Zenni
*
*
" Mommy! Daddy dalaga na ako. Napagtanto ko na dapat mag resign na si axel bilang bodyguard ko. Gusto na niya mag-asawa at magkaroon ng mga anak. Kaya ko na ang sarili ko marami ka naman assassin kaya palitan mo nalang si Axel." Pakiusap ko habang naghahaponan kami
" Dalawang buwan na po niya ako hindi pinapansin. Para akong hangin habang nasa resort kami. " Sabat ni Axel
Dito din siya madalas matulog, Umuwi lang siya sa bahay niya sa Oras na Day off niya. magkatabi ang kwarto namin
" Hindi ka magpapalit ng bodyguard. " magkasabay na tugon ni mommy at daddy napairap ako naiinis na tumayo ako naglakad palabas ng dinning area
Naglakad ako papasok sa kwarto ko pagkatapos ko mag toothbrush naupo ako sa balcony. Nakatanaw ako sa malayo habang nag-iisip ng malalim.
" Half moon! Anong grupo kaya ang kinabibilangan nila?" Kausap ko sa sarili ko
" Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko? Kung kaya ko lang sana protiktahan ang sarili ko hindi ko na sana kailangan ang bodyguard. Tulad ni Alazne at Kailani nakakainggit sila. Bakit hindi ako tinuroan makipag laban? Dati naman tinuturoan ako ni mommy at daddy Pero bigla nalang sila tumigil hindi ko alam kung bakit? Wala akong kakampi wala akong kaibigan na pwede maging karamay sa lahat ng problema ko. " Malungkot na kausap ko sa sarili ko
" Iha! Can we talk?" tanong ni Mommy
Napatingin ako kay mommy tumango ako naupo siya sa upuan sa harapan ko hinawakan ang kamay ko huminga muna ng malalim bago nagsalita.
" Kailangan mo unawain ang lahat ng sasabihin ko sayo." Mahinahon na wika ni mommy para bang ibang tao ang kasama ko ngayon
" Mommy! Bakit nagbago ka? Bakit naging mahigpit ka saakin?" Kinakabahan na tanong ko
" Ginagawa ko to para sa kinabukasan mo, Kung susunodin mo lang ako sinisiguro ko sayo magiging maganda ang kinabukasan mo." tugon ni mommy hindi ko parin siya maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Nagulat ako ng mapansin ko na umiiyak si mommy. Hindi ko maintindihan kung bakit.
" Alam ko galit ka saakin maging mahigpit ako sayo. Natakot ako para sayo, Natakot ako para sa kinabukasan mo. " Umiiyak na wika mommy
Wala akong maisagot niyakap ko nalang si mommy.
" Alam ko may gusto ka kay Axel, Pero anak may kasintahan siya. Maraming lalaki ang naghahangad na mabihag ka karamihan sakanila hindi pag-ibig mo ang habol sayo. Kundi ang kayamanan na balang araw papasayo. Gusto ko humanap ka ng lalaking magugustohan ka kahit na wala kang pera. Maraming ang naghahangad sa ulo mo. Ikaw ang gusto nilang makuha bilang ganti saakin, Nalaman ng dating mga kalaban ko na buhay ako. Ngayon nasa panganib ang buhay mo. Mabigo ako protiktahan ka, Balang araw iiwan ka din ni Axel! Hindi ko masabi sa daddy mo ang kalagayan ko, Nangako ako na mamumuhay kami ng malayo sa gulo. Maghahanap ako ng tamang pagkakataon para makalayo ka saamin. Pagnangyari yan baguhin mo ang pagkakilanlan mo. Malaking grupo ang kalaban namin ni kuya Allen mo. Hindi alam ng daddy mo pakiusap huwag mo ipapaalam. " Mahabang pakiusap ni mommy
" Mommy! Anong kalaban? Diba hindi kana mafia boss bakit maraming kang kalaban?" nagugulohan na tanong ko
" Pinalaki ako bilang Mafia assassin hanggang sa nagkaroon ako ng sariling grupo. Pero sa dami ng napatay ko hindi ako basta-basta mawawalan ng Kalaban. Gusto ko Masiguro na sa oras na magkaroon ka ng asawa at bumuo ng sariling pamilya mamahalin ka ng lalaki. Matagal akong naging tanga sa daddy mo bago kami naging maayos kaya ayaw ko danasin mo ang mga naranasan ko. " Mahabang paliwanag ni mommy
" Ano ang gagawin ko para makatulong sayo?" tanong ko
" Maghanap ka ng lalaking magpapatibok ng puso mo. Ang alagaan ka at magiging tapat sayo ang kaya kang pahalagahan at mahalin kahit na kapalit pa ang sarili niyang buhay. Yon bang pagkasama mo sya wala ka nang mahihiling pa. " Nakangiti na paliwanag ni mommy
" Thanks Mom! naintindihan ko na po. Pangako simula ngayon susundin ko ang lahat ng gusto mo. " Nakangiti na tugon ko ngumiti si mommy niyakap niya ako
" Please don't tell daddy. Mahal na mahal kita anak. Maghahanap ako ng paraan para makalayo ka saamin. Mas maganda kung magagawa kang palayasin ng daddy mo. pero mahirap gawin yon. nag-iisang anak ka mahal na mahal ka ng daddy mo." Bulong ni mommy
" Don't worry! Kakalimutan ko ang napag-uusapan natin. Simula bukas ibabalik ko ang pagiging masiyahin ko. Mamasyal ako magpapasaway, Pag-aralan ko din kung sino-sino ang magtatangka manligaw saakin sa ganon paraan malalaman ko kung sino-sino ang gusto pumatay saakin. Isa na si Mr Xie sa may galit sayo. " Nakangiti na wika ko humiwalay ako sa pagkakayakap kay mommy hinalikan ko siya sa pisnge
" Simula bukas! Hindi na kita pagbabawalan. Malaya ka gawin ang lahat ng naisin mo basta huwag lang bawal na gamot. 16 ka palang Hindi ka pa pwede uminum ng alak. " Nakangiti na wika ni Mommy
Naikwento ko kay mommy ang nakilala ko sa bus na nagpakilala na Luke pati ang paghalik niya sa labi ko pati sing-sing na bigay saakin, Natawa naman si mommy
Sa isang iglap gumaan ang pakiramdam ko. Parang nabawasan ang iniisip ko
" Gusto mo ba si Axel?" Tanong ni mommy
" Iwan! Hindi ko pa alam kung gusto ko siya. Basta gusto ko siya laging kasama pero masakit sa dibdib ang malaman na may girlfriend siya. Mommy parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Kaya mommy hindi ako iibig! Hinding-hindi ako magmamahal ayaw ko masaktan. Sabi mo magpakatanga ka kay daddy!.Yan ang isang bagay na hinding-hindi ko gagawin." Inosente na paliwanag ko
Natawa si mommy sa mga sinabi ko
" Alam mo ba pagnagmahal ka, Hindi mo kayang pigilan ang sarili mo, Masaya ka sa tuwing kasama mo sya. Ang pakiramdam na ayaw mong malayo sa kanyang tabi. Pakiramdam mo ligtas ka pag kasama mo sya. Kompleto araw mo sa tuwing nasisilayan mo sya. At pagmahal na mahal mo ang isang tao hindi mo kakayanin na mawala siya sayo." Nakangiti na paliwanag ni mommy
" Kaya nga Mom! Ngayon palang iiwasan ko na si Kuya Axel, Napagtanto ko kasi na may gusto ako sakanya kaya ayaw ko na lumapit pa siya saakin. " Parang bata na tugon ko
" Your innocent. Sige! Hindi na kita pagbabawalan na umibig kay Axel pero huwag mo ako Sisihin pag nasaktan ka basta binalaan kita. 26 na siya ang ganyan edad naghahanap na yan ng babaeng mapangasawa." Seryoso na wika ni mommy
" Mommy! Sabi mo maghahanap ka ng tamang pagkakataon para makalayo ako sainyo. Ibig sabihin pumapayag ka na mamuhay ako ng mag-isa? " Masaya na tanong ko
" Mamuhay ka mag-isa, Ikaw na bahala kung anong trabaho ang naisin mo. Basta huwag lang ang bawal na gamot ang pagbibinta ng aliw. Bukas ng maaga sumama ka saakin tuturuan kita makipag laban. Sekreto lang natin ito. " Wika ni mommy bigla ko niyakap si mommy
" Hey! bakit ka umiiyak?" Nag-aalala na tanong ni mommy
" Akala ko hindi mo ako mahal. Bigla ka kasi naging mahigpit saakin. Tapos malalaman ko na nag-aalala ka pala saakin. Salamat mommy. " Umiiyak na wika ko
" Mahal kita, Ano kaba? Mahal kita nag-iisang anak kita. Simula bukas tuturuan kita ng mga gawain bahay. pinaalis ko na ang mga kasambahay natin. May travel Daddy mo with he's friend's kaya solo natin ang bahay. Binigyan ko ng bakasyon ni Axel kaya walang makakaalam sa pagsasanay mo." Nakangiti na wika ni mommy
Lumakas ang iyak ko nakayakap parin ako kay mommy.
" Matulog kana, Maaga ka magigising bukas. Magsaing ka ng kanin. " Tugon ni mommy Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mommy
Pinunasan ni mommy ang pisnge ko inalalayan ako patayo nahiga ako sa kama ko nakaupo si mommy sa gilid ng kama ko
Hinahaplos niya ang buhok ko. Nakangiti naman na pumikit ako
" Good night iha. Gumawa ka ng sariling mong pangalan. Sa Oras na makalayo ka saamin huwag kang babalik hanggat hindi mo pa kayang protiktahan ang sarili mo. Dapat makilala ka at katakutan, Sa ganon paraan magiging ligtas ka sa lahat ng Oras. Makakabuti kung walang makaalam na marunong kang makipag laban. Tandaan mo lahat ng mga sinabi ko sayo. Billion ang ari-arian ko kaya ngayon palang ihahanda na kita, Don't trust to anyone." Mahabang paliwanag ni mommy
" Naintindihan ko po! Salamat Mom! Susundin ko po ang lahat ng sinabi mo. " Tugon ko
" Good night Zen!." Malambing na wika ni mommy hinalikan niya ako sa pisnge
" Good night." Tugon ko tumayo na si mommy naglakad palabas ng kwarto ko
Inaantok na ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa balcony ko. Napabalikwas ako ng bangon agad na kinabahan.
" Sssh! Baby it's me. Can we talk please." Halos pabulong na wika ni Axel Nakahinga ako nawala ang kaba ko. Madalas na ginagawa ni Axel ang ganito lalo na pagnagkukulong ako sa kwarto ko. Dumadaan niya sa balcony ng kwarto niya patungo sa balcony ko.
" Princess gising kapa?" Boses ni Daddy sa labas ng pinto
" She's sleeping joystick. She's okay." narinig ko na wika ni mommy
Pinatay ni Axel ang ilaw ng lampshade ko. Naupo sa gilid ng kama ko
" Kausapin mo naman ako! Para na akong mababaliw, Dalawang buwan mo na ako hindi pinapansin. " Malungkot na pakiusap niya nahiga ako nagkunwari na hindi siya naririnig
" May binili ako na milk tea, Alam ko paborito mo to. Baby zen kausapin mo naman si kuya! Hey Sige na. " Mangungulit niya saakin marahan pa niyang hinaplos ang pisnge ko
Hindi na ako bata. Na madadaan mo sa milk tea mo. Ilan buwan siyang mawawala ibig sabihin matagal niyang makakasama ang girlfriend niya. Dapat umalis nalang siya huwag nalang ako pakialaman. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing nagtatampo ako sakanya. Pero iba kasi ngayon hindi na ako bata. Paano nalang kung hindi ko na kayanin na mawala siya sa tabi ko. Sa loob ng 16 Year's siya ang madalas kasama ko.
" Baby Zen!" Mahinang tawag niya saakin
" Mawawala ako ng Ilan buwan ipapadala ako ni Tita sa ibang bansa , May trabaho na binigay saakin! Hindi ko kayang umalis na ganito. Baby Zen kausapin mo naman si Kuya." Malambing na pakiusap ni Axel
Hindi ako sumagot hinayaan ko siya magsalita.
" Ang hirap naman nito! Hindi ko kaya na hindi mo ako pinapansin. Hindi ka na nga bata, Noon habang nagbibinata ako, ayaw na ayaw ko na lumalapit ka saakin. Sa tuwing may nililigawan ako inaayawan nila ako dahil sa isa lamang akong Bodyguard ng batang paslit. Habang lumalaki ka iniisip ko lagi kung kilan ako makakaalis sa trabaho ko. Pero sa tuwing inusubukan ko lagi kang nadudukot at naglalagay sa panganib ang buhay mo. Hanggang sa ngayon patuloy ko parin sinubukan makalaya sa pagiging bodyguard mo. Gusto ko magkaroon ng ibang trabaho maranasan mamuhay ng tulad ng pankaraniwan tao. Lumaki ako na kasama ka dahil sa kahilingan ng aking ama. Pero alam mo hindi ko kaya na hindi mo ako pinapansin. " Mahabang wika niya sa malungkot na boses
" Ibibigay ko ang kalayaan mo. Patawarin mo ako kung naging alipin ka ng pamilya ko. Ibibigay ko ang sapat na kabayaran sa lahat ng sakriposyo mo para sa pamilya ko. " Walang emosyong tugon ko
" It's not about money! I don't fvcking care your fvcking money. You're important to me. That's why I can't quit my job." Pagalit na tugon niya
" Nakikita ko na kung patuloy tayo na magkasama at mahulog ang loob sa Isa't isa. Magiging tanga ako sayo. Hindi ako tanga alam ko playboy ka. Masasaktan lang ako. Ngayon nga bodyguard palang kita nakukuha mo na akong pagtaasan ng boses at sigawan. Gusto ko sa Lalaki ang mamahalin ako at hindi ako pagtataksilan. Hindi ka ang lalaking yon. " Walang emosyong wika ko.