Chapter 5 bond with my mom

1912 Words
Zenni * * " About what? " Inis na tanong ko " It's not about money right? Eh bakit hindi ka nalang umalis? Darating ang araw iiwan mo din ako! Bubuo ka ng sariling pamilya! Maganda kung umalis kana habang kaya ko pang mabuhay na wala ka, Nakakainis ka! Sa tuwing iniiwasan kita Ikaw Ang parang baliw na lapit ng lapit saakin. You're not my Brother. " Pagalit na tugon ko " Sorry na! bati na tayo." Mahinang tugon niya " Ayaw! hindi ko alam kung paano nabuo ang katulad mo! Sa tuwing kinakausap kita lagi kang nakasigaw at malamig pa sa yelo ang pakikitungo saakin. paghindi kita pinapansin na babaliw ka naman sa kakasunod saakin. Umalis ka nalang! Huwag mo akong kausapin. Namimiss kana ng girlfriend mo diba? Wala akong kwenta diba? Wala din kasi kwenta. Malandi! Malandi ka! magsama kayo. Bumuo kayo ng sariling anak. Magpakasal ka! iwan mo na ako. Wala kang kwenta, Tingnan mo lang pag ako nakahanap ng lalaking higit sayo wala nang ligaw-ligaw pakakasalan ko agad. " Galit na galit na sumbat ko " Walang magtitiyaga sa tulad mo." inis na wika niya Nagtalukbong ako ng kumot hindi ko na siya sinagot. pag ako naka move-on sayo pagsisihan mo habang buhay. " Goodnight. Bukas ng Umaga flight ko kasama ko si Tito Dylan." Malambing na wika niya Hindi ako sumagot napabuntong hininga siya " Zen! Can i kiss you? Please?" Halos pabulong na tanong niya Nagulat ako sa narinig ko. Hindi naman niya ako hinahalikan dati. First kiss ko sa parke dampi lang yon at sabi niya regalo daw niya saakin ang halik na yon. " Good night." Paos na wika niya tinanggal ang kumot ko bigla niya ako hinalikan sa pisnge napalingon ako sakanya sumalubong saakin ang labi niya Nanlaki ang mga mata ko dinampian niya ako ng halik sa labi. " You're Mine Zen! Remember I own you. No matter what happens. " Bulong niya saakin Hindi ako nakaimik nagulat ako sa ginawa niya. Ibang-iba siya ngayon malambing siya at para bang ibang tao siya. Madalas kasi siya nakasimangot at masungit saakin. Hinalikan niya ako sa noo bago siya tuloyan lumabas sa kwarto ko sa balcony siya dumaan. Kinabukasan 5 am palang nasa loob na ako ng gym kasama ko si mommy Pagkatapos namin mag workout tinuroan ako ni mommy magsaing ng kanin at pinaglinis din niya ako ng bahay. Naglaba din kami, nagluto ng ulam. Maghapon pagod na pagod ako pero sobrang saya ko. " Nakakapagod po ang gawain bahay. Walang katapusan ayaw ko maging fulltime house wife. Kasambahay na ako yaya pa, At parausan pa. No! Big no! Hinding-hindi ako mag-aasawa. It's boring." Kausap ko sa sarili ko habang kumakain kami ni mommy ng haponan Humagalpak si mommy ng tawa " Talaga? Hindi ka mag-aasawa? Alam ko inlove ka sa bodyguard mo! Ang tanong paano mo maitatanggi sa sarili mo na nagmamahal ka? " Pagbibiro ni mommy napamula ang pisnge ko mas lalong natawa si mommy " Maghanap ka ng iba, Ang hindi cheaters." Nakangiti na wika ni mommy nagsalin ng red wine sa wine glass inabot saakin " Inumim mo! Dapat matuto ka sa lasa ng alak. Para alam mo kung ano ang pinagkaiba ng alak sa lason. Kadalasan ang kalaban nilalagyan nila ng lason o kaya drugs ang alak ng kalaban nila. Dapat alam mo ang pagkakaiba at amoy ng iba't ibang uri ng alak. " Mahinahon na wika ni mommy Napangiwi ako dahan-dahan ko dinampot ang tasa Uminum ako ng kaunti napangiti ako matamis pala. Akmang uubusin ko ang laman ng magsalita si mommy " That's enough." Awat ni mommy sumimangot ako natawa si mommy kinuha saakin ang wine glass na halos walang bawas inubos niya ang laman " Ano ang isang kahilingan mo Mom?" tanong ko " Your virginity is the greatest gift for your future husband. Kaya kung alam mo sa sarili mo na hindi kapa sigurado sa boyfriend mo na siya ang gusto mo makasama habang buhay. Big No! Huwag na huwag mong ibibigay ang sarili mo. Wala kang dapat patunayan sakanya. Kung mahal ka ng lalaki maghihintay siya at igagalang ka niya. Tatanggapin ka niya kahit na ikaw pa ang pinakasiraulo na babae na nakilala niya. Lagi mong tatandaan! Your virginity is your most valuable treasure. So keep it and don't give it even to the man you love." Mahabang paliwanag ni mommy sa mahinahon na boses " So Vajajay! Pwede kang lumandi basta huwag kang papasok sa mga lalaking mapagsamantala. " Kausap ko sa sarili ko nakayuko pa ako " Hahaha! Your cute honey. Kaya ko sinasabi yan sayo dahil dalaga kana. " Natatawa na wika ni mommy Tumayo siya at ngumisi napairap ako ibig sabihin ako ang maghuhugas ng plato. Akala ko tapos na ang araw ko makakapag pahinga na ako magkamali ako Inaya ako ni mommy sa silid kung saan bulletproof may iba't ibang armas. Isa-isa na itinuro saakin ni mommy ang bawat armas, tulad ng gun's, Knife, katana may arnes at marami pang iba. Pinakita din ni mommy kung paano gamitin ang mga yon. Sa haba ng paliwanag ni mommy inabot kami ng madaling araw. Kinabukasan maaga parin ako ginising ni mommy para mag workout, Pagkatapos mag workout nag almusal lang kami pagkatapos inumpisahan ako ni mommy sanayin sa Martial art " Practice, develop, and creative strategies, and skills to deal with adversity and end conflict from internal conflict up to and including a physical confrontation. Zenni Are you listening to me?" Pagalit na wika ni mommy napangiwi ako " Ang dami pala uri ng Martials art's. Pambihira lahat pa yon kailangan ko pag-aralan hindi ko yon kaya matutunan sa lalong madaling panahon." Napapakamot sa ulo na tugon ko " Kaya nga! mag-umpisa kana ngayon, Isa-isa lang muna Martials art ang unahin mo at kung paano humawak ng baril. " Paliwanag ni mommy " Okay po naintindihan ko po. " Tugon ko Sumapit ang maghapon naging abala kami ni mommy matiyaga akong sinasanay ni mommy humawak ng baril at kung paano kumilos ng mabilis. Lumipas ang mga araw school at bahay lang ang naging routine ko araw-araw. " Bakit ka umiiyak?" tanong ni Daddy dumarating na pala siya galing sa business trip kasama niya si Axel Nasipat ko si mommy na tumatawa ng palihim. kumikirot kasi binti ko ilang buwan kami nagsasanay pagdating sa school at bago pumasok ng school pagod utak ko pagod pa katawan ko " Daddy! Masakit binti ko." Umiiyak na sumbong ko napakunot noo si Daddy naupo sa gilid ng kama ko hinilot niya ang binti ko habang nakakunot ang noo, Nakaupo naman si mommy sa sofa sa loob ng kwarto ko nagkakape siya. " Nag workout lang kami ni mommy. Napagod ako sa kakatakbok kanina hinabol ako ng mga kidnappers." Pagsisinungaling ko sa totoo lang si mommy ang humabol saakin sa takot ko na matamaan ng bala ng baril binilisan ko ang pagtakbo paikot sa bakuran ng mansion. Nakaupo lang pala si mommy kumakain ng ice cream tapos ako takbo pa ng takbo. Ayaw ko talaga sa kalokohan ni mommy para siyang bata. Hindi ko alam na pilya pala ang mommy ko, Sa Ilan buwan na kami lang ang magkasama mas nakilala ko si mommy naintindihan ko ang pagiging mahigpit niya. Naging malapit kami sa Isa't isa para bang nagkaroon ako ng kaibigan. " Wife! Anong kalokohan ang ginawa mo sa anak natin?" Pagalit na tanong ni Daddy " Hahaha! Naghabulan lang kami paikot sa mansion. Parusa ko sakanya pinaluto ko siya ng itlog at hotdogs pero uling ang kinalabasan. " Natatawa na paliwanag ni Mommy Nanlaki ang mga mata ko sinungaling si mommy ngumisi siya ng nakakaloko saakin. " Hayst! Huwag kana muna pumasok bukas. Ako na ang bahala tumawag sa professor mo. " Mahinahon na wika ni Daddy " Ikaw naman! Bakit mo pinagod anak mo?" Paninirmon ni daddy kay mommy ngumisi lang si mommy " Ipapadala ko nalang dito kay Axel ang pagkain mo. Ito kasing mommy mo pinalayas lahat ng kasambahay. " Naiiling na wika ni Daddy tumango lang ako Hinalikan ako ni daddy sa noo bago niya nilapitan si mommy hinila palabas narinig ko na parang bata kung pagalitan ni daddy si mommy. Naghintay ako ng Ilan minuto nago pumasok si Axel may dala siyang tray na may kanin at nilagang baka. " Kumusta?' tanong niya tumayo ako naglakad patungo sa balcony mas gusto ko kumain sa balcony ko, May round table naman sa balcony ko may dalawang upuan nakatapat kasi sa dagat ang balcony ko maganda ang tanawin malamig ang hangin. Inilapag niya ang pagkain sa table naupo sa bakanting upuan. Hindi ko parin siya pinapansin. Dito na sa mansion lumaki si axel anak na ang trato ng mga magulang ko sakanya. Malaki ang tiwala nila mommy sakanya. Dahil sa anak siya ni Tito 600 tauhan ni mommy. Paminsan-minsan dumadalaw si Tito dumbo, Nasa mansion siya nakatira sa gitna ata ng kagubatan sa hideout ni mommy. Hindi ko pa napuntahan ang mga hideout ni mommy hindi ko rin alam kung gaano ba kayaman ang mga magulang ko. Ang alam ko si mommy ang mayaman mahirap lang si Daddy. Pero nagmamahalan sila. " Bakit parang pumayat ka?" tanong ni Axel natigil ako sa akmang pagsubo binaba ko ang kutsara tumingin sakanya at nagsalita " Nagpapayat ako. " Tipid na tugon ko nag umpisa na akong kumain " Hey! Zen, Aalis kami ng mommy mo." Wika ni daddy napalingon ako sa nagsalita nasa loob pala ng kwarto ko si Daddy " Sana All may nakadate." Tugon ko naglakad palapit saakin si Daddy hinalikan ako sa Ulo " Axel, Huwag mo iiwan anak ko. Ilang araw kami mawawala. sa sunod pa na araw pasok niyan. Hintayin mo yan sa labas ng school sabi ni Giemma ilan araw na daw may sumusunod sakanila sa tuwing lumalabas sila ng bahay." Seryoso wika ni Daddy kay Axel " Masusunod po tito. Sya nga pala may natanggap akong death threat, Nasa table ko ang kaperasong papel. " Uubusin ko ang pamilya nyo. Uunahin ko ang anak mo. Mapakaganda niyang bata. " Wika ni Axel hindi lang ako umimik alam ko kung sino ang nagtatangka sa buhay ko. Si Mr Xie lang naman ang harapan na nagbanta kay mommy ng birthday ko. Pero sabi ni mommy malaking syndicate daw ang hawak ni Mr Xie yan ang dahilan kaya niya ako hinahanda. " May hinila kanaba kung sino?" tanong ni Daddy kay Axel " Wala pa, Wala akong idea, Tinanong ko si Boss Allen wala din siyang alam. pa-imbistagahan pa daw." Tugon ni Axel " Anak! Wala kabang idea? Kung sino ang may tangka sa pamilya natin?" tanong ni Daddy " Huh? Bakit ako? Sa dami ng kalaban nyo ng wala pa ako wala din akong alam." Tugon ko nakakunot noo pa ako " Ano daw?" Magkasabay na tanong ni Daddy at Axel Pinagpatuloy ko ang pagkain " Axel! Mabuti siguro na bantayan mo ang balcony ng anak ko hanggang sa madaling araw para masiguro mo na ligtas sya. " Utos ni Daddy Pagkatapos ko kumain naiwan pa si Axel at Daddy sa balcony pumasok ako sa banyo at naligo " Bantayan pala! Tatakasan kita, Makikipag kita ako kay Lolo Larry kakausapin ko ang matanda na turuan ako makipag laban. Secret agent ang matandang yon kaya kakaiba din ang kaalaman niya. Mafia at Agent ang gusto ko matutonan ang uri ng pakikipag laban nila. Gagawa ako ng sarili kong pangalan tulad ng sinabi ni mommy." Sambit ko habang naliligo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD