CHAPTER 2

1601 Words
SA VISPERAS HOTEL ginanap ang reception. Sa pavilion ang formal party pero pagsapit ng gabi, nang nagpahinga na ang mga matatanda at bata at natira na lang ang mga kaedaran nila Sheila, inakyat sa rooftop ang selebrasyon. Naka-check in sa hotel ang halos lahat ng mga bisita kaya marami ang nagtampisaw sa swimming pool habang ang iba ay sumasayaw sa saliw ng maharot na mga awitin.                Sa sandaling iyon lalo niyang narealize na hindi talaga siya parte ng social circle na iyon. Hindi siya galing sa mayamang pamilya. Katunayan lumaki siyang mahirap at ngayong nagtatrabaho siya saka lang sila nakakaraos kahit papaano. Hindi pa rin mayaman pero hindi na rin mahirap. Bukod din kina Jesilyn at Ryan, wala siyang masasabing kaibigan niya roon. At ngayon na nag-iikot sa mga grupo ng bisita ang bagong kasal, hindi niya alam kung saan siya lulugar sa party. Kung hindi lang siya pinilit ng bestfriend niya na sumama sa rooftop baka natulog na lang din siya sa hotel room niya.                Mag-isang umupo si Sheila sa bandang sulok, malayo sa pool area at sa parteng ginawang dance floor. Hindi cocktail ang tinutungga niya kung hindi beer. Isang bote lang kasi hindi siya mahilig sa alak. Komportable siyang sumandal at itinaas ang mga binti sa mababang lamesa sa kanyang harapan. Pagkatapos iginala niya ang tingin sa paligid, inoobserbahan ang mga bisita.                May narinig siyang malakas at masayang tawanan ng mga lalaki. Hinanap niya ng tingin ang pinanggalingan niyon. Napangiti siya nang marealize na grupo pala ng mga kaibigan nina Ryan ang nagkakasiyahan. Nasabi dati ni Jesilyn na sa iisang building daw nakatira ang mga lalaki na lahat ay parang mga modelo at artista ang hitsura at tindig. Masarap titigan ang grupo. Katunayan napansin niyang halos lahat ng mga babae ay nakatingin at palapit ng palapit sa puwesto ng mga ito, humahanap ng tiyempo makasali sa grupo.                Pero si Sheila ayos nang magmasid mula sa malayo. Kilala niya sa pangalan ang mga lalaki. Ganoon din ang mga trabaho at lahat ng tsismis na nai-she-share ng bestfriend niya. Boring ang sarili niyang buhay kaya nag-e-enjoy siyang malaman ang tungkol sa buhay ng mga residente ng Bachelor’s Pad. Mahina siyang natawa nang maisip ang tawag sa building na tinitirhan ng mga ito. Though bagay naman kung tutuusin kasi magagandang lalaki talaga ang mga nakatira roon.                Tinungga niya ang bote ng beer habang nakatingin pa rin sa grupo nang biglang may lumingon sa direksiyon niya. Si Apolinario. Nahirinan siya sa sobrang gulat at tumapon ang beer sa leeg at dibdib niya. “s**t,” napamurang inilayo niya ang bote sa kanyang bibig at ibinaba sa sahig ang mga paa. Nakangiwing tumingala siya para humanap sana ng waiter at makahingi ng tissue. Pero napamura na naman siya nang makitang naglalakad palapit sa kaniya ang lalaking dahilan kung bakit natapon ang kanyang beer.                Na-tense si Sheila at kumunot ang noo. Bakit lumalapit sa kaniya ang binata? Kahit kailan hindi ito nagkusang lapitan siya. Katulad niya ay hindi pa ito nagpapalit ng damit. Suot pa rin nito ang formal black suit na suot nito kanina sa kasal pero nakabukas na ang unang tatlong butones ng puting polo nito. “Bakit?” guarded na tanong niya nang huminto sa harap niya si Apolinario.                Imbes na sumagot agad dumukot muna ito ng panyo mula sa back pocket ng slacks at inilahad sa kaniya. “Here. Use it.”                Nagdududa pa rin ang tingin ni Sheila sa mukha ng binata pero inabot naman ang panyo. “Salamat.” Pinunasan niya ang leeg at dibdib niya. Kaso kahit anong punas niya talagang basa na ang top ng dress na suot niya. Napangiwi siya kasi nakabakat na ang boobs niya sa manipis na tela niyon.                Naramdaman niyang kumilos si Apolinario kaya tiningala niya ito. Natigilan siya nang makitang hinuhubad na nito ang black coat nito at inabot sa kaniya. “Wear this.”                “Montes, bakit ang bait mo sa akin? Ang creepy mo,” kunot noong sabi ni Sheila.                Sumimangot ang binata at kumislap ang iritasyon sa mga mata. Yumuko ito at nagulat siya nang isampay nito sa mga balikat niya ang coat. “Hindi ko ‘to ginagawa dahil gusto kong maging mabait sa’yo. Sa tuwing mapapalapit sa grupo namin si Jesi o si Ryan palagi nilang binubulong na samahan kita kasi ayaw nilang nagmumukha kang loner. I told them you will be fine by yourself because you’re not a weak person. Pero makulit sila.”                Tumaas ang kilay ni Sheila at tinitigan ang mukha ni Apolinario. “Talagang ‘yan lang ang dahilan kaya ka lumapit sa akin? Wala nang ibang rason?”                Kumunot ang noo nito. “At kanina ka pa tingin ng tingin sa akin. Sa simbahan pa lang. It bothers me.”                “Iyon lang?”                “Ano pa bang puwede kong maging rason?” inis na tanong nito. Nagkibit balikat siya at isinuot na nang tuluyan ang coat nito para matakpan ang dibdib niya. Pagkatapos inabot niya uli ang bote ng beer at tinungga ang natitirang laman niyon. Ilang segundong nanatiling nakatayo si Apolinario at nakatingin sa kaniya. Hinihintay niya na maglakad ito palayo kaya nagulat siya nang hilahin nito ang silya sa tabi niya at umupo roon. “Fine. Ang totoong rason kaya ako lumapit sa’yo ay dahil pagod na ako makipag-socialize. I need a break.”                Sumulyap si Sheila sa grupo na iniwan ng binata. Tumaas ang kilay niya kasi nakalapit na nang tuluyan ang mga babaeng umaaligid lang kanina. “Ayaw mo ba ‘ron? Baka may magustuhan ka sa mga babaeng bisita.”                “Sila mismo ang dahilan kaya ako lumayo sa grupo. I don’t feel like talking to strangers right now.”                Ibinalik niya ang tingin kay Apolinario. “Pero okay lang sa’yo na makipag-usap sa akin? Dapat ba akong ma-flatter Mr. Montes?” exaggerated na tanong niya.                Inis na tiningnan din siya nito. “At least I don’t need to act nice with you.”                “Ah. So kaya ka napapagod makipag-socialize kasi kailangan mo maging mabait sa kanila. Nakakapagod nga naman talaga itago ang totoong ugali, no?” pang-aasar ni Sheila.                Naningkit ang mga mata ni Apolinario at mariing tumikom ang bibig na parang nagpipigil magsabi ng maanghang na salita. Pagkatapos frustrated na bumuntong hininga ito at inalis ang tingin sa kaniya. “You’re really annoying.”                Natawa siya. “Salamat sa compliment.”                Namula ang mukha nito, halatang lalong nainis. Napangisi siya. Masarap talaga asarin ang binata kasi pikon ito. Tumingin ito sa wristwatch at umiling. “Kanina ko pa gusto umalis pero magtatampo sila sa akin kapag nilayasan ko ang party nila.”                Bumuntong hininga si Sheila, umayos uli ng sandal at ipinatong uli ang mga binti sa lamesa. “Sinabi mo pa. Hindi ko alam kung paano nakakaya ng mga bisita nila maging energetic pa rin kahit malalim na ang gabi.”                “Sanay sila sa night life. Kaya nila mag survive hanggang umaga.”                Sinulyapan niya si Apolinario na mas komportable na rin ang pagkakasandal sa upuan at nakatingin sa harapan nila. Nagkaroon tuloy siya ng chance matitigan ng malapitan ang mukha nito. Mula pa noong una itong ipakilala sa kaniya ni Jesilyn walong taon na ang nakararaan, aware na siya na guwapo talaga ito. Mestizo ang binata kasi may lahing espanyol sa mother’s side. Makapal ang mga kilay, matangos ang ilong at makurba ang mga labi. Pero ang paborito niya ay ang mga mata nito, light brown ang kulay na pinaresan ng makapal na pilikmata.                Natatandaan niya na palagi siya napapatitig sa mga mata ni Apolinario noon lalo na kapag kausap nito si Jesilyn. Nagiging masuyo at maamo kasi ang mga mata nito kapag nakatitig sa kaibigan niya. Sa normal kasing pagkakataon ay matalim at malamig ito tumingin.                Bigla itong lumingon sa kaniya at kumunot ang noo. “Kanina mo pa ginagawa ‘yan,” inis na sabi nito.                Kumurap si Sheila. “Anong ginagawa ko?”                “Mula pa kanina sa simbahan, tingin ka ng tingin sa akin na parang may binabasa ka sa mukha ko na hindi ko maintindihan. May problema ka na naman ba sa akin?”                “Kung makapagsalita ka parang palagi akong may problema sa’yo ah. Ikaw kaya ang palaging inis sa akin. Alam ko na mula pa noon palagi mo sinasabi kay Jesi na bad influence ako sa kaniya at hindi niya ako dapat kinakaibigan.”                “Sinasabi ko lang sa kaniya ang totoo. You are too tactless and reckless for her. Tinataniman mo ng kung anu-anong ideya ang utak niya na hindi maganda para sa kaniya.”                Sumimangot siya. “Mas masarap maging kaibigan ang isang taong hindi mo kaugali. At anong masama kung nagshe-share kami ng ideya sa isa’t isa? Ganoon ang bestfriends.”                Umiling si Apolinario, halatang hindi kumbinsido sa logic ng sinabi niya. “Whatever. Besides, ikaw ang palaging may nakikitang hindi maganda sa akin kaya tayo palagi nag-aaway. So what is it this time huh? Why are you staring at me the whole day?”                 Nagtama ang mga paningin nila. “Mangako ka muna sa akin.” Tumaas ang mga kilay ng binata. Hindi pinutol ni Sheila ang eye contact nila nang magpatuloy siya sa pagsasalita, “Truce muna tayo ngayong gabi. Hindi tayo mag-aaway at kahit anong mangyari hindi ka magagalit sa akin. Hindi rin ako magagalit sa’yo.”                Matagal na nagkatitigan lang sila. Alam niya pinag-iispan nito ang sinabi niya. Makalipas ang ilang sandali ay marahan itong tumango. “Fine. I promise.”               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD