Zenni
*
*
" Sino ang lalaking humalik sayo kanina?" Nagpipigil sa galit na tanong ni Axel nakasunod siya saakin.
" Luke ang pangalan niya. Future husband ko." Masungit na tugon ko naglakad na ako papasok sa restaurant bigla niya ako binuhat na parang sako ng bigas napasinhap pa ako ng hampasin niya ang butt ko
" Bata kapa, Hindi ka mag bo-boyfriend, Simula ngayon hindi ka Aalis sa tabi ko! bawal kang makipag usap sa lalaki." Galit na wika niya habang naglalakad pabalik sa cottage ko
" Pwede ba ibaba mo nga ako! Ano ba, Ikaw ang nagsabi na dalaga na ako. Hindi kita kapatid kaya wala kang karapatan pagbawalan ako sa lahat ng naisin ko. " Galit na sigaw ko
" 16 is too young to have a boyfriend." Galit na bulyaw saakin ni Axel
" You're fired! Umalis kana. Tinatanggal na kita bilang personal bodyguard ko. Lagi lang galit! I hate you! I fvcking hate you. Ikaw ang nagsabi na gusto mo nagkaroon ng asawa at magkaroon ng anak. Bakit nandito ka? bakit mo ako pinapakialaman? Hindi naman kita ka ano-ano. Bayad ka sa bawat oras na pagbantay mo saakin. Bayad ang bawat oras mo. Sobra kana! Ano ang karapatan mo para sigawan ako?" Umiiyak na sigaw ko inilapag niya ako sa kama
" Pananagutan kita! it's not about money! Nag-aalala ako sayo, Kay--- dahil sa a-ano! Eh k-kasi! Basta bawal ka magkaroon ng boyfriend." Pautal-utal na tugon niya
Dumapa ako sa kama, Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Hindi kasi maalis sa isipan ko na magkakaroon na siya ng Asawa at Gusto na bumuo ng sariling pamilya.
" Nangako ka saakin! Sabi mo hinding-hindi mo ako iiwan! Bakit mo ako tinataboy palayo sayo, Mas marami pa ang oras mo sa kasintahan mo kaysa saakin. Alam mo ba kagabi pag-alis mo sabi ng matandang lalaki, Gagawin daw ako parausan ng anak niya. Alam mo bang buong party natatakot ako. Natatakot ako pero wala ka doon para protiktahan ako. Natatakot ako sa bahay baka kasi dukutin nila ako at gawin parausan. Kung hindi mo ako kayang protiktahan dapat umalis kana, Bumuo ka ng sariling mong pamilya. Maghahanap nalang ako ng bagong bodyguard ko. " Umiiyak na paliwanag ko na puno ng hinahakit.
" Wala akong maalala na nangako ako sayo. Dapat mong tanggapin na hindi habang buhay kasama mo ako. Isipin mo nalang sampong taon ang tanda ko sayo. Ang mga kaibigan ko nga may mga anak na. Tapos ako ito nakabantay parin sayo." Nalungkot na tugon niya
Hindi ako umimik! Tahimik lang ako umiyak. Natatakot ako sa maraming bagay. Natatakot ako na baka tuloyan ako iwan ni Axel natatakot ako para sa kaligtasan ko. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Natatakot ako sa maaaring gawin saakin ang mga kalaban ni mommy. Pakiramdam ko wala akong kakampi.
" Pilit ko pinapakita sa mga kaibigan ko na masaya ako sa buhay ko. Wala nga ako maituring na Bestfriend kaya wala akong mapagsabihan ng mga problema ko. Si Axel lang ang kakampi ko pero ngayon hindi na, Iiwan niya ako paano na ako. Si Jaleel marami din siyang kalaban. Palabas lang ang lahat na lagi kaming magkasama. Ang totoo umiiwas ako dahil sa ayaw kong sumama ang loob saakin ni Alazne.
" Hey! Tahan na! Bibili lang ako ng pagkain. " Mahinahon na wika ni Axel narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto bumangon ako dinampot ko ang wallet ko naglakad ako palabas ng cottage naglakad ako habang umiiyak.
May mga Tourista na gusto makipag usap saakin pero hindi ko sila pinapansin.
Napagtanto ko na nakalayo na ako kusa akong tumigil sa pag-iyak.
Napatitig ako sa matandang lalaki. Nakatitig siya saakin nakangiti habang inaabot saakin ang hawak na isang perasong rosas
" Nakita kitang umiiyak, Alam mo kung buhay ang apo ko kasing ganda mo din siya. Ano ang pangalan mo iha. Tawagin mo nalang ako lolo Larry. Huwag kang matakot hindi ako masamang tao. Maupo ka! Ako ang may-ari ng resort na to. " Mahinahon na wika ng matandang lalaki
Nakaupo siya sa ilalim ng puno ng mangga nakaupo sa lupa naupo ako sa tabi niya.
Nakangiti na tinanggap ang bulaklak na bigay saakin.
" Zenni! Zenni ang pangalan ko. " Nakangiti na wika ko
" Kilala kita. Anak ka ng dating mafia boss. Huwag kang magtaka dati akong secret agent kaya kilala ko ang bawat makapangyarihan pamilya. " Tugon ng kausap ko
" Mr Larry! Totoo po bang dati kang secret agent? ibig sabihin marunong kang makipag laban? " Excited na tanong ko
" Oo naman. Pero Lolo Larry ang itawag mo saakin. Sya nga pala bakit ka umiiyak? Pwede mo ikwento saakin hindi ko sasabihin sa iba." Nakangiti na wika ni Lolo Larry
" Lolo Larry! pwede mo ako turuan? Gusto ko matutong makipag laban. Pero Ayaw kasi ng parents ko na matuto ako. Oras-oras nasa panganib ang buhay ko." Nakasimangot na tugon ko
" Pagkakataon ako ang malilintikan ng parents mo. Pero kung talagang wala kang mapupuntahan. Tawagan mo lang ako. Mag-isa ako sa buhay at walang pamilya. Nakikita ko ang Apo ko sayo namatay sa malubhang karamdaman. Ito ang cellphone number ko. Pero sa ngayon mag-iingat ka. May naghahanap sayo kararating lang. Mahigit sampo katao. Bumalik ka na muna sa cottage mo. " Mahinahon na wika ni Lolo Larry
Tumayo ang matanda dahan-dahan naglakad palayo.
" Pero kung talagang wala kang mapupuntahan. Tawagan mo lang ako.
Nabuhayan ako ng loob. Papakiusapan ko ang matandang yon! aalamin ko muna kung talagang dati siyang secret agent. Pag-nagkataon pwede niya ako turuan makipag laban.
" Tika! Sinabi ba ni Lolo Larry na may naghahanap saakin? " Nababahala na tanong ko
Akmang tataya na ako ng may tumama na bala sa may uluhan ko tumama sa puno ng kahoy napagulong ako sA buhangin. Nakarinig ako ng sunod-sunod na putukan. Nagtago ako sa likod ng puno nakatakip ang magkabilang kamay ko sa tainga ko.
" Ligtas kana iha. Bumalik kana sa cottage mo. Huwag mo nalang sabihin sa kasama mo kung ano ang nangyari dito. Tandaan mo kung gusto mo matuto makipag laban. Unahin mo ang maging maingat sa lahat ng oras. Huwag kang magtitiwala maliban sa magulang mo at sarili mo. " Mahinahon na wika ni Lolo Larry
Napaangat ako ng tingin may limang kalalakihan na nakahandusay sa Buhangin wala na silang buhay. Napanganga ako sa pagkamangha sa matanda.
Sa tingin ko 60plus na siya pero walang kahirap-hirap niya natalo ang limang lalaki.
" Sige na iha! Ako na ang bahala dito. Nakita mo ba ang tattoo nila na hugis buwan sa kanilang leeg. Hanapin mo ang may tattoo na half moon. " Seryoso na wika ng matanda
" S-salamat po! Lolo Larry." utal na tugon ko tumakbo na ako palayo halos hindi ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko Inaasahan to hindi ko alam kung bakit masaya ako ngayon kahit na muntikan na ako mamatay.
" Gagawa ako ng paraan para matuto makipag laban. Gusto ko matutonan ang iba't ibang uri ng pakikipag laban. Gusto ko ipagtanggol ang sarili ko. " Piping sambit ko habang tumatakbo
Pagdating sa cottage agad ako pumasok wala si Axel pero may pagkain na sa maliit na table
Napansin ko din nakapatong sa table ang cellphone niya, May tumatawag kaya lumapit ako
" Vivian! Vivian is a French name. " Sambit ko
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang nakatitig sa pangalan ng tumatawag, Nanlalamig din ang buong katawan ko.
Nanginginig ang kamay ko na dimampot yon. pinindot ko ang answer.
" Love! Akala ko darating ka ngayon? Bagong ligo ako, Iwanan mo na yan wala kwenta mong alaga. Hindi mo ba ako namimiss?" Malambing na bungad na wika ng babae sa kabilang linya
Agad ko pinatay ang tawag, Nanlalamig ang buong katawan ko hindi ako makakilos para akong binuhosan ng malamig na tubig.
Namalayan ko nalang sunod-sunod ang pag-agos ng luha saakin mga mata hindi ko alam kung bakit parang sinaksak ang dibdib ko ng libo-libong patalim.
" Hey! Zen! Baby ano ang nangyari sayo? Nasaktan kaba?" Nag-aalala na tanong ni Axel pagpasok sa cottage
" A-ang puso ko! Masakit." Pautal-utal na sagot ko
" Dadalhin kita sa hospital! Wala ka naman sakit ah. Bak----
Natigilan siya sa pagsasalita napatingin siya sa cellphone niya
" Pinakialaman mo ang cellphone ko?" Tanong niya bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Naupo ako sa gilid ng kama, Para akong namatayan lakas ng iyak ko hindi ko alam kung bakit.
" Ano ang narinig mo?" Tanong ni Axel
" Namimiss ka na niya. Bagong ligo sya! Pupuntahan mo sya. Wala akong kwenta. " Umiiyak na Tugon ko
" Nagseselos ka." Nakangiti na Wika ni Axel nagmamadali siya lumapit saakin bigla akong niyakap ng mahigpit
" Hihiwalayan ko na sya. Huwag kana Umiyak." Masaya na tugon niya
" Galit ako sayo. Iwanan mo ako, Nakakadiri ka! Nakikipag talik ka sa babae na yon? Sya ba ang dahilan kaya lagi kang wala. Huhu bakit kasi 16 lang ako! Marami akong hindi naintindihan. Wala na! Wala na akong kakampi, Mag-isa nalang ako. " Umiiyak na wika ko
" Kumain kana. Sya ang babaeng papakasalan ko, Dapat ngayon palang maintindihan mo na may sariling din akong buhay. " Mahinahon na wika ni Axel
Lumabas siya ng cottage dala niya ang cellphone niya narinig ko siya may kausap sa phone dahan-dahan ako lumapit sa nakasarado na pinto.
" Busy ako ngayon! Pupuntahan kita pagdating ko. Out of town ako ngayon! Love! Bata lang siya, Hindi mo kailangan pagselosan. Simula kasi ng magkaisip siya ako na lagi ang Kasama niya. Nag-iipon pa ako para sa pangarap natin bahay. Kaya kailangan ko magtrabaho" Narinig ko na wika ni Axel
Dahan-dahan ako bumalik sa kama ko kinalma ko ang sarili ko.
" Bakit ako umiiyak at nasasaktan? Kung may kasintahan siya. 26 na siya normal siguro ang makipag talik sa magkarelasyon. Hindi na ako iiyak! makikiusap ako sa mga magulang ko na palitan ang bodyguard ko. " Kausap ko sa sarili ko
Pinili ko kumain, pagkatapos kumain naupo lang ako sa harapan ng bintana nakatanaw ako sa dagat.
" Itutuon ko ang buong oras ko sa pag-aaral. Siguro nagkakagusto na ako kay Axel kaya ako nagkakaganito. Dapat iwasan ko siya. Hindi pwede na mahulog ng tuloyan ang loob ko sa personal bodyguard ko. Ako lang ang masasaktan. Hindi niya ako seseryosohin dahil mas matanda siya saakin. Wala akong maipagmamalaki bukod sa kayamanan ng mga magulang ko." Malungkot na kausap ko sa sarili ko
Pagkatapos ko kumain nagpapanggap akong abala sa panonood sa paligid nalilibang sa mga tao sa paligid. Kahit na kinakausap ako ni Axel para akong walang naririnig.
Kinagabihan mag-isa ako kumain sa restaurant nakaupo naman siya sa harapan ko pero para siyang hangin.
" Baby Zen! Pansinin mo naman ako. " Naiinis na pakiusap ni Axel
Pagkatapos ko kumain naglakad na ako palabas ng restaurant, Naupo ako sa tabing dagat nakangiti habang nanonood sa mga magkasintahan na naglalambingan.
" Balang araw gagawin ko din yan! Iinum din ako at magsasayaw. Sa ngayon 16 lang ako wala pa ako alam pagdating sa mga gawain ng adult. Ngayon ko nga lang mapagtanto na may gusto ako kay Axel. Dati kasi nagbibiro lang ako nagkunwari kay alazne at kailani na naghahalikan na kami ni Axel para mainggit sila saakin kahit na mas bata ako sakanila ng dalawang taon. Sa totoo wala akong alam pagdating sa love. Hindi pala masaya magmahal. Masakit sa puso na parang sinaksak ng paulit-ulit. Ayaw ko nalang umibig para hindi ako masaktan. Iiwasan ko si Axel lagi ko kasi siya kasama kaya nahulog ang loob ko. Gwapo kasi siya at matipuno. Hindi naman ako nagmamadali. Mag-aaral muna ako marami akong gustong mapatunayan sa saakin sarili at sa mga magulang ko.
" Baby! Paborito mo. " Malambing na wika ni Axel sabay abot saakin ng Milkshake para akong walang narinig nangalay nalang braso niya sa kakaabot saakin hindi ko pinansin
" Fvck!" mura ni Axel