05 - Beautiful Beginning

2536 Words
"Ano 'to? Bakit may mga pagkain dito?" kunot-noong tanong ni Gazi nang makita ang mga pagkaing nasa loob ng food containers at nakapatong sa barandilya kung saan siya naka-upo. Ngumiti siya at inabot ang kamay nito. "Hali ka, tutulungan kitang sumampa—" "There is no way na uupo ako r'yan sa barandilya, 'no! I'd rather stand here for two hours!" "But I can't let you stand there for two hours? Mangangalay ka," he said softly that caught her off-guard. Nakita niyang bigla itong natigilan bago umiwas ng tingin at bumulung-bulong. "Come on." Inabot niya ang kamay dito. "Grab my hand and I'll pull you up." Noong una'y umirap lang ito at hindi siya pinansin, pero makaraan ang ilang sandali, nang hindi pa rin niya ibinababa ang kamay, ay nagpakawala ito ng inis na buntong-hininga saka padabog na inabot ang kamay niya at nagpahila paakyat sa barandilya. Ilang sandali pa'y naka-upo na rin ito roon, halos kalahating metro ang pagitan nilang dalawa. Nakita niya ang bahagyang panginginig ng mga binti nito at ang pamumutla ng mukha habang nakatingin sa rumaragasang tubig sa ibaba ng tulay. Hindi niya na-awat ang sariling hawakan ang nanginginig nitong kamay na naka-kapit sa barandilya at marahan iyong pinisil. Nilingon siya nito at doon ay nagpakawala siya ng ngiti. "Is this the most reckless thing you have ever done in your life?" Tumango ito. "I—I'm afraid of heights," she uttered in a shaky voice. "Then, aren't you proud of yourself now? You have just conquered your fear." She looked down, watched the rapid-flowing river, took a deep, nervous breath, before returning her gaze back to him. "If it isn't just for the money, hindi ko gagawin 'to!" Nawala ang ngiti niya nang marinig ang sanabi nito. Muling pumasok sa isip niya ang kalagayan nito. Alam niyang nang dahil doon ay ginagawa ng dalaga ang lahat para kumita ng pera. Sinakyan nito ang kalokohan niya at hinarap ang takot sa matataas na lugar para lang sa pera— because she badly needed it. Oh, he felt bad— but what else could he do? Sa ugali ni Gazi, baka tumanggi lang ito kapag nag-alok siya ng pinansiyal na tulong nang walang hinihinging kapalit. Lalo itong magdududa sa kaniya— unless sasabihin niya ritong alam niya ang kalagayan nito— which he couldn't do. Ipinikit ni Gazi ang mga mata at lalong kumapit sa barandilya. Ilang beses itong humugot ng malalim na paghinga. "You know what? You can also just look up to the sky and watch the clouds. You will surely find peace if you do that," he suggested, trying to ease her fear. Sinunod siya nito, which surprised him. Nagmulat ito at tumingala sa langit kung saan ang ulap ay nagsimula nang magkulay kahel dahil sa papalubog na araw. Hindi pa rin nawawala ang tensyon nito dahil nakikita niya ang patuloy na panginginig ng mga kamay at binti nito, pati na rin ang sunud-sunod na malalalim na paghinga. "Just relax and take a long, deep breath. I won't let you fall, I promise." Doon ito biglang humarap sa kaniya at doon nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung ngingitian ito o tatanungin kung ano ang problema dahil bigla itong pinamulahan ng mukha bago umiwas ng tingin. He frowned after seeing her reaction. What did I do? What did I ... say? "Ano'ng... plano mong gawin sa loob ng dalawang oras na narito tayo?" tanong nito sa kaniya makalipas ang ilang sandali. Tumikhim siya at binalingan ang mga food containers na nakapatong sa kabilang gilid niya. Kinuha niya ang mga iyon at inilipat sa pagitan nila ng dalaga. Ang laman ng mga iyon ay sliced fruits at steamed vegetables. "Here, I prepared this." Bahagya lang niyuko ni Gazi ang mga iyon saka muling tumingala sa langit. "Ayaw kong kumain." "You need to eat them or they will go to waste." "Hindi ko sinabing dal'han mo ako ng pagkain, kaya hindi ko kasalanan kung masasayang ang mga 'yan." "Kasama ito sa kontrata," banayad niyang sagot dito. "Now, let's eat this together." "Anong kontrata?" hasik nito. "Wala akong naalalang may kontrata tayo. I agreed, but I didn't sign anything. Malibang sasamahan kita rito sa loob ng dalawang oras at iiwasan ko na ang grupo ni Vince ay wala ka nang pwedeng idagdag pa roon sa napagkasunduan natin." Muli nitong inalis ang tingin sa kaniya at tumingala sa langit. Ngumisi siya. Pansin niyang unti-unti nang nawawala ang panginginig ng mga kamay at braso ni Gazi, ibig sabihin ay unti-unti na itong humihinahon. Nagkibit-balikat na lamang siya sa sinabi nito at hindi na nagpumilit pa. Binalingan niya ang dalawang magkapatong na food container at binuksan pareho. The delicious smell of steamed broccoli, carrots, and young corn soothed his nerves. Sa loob ay may dalawang stick pick skewers, kinuha niya ang isa at itinusok sa brocolli saka iyon isinubo. He ate with gusto as he watched the sky changing its color. Ilang sandali pa, sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang pagbaba ng tingin ni Gazi sa mga pagkain at ang matagal na pagtitig nito roon. He smiled secretly. He took a piece of broccoli using the other skewer and gave it to her. "Come on, don't be shy. You need to eat healthy foods." Muling umirap si Gazi at tinanggihan ang akma niyang pagsubo rito ng gulay. Nagkibit-balikat siya at akma iyong isusubo nang magsalita ang dalaga. "Ayaw ko ng gulay." Ngumisi siya. "How about fruits?" He saw her puckered and then, "Yeah, pwede na ang prutas." Ngumiti siya at inabot rito ang buong food container kung saan nakalagay ang samut-saring prutas— mula strawberries, sliced melon, banana, apple and grapes. Kinuha naman nito iyon at tahimik na inumpisahang kainin. Sa mahabang sandali ay pinagmasdan na muna ni Raven ang dalaga sa pagkain nito— watched the motion of her lips as she bit that lucky slice of apple. Watched how her chin moved as she chewed them, how the juice from the strawberry dripped down her chin, and how her velvety neck moved as she swallowed. And during this period, all he did was gulp and clenched his teeth. Hindi ba dapat ay awa lang ang nararamdaman niya para sa dalaga? Bakit tila nag-iiba ang ihip ng hangin habang pinagmamasdan niya ang mga labi at ang leeg nito? Pilit niyang iniwas ang tingin at maka-ilang ulit na huminga ng malalim. Kung ano man ang nararamdaman niyang kakaiba ay kailangan niyang supilin. Matagal silang parehong tahimik sa sumunod na mga sandali. He continued eating his vegetables, while Gazi continued to eat her fruits. Ang kanilang pansin ay nasa langit at pinapanood ang unti-unting pagbago ng kulay, at ang paglipad ng mga pang-hapong ibon doon. Hanggang sa... "Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Gazi makaraan ang ilang sandali. Patuloy ito sa pag-nguya ng apple, ang mga mata'y nasa malayo. He gave her a grin. He liked the fact that she never bothered to remember his name. He liked how she was so unaffected by his charm. "Raven Angelo Worthwench. But you can call me Rave." Tumango ito at hindi na nagsalita pa. "Can I ask you something?" She simply shrugged, allowing him to go on. "Bakit ganoon na lang ang pagnanais mong kumita ng pera?" he didn't sound judgmental, pero nag-aalala siyang baka ganoon ang isipin nito sa paraan ng pagtanong niya. Bagaman alam na niya ang maaaring dahilan ng pag-iipon nito ay nais pa rin niyang marinig ang dahilang iyon sa mismong mga bibig ng dalaga. "Ano sa tingin mo?" balewala nitong balik-tanong sa kaniya. She was totally unaffected by his question— which was good. Ang akma niyang pagsagot ay nahinto nang ito rin mismo ang sumagot sa sariling katanungan. "Hindi mo naman siguro iniisip na nag-iipon ako ng pera para itanim sa lupa nang sagayon ay dumami, ano?" He almost chuckled at the sarcasm, pero hindi niya ginawa at pinaalalahanan ang sarili na seryoso ang kondisyon ni Gazi. Brain tumor was not a joke. Nagpatuloy ang dalaga. "Kailangan ko ng pera dahil may pinag-iipunan ako. It's something important, kaya gagawin ko ang lahat para maka-ipon." "Lahat?" he repeated. Iba ang pumapasok sa isip niya. "Yes, lahat. Maliban d'yan sa tumatakbo sa marumi mong utak." Again, he restrained himself from laughing. Alam niyang hindi niya dapat ito pinagtatawanan— pero hindi niya talaga mapigilan dahil nakakatawa ang pamimilosopa nito. "I do odd jobs, you know," Gazi stated after a while. Naubos na nito ang mga prutas na nasa food container, kaya ibinaba na nito iyon sa pagitan nila at muling tiningala ang langit. "Kahit noong nasa kabilang bayan kami ay kung sinu-sinong college students ang nilalapitan ko para mag-offer ng service. Like, doing their thesis, reports, projects, anything. Kahit ang mag-order ng pagkain at magdeliver sa kanila, ginagawa ko for a small fee. Minsan naman, pumupunta ako sa mga dorm para maglinis o magluto. I need to earn and save money— every centavo counts for me." "Why?" he pretended not to know the real reason. "Hindi ka ba nakikinig? Kasasabi ko lang, 'di ba? May pinag-iipunan akong mahalagang bagay." Napa-iling siya— kay daling uminit ng ulo nito... "Sasabihin mo ba sa akin kung ano ang mahalagang bagay na iyon?" "Syempre hindi, 'no. I still don't trust you." She pouted— which made him gasped for air. How can this lady look so gorgeous and adorable at the same time? "Isa pa, hindi naman tayo magkaibigan, kaya bakit ko sasabihin sa'yo ang tungkol sa mga personal na bagay?" dagdag pa nito. "Ayaw mo pa rin ba akong kaibiganin?" "No. I don't mix friendship with business." He scoffed. Ayaw man niyang aminin ay nag-e-enjoy siya sa paraan ng pag-uusap nila. "So, I am just a business to you?" "Ano pa sa tingin mo? Kung hindi dahil sa five thousand a day, hindi ako papayag na sumampa rito sa tulay at tumabi sa'yo sa loob ng dalawang oras, 'no," pa-irap nitong sabi. "Then how about I double the offer— and in return, you need to be nice to me and treat me as a friend. How about that?" Nakita niya kung paano biglang nanlaki ang mga mata nito sabay lingon sa kaniya. Muntikan pa itong matisod kaya napa-kapit ito ng mahigpit sa barandilya. "Seryoso ka ba?" He grinned, flashing his perfect set of white teeth. "You should start thinking by now that I don't joke around." Mangha siya nitong sinuyod ng tingin. "Why are you being so... generous?" Ang pagkamangha sa mukha nito'y sandali lang, dahil kaagad ding nanlisik ang mga mata nito. "May iba ka bang motibo sa akin?" "God, can you stop thinking of me as a bad person?" "Well, I can't help it! You are too good to be true!" Sandali lang siyang natigilan sa sinabi nito bago siya bumulalas ng tawa. And Gazi stared at him with irritation. Nang tumigil siya sa pag-tawa ay nakangiti niya itong binalingan. "Bakit hindi mo na lang isipin na ganito ako ka-seryosong kaibiganin ka?" "Kaya nga nagtataka ako kung bakit, eh," salubong ang kilay nitong sabi. "Okay." Tuluyan niya ito hinarap, at sa seryosong anyo ay, "I am not a bad person and I have no intension whatsoever to harm you. This will be the last time that I will ask you to become my friend— kung ayaw mo talaga ay hindi na kita pipilitin. We can just remain like this until—" "Ten thousand ba 'ka mo?" putol nito sa sinasabi niya. Hindi niya alam kung ngingiti o tatawa. Hindi siya sigurado kung tama itong ginagawa niya, pero kung para sa pagpapagamot ang pinag-iipunan nito ay handa siyang magbigay ng malaking halaga para matulungan ito. "Yes," he confirmed. "Hanggang kailan ka magbibigay sa akin ng ganoong halaga?" "Hanggang..." sa gumaling ka? "Hanggang magkano ba ang kailangan mong ipunin?" "Eight hundred thousand," walang ka-kurap-kurap na sagot nito. Geez, I think I only have half a million in my savings. "At magkano na ang naiipon mo?" She shrugged. "Wala pang sampung libo." Damn it, I'm in trouble. "Okay." Damn— what? "Okay what?" ulit nito. "Ten thousand per day— provided that you will be kind to me and eat anything that I feed you." Nanlaki ang mga mata nito. "Eh hindi pala kaibigan ang kailangan mo— alagang aso!" He almost cracked. Napa-iling ito. "Hindi ko alam kung mabait ka talaga at naaawa lang sa akin, may masama kang motibo, o baliw ka lang. Pero sige, deal." Maingat itong umusog sa kaniya at sa gulat niya'y inakbayan siya. Her sweet scent assaulted his nose and it drove him crazy. "Bestfriends?" nakangising sabi ni Gazi habang naka-akbay sa kaniya. May huwad na ngiti sa mga labi nito at ang mukha'y ilang pulgada lang ang layo mula sa kaniya. The demon inside his head was pushing him to cross the distance between them, but the sane part of him whispered that he had to behave and that he has a mission to help her. He didn't want to end up like someone Gazi thought him to be. He forced a smile and removed her arm from his shoulder. "Don't get too close to me, or else..." he intentionally trailed off his words. Gazi raised an eyebrow. "Or else?" "Or else, you might fall in love." "Neknek mo!" anito sabay hampas sa braso niya. Sinagot lang niya ito ng pag-ngisi, pero ang totoo ay malakas na kumakabog ang dibdib niya sa hindi maipaliwanag na damdaming biglang umusbong sa mga sandaling iyon. Para yata sa kaniya ang mga sinabi niyang iyon at hindi para kay Gazi. Si Gazi ay sinulyapan ang oras sa relos. "Tapos na ang dalawang oras, uuwi na ako." Nilingon niya ito. "There is one more thing I want to add in the new deal." "My God, masyado kang demanding." Umikot paitaas ang mga mata nito. "But fine— dahil malaking halaga ang nakataya, ano ang additional terms mo?" "Sabay tayong papasok sa umaga, at sabay na uuwi sa hapon. Kapag inimbitahan kitang mamasyal, sasama ka nang walang reklamo." She opened her mouth to disagree when he cut her off. "Take it or leave it." She puffed her face and his heart melted. Hindi na talaga niya madesisyonan kung maganda o cute ito. She was more than in between. "You are creepy, pero matindi ang pangangailangan ko kaya sige!" inis na wari nito ilang sandali. "Pero hindi ako maaaring lumampas ng alas siete ng gabi— kailangang nasa bahay na ako bago sumapit ang oras na iyon." He shrugged. "Fine with me. Hindi ko intensyong paabutin sa gabi na magkasama tayo— you are still a woman, after all. Ang mga dalagang tulad mo ay nasa loob na dapat ng pamamahay nila sa ganoong oras." Gazi smirked at him, unimpress with his statement. "Hindi ako makapag-desisyon kung mabuti ka talagang tao o sindikatong tuma-target ng mga tulad kong malaki ang pangangailangan." Napa-iling ito. "But anyway, help me down now. Bukas natin umpisahan ang bagong deal." Pero imbes na alalayan itong makababa ay inabot na muna niya ang palad dito. "Let's seal the deal with a handshake." "Ang dami mong pakulo." Gazi rolled her eyes upwardly, before taking his hand and shook it. * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD