04 - One Step Closer

3473 Words
"Hi Rave! May hinihintay ka ba rito?" Mula sa pagkakasandal sa barandilya ng tulay ay napalingon siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon sa bandang kaliwa niya. It was Jodi, anak ng isang mayamang negosyante sa bayan ng San Guillermo. Nakangiti ito habang itinutuloy ang paglalakad, bitbit nito sa balikat ang isang mamahaling brand ng shoulder bag. Nasa unang taon na ito sa kolehiyo sa kursong accounting at tulad niya'y doon din sa pribadong kolehiyo ng bayan pumapasok. Nagpakawala siya ng huwad na ngiti. Jodi was one of the women in that town who enjoyed hook-ups. Wala rin itong interes sa seryosong relasyon, kaya mas mainam sa kaniya. "Yes, may hinihintay ako," sagot niya rito nang tuluyan na itong nakalapit at huminto sa harapan niya. "Nakapagtatakang makita kang naglalakad. Hindi ba ay hinahatid ka lagi ng Papa mo sa school?" "Not this time. May dadaanan akong kaibigan sa bayan, at may maagang lakad si Papa. Sino ang hinihintay mo?" "A new friend," he answered nonchalantly. Nanunuksong tinitigan siya nito. "Is it a woman?" He grinned. "Maybe?" Tumawa ito at banayad siyang hinampas sa balikat. "Oh Rave, you are such a playboy." No, I'm not. "Sinabi ko naman sa'yo na hindi mo kailangang magpalipat-lipat ng babae. You know my number and I can be at your service anytime you want. Wala pang sabit." Nilaru-laro nito ang kwelyo ng suot niyang poloshirt sabay pakawala ng nanunuksong ngiti. Akma siyang sasagot upang sabihing hindi naman ganoon ang intensyon niya sa taong hinihintay niya nang may marinig na malakas na tikhim na sabay nilang ikina-lingon ni Jodi. At doon ay nakita niya ang blangkong anyo ni Gaznielle, nakahinto sa hindi kalayuan, ang mga braso ay maka-krus sa harap ng dibdib nito, ang bag ay sukbit sa isang balikat, habang ang mga mata'y palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Sandali lang siyang nabigla nang makita itong nakatayo roon. Nang makabawi ay umalis siya sa pagkakasandal sa barandilya at humarap dito. Kaagad niyang nakalimutang naroon si Jodi. "Hey, Gaznielle. Good morning." Subalit inikutan lang siya nito ng mga mata at itinuloy na ang paglalakad. Nilampasan siya nito at sandaling nahinto sa harap ni Jodi na nagsalubong ang mga kilay, bago itinuloy muli ang paglalakad. "Sino 'yon?" tanong ni Jodi na sinundan ng tingin si Gaznielle. Hindi na siya sumagot pa at sumunod na sa dalagang mabilis na naglakad nang makalampas sa kanilang dalawa ni Jodi. "Hey!" si Jodi na naiwan. "Call me sometime!" Sinagot lang niya ito ng pagkuway bago itinuloy ang pagsunod kay Gaznielle. Sa loob ng mahabang sandali ay nahimik lang siyang nakasunod sa likuran ng dalaga, keeping that two-meter distance between them. Alam niyang ramdam nitong nasa likuran lang siya, kaya naman tuluy-tuloy lang ang mabilis nitong paglalakad. Hanggang sa matanaw na nila ang gate ng highschool na pinapasukan nito. Doon ay bigla itong huminto at hinarap siya— dahilan upang napa-preno siya. "Hindi ba magagalit 'yong syota mo sa pagsunud-sunod mong ito sa akin?" tanong nito habang ang anyo ay nanatiling walang emosyon. "Syota? Si Jodi?" Umiling siya. "She's just a friend." Napa-ismid ito. "So, mahilig ka pala talagang mangolekta ng mga babaeng kaibigan?" Muli siyang umiling. "Hindi naman sa ganoon. Kaya lang—" "Kapag ba nagsawa ka sa isang kaibigan ay kaagad kang naghahanap ng panibago? Nagkataong nag-krus ang landas natin kaya heto, ako ngayon ang pinagti-tripan mo?" Again, he shook his head in defense. "The main reason why I wanted to befriend you—" is because I've learned that you have a brain tumor and I felt really sorry for you. Damn it. Hindi ko pwedeng sabihin iyon. Baka lalo siyang mairita sa akin. Sa ugali mayroon ang dalaga, siguradong hindi nito tatanggaping awa ang pangunahing dahilan kung bakit niya ito kinakaibigan. "Oh, ano? Hindi mo na madugtungan ang sinabi mo!" Gumuhit ang iritasyon sa maganda nitong mukha. "Tantanan mo na ako at bumalik ka na doon sa syota mo!" Mabilis itong tumalikod at itinuloy ang paglalakad. Doon siya may napag-tanto. At bago pa niya napigilan ang sarili ay napangisi siya at sa malakas na tinig ay, "Nagseselos ka lang yata, eh." Ang ilang mga estudyanteng nasa likuran niya, at ang ibang nakalampas kay Gaznielle ay nahinto at napatingin sa kanilang dalawa ng dalaga. Gaznielle stopped in her track as well. And when she turned, he swallowed. He never thought he would be frightened with a woman's beautiful but angry face. At bago pa niya maisip kung ano ang gagawin nito'y mabilis itong naglakad pabalik at marahas na inihampas sa kaniya ang backpack nito. "Ang kapal ng mukha mo!" singhal nito habang sunud-sunod siyang hinahampas. Siya nama'y nakatawa lang na sinalag nang sinalag ang bag nito. "Baka nakakalimutamn mong ikaw itong panay ang pamimilit sa aking makipagkaibigan sa'yo! Tapos sasabihin mong nagseselos ako sa babaeng iyon? Ang kapal mo! Saan ka kumukuha ng lakas ng loob, ha?" Hinuli niya ang bag nito at inagaw iyon na lalo lamang ikinagalit ng dalaga. At nang akma nito iyong hahablutin sa kaniya ay mabilis niya iyong itinaas sa ere. At dahil matangkad siya ay hindi iyon madaling naabot ni Gaznielle. Tumigil ito at tinapunan siya ng nakatatakot na tingin. Ngumisi siya. "Ang daling sabihin na nagseselos ka, eh, bakit kailangan mong manakit?" panunukso pa niya rito. Ang mga estudyanteng nasa paligid nila ay nag-umpisa nang magbulungan. Ang iba roon ay kilala marahil ang dalaga dahil naririnig niyang binabanggit ng mga ito ang pangalan nito: Gazi. At siguradong kilala rin siya ng mga ito. Who didn't, anyway? "Give me back my bag," matigas na wari ni Gazi. "Sa isang kondisyon," nakangisi niyang tugon. "Wala ka sa katayuan para bigyan ako ng kondisyon. Ibibigay mo ba sa akin ang bag ko at sisipain ko 'yang bayag mo?" That caught him off guard. Nanlaki ang mga mata niya, at wala sa sariling niyuko ang pagitan ng kaniyang mga binti. Nagugulat siya sa pagiging diretso nito magsalita. Walang kimi, walang kaabog-abog. Maliban sa matapang at mainitin ang ulo ay walang habas itong magpakawala ng salita na hindi pa niya naririnig sa ibang mga babaeng nakikilala niya sa bayang iyon. And actually, para itong... hindi babae. But then, sa kabila ng kaangasan nito ay ramdam niyang may kakaiba rito. Hindi ito basta maangas lang. Gaznielle— or Gazi... actually had class. Na kahit magsalita ito ng ganoon ay sopistikada pa rin ang dating nito. She's a very interesting lady. Inalis niya ang tingin sa pagitan ng kaniyang mga binti at ibinalik ang pansin sa kaharap— upang matigilan. He was stunned for a moment— he swore he saw something in her eyes before she concealed it. Something like... laughter? Did she just laugh at him? Natawa ba ito nang maramdaman ang bigla niyang pag-atubili matapos ang pagbabanta nito? Bago pa niya mapagtanto kung ano ang nakita sa mga mata ng dalaga kanina ay biglang tumingakayad si Gazi at napagtagumpayang agawin ang bag mula sa kaniya. Isinukbit nito iyon sa balikat bago siya inirapan at tinalikuran. Hanggang sa mawala ang dalaga sa pagitan ng mga estudyanteng nagtitipon at naki-usyosyo doon ay hindi siya umalis sa kinatatayuan. He was... dumbfounded. Hindi maalis sa isip niya ang nakitang emosyon sa mga mata nito kanina. No matter how swift it was, he was able to see the other side of her. And he would love to see it again if she would let him. *** Sa sumunod na mga araw ay patuloy si Raven sa paghihintay kay Gaznielle tuwing umaga sa tulay. Tuwing hapon ay ganoon din ang ginagawa niya, hanggang sa halos ma-memoryado na niya ang oras ng pag-alis at pag-uwi nito. Madalas ay irap lang ang isinasagot sa kaniya ng dalaga, at tahimik lang siyang sumusunod dito nang may ngiti sa mga labi. Hanggang sa nakasanayan na niya ang araw-araw na ganoon. At alam niyang ito rin. Isang hapon na pauwi na siya't naglalakad sa kalsada ay nakita niya si Gaznielle na kalalabas lang sa gate ng high school na pinapasukan nito. Iyon ang unang pagkakataon— kadalasan kasi ay laging siya ang nauuna at naghihintay sa tulay ng mahigit isang oras. Subalit sa araw na iyon ay mukhang napaaga ang labas nito. At bago pa niya napagtanto kung ano ang ginagawa ay tahimik na siyang sumusunod dito. Pero imbes na lumikot ito sa kalsada pauwi ay dumiretso ito. And he followed because he was curious. Mahigit kalahating oras siyang nakasunod lang sa dalaga, may mga nakakasabay silang ilang mga estudyante rin na napapatingin lang sa kaniya at nagbubulungan. Iniisip marahil ng mga ito na may binabalak siyang masama sa dalaga. And he couldn't blame them— people knew him as a bad person. At inasahan na niyang pagsasabihan ng mga ito si Gazi subalit tila wala rin ang mga itong pakealam sa dalaga. Dire-diretso lang ang mga ito at nilampasan pa si Gazi. Napa-iling na lamang siya sa pagkamangha. Paano pala kung totoong masama siyang tao at nakita na ng mga itong nakasunod siya sa dalaga, wala man lang ang mga itong gagawin para tulungan si Gazi? Would they really let a woman walk by herself without giving her a warning that someone was following her? Ganoon na ba ka-walang puso ang mga tao sa bayang iyon? Magaling lang manghusga pero mga tikom naman ang bibig kapag may mali nang nagaganap sa paligid. Pathetic. Tuluy-tuloy lang sa paglalakad si Gazi, at siya ay patuloy sa pagsunod sa likod nito, keeping the ten meters gap, hanggang sa makita niyang huminto ang dalaga sa isang may hindi kalakihang bahay. Huminto rin siya at nagkubli sa likod ng poste sa kanto, bago inikot ang tingin sa paligid. Ang lugar ay tahimik at hindi magkakatabi ang mga bahay. Napansin din niyang wala na silang ibang kasabayang mga estudyante. He's never been in this street before, kaya hindi siya sigurado kung kilala siya ng mga tao roon. But, oh well. Kung taga-San Guillermo ang mga nakatira sa bahay kung saan nakatayo ngayon sa Gazi ay siguradong makikilala siya. Subalit nang masuri niya ng maigi ang kaharap na bahay ng dalaga ay nagtaka siya. Sa loob ng gate ay may mga lalaking naka-istambay, mga naka-hawak ng gitara, mga drums, at may mga alak sa paligid. They were also smoking cigarettes. Hula niya'y ka-edad lang niya ang mga lalaking iyon. Sa sampung metrong pagitan ng pinagkukublian niya at sa kinatatayuan ni Gazi ay malinaw niyang nakikita ang mga nangyayari subalit hindi niya gaanong naririnig ang pag-uusap. Mula sa kinaroroonan ay nakita niyang tumayo ang isang lalaking puno ng tattoo ang katawan, naka-sandong itim at naka-pantalon lang. Mahaba ang buhok nito na nakapusod patalikod. He was smoking vape and blew the smoke on Gazi's face. Ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan kahit na napikon siya sa nakita. He wanted to analyze the situation before he attacks. Ang lalaking kaharap ng dalaga ay hindi man lang nag-abalang pagbuksan ito ng gate. Nakita niyang nagsasalita si Gazi, ang mukha ay seryoso pa rin. Ilang sandali pa'y naglabas ito ng isang long brown envelope at dalawang klase ng libro at ini-abot iyon sa lalaki. Muling humithit ang lalaki at binugahan ng makapal na usok ang hindi pa rin natitinag na si Gazi. Ang apat na mga kasama pa nitong nasa loob na tumutugtog habang patuloy sa pag-inom ng bote-boteng beer ay nagtawanan at tinukso ang dalaga. He stood there and studied the situation. Kanina pa niya gustong sumugod pero hindi niya magawa dahil maliban sa pinag-aaralan muna niya ang sitwasyong ay hindi niya rin makitaan ng takot o pangamba si Gazi. She stood there wearing her usual face— emotionless. Kung paano siya nitong laging harapin ay ganoon din ang anyo nito sa kaharap. Para itong bato. Nakita niya ang pag-lusot ng kamay ng lalaki sa bakal na gate at ang pagkuha nito ng envelope at libro mula kay Gazi habang naka-ngisi. Inabot nito iyon sa kasamang naka-upo sa likuran bago muling binalingan ang dalaga na umangat ang palad at tila may hinihingi sa lalaki. Kinunutan siya ng noo. Mukhang alam na niya ang nangyayari. Nakita niyang hinila ng lalaking kausap ni Gazi ang kamay ng dalaga, subalit si Gazi ay nanatiling hindi natitinag. Kalmado pa rin ito habang ang kamay ay nanatiling nakalahad. Ngumisi ang lalaki at hinalikan ang palad ni Gazi habang ang mga mata'y hindi humihiwalay dito. Umangat pa ang mga labi nito sa braso ng dalaga, hanggang sa hinila pa nito ng husto si Gazi dahilan upang humampas ang katawan ng dalaga sa bakal na gate. Doon na niya hindi napigilan ang sariling lumapit. Sa malalaking mga hakbang ay tinumbok niya ang kinaroroonan ng mga ito. Una siyang napansin ng lalaking kausap ni Gazi, tuwid itong tumayo at kunot-noong sinundan ng tingin ang paglapit niya. Ilang hakbang na lang siya sa mga ito'y lumingon si Gazi at pinanlakihan ng mga mata nang makita siya. Subalit dahil nasa lalaking kausap nito ang pansin niya ay hindi niya nakita ang pag-aalalang dumaan sa mga mata ng dalaga. Nang makalapit siya ay marahas niyang hinila palayo si Gazi at hinila ang suot na sando ng lalaking hindi pumalag. "Tama bang tratuhin ng ganito ang mga babae?" hasik niya. Ngumisi ang lalaki, na sa malapitan ay pansin niyang lasing na. Lumampas ang mga mata nito sa kaniyang balikat. "Aba, Gazi, hindi ko alam na may syota ka na ngayon?" Hindi na nakasagot pa si Gazi dahil muli niyang hinatak ang lalaki dahilan upang halos dumikit ito sa gate. Mas matangkad siya at mas malaki ang katawan kumpara rito at sa mga kasama nitong nagsitayuan na't nag-handa sa bakbakan. He could defeat them all, he knew he could. "Hindi mo dapat tina-trato ng ganoon ang isang babae," mariin niyang paalala rito. "May nanay ka ba? O kapatid na babae kaya? Gusto mo bang tratuhin ng ganoon ang nanay at kapatid mo?" Lumapad pa lalo ang ngisi ng lalaki, subalit hindi sumagot. Doon siya napikon— the man was taking him as a f*****g joke. "Lumabas ka ng gate at babasagin ko 'yang mukha mo," hamon niya habang ang mga kamay ay hindi pa rin bumibitiw sa sando nitong halos mapunit na. Doon na nagpakawala ng malakas na tawa ang lalaki, ganoon din ang ginawa ng mga kasama nitong nanatiling nakatayo sa likuran nito. Ang akma niyang pag-hila ritong muli ay nahinto nang maramdaman niya ang banayad na paghila ni Gazi sa suot niyang polo. Bahagya lang niya itong nilingon. "Let go of him," utos ng dalaga sa kalmadong tinig. "Bakit mo hinahayaan ang lalaking ito na bastusin ka ng ganoon kanina? If I did that to you, you could have already killed me!" "Just let go of him," anito na hindi pa rin nagbabago ang anyo. He clenched his jaw in annoyance before releasing the man. Humakbang siya paatras habang ang mga mata'y nakatutok pa rin sa lalaking walang humpay sa pag-ngisi. Si Gazi ay muling lumapit sa lalaki at muling inilahad ang kamay. "Akin na ang fee ko." Kinunutan siya ng noo sa narinig, lalo nang muling ngumisi ang lalaki at dumukot ng pera sa bulsa ng pantalon nito at inabot ang limandaan sa dalaga. "Hanggang sa uulitin, Gazi," anito habang ang mga mata'y nasa kaniya. Nagtitigan sila ng matagal, bago nito sinulyapan ang dalaga. "Kung bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang alok ko— isang gabi lang naman, eh. Sampung doble pa ibibigay ko sa'yo." Lalong uminit ang ulo niya, at muli na naman sana niyang hahablutin ang damit ng lalaki nang magsalita si Gazi. "Tawagan mo na lang ako kung may ipapagawa ka ulit na essay at kung may libro kang ipahahanap." And then, she turned her back and started to walk away. Tinapunan niya ng matalim na tingin ang lalaki bago sinundan si Gazi, subalit hindi pa man sila nakalalayo ay muling nagsalita ang lalaki na ikinahinto niya subalit hindi ng dalaga. "Baby Gazi! Sabihin mo r'yan sa syota mo na h'wag magpapakita sa susunod, dahil baka bumawi na ako 'pag nagkita kaming muli." Muling uminit ang ulo niya at akmang babalikan ang nakangising lalaki nang magsalita si Gazi. "H'wag mo nang patulan. Hali ka na." Ikinuyom niya ang mga palad at nag-iigting ang mga bagang na sumunod sa dalaga. Malayu-layo na ang nilalakad nila, at nakabalik na sila sa bayan nang binilisan niya ang paglalakad at hinila sa siko ni Gazi upang iharap. "What the hell was that?" he asked with a frown. Gazi looked up to him with an empty face and stared straight into his eyes for a long moment before she released a deep breath and looked down. "Kailan mo ba ako titigilan?" Hindi niya alam ang isasagot. Kailan nga ba? "Matagal ko nang ginagawa 'to sa lalaking 'yon. Ginagawa ko ang essay niya at hinahanap ang mga librong kailangan. Sa kabilang bayan sila nag-aaral ng kolehiyo, kung saan kami dating nakatira ng pamilya ko. I have been doing his essay for months now, kada essay ay nakatatanggap ako ng pera. I need money for—" she trailed off, before releasing another deep breath. "Bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo? This is my hustle, so just stay out of it." Iwinaksi nito ang brasong hawak niya saka itinuloy ang paglalakad. Muli siyang humabol. "Tina-trato ka ba ng lalaking iyon ng ganoon sa tuwing pupunta ka sa kaniya para ihatid ang kailangan niya?" "Ano ba'ng pakealam mo? Just leave me alone." "If the answer to my question is yes, then I can't let it continue—" Bigla itong humarap at tinapunan siya ng matalim na tingin. "This is the last time I'll tell you to stay away from me! Kapag ginawa mo ulit akong sundan ay—" "How about I give you ten times of the amount that he pays you and in return, you stay away from him?" Kinunutan ito ng noo. Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito— which was good. Dahil ang ibig sabihin ay biglang nagulo ang desisyon nito. "Five thousand per day," he added. "At ang gagawin mo lang ay iwasan na ang lalaking iyon at samahan lang ako doon sa tulay tuwing hapon pagka-uwi mo galing eskwela. Two hours of your time each afternoon, that's all. And then, every end of the week, I'll give you your fee." Kung talagang nangangailangan ito ng pera, ay kaya niyang magbigay. His father was sending him money much more than he needed anyway. Ang iba sa mga iyon ay hindi niya ginagamit at iniipon lang. Naiintindihan niyang matindi ang pangangailangan ng dalaga sa pera dahil marahil sa gamutan nito, at gusto niyang magbigay ng pinansyal na tulong nang walang hinihinging kapalit. Kaya lang ay nag-aalala siyang lalo itong mainis sa kaniya. She probably wouldn't like receiving money without doing any services. "Ano 'to, pinaglololoko mo ba ako?" tuya nito sa kaniya, ang anyo ay bahagya nang nagbago. "Mukha ba talaga akong manloloko sa paningin mo?" he asked in amusement. Nagugustuhan niya kung saan patungo ang usapang iyon. Kinunutan ito ng noo at sinuyod siya ng tingin. "Who are you to offer me five thousand per day just to sit beside you for two hours? Anak ka ba ng kurakot na politiko o manggagantsyong businessman?" Well, my father owns an oil company in Chicago and a huge property in New Zealand, so yeah, you can say that. But instead, he answered her with, "I just happen to have a father who can support me well enough." Muli siya nitong sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. And then, back to his face. "Alam mong hindi ko tatanggihan ang alok mo, ano?" This time, her voice was low. At doon siya lihim na ngumiti. "I don't know. I just thought it's a better deal compared to what you have with that guy." Humalukipkip ito. "Bakit mo ba talaga 'to ginagawa?" He shrugged off. "Gusto ko lang." "Gusto kong lang ding malaman ang totoo." "Gusto ko lang tumulong sa kapwa." This time, she gave him a smirk. And for the first time in forever, his heart skipped a beat. Iyon ang unang beses na nagpakawala ito ng ibang emosyon, at namangha siya. Even if it was just a smirk, her face lit up gorgeously. "What are you, a superhero?" tuya nito. Muli siyang nagkibit-balikat at nginitian ito. "You can say that." Muling naging blangko ang ekspresyon ng dalaga at matagal siyang tinitigan. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito, pero sigurado siyang positibo ang magiging sagot nito sa alok niya. "I have one condition," she declared after a while. "Shoot it," he answered as he tried to hide his smile. "No hanky-panky." Manghang umawang ang bibig niya. Well, even if you are the prettiest girl in town, hindi ko maaatim na gumawa ng kababalaghan sa'yo dahil sa kalagayan mo! Napa-iling siya at inabot dito ang kamay. "No hanky panky." Subalit sinulyapan lang ni Gazi ang kamay niya, umirap at tinalikuran na siya. "Whatever." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD