakit ka nandito? Bakit ka umuwi, ha? Paano ang pag-aaral mo?’’ sunod-sunod niyang tanong sa akin na may pagtataka.
“Amin na ang susi, Ma’am. Kukunin na namin itong sasakyan mo,’’ sabi ng isang lalaki. Wala ng nagawa si Ate kundi ang ibigay ang susi ng sasakyan niya sa mga ito.
Bagsak ang balikat niya na pumasok kami sa loob ng bahay. Parang maiyak siya ngunit alam ko na pinipigilan niya lang dahil ayaw niya na nakikita ko siya na umiiyak. Naupo kami sa sofa at sumalin siya ng tubig sa baso na nasa ibabaw ng lamesita.
Napansin ko na ang laki ng ipinayat niya at malalim ang mga talukap ng mga mata niya.
“Ate, sabihin mo nga sa akin bakit kinuha nila ang sasakyan mo? Kumusta ang business mo?’’ Hindi ko na mapigilan na hindi magtanong sa kaniya.
“Wala na akong negosyo, Elena. Pero hahanap ako ng paraan na kumita ulit. Bakit ka ba umuwi rito? Paano ang pag-aaral mo?’’
Ang nagustuhan ko kay Ate ay inaalala niya pa rin ako kahit na alam kong may sarili siyang problema. At kahit na nadadapa siya ay bumabangon ulit siya. Malakas ang loob niya kompara sa akin.
“Na-miss na kasi kita, Ate. Dito na lang ako mag-aaral sa susunod na taon. At least kasama kita palagi hindi katulad sa Amerika na nag-iisa lang ako,’’ malambing kong sabi sa kaniya at yumakap.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko saka hinaplos ang mga buhok ko. Masasabi ko na spoiled ako ni Ate at lahat ng gusto ko ay ibinibigay niya.
“’Di ba, pangarap mo sa ibang bansa makapagtapos? Saka Sinabihan lang kita na kung puwede ka muna mag-promissory note tapos umuwi ka naman,” paglalambing niyang sabi sa akin at hinalikan niya ako sa aking noo.
“Okay, lang kahit hindi matupad ang pangarap ko, Ate. Basta ang mahalaga ay magkasama tayo,’’ nakangiti kong wika sa kaniya.
Kahit hindi man sabihin ni Ate na masaya siya sa pag-uwi ko ay nakikita ko naman ang tuwa sa mukha niya. Sapat na sa akin na makita ang kapatid ko na masaya.
Lumipas ang mga araw ay napapansin ko na palaging umaalis si Ate. At nakikita ko minsan na may iniinom siyang gamot. Sa una ay iniisip ko na baka vitamins ang iniinom niya. Subalit napapansin ko rin na parang naghihina siya at mabilis ang pagbagsak ng katawan niya.
Nang gabi na dumating siya ay hindi ko na natiis na hindi siya komprontahin.
“Ate, Bakit parang may sakit ka? Ang payat-payat mo na. Saka bakit ka ginagabi ng uwi? Saan ka ba nagpupunta?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin ng matamis at pilit na ikinukubli ang nararamdaman.
“Elena, kapag makiusap ako sa’yo hindi mo ba ko tatanggihan?’’ tipid na ngiti niyang tanong sa akin.
Mataman ko siyang tinitingnan at batik ko na may problema siya.
“Ate, mahal kita. Kahit anong pakiusap mo sa akin gagawin ko dahil malaki ang utang na loob ko sa’yo. Para ikaw na ang nagsilbing mga magulang ko simula nang mamatay sina Mama at Papa. Sabihin mo sa akin kung may problem aka dahil tayong dalaw lang naman ang magtutulungan,’’ sabi ko sa kaniya saka hinawaka ang mga palad niya. Nakaupo kami sa sofa ng magkaharap sa isa’t isa.
“Makiusap sana ako sa’yo na kung puwede na alagaan mo ang boyfriend ko at magpanggap kang ako.” Natawa ako ng pagak sa pakiusap ni Ate sa akin.
“Hahaha… Ate, nagbibiro ka ba? Bakit ko naman alagaan ang boyfriend mo? Sanggol ba siya o may sakit o ‘di kaya matanda na para alagaan ko?’’ pilosopo kong tanong kay Ate na natatawa ng nakakauyam.
“Hindi, Elena. Isa siyang bulag at ako lang ang nag-aalaga sa kaniya. Tatlong taon na siyang bulag. Doon ako pumupunta sa kaniya araw-araw,’’ seryosong sabi ni Ate sa akin.
Nagbuntong-hininga ako ng malalim sa sinabi niyang iyon.
“Ate, naman. Akala ko kasabihan lang ang bulag ang pag-ibig. Eh, umibig ka pa talaga sa literal na bulag!’’ wala sa sarili kong turan kay Ate.
“Hindi na magtatagal ang buhay ko, Elena. Buwan o isang taon o ilang araw na lang ang ilalagi ko dito sa mundo. Kaya, nais ko na bago man lang ako mamatay ay gusto kong ibilin si Rafael. Baka hindi ko na makakayanan na pumunta sa kanila at ayaw ko malaman niya ang kalagayan ko. Pakiusap, ikaw muna ang mag-alaga sa kaniya hanggang sa malagutan ako ng hininga. Saglit lang na panahon ang pagpapanggap mo bilang ako. Saka kapag namatay ako ibigay mo sa kaniya ang mga mata ko para muli siyang makikita.”
Para akong bumagsak sa pinakamataas na bahagi ng kahoy at nagkaluray-luray nang marinig ko ang sinabi ni Ate na may sakit siya at hindi na siya magtatagal pa. Nakatulala akong tumingin sa kaniya habang masaganang tumutulo ang mga luha ko.
“Ate, naman! Sa dami mong puwedeng ibiro sa akin ‘yan pa talaga? Hindi kaya nakakatawa, Ate,’’ garalgal kong sabi sa kaniya.
Hindi siya umimik at may kinuha siya sa kaniyang bag.
“Ito ang resulta checkup ko kahapon. Nasa stage four na ang cancer ko sa cervix at hindi na madala ito sa kahit anong gamutan. Ano mang oras ay puwede na mawala ang hininga ko. Ito ang lagda ko na pumapayag ako na ilipat kay Rafael ang mga mata ko. Sinabi ko na rin sa doktor na mag-oopera sa aming dalawa. Sana mapagbigyan mo ako sa hinihingi ko sa’yo, Elena,” pakiusap ni Ate sa akin.
Grabe talaga itong kapatid ko. Minsan nga lang makiusap pero matindi pa. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa kaniyang balikat.
“Ate, hindi ko kayang mawala ka.”
Hinagod niya ang aking likod at hinaplos-haplos ang aking buhok. “Lahat tayo maglalaho sa mundong ito, Elena. Iyon ang masakit na katotohanan. Kaya, nakikiusap ako na ikaw muna ang mag-alaga kay Rafael. Magpanggap kang ako hanggang sa mawala ako at makakita siya,’’ masakit na katotohanan na pakiusap sa akin ni Ate.
“Pero paano ka? Sino ang mag-aalaga sa’yo?’’ tanong ko sa kaniya saka bumitaw sa pagkayakap sa kaniya.
“Ayos lang ako. Kapag sumama ang pakiramdam ko puwede naman ako tumakbo sa hospital. At any time pwede nilang kunin ang mga mata ko para ilipat kay Rafael. Magka-match kami ng mata. Saka kahit sino sa pamilya niya o sino man ang magtanong huwag mong sasabihin na may magdo-donate ng mata sa kaniya. At huwag mo rin sabihin sa kaniya ang sakit ko at ang plano ko. Hindi niya alam ang plano ko dahil malakas ang kutob ko na sinadya ang pagkaaksidente niya,’’ bilin sa akin ni Ate.
Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Ate. Marami naman siyang pwedeng ipakiusap sa akin bakit iyon pa? “Sino ba ang boyfriend mo at saan siya nakatira?’’ tanong ko sa kaniya.
“Si Rafael Morrison. Nakatira sa bahay niya sa Secret Village. Ibibigay ko sa’yo ang address niya. Wala akong choices, Elena. Kundi ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko kay Rafael.
Napaawang ang labi ko sa pangalan na ibinigay sa akin ni Ate. Sino ba naman ang hindi magulat na si Rafael Morrison pala ang boyfriend niya? Balita ko napakayaman ang taong dito sa bansa. At dito pala siya sa Las Palmas?
“A-Ate, Rafael Morrison ang boyfriend mo? ‘Yong anak ng may-ari ng Leonila Beauty Product? ‘Yong crush ko?’’ nanlalaki ang mga mata ko na tanong kay Ate.
Matagal ko ng crush si Rafael Morrison sa magazine. Hindi pa nga nakasagot si Ate ay kinuha koa ang magazine na may laraw ni Rafael Morrison at ipinakita kay Ate.
“Ate, siya baa ng boyfriend mo?’’ excited na tanong ko kay Ate.
“Oo, siya nga!’’ tipid niyang sagot sa akin at ngumiti ng malawak.
“Ate, hanip ka! Paano mo napikot ‘yan? I mean paano naging kayo? Ang lakas naman ng kamandag mo,’’ turan ko kay Ate na nakalimutan kong may sakit siya.
“Abnormal ka talaga. Sa ganda ko ba naman ito hindi siya maakit sa akin? Kailan mo pa naging crush si Rafael, ha?’’ tanong niya sa akin at kiniliti ako sa aking beywang.
“Hahaha… Matagal na kaya, Ate. Noong una ko siyang nakita sa diyaryo. Una ko pang nga siya siguro nakita sa’yo, eh! Pero bakit siya nabulag?’’ nagtataka kong tanong.
“Nawalan ng preno ang sinasakyan niya at nabanggga siya sa poste. Tinamaan ng mga basag na salamin ang mga mata niya, kaya hindi na siya nakakakita. Pero may pag-asa pa na makakita siya kapag may nag-donate sa kaniya ng mga mata. Ilang beses na dapat siya isalang sa operasyon sulablit kapag oras na ng operasyon ay umuurong ang mga nag-donate sa kaniya ng mga mata. Kaya, kahit kanino huwag mo ipaalam ang tungkol sa sinabi ko. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kaniya kapag naisalin na ang mga mata ko sa kaniya,’’ mahigpit na bilin sa akin ni Ate.
Masakit man para sa akin ang mangyayari ay wala akong magagawa dahil si Ate na mismo ang nagdesisyon. Kung tutuusin ay madali lang naman ang pinapakiusap niya sa akin kaysa mga sakripisyo na ginawa niya para sa akin. Hindi ko nga alam kung paano na ako kapag nawala na si Ate?