Nagkatinginan silang dalawa, parehong nagtataka. Imposible naman na hindi sila napansin ng mga kaibigan nito. At si Jesilyn, hindi man lang nag goodnight sa kaniya.
“Oorder po ba kayo ng drinks bago magligpit ang bar area, ma’am, sir?” tanong ng waiter.
“Inaantok ka na ba?” tanong ni Sheila sa binata.
“Ikaw?”
“Hindi pa.”
Tumango si Apolinario at saka hinarap ang waiter. “I’ll have a bottle of beer, then.”
“Ako rin,” sabi ni Sheila. Humangin ng malakas at nangikig siya sa lamig kaya lalo niyang binalot sa katawan ang suot niyang coat. Sinulyapan niya ang binata na tumingin sa wristwatch.
Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito at ipinakita sa kaniya ang oras. “It’s already three in the morning. Paano nangyari ‘yon?”
“Wala akong ideya,” nanlalaki ang mga mata na sagot niya. Nakakagulat na hindi nila namalayan ang oras. Ni hindi nga nila napansin na unti-unti nang nawala ang mga bisita. Ganoon ba sila ka-absorbed sa pag-uusap nila? Nakakamangha.
Bumalik ang waiter at inabutan sila ng tig-isang bote ng beer. Pagkatapos nagpaalam ito na maglilipit na raw ang staff pero puwede naman daw sila mag stay sa pool area hanggang kailan nila gusto. Kaya ganoon nga ang ginawa nila ni Apolinario. Pumuwesto sila sa magkatabing reclining chairs at sandaling tahimik lang tumutungga ng beer habang nakatitig sa kalangitan. Ngayon lang niya napansin na bilog na bilog at maliwanag ang buwan.
“Ang weird na magkasama tayo ngayon dito,” komento ni Sheila nang tuluyang umalis ang lahat ng staff ng hotel at maiwan silang dalawa sa rooftop. Nagpatay na rin ng mga ilaw at ang natira na lang ay ang dim lights sa sahig ng swimming pool.
“Really weird,” mahinang sangayon ni Apolinario.
Sinulyapan niya ito at ngumisi. “Hindi ‘to kasama sa fifty-year-plan mo. Hindi ba nakakatuwa rin na may nangyayaring hindi kasama sa plano mo? Masaya rin na nasosorpresa paminsan-minsan.”
Tumitig ito sa mukha niya. “Well, okay lang sa akin kung mga sorpresa na hindi masyadong makakaapekto sa fifty-year-plan ko at hindi magiging dahilan para ma-disappoint sa akin ang tatay ko.” Pagkatapos nagulat si Sheila nang bigla itong ngumiti. Nahigit niya ang hininga at parang nilamutak ang sikmura niya. Kasi ngayon ang unang beses na nginitian siya nito. At sa kung anong dahilan, hindi sapat kay Sheila ang matitigan lang ang ngiti na iyon. Kaya bago pa niya napigilan ang sarili ay umangat na ang isa niyang kamay at marahang hinaplos ng daliri ang dulo ng nakangiti nitong mga labi.
“What are you doing?” mahinang tanong ni Apolinario na medyo nawala ang ngiti pero hindi kumilos para lumayo sa haplos niya. Ni hindi kumunot ang noo nito at hindi kumislap sa iritasyon ang mga mata nito na katulad ng normal na reaksiyon nito.
Kumabog ang dibdib ni Sheila. “Ngayon mo lang ako nginitian,” bulong niya. “Napipikon ka na sa akin kanina pero ngayon nakangiti ka. Weird.”
“Ikaw ang weird. Iniinsulto mo lang ako kanina. So why are you touching me now? Are you drunk?”
Mahina siyang natawa at umiling. Parang may nagliliparang mga paru-paro sa sikmura niya at mainit ang pakiramdam niya pero hindi siya lasing. Labag sa loob niya pero dahan-dahan niyang binawi ang daliri niyang humaplos sa mga labi nito. “Baka ikaw ang lasing. Hindi ka naiirita sa akin ngayon eh.” Tinungga niya ang bote na hawak niya, sinaid ang laman niyon. Bigla kasi siyang nauhaw na hindi niya maintindihan.
“Hindi ako malalasing sa isang bote lang ng beer,” sagot ni Apolinario na inubos din ang laman ng hawak nitong bote. Bigla rin bang nanuyo ang lalamunan nito?
Inilapag ni Sheila sa sahig ang bote na hawak niya. Pagkatapos patagilid siyang humiga siya reclining chair, paharap sa binata. Tinitigan niya ang mukha nito. “Hindi ka ba napapagod maging perpekto?” mahinang tanong niya.
Sinalubong nito ng tingin ang kanyang mga mata. “Hindi ako perpekto, Sheila.”
“But you’re trying too hard to be one.” s**t. Lasing na nga yata siya kung napapa-english na siya.
Umangat ang gilid ng mga labi ni Apolinario. “Yes, I do.”
“Hindi ka napapagod?”
Nagkibit balikat ito, ibinaba rin sa sahig ang bote at patagilid na humiga sa sarili nitong reclining chair, paharap sa kaniya. “Not really.”
“Boring.”
Tumaas ang mga kilay nito. “Ilang beses mo na ako tinatawag na boring. Isa pa maiinis na talaga ako.”
“Totoo naman eh. Ikaw ang lalaking walang passion sa katawan,” ismid ni Sheila.
“Na para namang ang dami mong nakilalang lalaki sa buhay mo.”
“Oo nga wala pa akong nakarelasyon kahit kailan. Pero hindi ‘yon by choice. Wala lang talaga akong nakikitang gusto ko at wala ring nagpapakita ng interes sa akin. Kasi kung meron hindi ako magdadalawang isip na sunggaban agad ang pagkakataon. Maiksi lang ang buhay at unpredictable pa. Hindi mo alam kung kailan uli darating ang chance kung palalampasin mo. Hindi katulad mo. Marami kang puwede pagpilian pero utak ang pinapagana mo at hindi puso o instinct.”
“Anong masama kung utak ang paganahin? Walang masama kung gusto ko magpaka-safe. I won’t get hurt this way. Hindi ako reckless na katulad mo.”
Kumilos si Sheila palapit sa binata at pinakatitigan ang mga mata nito. “Pero never mo ba naisip gumawa ng something reckless sa buong buhay mo? Never ka nagkaroon ng urge na balewalain ang mga plano mo at magpadala lang sa feelings at hindi sa logic? Didn’t you ever want to do something… wicked?”
Bumaba ang tingin ni Apolinario… sa mga labi niya? Sumikdo ang puso ni Sheila at wala sa loob na binasa ng dila ang kanyang ibabang labi. Bakit nakakaramdam siya ng ganito ngayon? Hindi siya attracted sa binata. Ni katiting na paghanga wala siyang naramdaman para rito mula pa noon. They are enemies since the first time they met. Kaya bakit ngayon parang gusto niyang… halikan siya nito?
“Never,” bulong nito na nakatingin pa rin sa mga labi niya.
Ugh. Nakaka-frustrate pa rin talaga ito. “Boring,” ismid niya.
Naningkit ang mga mata nito. “I told you to stop calling me boring.”
“Boring, boring, boring. Apolinario Montes you are so bor –”
Bigla nitong hinawakan ang batok niya at hinila palapit sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata ni Sheila at huminto sa paghinga nang mariing siya nitong halikan sa mga labi. Para siyang nakuryente pero iyong tipo ng kuryente na nakakakiliti at masarap sa pakiramdam. Gulat na napaatras siya hanggang magkaroon ng isang pulgadang espasyo sa pagitan ng kanilang mga labi. Nagkatitigan sila. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang init sa mga mata nito.
“A-akala ko ba never mo naisip magpaka-reckless?” bulong niya.
“Yeah. Never. Until now,” ganting bulong ni Apolinario sa galit na tono. Pero sa tingin niya hindi para sa kaniya ang galit na iyon kung hindi para sa sarili nito.
They are enemies. Pero ngayon ramdam niya ang nakakapasong s****l tension sa pagitan nilang dalawa. Bukas baka wala na ang feeling na ito. Bukas baka balik na naman sila sa palitan ng maanghang na mga salita. Bukas baka hindi na ito attracted sa kaniya. Bukas baka makakilala na si Apolinario ng ibang babae na perpekto para sa fifty-year-plan nito, isang babae na sigurado siyang exact opposite niya.
Baka magsisi sila pareho pagkatapos ng gabing ito pero baka rin naman hindi. Sa kanilang dalawa, si Sheila ang mas mapusok at hindi gumagamit ng logic. Hindi ba siya ang nagsabi kanina na kapag dumating ang pagkakataon ay hindi dapat palampasin kasi baka hindi na dumating uli ang chance?
Magkalapat pa rin ang kanilang mga paningin. Mainit pa rin ang titig nito sa kaniya, may pagnanasa. Lumunok siya, inalis ang kaba at pagdadalawang isip. Pagkatapos hinawakan niya ang kuwelyo nito at hinila ito palapit sa kaniya. And then they kissed.