03 - Raven's Pursuit

2423 Words
Napangiti si Raven nang makita ang pamilyar na dalagang nakayukong naglalakad patungo sa direksyon ng tulay. Mula sa pagkakaupo sa barandilya ay tumalon siya at nakapamulsang naghintay doon sa gitna hanggang sa tuluyang makalapit ang kanina pa niya inaabangan. Nang mapansin ang presensya niya ay nag-angat ng tingin ang dalaga. Ang malumbay nitong anyo ay dagyat na napalitan ng inis. Her hazelbrown eyes slanted. And he smiled secretly. Ramdam niya ang init ng ulo nito sa kaniya. Subalit walang salitang namutawi sa bibig ng dalaga. Umirap lang ito, itinuloy ang paglalakad, saka nilampasan siya. He turned to her and followed. "Would you mind if I walk with y—" "Yes, kaya lubayan mo ako." Napangisi siya at itinuloy ang pagsunod dito. "I know a place that serves delicious breakfast—" Nahinto siya nang bigla itong humarap at tinapunan siya ng masamang tingin. "H'wag mo akong sundan, h'wag mo akong kaibiganin, at h'wag na h'wag mo akong kakausapin. Hindi ako nakikipag-usap sa kani-kanino lang—" "My name is Raven Worthwench, but you can call me 'Rave'," aniya na ikina-salubong ng mga kilay nito. Doon ay muli siyang napa-ngisi. "There, hindi na ako 'kung sino lang' ngayon sa'yo." Tumaas ang isang sulok ng labi nito sa mapang-insultong paraan. And that's when he noticed how luscious those full lips were. "Wala akong pakealam kung sino ka. Lubayan mo ako at h'wag susundan. Gusto kong maglakad ng tahimik hanggang sa eskwela," mataray nitong tugon sa kaniya bago itinuloy ang paglalakad. "You are feisty," he commented while grinning from ear to ear. "And I like that, Gaznielle." Para itong sasakyang biglang nag-preno nang marinig ang pagbanggit niya sa pangalan nito. Lalo lang lumapad ang pagkakangisi niya. At nang humarap ito na magkasalubong ang mga kilay ay mabilis din niyang inalis ang ngisi sa mga labi. "How did you..." she paused and surveyed him from his head to the tip of his boots. Sa araw na iyon, dahil Biyernes, ay hindi siya nakasuot ng uniporme niya. He wore a black poloshirt, and faded blue jeans. Sa paa niya ay ang itim na leather work boots, at dahil naka-bukas ang lahat ng butones sa polo niya ay lumantad dito ang puting sando niya sa loob. Pero sigurado siyang hindi ang porma niya ang nagpatigil dito—kung hindi ang tattoo na nasa dibdib at mga braso niya. He first got a tattoo when he was eighteen, noong minsang nagbakasyon siya sa Bali, Indonesia. Pagkatapos noon, halos kada tatlong buwan ay nagpapadagdag siya. And he did that not because he wanted to look cool, he just loved the artistry. Lahat ng tattoo sa dibdib at mga braso niya ay may kahulugan, hindi niya iyon ipinalagay nang wala lang. Nang unang malaman ng mama niya pagkakaroon niya ng tattoo ay inatake ito ng hika, kaya hindi rin niya masisi ang dalaga kung magulantang ito. Walang siyang ka-edad niya sa lugar na iyon ay may tattoo sa katawan. Kaya naman nang makita niya ang pag-ngiwi ng dalaga habang nakatitig sa mga naka-imprenta sa katawan niya'y lihim siyang napa-ngiti. Disgust was all over her beautiful face. "Adik ka ba?" she asked in a voice full of judgment. Napakurap siya. Ano raw? "Tingin ko, high ka lang noong isang araw kaya ka nag-ala King of the World d'yan sa tulay. Pero magkaganoon man, h'wag mong sirain at sayangin ang buhay mo sa droga." Umirap ito saka tumalikod at itinuloy ang paglalakad. Matagal bago siya naka-apuhap sa sinabi nito. Ngumisi siya at humabol. Nang makapantay na siya rito ay muli siya nagsalita. "Can you be my friend?" God, can I get more cliche than this? Inis na huminto ang dalaga at walang salitang hinampas ang backpack sa kaniya. "Hindi ka ba maka-intindi?! Ang sabi ko'y lubayan mo ako!" Itinaas niya ang mga kamay sa ere. "Whoa, bakit ba ang init ng ulo mo? Nakikipagkaibigan lang naman—" "Sa iba ka makipagkaibigan! Doon sa pumapatol sa sanggano at adik na tulad mo!" Muli nitong itinuloy ang paglalakad, halos lakad-takbo ang ginawa nito. At kahit na ganoon ang mga sinabi nito sa kaniya ay natawa na lang siya. He wasn't pissed nor insulted— he actually found it amusing. Muli niya itong hinabol, at nang maabutan ay, "Do you eat mixed fruits and vegetable shake? May mga healthy juices din kami sa bahay. Do you want some?" Iritableng humarap ang dalaga sa kaniya at akma siyang itutulak, subalit nang lumapat ang mga kamay nito sa dibdib niya ay mabilis niya iyon hinuli at mahigpit na hinawakan. Doon umangat ang mga mata nito sa kaniya, and that's when he gave her a dashing smile. "Gusto kong humingi ng sorry kung naiyak ka sa ginawa ko noong isang araw. Alam kong nainis ka dahil inisip mong magpapakamatay ako, pero mali ka roon. Wala akong balak tapusin ang buhay ko. Lagi akong naroon sa tulay para magpahangin— that place is my safe-haven. At hindi rin ako high, I don't do drugs," mabilis niyang paliwanag bago pa siya nito muling sunggaban. But she just stared at him straight in the eyes with a frown on her forehead. He blinked and stared at her face with fascination. No single flaw can be seen anywhere, her face was just so perfect— at least in his eyes. She was unbelievably pretty— from her thick and nicely shaped brows, to her hazelbrown brown eyes, her small and upturned nose, and down to her full luscious lips. Ang balat nito'y hindi maputi pero hindi rin kayumanggi, pero makinis na tila alagang-alaga hanggang sa paglaki. Sigurado siyang tulad niya ay may dugong banyaga rin ang dalaga— she didn't look like pure Filipina at all. "Hanggang kailan mo hahawakan ang kamay ko?" sabi nito makalipas ang ilang sandali. Kalmado lang ang tinig nito pero naroon ang diin sa bawat salitang binitiwan. At ang mukha nito'y walang bahid ng kahit anong emosyon. "Kung hindi mo pa ako bibitiwan sa loob ng limang segundo ay sisigaw ako at sasabihin sa mga taong hina-harass mo ako. At h'wag kang pa-cute nang pa-cute sa akin dahil walang dating." Muli siyang napakurap— sa pagkamangha. Kahit kailan ay wala pang babae ang nagsabi sa kaniyang wala siyang dating. At kahit na iba ang pakay niya sa pakikipagkaibigan sa dalaga, ay hindi niya maiwasang ma-dismaya sa sinabi nito. "Five. Four. Three..." pagbibilang ng dalaga habang hindi pa rin humihiwalay ang mga tingin sa kaniya. "Two—" And he let go. Dahil sigurado siyang hindi ito nagbibiro sa banta nitong sisigaw. Sa basagan ng mukha lang siya kilala sa bayang iyon— ayaw niyang isipin ng mga tao na nang-a-agrabyado rin siya ng mga babae. Itinaas ng dalaga ang noo. "Just so you know, hindi ako nanlilimos ng pagkain, kaya isaksak mo sa baga mo 'yang fruit and vegetable shake mo!" She then turned her back to him and ran away. I was being nice and friendly because I feel sorry for her condition. Bakit kailangan niyang magsuplada? Napa-iling siya ay binigyan ito ng limang minutong headstart bago siya sumunod. Iisang kalsada lang ang dadaanan nila patungo sa kolehiyo at sa public school na pinapasukan nito, kaya hahayaan niya itong makalayo muna bago siya sumunod. Natural na sa mga estudyante doon sa bayan na maglakad lang patungo sa eskwela. Others used bicycles, while others have motorcycles. Bilang lang ang mga pampublikong sasakyan doon at madalas ay ginagamit sa pagdala ng mga bilihin sa palengke. Kaya naman sa mga oras na iyon ay marami-rami ring mga estudyante ang naglalakad sa gilid ng kalsada. And almost twenty meters away from him, in front, was Gaznielle. He watched her as she walked in high-speed— alam marahil nito na nakasunod siya. Kahit na may ibang mga estudyante na nakapagitan sa kanila ay ramdam niyang nais nitong lalong makalayo sa kaniya. Hindi niya maiwasang maawa rito sa kabila ng pagsusuplada nito. He really felt sorry for her. Kaya pala ganoon na lang ang iyak nito at mga ibinatong salita sa kaniya noong isang araw. She was fighting for her life— she probably thought life was unfair to her. And she was probably feeling so down— hindi biro ang magkaroon ng karamdaman sa ganoong edad. At iniisip niyang baka paraan lang ni Gaznielle na magsuplada upang ipakita sa iba na malakas ito. Kung hindi pa niya nakita ang papel na iyon ay hindi rin niya maiisip na may dinaramdam ito. Kaya ganoon na lang ang pagnanais niyang mapalapit dito. Pakiramdam niya, matapos niyang makita ang papel na iyon at malaman ang kasalukuyang kondisyon nito, ay obligasyon niyang intindihin ito, pakisamahan, at tulungan. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. But he knew he had to help her somehow. Gusto niyang sapukin ang sarili sa mga iniisip. He's usually not like that. Wala siyang kaibigan sa lugar na iyon dahil ang mga lalaking ka-edad niya o matanda lang ng kaunti sa kaniya ay mainit ang ulo sa kaniya. Ang mga babae nama'y hindi pakikipagkaibigan ang gusto sa kaniya— which was totally fine because he had no intention of having a platonic relationship with women who could be his partner in bed in the future. May ilan na rin namang mga dalaga roon na game sa ganoon— and there were few who he had played with. Wala siyang gana sa seryosong relasyon, at alam iyon ng mga babaeng nakakadaupang-palad na niya. At namamangha siya dahil kahit probinsya roon ay game ang mga ito sa ganoong laro. Pero noong isang araw, noong makita niya si Gaznielle at malaman ang karamdaman mayroon ito ay para siyang hinaplos sa puso. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin at bigla na lang siyang nagpasya na kaibiganin ito. Sa ganoong paraan man lang ay mapagaan niya ang pakiramdam nito habang nilalabanan nito ang sakit. He could also offer her financial help if she needed it— but first, they have to be friends first. Dahil alam niyang hindi tatanggapin ng dalaga ang kahit na anong tulong mula sa kaniya hanggang sa hindi niya nakukuha ang loob nito. Iyong fruit and vegetable shake nga, tinanggihan, ano pa kaya ang financial help? Pero sa ugali nitong ganoon, siguradong hindi magiging madali ang plano niya. And he had never felt so challenged before, kaya naman lalo lang siyang ginaganahan. *** Malayo pa lang ay nakita na ni Raven ang pagsalubong ng mga kilay ni Gaznielle at ang sandali nitong paghinto sa paglalakad. Nakita rin niya kung paanong tumalim ang mga mata nito bago itinuloy ang paghakbang. Papalubog na ang araw at halos dalawang oras din siyang naghintay sa tulay. Bumaba ang tingin niya sa dala nitong mga plastic bags. May laman iyong mga gulay, karne at isda. Doon niya napagtantong dumaan ito sa palengke bago umuwi, kaya ito natagalan. "Ano, nagpapababa ka na naman ng tama mo sa tulay?" tuya nito sa kaniya ng makalapit. Tuluy-tuloy ito sa paghakbang hanggang sa lampasan siya. "Hindi ako drug addict at hindi ako gumagamit ng kahit na anong ipinagbabawal na gamot. Why are you so judgemental?" naaaliw niyang sabi saka sumunod dito. Nagbigay siya ng dalawang metrong distansya para hindi ito mairita sa kaniya. "Kung susundan mo ako hanggang sa bahay namin ay binabalaan na kita— may balisong ang nanay ko at kapag nakita niyang may nakakatakot na lalaking nakasunod sa akin ay siguradong hahabulin ka no'n," banta nito. Ngumisi siya. "Mukha ba talaga akong nakakatakot?" "Matangkad ka, maskulado, may tatoo at mukhang nakatira ng droga, ano sa tingin mo ang sagot sa tanong mo?" He grinned all the more. "Did you just compliment me?" "Hindi, pinintasan kita." Huminto ito at humarap. At katulad ng dati ay wala na namang kahit na anong bahid ng emosyon ang mukha nito. "Balak mo ba talaga akong sundan?" He shrugged off. "If you want?" "Of course I don't, gago ka ba?" Doon na naman nagsalubong ang mga kilay nito. "Ire-reklamo na talaga kita sa kapitan ng baryo namin kung hindi ka pa titigil sa pangungulit sa akin. May plano ka bang gawan ako ng masama? Ito, sinasabi ko na sa'yo, magkakapatayan muna tayo bago mo makuha ang gusto mo." "Kung saan-saan lumilipad 'yang imahinasyon mo." Napa-iling siya sa pagkamangha. "Ang gusto ko lang naman ay makipagkaibigan—" "Bakit? Ako lang ba ang taong kaedad mo sa lugar na 'to?" "Kaedad ba kita?" Sinuyod niya ito ng tingin— at muli ay naipagkamali iyon ng dalaga na pambabastos, kaya hinampas siya nito ng bitbit nitong plastic na may lamang isda— dahilan upang mamantasahan ng dugo ng isda ang braso niya. "Ibahin mo ako sa mga babaeng nauuto mo sa bayang ito!" "All I wanted was to befriend you, that's all." "Ang kulit, sarap mong saktan." Iritable itong tumalikod at muling itinuloy ang paglalakad. "Sige, susundan kita sa bahay niyo at magpapakilala ako sa nanay mo—" "Sige, gawin mo at tignan natin kung makalalabas ka pa ng bahay naming kumpleto ang mga daliri!" Ngumisi siya at akmang hahakbang pasunod nang muli itong humarap na ikinatigil niya. "Magkadiretsahan na nga tayo— may balak ka bang ligawan ako dahil maganda ako?" Wow. Malapad siyang ngumiti. Well, at least she's aware that she's beautiful. "Depende," sagot niya. "Magpapaligaw ka ba?" Tumaas ang kilay nito at sinuyod siya ng nandidiring tingin. "Sa'yo? Hindi 'no! Manigas ka!" "Eh 'di hindi. Hanggang kaibigan na lang tayo, madali naman akong kausap." Tumaas ang isang sulok ng labi nito sa pagka-uyam, at sinundan nito iyon ng pag-iling. "Kung may balak kang landiin ako at syotain, ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa iyong hindi ako interesedo sa pakikipagrelasyon. Marami akong problema sa buhay ko ngayon, kaya tantanan mo ako. H'wag ka nang magsayang ng oras mo kaka-pa-impress sa akin dahil hindi ako kakagat. Gets mo?" Bago pa siya makasagot sa sinabi nito'y mabilis na itong tumalikod at itinuloy ang paglalakad. Siya naman ay naiwan doon na malapad ang pagkakangisi. He liked her. Totally. At bagaman totoo ang sinabi niyang gusto lang niya itong kaibiganin dahil naawa siya sa kalagayan nito, ay mukhang may pagbabagong mangyayari. "Sabay tayong pumasok sa Lunes," paanyaya niya bago pa man ito tuluyang makalayo. "Malapit lang ang school mo sa college na pinapasukan ko kaya pwede tayong magsabay araw-araw." Subalit hindi na ito sumagot pa at tuluy-tuloy lang sa paglalakad. "See you on Monday, Gaznielle!" Doon ito huminto— subalit sandali lang at muli ring nagpatuloy. Nakangiti niya itong sinundan ng tingin hanggang sa tuluyan na itong lumiko sa isang kanto patungo sa kabilang baryo. "See you every day, Gaznielle..." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD