08 - The Truth About Gaznielle

2492 Words
“M—Mom…” “Where have you been, Gazenchelle?” “I… I—“ Napalingon si Gazi sa kaniya at doon ay nakita niya ang pangamba sa anyo nito. Humakbang siya palapit sa dalaga at hinawakan ito sa balikat bago hinarap ang may edad na babaeng nasa harapan nila. The woman was pretty despite her age— no, she wasn't just pretty, she was stunning. And Gazi looked like her. Ang anyo ng ina ni Gazi ay seryoso, halata sa boses nito kanina ang galit pero nagawa nitong itago ang emosyong iyon— ngayon ay alam na niya kung saan nakuha ni Gazi ang galing sa pagtago ng emosyon. Kasing tigas din ng bato ang anyo ng ina nito habang diretsong nakatitig sa kaniya. “Ma’am, I am Raven Worthwench and I am Gazi’s friend,” he started. “I invited her for dinner in my house, my mother was there as well and —“ “Stop pestering my daughter,” putol nito sa sinasabi niya sa seryosong anyo. Sandali siya nitong sinuri ng tingin mula ulo hanggang paa bago ibinaling ang pansin kay Gazi na sa mga oras na iyon ay halata ang pangamba. “Let’s go.” Tumango si Gazi sa ina bago siya nito tiningala. She released a nervous smile before removing his hand from her shoulder. “T—Thank you for dinner, Rave. I’m… I’m heading off now.” “Are you going to be okay?” he whispered, making sure that her mother wouldn’t hear his worried voice. Iyon ang unang pagkakataong nakita niyang kinabahan at natakot si Gazi kaya hindi niya maiwasang mag-aalala. Naisip niyang baka may nangyayari sa bahay ng mga ito kaya ganoon na lamang ang reaksyon ng dalaga nang makita ang ina. “Y—Yes,” she stuttered, making him more worried than ever. “Salamat ulit sa—“ “Gazenchelle, stop wasting time, and let’s get going.” Sabay silang napatingin sa ina nito nang marinig ang mariin at may kalakasan na nitong tinig. Salubong na ang kilay nito at halatang nauubusan na ng pasensya. And Gazi was obviously stalling— it was as if she didn’t want to go home. “Bye,” she whispered, before walking towards her mother. Subalit hindi pa man ito nakalalayo ay muli siyang nagsalita. “Hey, I’ll see you tomorrow, ‘kay?” Sandali lang itong huminto bago muling itinuloy ang paglapit sa ina. Gazi’s mother gazed back to him, studied him again from his head down to the tip of his shoes as if he was a dirty specimen, before turning her back and started walking away. Nang tumalikod ito ay saka siya muling nilingon ni Gazi, sinenyasan siya nitong umuwi na rin, bago itinuloy ang pagsunod sa ina. Subalit hindi siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa tuluyan na ang mga itong makalayo at lumiko sa kanto patungo sa baryong kinaroroonan ng bahay ng mga ito. He couldn’t help himself but worry. Ni minsan ay hindi niya nakita si Gazi na natitinag sa kahit na anong bagay, but this time, she was shaking to the tip of her shoes. Nag-aalala siyang hindi alam ng ina ni Gazi ang kondisyon nito at baka sinasaktan pa nito ang anak. Bigla siyang natigilan. Muli niyang naalala ang pangalang sinambit ng ina ni Gazi kanina. Gazenchelle. That was Gazi’s complete name. So, who the hell was Gaznielle? Huminga siya ng malalim— isang buwan silang magkasama araw-araw pero ni minsan ay hindi niya ni-klaro at inalam ang kompletong pangalan nito. Paano kasi, magsalita-dili ito kapag magkasama sila. But tomorrow would be different. Aalamin niya ang totoo bukas. Kung kinakailangang pigain niya ito para magsabi sa kaniya ng totoo ay gagawin niya. Dahil nais niya itong tulungan sa abot ng makakaya niya, pero kailangan muna niyang malaman ang lahat. Kailangan niyang malaman kung sino si Gaznielle at kung bakit ganoon na lang ang takot ni Gazi sa ina nito. * * * Unfortunately, Raven wasn’t able to speak to Gazi the next day because she didn’t show up. Kahit late na siya sa klase niya noong umaga ay hindi siya umalis sa tulay kahihintay sa pagdating ng dalaga. Kinahapunan ay maaga rin siyang lumabas sa klase upang hintayin ito sa harap ng gate ng public high school na pinapasukan, subalit inabot na lang siya ng alas-sais ng gabi ay wala pa ring Gazi na lumabas. Magkaganoon pa ma’y naghintay pa rin siya sa tulay hanggang alas-otso ng gabi. At nang hindi pa rin ito lumitaw ay umuwi na siya. Halos hindi siya makatulog sa pag-aalala— hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. Pero umasa siyang nagkaroon lang ng kaunting problema kaya hindi ito nakapasok, at kahit papaano ay maayos ang lagay nito. Hindi niya alam kung anong oras na siyang nakatulog nang gabing iyon, pero bago siya tuluyang hilahin ng antok ay nakagawa na siya ng plano. Kung sakaling wala pa ring Gazi na magpakita kinabukasan ay hahanapin na niya ang kinaroroonan ng bahay ng mga ito at aalamin ang sitwasyon nito. * * * Kinaumagahan, tulad ng dati ay naghintay siya sa tulay. But this time, he was agitated. Not until he heard her voice… “Huy.” Mula sa pagkakayuko sa ilalim ng tulay ay kaagad siyang nag-angat ng tingin. Gazi was standing a few feet from him with a light smile on her lips. He frowned at her. “What happened to you yesterday?” Bahaw itong natawa— tawang pilit na akala nito’y makalulusot sa kaniya. “May ginawa lang akong importanteng bagay kahapon kaya hindi ako nakapasok.” Hindi siya kumbinsido sa sagot nito pero nagpatianod siya. “Do you have a phone?” She shook her head. “Do you want one?” Muli itong natawa— at kahit na maganda ito kapag tumatawa ay hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya. Ang pag-aalala ay hindi mawala-wala sa dibdib niya. He knew something wasn’t right— and he needed to know. “Bakit, ibibili mo ako?” “If you want one, yes. Ayaw ko nang maulit ang nangyari kahapon— I was so worried about you, akala ko ay may ginawa sa’yo ang mommy mo kaya hindi ka maka-alis ng bahay niyo.” She smirked. “What, Sugar Daddy na ba dapat ang itawag ko sa’yo ngayon?” “I am not playing, Gazi. If you want to have a phone, I’ll buy you one. Para lang malaman ko kung ano ang nangyayari sa’yo, para alam ko kung nasaan ka, at para matawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong ko.” Huminga ng malalim si Gazi at ang pilit na ngisi sa mga labi nito’y unti-unti napalis. Payuko nitong itinuloy ang paglalakad at nilampasan siya. “Why are you so concerned about me, we are nothing but business friends.” Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya at sinundan lang ito ng tingin. “Para sa’yo—oo, ganoon lang tayo. But for me, it’s different.” Huminto ito at patalikod na nagsalita. “Raven, sabihin mo nga sa akin ang totoo. Bakit mo ba talaga ito ginagawa?” Siya naman ngayon ang nagpakawala ng malalim na paghinga bago dinukot sa loob ng sachel ang papel na nakita niya noong unang araw na magkakilala sila nito. “Here.” Lumingon si Gazi at dumapo ang tingin sa papel na inabot niya. Sandali nito iyong tinitigan, at nang mapagtanto kung ano iyon ay nanlaki ang mga mata nito. Hanggang sa bigla na lamang itong bumulalas ng tawa. Tawa na hindi naman talaga nanggaling sa puso, kung hindi pilit din katulad ng mga bahaw nitong ngiti kanina pa. “Ahh, so ito pala ang dahilan kung bakit ganoon ka na lang ka-bait sa akin?” natatawa pa ring sambit ng dalaga. Ang mga mata nito’y maluha-luha, at sigurado siyang nais nitong isipin niyang dahil iyon sa pagtawa— but he wasn’t a fool to not notice the sadness behind her fake laughter. “Inisip mong ako si Gaznielle na may brain tumor. Naawa ka sa akin kaya nais mo akong kaibiganin, at sa pamamagitan ng fee na ibinibigay mo’y iniisip mong natutulungan mo akong mag-ipon sa pagpapagamot, ganoon ba?” He knew he didn’t need to answer that— she just elaborated it for him. “No wonder you fed me healthy foods!” Muling bahaw na natawa si Gazi saka iyon sinundan ng pag-iling. “Gaznielle is my younger brother, and yes, he has brain tumor.” Dahan-dahan siyang nagpakawala ng paghinga. Hindi niya alam kung tamang nakaramadam siya ng ginhawa nang malaman ang totoo— Gazi wasn’t sick after all. But her brother was. Kaya hindi niya magawang tuluyang matuwa sa narinig. “Binigyan si Niel ng apat na buwan ng doktor niya,” patuloy ni Gazi. Sa pagkakataong iyon ay hindi ikinubli ng dalaga ang lungkot sa mga mata. “Ang sabi sa amin ng doktor, kapag hindi pa na-operahan si Niel bago matapos ang apat na buwan ay baka tuluyan pang kumalat ang tumor cells sa utak niya. Kapag nagawa namang ma-operahan si Niel sa loob ng apat na buwang palugit ay tuluyan siyang gagaling, pero kapag hindi ay…” Napayuko ito. “Kapag hindi at natagalan pa, ay imposible nang matanggal ang tumor sa utak niya kahit pa ma-operahan siya. Hanggang sa… alam mo na. Mamatay siya.” Nakakaintindi siyang tumango. Nakikita niya ang paghihirap sa mukha ni Gazi habang binabanggit ang kapatid at nais niya itong lapitan at aluin pero hindi niya alam kung magugustuhan iyon ng dalaga. Kaya ipinako na lamang niya ang kaniyang sarili sa kinatatayuan at maingat na pinili ang mga salitang sunod na sasabihin. “Gaano pa kahaba ang natitira sa apat na buwang palugit sa inyo?” he asked. Bahagyang kinunutan ng noo si Gazi nang muling mag-angat ng tingin sa kaniya. Pero imbes na supladahan siya ay maayos itong sumagot. “Dalawang buwan na lang.” “And your savings? It isn’t enough to have the operation sooner, is it?” Umiling ito at muling yumuko. “M—Malaki ang fee na natatanggap ko mula sa’yo kaya nasa kalahati na ako…” Tumango siya. “And your parents? Are they trying to find possible ways to earn money for your brother’s operation?” Hindi nakaligtas sa kaniya ang sandaling pagdaan ng poot sa mga mata ni Gazi bago ito mariing pumikit. Nang muling magmulat ay blangko nang muli ang anyo nito. “Sinusubukan ng nanay ko na manghiram sa mga kakilala niya, habang ang tatay ko naman ay sapat lang ang kinikita sa trabaho para sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay at patuloy na gamutan ni Niel.” Muli siyang tumango at nginitian ang dalaga. “Don’t worry, bago matapos ang dalawang buwan ay mako-kompleto mo rin ang perang kailangan mo. You just need to put up with me for the next two months.” He winked at her, trying to lighten up her mood. Inisip niyang kuhanin na ang lahat ng pera niya sa bangko at ibigay na iyon kay Gazi, subalit hindi pa rin iyon magiging sapat. Malaking halaga pa rin ang kulang—which he could easily get for her but was reluctant to do so. Hindi niya alam kung papaanong sasabihin sa ama na kailangan niya ng malaking halaga nang hindi sinasabi rito ang dahilan. Isa pa, hindi maayos ang pakikitungo niya sa daddy niya sa nakalipas na mga taon— his ego was stopping him to ask for money. Kaya ang magagawa na lamang niya’y hintaying pumasok ang weekly allowance niya mula sa ama para ibigay iyon sa dalaga. “Kapag nalaman ng tatay mo na napupunta lang sa babae ang allowance na ipinapadala niya sa’yo ay baka magalit siya.” Napakurap siya nang muling marinig ang tinig ng dalaga. Ibinalik niya ang tingin dito at nakitang nanatiling blangko ang anyo nito. Balewala siyang nagkibit-balikat. “Bakit siya magagalit kung sa mabuti naman mapupunta ang perang iyon?” balewala niyang sagot. “Isa pa, hindi ko pa naman kailangan ang perang iyon— my tuition for the whole year is already paid. My father sends a separate allowance to my mom. Maliban pa roon ay nagta-trabaho rin si Mom bilang assistant nurse sa isang clinic, she has her own money— money that she didn’t really actually need. Iipunin ko lang din naman ang perang ipinapadala sa akin ng tatay ko, kaya bakit hindi ko na lang iyon itulong sa mga nangangailangan?” Muling napayuko si Gazi upang itago ang muling pagbago ng emosyon nito. Matagal itong nanatiling tahimik bago tumalikod. “Well, then I guess I have no choice but to put up with you in the next two months.” Ngumisi siya. “Yep— pagkatapos ng dalawang buwan ay pwede na nating tapusin ang business friendship na ito.” Gazi looked over her shoulder and glanced at him. “Are you sure?” He shrugged. “Yeah, because we might end up dating after two months.” Nanlaki ang mga mata nito nang marinig ang sinabi niya. Muli itong humarap at walang ibang salitang ibinato sa kaniya ang backpack. Natatawa niya iyong sinalo. “Ang lakas talaga ng kompiyansa mo sa sarili mo, ‘no? Talaga nga yatang ginagamit mo ang pera ng tatay mo para landiin ako!” Ngumisi na lamang siya at hindi na sumagot pa. Isinukbit niya sa kaniyang balikat ang bag ni Gazi ay itinuloy ang paglalakad at nilampasan ito. “Hali ka na, baka ma-late ka pa sa klase mo.” Bahagya siyang lumingon at kinindatan ito. “And stop pretending that you’re pissed, mukha namang kinilig ka sa huling sinabi ko.” “Neknek mo!” sagot pa ng dalaga na biglang pinamulahan ng mukha. Muli siyang ngumisi at ibinalik ang tingin sa daan. Ang totoo ay siya ang kinilig sa sinabi niya. He was hoping that they’d really start dating after two months. Just thinking about her becoming his girl made his blood come rushing through his vein. He felt like a thirteen-year-old boy experiencing butterflies in his stomach for the first time. At nang humabol sa kaniya si Gazi upang sumabay sa paglalakad ay lumapad ang pagkakangisi niya. Damn it— he wanted to hold her hand or put his arm over her shoulder but he stopped himself and chose to behave. We’ll get there. I know we’ll get there someday… “Akin na ang bag ko,” sabi pa nito. “Mamaya isipin ng mga tao na manliligaw nga kita at—“ “At ano naman kung isipin nilang ganon? Bagay naman tayo.” “Ugh.” She rolled her eyes upwardly, making him grin all the more. Hinayaan na siya ni Gazi na dalhin ang bag nito, at habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada patungo sa pinapasukan nila ay wala siyang ibang ginawa kung hindi tuksuhin ang dalaga at umilag sa mga paghampas at pagtulak nito sa kaniya. * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD