Tulad ng napag-usapan ay araw-araw na sabay pumapasok sina Raven at Gazi. Laging nauuna ang binata sa tulay kung saan nito hihintaying dumating ang dalaga.
Sa hapon naman ay ganoon din— Raven would always wait for her in front of the highschool gate and they would walk home together. Noong una’y nagulat si Gazi at nainis, pero wala itong magawa dahil ang usapan ay hindi na nito pwede supladahan, awayin, o singhalan ang binata. She was keeping her side of the bargain.
Ramdam ni Raven na lagi itong nagtitimpi— maraming mga bagay na ginagawa ang binata na sa una’y hindi nagugustuhan ni Gazi, tulad na lang ng paghintay nito sa harap ng school gate dahilan upang pag-tsismisan sila ng ibang mga estudyanteng nakakakilala sa binata. Ang pagbili ni Raven ng mga pagkaing hindi gustong kainin ni Gazi pero napipilitan dahil iyon ang usapan, ang pagdadala lagi ni Raven ng mixed fruit and vegetable shake na nakalagay sa isang tumbler na kailangang inumin ni Gazi bago pumasok sa eskwela.
She was taken cared of by Raven— pero hindi iyon ang nakikita ng dalaga. Para kay Gazi ay pinaglalaruan lang siya nito, pinag-ti-tripan. Pero walang magawa ang dalaga kung hindi sundin ang mga kapritso ni Raven dahil ang usapan ay usapan.
Hanggang sa nasanay na lang ang dalaga sa paglipas ng mga araw. At linggo. At halos isang buwan.
*
*
*
“Raven Angelo Worthwench…”
Ang akmang paglabas ni Raven sa gate ng pinapasukang kolehiyo ay nahinto nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Lumingon siya at nakita si Emma— ang college sweetheart at anak ng isang kilalang doctor sa bayang iyon.
Pilit siyang ngumiti at hinarap ito. “Hey.”
“Hey,” anito saka kaagad na kumunyapit sa braso niya nang makalapit. “Are you busy tonight?”
He grinned and glanced at his watch. Five more minutes at labasan na nina Gazi. “Not really. But—“
“How about we go somewhere tonight and have fun?” Emma invited in her sweet, alluring voice. Ang isang kamay nito’y umangat sa suot niyang hoodie at pumaloob roon upang damhin ang kaniyang dibdib.
Emma was one of those women who he had played with before. She was a great partner in bed— an exhibitionist. And if he had a favorite, that would be her. Mahigit isang buwan na rin simula nang huli siyang nakipaglaro, at mukhang kailangan na rin ng katawan niya.
Subalit bakit ganoon? Bakit hindi niya gustong makisalamuha sa ibang mga babae? Bakit kahit alam niyang kailangan na rin ng katawan niya ay hindi siya nae-engganyo sa paanyaya ni Emma? Bakit parang… iba ang gusto niyang makasama?
“Mukhang nag-aalinlangan ka,” pahayag ni Emma na diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata. She was studying his expression— which was understandable because she’s studying Psychology. “Are you in a relationship now?”
Bahaw siyang natawa. “What made you say that?”
Emma shrugged. “You look in love.”
At ang ngiti niya ay biglang napalis. Nagulat siya sa narinig.
In love? Me?
“Your aura is different,” dagdag ni Emma habang patuloy sa pagsuri sa kaniyang mukha. “the look in your eyes is different, too. Noong niyaya kita ay bigla kang nag-alinlangan, bigla kang nag-alala na tila may masasaktan ka kapag pinatulan mo ang panunukso ko.” She then smiled and let go of him. “Who is she?”
“I… I don’t…” know what you’re talking about. Subalit hindi niya magawang sabihin iyon.
Hindi nga ba talaga niya alam ang sinasabi nito? O pilit lang niyang itinatangging totoo ang sinasabi nito? Ilang linggo na ba niyang pilit iniiwasang intindihin ang kakaibang damdaming iyon? Ilang linggo na niyang pilit na nilalabanan?
Lagi niyang itinatanim sa isip na hindi dapat— na hindi iyon ang intensyon niya. Na siguradong magagalit si Gazi at hindi magugustuhan kapag nalamang—
Wait… Have I really… fallen in love with her?
Nag-isip siya. He had never fallen in love before, kaya hindi niya masabi. But these past few days had been amazing for him. He had never felt so alive and inspired before. Nitong nakaraang mga araw ay gumigising siya sa umaga ng may ngiti sa mga labi. Tuwing gigising ay halos takbuhin niya ang banyo para maligo at maghanda sa pagpasok, iisipin kung ano ang gagawin sa araw na iyon kasama si Gazi, saan niya ito yayayaing mamasyal, o kung ano ang ihahanda niyang masustansiyang pagkain para rito. Hindi tulad ng dati na para siyang robot na naka-program na ang mga gagawin— walang buhay, walang bago.
Bago pumasok ay gagawa siya ng fruit and vegetable shake para kay Gazi, at tuwing aalis ng bahay ay halos takbuhin niya ang daan patungo sa tulay.
He always couldn’t wait to see her. Para siyang batang naghihintay ng regalo tuwing Christmas habang hinihintay na makitang lumusot mula sa kanto si Gazi.
Sa tuwing sabay silang naglalakad, kahit tahimik lang ang dalaga, ay iba ang nararamdaman niya. He felt unbelievably happy. Sabi nga ng marami, kahit wala kang gawin basta kasama mo ang tamang tao ay masaya ka na. And he felt that.
Sa tuwing hapon naman ay natutuwa siya sa tuwing nakikita ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Gazi sa tuwing inaabutan siyang nakatayo sa harap ng school gate nito. Alam niyang nahihiya itong siya ang kasama dahil— bakit hindi? He was known as a warfreak, maraming nakakakilala sa kaniya na basagulero. Marahil ay ikinahihiya nitong siya ang kasama, pero ginagawa niya iyon para protektahan din ito.
There was one time he saw a group of men approached her, nahuli lang siya ng ilang segundo at nakalabas na ng gate si Gazi at nag-umpisa nang maglakad pauwi. He silently followed her, planning to surprise her when they get to the bridge. Pero napagtripan ito ng mga lalaking schoolmates, pina-ikutan, pilit na ni-diskartehan. And as usual, Gazi remained cold and unaffected. Kalmado lang nitong sinasabi sa mga lalaking umalis sa daanan nito, subalit makulit ang mga lalaki, kaya doon na siya nagpasyang lumapit.
At nang makilala siya ng mga ito’y mabilis na nagsitakbuhan. Iyon ang dahilan kung bakit kahit alam niyang ayaw ni Gazi na hintayin niya ito sa harap ng school gate ay patuloy pa rin niyang ginawa. He didn’t want men pestering her. He didn’t want them to give her worries and troubles all the more. Ang kondisyon pa lang nito ay sapat nang problema— ayaw niyang may ibang taong magdagdag ng mga alalahanin dito.
Plus, he didn’t want any other men around her. In short, binakuran na niya si Gazi.
Subalit sa loob ng isang buwan, kahit na magtanong siya, ay walang ikinukwento sa kaniya ang dalaga tungkol sa pamilya o sa kondisyon nito.
Sometimes he would get her talk about her dreams— at dahil usapan nila na hindi ito maaaring mag-taray ay pilit siya nitong sinasagot— sa pairap na paraan. She said she wanted to be a doctor. She also said that if given a chance, she would love to roam the world with someone special. She said she wanted to go to Greece and stay in Santorini, or go to Venice and see the Grand Canal. Sinabi rin nitong hindi ito mahilig sa gulay, and that her favorite food was green mango. She didn’t like pork and beef, but she loved chicken and fish. She said she liked to dance, and that she had been dreaming to study ballet. Pero sa tuwing nagku-kwento ito tungkol sa mga pangarap ay laging may ‘kaya lang…’ sa dulo.
And he knew why.
She was worried she’d never been able to achieve her dreams because of her current health condition.
And he had been contemplating to tell her about what he knew. Gusto niyang sabihin ditong alam niya ang kondisyon nito at ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagnanais nitong makapag-ipon. Pero hindi niya alam kung papaanong sisimulan. He was always just waiting for her to open up— pero mukhang balak nitong itago iyon mula sa kaniya.
At habang tumatagal, habang nakikilala niya ito, ay lalo siyang nawawala sa plano. Lalo siyang… nahuhulog nang hindi niya nammaalayan.
“Raven, are you still with me?”
He blinked and returned to the current time. “W—What?”
Emma smiled and crossed her arms on her chest. “Who is she? Do I know her?”
Oh. Pilit siyang ngumiti. “Probably not.”
She frowned. “Kilala natin halos lahat ng mga mamayan sa bayang ito, siguradong kilala ko rin siya. Who is she? At papaano niya nagawang mahuli ang mailap mong puso?”
He smirked, bent his head and gave Emma a brief kiss on the lips. “Hindi ko rin alam kung paano niya nagawa— she just happened to be perfect.” Tuwid siyang tumayo at muling sinulyapan ang oras sa relos. Kailangan na niyang magmadali. “I have to go.”
Emma pouted. “I wish I could get more than just a quick kiss, Raven. At least for the last time.”
He softly touched his knuckle to her chin and smirked at her. “Can’t do, Emma. I wanna loyal to this woman from now on. Kahit hindi pa niya alam.”
Emma released a sigh. “Fine. But if you two break up, you have my number.”
Natawa siya roon, at akma na sanang aalis para abutan si Gazi nang sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita ang paglapit ng grupo ng mga kalalakihang kilala niya. Iyon ay isa lamang sa mga grupong nakasagupa na niya noon— mga lalaking senior students ng kolehiyong iyon.
Lihim siyang napamura sabay sulyap sa oras.
“Naabutan ka rin naman sa wakas, Amboy,” sabi ng isa sa mga ito na ang ngisi ay abot tenga.
“Ilang araw ka rin naming inaantabayan dito pero maaga kang umaalis,” sabi naman ng isa.
Apat ang pumapaligid sa kaniya, at si Emma na lumipat sa kaniyang likuran ay nagtatakang sinulypaan isa-isa ang mga lalaki.
Nakasagupa na niya minsan ang mga ito nang mapagdiskitahan siya. Three of them were sent to the hospital, ilang linggo rin niyang hindi nakita ang mga ito.
“If you are looking for fight, I’m afraid I have to abstain,” he declared while preparing himself. Susubukan niyang daanin sa maayos na usapan ang sitwasyon, pero alam niyang walang kasiguraduhang makikinig ang mga ito kaya inihanda niya ang sarili.
Ngumisi ang mga ito.
“Hindi ka ang magpapasiya niyan. Matagal naming hinintay na makabawi sa’yo.”
Huminga siya ng malalim. “I need to leave now.”
Muling nagtawanan ang mga lalaki, cracking their knuckles as they prepared to fight.
Damn it. Bahagya niyang nilingon si Emma. “I need you to stay away, Em. This is going to be bloody.”
“Rave—“
“Please go. Kailangan kong tapusin ‘to ng mabilis para makaalis na ako.”
Sa kabila ng pag-aalala ay sinunod ni Emma ang sinabi niya.
At sa harap mismo ng gate ng college building at ng iba pang mga estudyanteng nasa paligid— ay nakipagsagupaan siya sa mga ito
*
*
*
Shit.
Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig nang makita si Gazi na nakatayo sa gilid ng tulay at nakatunghay sa ibaba.
Sinulyapan niya ang oras sa relos— 6:05 PM.
Damn it. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili. Pilit niyang itinuloy ang paglalakad kahit na masakit ang buong katawan mula sa pakikipagbugbugan.
He didn’t expect those guys to fight better than the last time— they seemed to have trained. Pinaghandaan talaga yata ng mga ito ang muli nilang paghaharap, kaya naman tumamo rin siya ng bubog at pasa sa katawan at mukha. Pero mabilis lang sanang matatapos iyong gulo, ang problema’y dumating ang mga guwardiya bago pa niya napabagsak ang mga ito at bago siya naka-alis. The Student Counselor summoned them, and they were later sent to the school clinic. Mahigit isang oras din siyang nanatili roon bago sila tuluyang pinauwi.
Emma accompanied him, tinawagan nito ang kapatid at nagpasundo. At dahil alam nitong bugbog sarado rin siya ay isinabay na rin siya nito. Nagpababa siya hanggang sa kanto lang, dahil hindi siya sigurado kung naroon si Gazi sa tulay— ayaw niyang isipin nitong kaya siya nahuli ay dahil sa babae.
And he didn’t expect her to wait for him at the bridge. Naghintay nga talaga ito. At mukhang lalo siyang mabubugbog sa gabing iyon…
Naka-ngiwi niyang pinahiran ang gilid ng bibig na may sugat saka itinaas ang hood ng suot na jacket sa ulo upang ikubli rito ang pasa niya sa ilalim ng kaliwang mata at sugat sa kilay. He took out the cotton that was stuck in his nose to prevent blood from dripping, and threw it away.
Ang bombilya sa posteng nasa magkabilang dulo ng tulay ay sapat ang liwanag upang makita ni Gazi ang nangyari sa mukha niya kahit magtakip pa siya, pero kadalasan naman ay hindi ito tumitingin sa kaniya kaya umaasa siyang hindi nito iyon mapansin.
But still— siguradong na-pikon ito sa paghihintay sa kaniya.
Itinuloy niya ang paghakbang upang muling mapangiwi. His f.ucking legs were sore from kicking those bastards. It has been a month since he last fought, kaya nangalawang ang mga binti niya.
Malalalim na paghinga ang pinakawalan niya sa bawat paghakbang. Sa isip ay inihahanda na niya ang mga sasabihin dito, at kung anong paliwanag ang gagawin.
Sure, Gazi didn’t care about him, pero pinaghintay niya ito ng mahigit dalawang oras dahil may usapan sila. Siguradong hihingi ito ng paliwanag mula sa kaniya.
Nang tuluyang siyang makalapit ay muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga saka malakas na tumikhim. He opened his mouth to start explaining when Gazi turned to him, eyes full of tears, and face as red as a ripe tomato.
Ang paliwanag niya ay nabitin sa ere. Lalo siyang lumapit, hinawakan ito sa magkabilang balikat at sa nag-aalalang tinig ay, “What happened? Did someone hurt you?”
Subalit hindi ito kaagad na sumagot. Patuloy sa pag-agos ang mga luha nito sa magkabilang pisngi nang itinaas nito ang kamay na may hawak sa backpack nito at pinaghahahampas iyon sa kaniya.
Sinalag lang niya iyon nang sinalag. Kung ang pananakit nito sa kaniya ay paraan nito para ilabas ang lahat ng sama ng loob mayroon ito— so be it. He would endure them for her.
“Kung kailan kailangan ko ng taong makakasama sa oras na malungkot ako’y wala ka naman!” singhal nito habang patuloy sa paghagulgol. “Saan ka ba nagpunta?! Bakit ngayon ka lang?! Nakalimutan mong may usapan tayo?! Hinintay kita ng kalahating oras sa harap ng gate ng school namin! Ang akala ko’y narito ka na, pero wala! Ano?! Magpaliwanag ka!”
He grabbed her bag and took it from her. Hinawakan niya ang isang kamay nito upang patigilan ito. “Why are you crying?”
Pilit nitong binawi ang kamay mula sa kaniya subalit hindi niya iyon pinakawalan.
“Nakakainis ka!” Gazi used her other arm to wipe her tears. “Dati ay para kang kabute na pasulpot-sulpot sa kung saan, pero ngayong kailangan naman kita’y wala ka!”
Hindi niya naiwasang mapangiti. He let go of her arm and stared at her lovingly. “You needed me?” he asked in his softest tone. Pakiramdam niya ay para siyang batang pinuri dahil nakagawa ng maganda.
Gazi sniffed and looked away. Huminga muna ito ng malalim, tumigil sa pag-iyak, at kinalma muna ang sarili bago muling nagsalita. “May problema lang ako at kailangan ko ng taong magbibigay sa’kin ng lakas ng loob.” Muli itong nagpahid ng mga luhang muling bumagsak sa magkabila nitong pisngi. “Wala pa akong kaibigan dito sa San Guillermo at dahil ikaw lang ang mayroon ako ngayon ay pagta-tiyagaan na kita. Tutal ay nagpapanggap naman tayong magkaibigan sa kagustuhan mo.”
Malungkot siyang ngumiti, tuluyan nang nakalimutan ang kirot ng katawan. “Sasabihin mo ba sa akin kung ano ang nangyari? Ano’ng problema?” Please be honest and tell me about it… Is it about your condition?
Humalukipkip si Gazi at itinuon ang tingin sa ilog na halos hindi na rin nila makita dahil madilim na. “Kailangan ko lang ng karamay ngayon, hindi ko sinabing kailangan ko ng taong makikinig sa mga problema ko.”
“Is sharing your problem with someone else so hard to do?”
“Ayaw kong idamay ang iba sa problema ko.”
“Why not?”
“Dahil problema ko ‘yon at ako dapat ang maghanap ng solusyon doon. Kailangan ko lang ng taong dadamayan ako sa oras na malungkot ako, someone who would just sit beside me until I start feeling better. Iyon lang. Wala akong interes na magkwento.”
Lihim na lamang siyang napa-iling at hindi na sumagot pa.
Doon siya nito hinarap. “Now, sabihin mo sa akin, bakit mo ako pinaghintay ng matagal? Where have you been?”
“I just… had to… stay a little bit longer in school. May mga… inayos lang.” He felt and sounded so stupid.
Gazi smirked at him. “Alam mo, sa loob ng apat na linggong araw-araw tayong magkasama ay nakikilala na kita. I could tell if you’re lying. And right now, I know you are. Sabihin mo sa akin ang totoo.”
“Believe me, you don’t want to know.”
“Try me.”
Huminga siya ng malalim, bago inalis ang hood sa ulo at ipinakita rito ang mga sugat at pasa niya sa mukha.
Ang inis sa anyo ni Gazi ay nawala, at nahalinhan iyon ng ibang emosyon. Emosyon na hindi niya kailanman nakita pa rito— pag-aalala.
Anong gulat niya nang bigla nitong itinaas ang mga kamay at hinawakan siya sa mukha, sinuri, hanggang sa maingat nitong dinama ang sugat sa gilid ng labi niya.
And he was about to smile and tease her for being so worried, until...
“Napaka-basagulero mo talaga! Mahirap ba sa’yo na umiwas sa gulo?!” singhal nito, subalit ang pag-aalala ay nanatili sa anyo.
Pilit siyang ngumiti at nagbiro. “Hindi ko alam na kilala mo akong basagulero.”
“Malamang! Karamihan sa mga ka-klase ko ay kilala ka at pinayuhan nila akong layuan ka. Nakikita ka nilang hinihintay ako sa harap ng gate ng school at iniisip nilang manliligaw kita. If you only knew how they all reacted and urged me to turn you down.” Ibinaba na nito ang mga kamay saka kinuha sa kaniya ang bag nitong hawak-hawak pa rin niya. Isinukibit nito iyon saka huminga ng malalim. “Katulad ng sinabi ko sa’yo kanina, I am currently feeling down and I just need someone to cheer me up. Pwede bang… sumama muna ako sa inyo?” Napayuko ito. “Ayoko munang… umuwi sa amin.”
“Sure,” walang pagdadalawang-isip niyang sagot. “Nasa bahay si Mama kaya umasa kang wala akong gagawing masama sa’yo.”
Gazi sneered at him. “Ako ang nakiusap na sumama sa inyo, bakit ko naman iisiping—“
“Oh, so… hindi na masamang tao ang tingin mo sa akin? Hindi ka na nagdududang may masama akong motibo sa’yo?”
“Don’t twist my words!” kaila nito sabay hampas sa braso niya na ikina-tawa niya.
God, tuluyan nang nawala ang kirot na naramdaman niya kanina sa buong katawan. Having Gazi around him cures every pain he felt in his body.
“Let’s go,” yaya niya rito. “Nakapag-hapunan ka na ba?”
“Siyempre hindi,” nakabusangot nitong sagot. “Mahigit dalawang oras akong naghintay sa’yo, natural na wala pa akong kain!”
He tsked, enjoying Gazi’s feistiness. “Lagi ka bang may dalaw? Laging mainit ang ulo mo.”
Inis siya nitong itinulak na sinagot lang niya ng tawa.
Yes, I think I am starting to love her.
*
*
*