07 - Gazenchelle

2679 Words
“Sigurado ka bang hindi sa masama nanggagaling ang fee na ibinibigay mo sa akin?” He frowned and stared at her in disbelief. “Apat na beses ka nang tumanggap ng fee, ngayon ka pa magtatanong ng ganiyan?” aniya sabay abot ng isang basong lemon-cucumber water na inihanda niya para rito. Si Gazi ay inikot ang tingin sa buong bahay, nasa mukha ang pagtataka’t pamamangha. Sinuyod din niya ng tingin ang paligid at hinanap ang bagay na nakapagbigay rito ng pagtataka. Two-storey ang bahay nila at kumpleto sa mga gamit. Sa ikalawang palapag ay may tatlong kwarto na may sariling mga restrooms, at doon sa first floor ay ang living room, dining area, kitchen, at study room. Simple lang ang bahay nilang iyon— compared to the mansion he used to lived in Chicago. Namimintina rin ng mama niya ang linis ng paligid— his mother was a germaphobic, kaya lahat ng sulok ng bahay ay malinis at may mga nagkalat na air modifier plants. Wala siyang nakitang kakaiba para isipin nitong galing sa masama ang perang ibinibigay niya rito, so he’s confused. “Estudyante ka lang din tulad ko at malaki ang sampung libo kada araw na ibinibigay mo sa akin. Totoo bang sa allowance mo galing ang perang iyon?” tanong pa nito bago ibinalik ang pansin sa kaniya. “Sigurado ka bang hindi ka nagbebenta ng droga para—“ “Shush your mouth.” suway niya rito bago kinuha ang isang kamay nito at ibinigay rito ang basong kanina pa niya inaabot. “Baka marinig ka ni Mama at isiping totoo ang mga sinasabi mo.” Gazi pouted and sipped the juice he made. Subalit naka-isang lagok pa lang ito’y napangiwi na. Ibinaba nito ang tall glass saka sinuri ang laman niyon. “Nilagyan mo ba ng gamot ‘to? Sleeping pills? Ecstacy kaya? Bakit ganito ang lasa nito?” Napa-iling siya sa pagkamangha. “Malapit na akong mapikon sa mga sinasabi mo tungkol sa akin. If there is one person who would keep you from harm, that would be me— that’s for sure. Tigilan mo na ang—“ Natigilan siya nang makita ang biglang pagbago ng anyo ni Gazi. Nakita niya kung papaano nitong pinigilan ang sarili na tumawa ng malakas. “What?” Umiling ito, ang mukha ay namumula sa pagpipigil na humalakhak. “Marunong ka rin palang ma-offend?” “You were trying to offend me?” he asked with a slight frown. She bit her lip to stop herself from laughing. “Hindi ako naniniwalang may taong sobrang bait— kaya minsan sinasadya ko na ring pagsalitaan ka ng masama para malaman kung hanggang saan ang pasensya mo. Sa tingin ko… mabait ka nga talaga.” Hindi mawala ang kunot sa kaniyang noo. “Paano kung mali ka pa rin at niloloko lang talaga kita?” hamon niya. Nagkibit ito ng mga balikat saka ini-nguso ang picture frame na nakapatong sa isang chest of drawers doon sa living room. Ang nasa frame ay sila ng mama niya noong araw na nagtapos siya sa high school— naka-akbay siya’t halos nakayakap na sa ina, at pareho silang malapad na nakangiti. “Kapag ang anak na lalaki ay malapit sa ina niya, ibig sabihin ay may respeto ito at hindi marunong manakit ng babae— that’s what I heard.” A slow smile erased the creases between his brows. Nang muli siya nitong sulyapan ay nagtama ang kanilang mga tingin— and that’s when the world seemed to stop from moving. That’s when the time seemed to freeze. He stared at those beautiful hazel brown eyes with wonderment, and she stared back at him as if she had just seen him for the first time. And was she… fascinated? Oh, he couldn’t tell. “Rave, Anak, dinner will be ready in ten minutes.” Doon lang siya napakurap nang marinig ang tinig ng ina na sumulpot sa living room. Kahit si Gazi ay natauhan din at umiwas ng tingin. Muli nitong dinala ang baso sa bibig ay nilagok ang laman niyon. Nilingon niya ang ina at pilit itong nginitian. “Thanks, Ma. We’re coming.” His mother smiled tenderly at Gazi before returning to the kitchen. “This is delicious, by the way.” Ibinalik niya ang tingin kay Gazi at nakita ang pagngiti nito sabay taas ng basong wala nang laman. He was pleased. “Would you like another glass?” Tumango ito. He took the glass from her and tilted his head to gesture her to follow. Nauna na siyang naglakad patungo sa kusina subalit bago pa man siya makalabas ng living area ay muling nagsalita si Gazi na ikina-tigil niya. “Do you have a first aid kit?” Nilingon niya ito at salubong ang kilay na nagtanong. “Yes, why?” “Can I borrow it?” He shrugged. “Sure, pero bakit kailangan mo ng—“ “H’wag nang maraming tanong, kuhanin mo na at dalhin mo sa akin.” Itinaas niya ang mga kamay sa ere sa pagkamangha. “Whoa. Right away, Ma’am.” Napa-iling siya at humakbang patungo sa washroom kung saan naroon ang maliit na cabinet na pinagtataguan ng kit. Sa muli niyang paglabas ay bitbit na niya ang kit at inabutan si Gazi na nakatayo pa rin sa gitna ng sala kung saan niya ito iniwan kanina. Lumapit siya at inabot dito ang maliit na box. “Kung may sugat ka ay ipagagamot kita kay Mama—“ “Have a sit,” muli nitong utos sabay nguso sa couch. Muli siyang kinunutan ng noo at hindi kumilos, dahilan upang pagmulatan siya nito ng mga mata at sinensyasang sumunod na lang. And he did. Naupo siya sa couch at inilapag sandali ang hawak na baso sa ibabaw ng coffee table na gawa sa matibay na uri ng kahoy. Nasa sarili niya siyang pamamahay pero ang bisita niya’y kanina pa siya minamanduhan. But he’d let it slide— may sakit ito at pagbibigyan niya ito hanggang kaya niya. Si Gazi ay naupo naman sa coffee table paharap sa kaniya. Inilapag nito ang first aid kit sa kandungan, binuksan iyon saka kumuha ng bulak at Betadine. Napangiti siya nang maisip kung ano ang binabalak nito. Nang mag-angat ng tingin si Gazi at makita ang pagngisi niya ay napa-ismid ito at marahas na idiniin ang bulak na may gamot sa gilid ng labi niyang may sugat, dahilan upang mapa-atras siya at mapa-ngiwi. “Hey, baka gusto mong magdahan-dahan?” hasik niya rito. Hindi masakit ang gamot pero ang sugat mismo na diniinan nito ang kumirot. “H’wag ka ngang magpaka-baby!” tuya nito sa kaniya bago nito hinila ang suot niyang hoodie upang muli siyang ilapit. “Betadine lang ‘to, anong ina-arte mo?” He was about to argue with her when Gazi pressed the cotton to his wound not-so-gently, making him flinched once again. “Hey!” Muli siyang akmang aatras subalit nagawa siya muli nitong pigilan sa pamamagitan nang muli nitong paghila sa hoodie niya. “You are such a crybaby!” sabi pa nito habang patuloy sa walang-awang pagdutdot ng cotton sa sugat niya. “Hindi ka takot makipag-bakbakan pero humihiyaw ka sa Betadine.” Nang ibaba nito ang cotton upang kumuha ng panibago at lagyan ng gamot ay saka lang siya sumagot. “Hindi masakit ang gamot— ang karahasan mo ang problema.” “Take it like a real man,” she countered. Hinawakan nito ang baba niya at itinaas ang kaniyang mukhang upang suriin kung saan pa siya may sugat. Nang makita nito ang kaliwang kilay niya na may kalahating pulgadang sugat ay napa-iling ito. Akma na sana nitong idudutdot ang cotton doon nang hawakan niya ang kamay nito. “Gently,” he requested. Napatitig ito sa kaniya— at muli ay sandali itong natigilan. Katulad ng nangyari kanina ay parang huminto ang pag-ikot ng mundo at ang pagtakbo ng oras habang magkatitig sila. It was simply… magical. Na sa tuwing nagsasalubong ang kanilang mga mata’y para silang napupunta sa ibang dimensyon na sila lang dalawa ang naroon. At hindi niya maiwasang mapangiti. Pakiramdam niya’y nabubuhayan siya ng dugo. Pakiramdam niya ay… nagkakaroon siya ng pag-asa. Hanggang sa napakurap si Gazi, at nakita ang pag-ngiti niya. Bigla itong sumimangot at bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay idiniin na nito ang cotton sa kilay niya dahilan upang muli siyang mapa-ngiwi at akmang iiwas. “Stop moving,” she ordered as she leaned closer and blew his wound. Her hot, lemony breath sent shivers through his veins he almost lost his mind. Hindi niya inasahang gagawin nito iyon— at nagugulat siya sa nagiging reaksyon ng katawan niya. If he could only grab her and kiss her senselessly, he would. He had been itching to do that since he saw her cry at the bridge. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili kung ayaw niyang matakot si Gazi sa kaniya at iwasan siya. So, he chose to just close his eyes and enjoy the moment. He’d like her to continue what she was doing— nursing him with gentleness. Hanggang sa muli siyang mapahiyaw nang muling dumiin ang cotton sa sugat niya. At ang sunod niyang naramdaman ay ang paglagay roon ni Gazi ng bandage. Nang magmulat siya ay nakita niya ang taranta nitong pagsara ng kitbox at ang mabilis nitong pag-tayo. “Gutom na ako,” anito sabay talikod. “Pakainin mo na ako.” Nakangiwi niyang dinama ang sugat sa kilay na tinapalan na nito ng bandage. Pakiramdam niya’y lalong bumuka ang sugat roon sa huling beses ng pagdiin nito ng cotton. “You are harsh…” reklamo niya. She smirked. “Pft. Ikaw na nga itong ginamot, ikaw pa ang may ganang magreklamo. But anyway, you’re welcome.” “Because you could have done it gently— pakiramdam ko’y mas masakit pa ang ginawa mong pag-gamot kaysa sa bugbog na inabot ko.” Pero napangiti siya at tumayo na rin. “But anyway, thank you.” Inirapan lang siya nito at nakahalukipkip na naglakad patungo sa dining area kung saan naghihintay ang hapunan. * * * “Salamat sa hapunan, sobrang nabusog ako. Masarap magluto ang mommy mo.” Tipid siyang ngumiti sa sinabi ni Gazi at napiling hindi sumagot. Kasalukuyan na silang naglalakad patungo sa intersection malapit sa tulay na naghihiwalay sa mga baryo sa bahaging iyon ng San Guillermo. Ang baryo na kinaroroonan ng nire-rentahang bahay nina Gazi ay may kalayuan kaya kahit ayaw nitong magpahatid ay nagpumilit siya. Alam niyang walang kriminal na gumagala sa bayang iyon pero hindi niya kayang umuwi itong mag-isa. It was already 8:30 in the evening, at sa lugar na iyon ay masyado nang gabi upang umuwi ang isang dalagang katulad ni Gazi. Isa pa’y tama lang na ihatid niya ito— ganoon naman dapat ang ginagawa ng mga lalaki sa mga bisitang babae. “Hindi ka ba mapapagalitan ng mama mo na ganitong oras ka na uuwi?” pagkuway tanong niya. Natatanaw na niya ang tulay hindi kalayuan sa kinaroroonan nila, sa kabilang sangang daan ang baryo nina Gazi. Matagal bago ito naka-sagot. “Siguradong se-sermunan ako no’n hanggang madaling araw.” Napayuko siya rito nang marinig ang sagot nito. Iyon ang unang beses na nagsalita ito sa ganoong tono— mahina at puno ng pangamba. Huminto siya at hinarap ito. “Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin ang dahilan kung bakit umiiyak ka kanina sa tulay? Why were you feeling down, Gazi?” Napa-buntong hininga ito at huminto rin upang harapin siya. “Nagkaroon lang kami ng pagtatalo ng mama ko kaninang tanghali. Sinundo niya ako noong lunch time at nag-usap kami sa labas.” Nahinto ito at biglang naging mailap ang mga mata. “Ano ang pinag-usapan niyo? Iyon ba ang dahilan kung bakit… malungkot ka?” Gazi shrugged and looked up to the sky. Sa langit ay nagkalat ang mga bituin, at ang buwan ay bilog na bilog. “Alam mo bang galing sa mayamang pamilya ang mama ko? At dahil galing siya sa marangyang pamilya ay wala siyang trabahong alam na pasukan sa bayang ito.” “How about your father?” Gazi smirked. “He’s got job, pero hindi sapat ang kinikita niya para… suportahan ang anak niyang may sakit. Kaunting sakit sa katawan nga lang ay hindi na-pasok sa trabaho iyon eh. Hindi ko nga alam kung ano ang nakita ng nanay ko roon.” “Hindi ba… maganda ang relasyon mo sa mga magulang mo?” He felt more sorry for her. May sakit na nga ay hindi pa masaya sa pamilya. “They are okay,” mabilis nitong sagot. “Hindi naman nila ako ina-abuso, hindi rin naman ako nagugutom. Nabibili pa rin naman nila ang mga kailangan ko, pero… I don’t feel supported at all.” “Kaya ka ba nag-iipon dahil…” dahil hindi ka magawang tulungan ng mga magulang mo sa pagpapagamot mo? Bigla siyang natigilan nang may isa pang ideyang pumasok sa isip niya. O baka hindi rin alam ng mga magulang mo ang tungkol sa kondisyon mo? “Kaya ako nag-iipon dahil may nakasalalay na buhay doon sa perang maiipon ko.” Finally. “What do you mean?” He pretended not to know. “Enough questions,” sagot nito bago itinuloy ang paglalakad. “You can trust me, Gazi. I can help you with your problems, all you need to do is ask.” Huminto ito subalit hindi humarap. “You know, masyado nang malaking tulong ang sampung libro kada araw na ibinibigay mo, Raven, all I have to do is to put up with you the whole day. Sapat na iyon, hindi mo na kailangang dagdagan. And besides,” humarap ito sa kaniya, “hindi ko nga alam kung tama itong ginagawa ko. Kahit alam kong matino ka namang tao, hindi ko pa rin maintindihan itong matinding pagnanais mong tulungan ako sa pinansiyal na aspeto.” Nagkibit-balikat siya. “Dahil alam kong kailangang-kailangan mo. Nararamdaman ko.” Matagal siya nitong sinuri ng tingin. Ang ilaw mula sa posteng nakatayo sa hindi kalayuan ay sapat upang makita niya kung papaanong muling naglaho ang emosyon sa mukha ni Gazi, katulad dati. And he just stood there, speechless, and unsure of what she was thinking. Kung sana ay kaya niyang basahin ang ekspresyong pumapaloob sa mga mata nito… Hanggang sa… “Magsabi ka nga ng totoo,” she started. “May gusto ko ba sa akin kaya mo ito ginagawa?” Napakurap siya at sandaling natahimik. Sasabihin ba niya ang totoo? O patuloy iyong itatanggi? If he’d choose the former, Gazi might change her mind and back out of the deal. Pero paano kung ang huli naman ang piliin niya at iyon din ang mangyari? Damn it— ano ang tamang sagot? “Do you intend to use your money to lure me into your trap?” “Trap?” ulit niya sa sinabi nito. “Yes, trap— which also means your charm.” Tumaas ang kilay nito. “Ginagamitan mo ba ako ng pera para mahulog ang loob ko sa’yo? Is this how you hustle with women?” “No,” agap niya sa seryosong anyo. “Then, what? Bakit ganito ka ka-bait sa akin?” He was about to tell her the truth when someone yelled behind her. “Gazenchelle!” Marahas na lumingon si Gazi sa pinanggalingan ng malakas na tinig na iyon— at nang makita ang taong naroon ay malakas itong napa-singhap. Subalit hindi kaagad niya naituon ang pansin sa taong naroon dahil may isang bagay na um-okupa sa isip niya. Gazenchelle? Isn’t her name Gaznielle? “Mom…” narinig niyang sambit ni Gazi sa nanginginig na tinig. Doon na niya itinuon ang pansin sa babaeng nakatayo hindi kalayuan sa likuran ng dalaga. There was a Caucasian blonde woman wearing a white long sleeves shirt and jeans, hair in tight bun, and on her eyes was a pair of reading glasses. Mukhang istrikta at mukhang galit. This is Gazi’s mother? * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD