❀⊱Adriana's POV⊰❀
Halos dalawang linggo na rin ang lumipas mula ng napagalitan kami ni Kuya Sebastian dahil nahuli niya kami sa bar. Hindi na muna kami umulit dahil ayokong ma-bad shot kay daddy at mommy. Wala pa naman sila ngayon at hindi pa umuuwi dahil sa dami daw ng problemang inaasikaso nila ngayon sa Japan. May negosyo kasi sila duon at nagkakaroon daw ng problema kaya after New York ay dumiretso naman sila ng Japan. May pasok ako ngayon sa school at late din ako makakauwi mamaya dahil sa practice namin ng sayaw. Wala si Kuya Sebastian pero nandito naman si Trisha at mga kaibigan ko dahil dito sila natulog. Ihahatid daw nila ako sa school at susunduin mamayang gabi.
"Ready ka na ba?" ani ni Jhovel. Hindi agad ako nakasagot dahil napatingin ako kay Trisha na tila ba pagod na pagod at nanghihina.
"Anong nangyayari sayo? May masakit ba sayo bruh?" ani ko. Hindi siya kumibo at nagkatinginan lamang sila na tila ba may itinatago sa akin kaya agad na tumaas ang isang kilay ko.
"Anong sikreto ninyo?" seryoso kong tanong at ang ngiti sa labi ko kanina ay kusang naglaho. Nakakainis ang mga ito. Mukhang may inililihim sila sa akin samantalang magkakaibigan kaming lima dito.
Walang sumasagot sa akin. Isa man sa kanila ay walang nagsisimulang magsalita kaya nakakaramdam na ako ng sama ng loob dahil pinaglilihiman nila ako.
"ANO ANG SIKRETO NINYO SA AKIN?" malakas kong sigaw kaya lahat sila ay nagulat at napatitig sa akin. Ang sama ng loob ko, gusto ko ng umiyak dahil magkakaibigan kami, pero heto at pinaglilihiman nila ako. Mabilis na nagtataas-baba ang aking dibdib dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kanila.
"Bakit ka ba naninigaw?" ani ni Avvi. Inis akong naupo at tuluyan ng nalaglag ang aking mga luha dahil kahit na nagagalit na ako ay ayaw pa rin nilang magsalita.
"I told them not to tell you anything. Your friend Trisha did approach me. She aspired to be like Jhovel and Ynah in order to be a strong woman, a fighter, and a lethal weapon in the Venum Organization, but Marcus answered no. Marcus talked to Eoghan about training her to be part of their organization, and Eoghan Fern accepted her and placed Trisha under the control of the White Wolf Mafia Organization. She is now currently under the tutelage of their best mentors, being trained on how to fight, defend, and kill an adversary. Her training is going above and beyond her expectations. Initially, she was under the impression that training to be a lethal assassin would be a walk in the park, but she found out it was much more physically intensive and mentally challenging. However, she is proving to be a fast learner and has a never-say-die attitude," wika ni kuya na ikinagulat ko at napatitig ako kay Trisha.
"Why did you do that? What motivates you to become an assassin? Is that why you've been so busy recently, with no time for us? Because you were preparing to become an assassin? Is that the case? Oh my god naman eh!" ani ko na naiiyak na sa kanila. Bakit ba kasi gusto nilang maging katulad ni kuya? Ano ba ang meron sa pagiging assassin at gusto nilang maging outlaw?
"Bruh, huwag ka ng magtampo. Matagal mo na namang alam na ito talaga ang gusto ko, hindi ba? Bago pa man natin malaman na assassin pala ang dalawang 'yan, hindi ba? At lagi ko ding ini-stalk ang social media ni Marcus, kahit nuon pa man. Kasi naniniwala ako kahit nuon pa na isa silang organization. Hindi naman ako nagkamali, hindi ba? Nuon pa man, ito na talaga ang gusto ko, nuon pa man, ito na ang pangarap ko, ang makasama sa isang organisasyon at maging isang matapang na assassin. 'Yun nga lang, hindi ko lang talaga ini-expect na ganuon ito kahirap, pero hindi ako susuko dahil alam ko na kayang-kaya ko kahit gaano nila ako pahirapan," ani ni Trisha na naiiyak na.
"Luh! Ano ba akala mo sa pagte-training ha bruh? Akala mo ba eh sasayaw ka lang duon at magti-tinikling sa dalawang kawayan na nagsasayawan sa sahig? Isang mahirap na training ang dadanasin mo diyan, katulad namin na halos para kaming sumuot sa isang maliit na butas ng karayom. Mahirap, pero kung kinaya namin, I'm sure na kakayanin mo rin ito," wika ni Jhovel.
Napatingin naman ako kay Kuya Sebastian ng umakyat ito sa hagdanan na tila ba binibigyan niya kami ng pagkakataon na makapag-usap magkakaibigan. Naninibago tuloy ako sa kanya dahil sanay ako na lagi lang niya akong sinisigawan at pinapagalitan. But he has recently altered dramatically.
"Bakit sinusundan mo ng tingin si Sebastian? Inlababo ka na noh?!" biglang ani ni Avvi na ikinagulat ko kaya nagmamadali ko siyang nilapitan at tinakpan ang kanyang bibig.
"Grabe kayo! Hindi 'yan totoo. Napatingin lang kasi ako sa kanya kasi lately ang bait na niya sa akin. 'Yung tipong parang bigla na lang eh ibang tao na ang tingin niya sa akin, parang ewan na hindi ko maintindihan. Pero huwag ninyong ibahin ang issue dito dahil si Trisha ang topic natin at hindi ako," inis kong ani kaya napakamot sila ng ulo.
"Naku bruh! Basang-basa ko na ang mga ikinikilos mo. After duon sa kubo ng five minutes kayo. Mula nuon, may iba na kaya kahit itanggi mo 'yang damdamin mo, buking ka na namin," wika ni Ynah.
"Of course not! Tigilan nga ninyo ako, si Trisha ang topic natin dito at hindi ako. Trisha ano na?" sagot ko na naiinis sa kanila. Bakit ba ako naiinis? Nakakainis naman kasi talaga sila!
"I'm not sure why, but this is what I'm aiming for. Could you just encourage me instead of being angry with me? And besides, I've been training for three weeks now, at kinakaya ko naman," wika ni Trisha kaya pabagsak akong naupo sa sofa at malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko.
"Just give your friend all the support she needs. If that is what she desires, then let her have it."
Bigla naman kaming napatingin sa likuran namin ng marinig namin si Kuya Sebastian na may ng isang malaking folder. Nakatitig siya sa mukha ko, hindi naman ako nagsasalita pero una akong nagbaba ng tingin. Hindi ko maintindihan pero parang may gusto siyang sabihin na hindi ko maunawaan. Ewan ko! Pero kung ano man 'yon ay ayokong malaman.
"Sinusuportahan ko naman sila sa lahat ng gusto nila. Wala naman akong karapatang pagbawalan sila sa mga kagustuhan nila lalo na kung tungkol ito sa kanilang pangarap. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ito 'yung pangarap niya. Oo alam ko na gusto niyang maging katulad ninyo, pero ang pangarapin na maging isang assassin? Ewan ko, pero... Fine, magiging masaya na lang ako sa gusto mo, sa pangarap mong 'yan. Pero huwag ninyo akong hihikayatin dahil hindi iyan ang gusto kong gawin sa buhay ko," wika ko sa kanila.
"And you will never become one," sagot ni Kuya Sebastian kaya bigla akong napatingin sa kanya. Titig na titig siya sa mga mata ko. Mga mata niyang tila ba nangungusap. Hindi na ako nagsalita pa. Kung ito talaga ang gustong gawin ng aking kaibigan, sino ba ako upang hadlangan siya? Isa pa, kahit naman pigilan ko pa siya, hindi naman siya makikinig sa akin. Wala din akong karapatang pakialaman ang kanyang buhay. May sarili siyang desisyon at pangarap sa buhay na dapat niyang abutin.
"Let's go, ihahatid na kita sa school at susunduin kita mamaya ng seven in the evening," wika ni kuya kaya bigla akong napalingon sa kanya. Kailan pa siya naging tagahatid ko sa school? Marunong naman akong mag-drive. Bakit kailangan niya akong ihatid?
"Hindi na kuya, kaya ko namang mag-drive papunta sa school," wika ko pero hindi daw pwede dahil flat ang apat na gulong ng sasakyan ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya nagmamadali akong nagtungo sa labas upang tignan sa garahe kung ano ang nangyari.
"Hala! Hindi ba kanina ay okay pa 'yan?" ani ni Jhovel. Nakatitig ako sa apat na gulong ng aking sasakyan. Bakit nga ba sabay-sabay na na-flat ang gulong?
"Magpapahatid na lang ako sa mga kaibigan ko," ani ko.
"Hindi nga sila pwede dahil masakit ang katawan ng kaibigan mo. Hayaan mo na lang sila diyan para masamahan nila si Trisha sa pamamahinga nito. Hindi nga makatayo 'yung kaibigan mong 'yon," ani ni kuya kaya hinanap ng mga mata ko ang family driver namin.
"Magpapahatid na lang ako sa driver, malapit lang naman ang school," ani ko pero sabi ni kuya ay inutusan daw niya ito at mamaya pa ang dating. Kapag hindi pa ako umalis ngayon ay ma-le-late na ako.
"Let's go!"
Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Nakasakay na si kuya sa kanyang sasakyan at nakatingin sa kanyang orasang pambisig. Gusto ko sanang tumanggi pero hindi naman ako pwedeng ma-late sa school.
"Let's go! May meeting pa akong dadaluhan ngayon!" sigaw ni kuya kaya nataranta naman akong bigla at nagmamadali akong sumakay sa likuran ng kanyang sasakyan.
"Ano ako, driver mo?" malakas na ani ni kuya kaya napakamot ako ng ulo at nagmamadali akong lumipat sa unahan. Kumaway na ako sa mga kaibigan ko na naiwanan sa mansyon namin. Sabi nila kapag nakapagpahinga na si Trisha ay uuwi na rin daw sila at babalik na lang kinabukasan.
Habang binabaybay namin ang patungo sa school, feeling ko parang kay bagal ng oras. May kung anong damdamin akong nararamdaman sa tuwing mapapasulyap ako sa mukha ni Kuya Sebastian. Ang dami ng pagbabago sa kanya at hindi ko alam kung bakit siya nagbago ng pakikitungo sa akin. Tanggap na ba niya ako bilang kapatid niya? Pero bakit sa isiping 'yon ay hindi ako masaya? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Baka naman matunaw na ako niyan. Kanina mo pa tinititigan ang mukha ko."
Bigla ko namang binawi ang tingin ko at humarap ako ng tingin sa kalsada. Hindi ko na namalayan na napatitig na pala ako ng lubusan sa gwapo niyang mukha. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Nakukulam ba ako? Imposible namang may gusto ako sa kanya samantalang magkapatid kami.
Nagulat ako ng mapansin ko na ibang daan na ang tinatahak namin. Saan kami pupunta? Bakit may pagkaliblib naman yata ang lugar na ito? Isasama ba niya ako sa meeting niya? Pero may klase pa ako at may practice pa nga ako ng sayaw mamaya.
Beinte minutos na siyang nagmamaneho at malayo na kami sa school. Isa pa ay parang patungo kami ng Cavite. Anong gagawin namin dito? Nakakatakot din dahil liblib na lugar ang sinusuong niya.
Bigla namang kumabog ang dibdib ko. Papatayin na ba ako ni Kuya Sebastian para wala na siyang kaagaw sa pera nila? Jusko wala naman akong pakialam sa pera nila! Nagsimula ng maglikot ang mga mata ko. Ang puso ko ay tila ba naghuhumiyaw sa takot na ito na ang katapusan ng buhay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko ng biglang inihinto ni Kuya Sebastian ang sasakyan sa isang madamong lugar, matataas ang talahib at hindi mapapansin na may sasakyang nakahinto sa lugar na ito. Kumabog ng kumabog ang dibdib ko dahil ito na nga ang katapusan ko, ang kamatayan ko kaya agad na tumulo ang aking mga luha. Ngunit nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit niyang labi sa aking labi kaya bigla kong idinilat ang aking mga mata. Itinulak ko siya pero dahil malaki ang pangangatawan niya at malakas, ay hindi ko naman siya matinag.
"I love you. I'm not sure when or why it happened. All I know is that I love you. Alam kong mapapatay ako ni dad, pero ito talaga ang nararamdaman ko para sayo. Will you be mine? Please say yes," bulong niya ng binitawan niya ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya. Gusto kong magalit, pero hindi ko naman magawa. Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya?
"Kuya, mali ito. This is forbidden, magkapatid tayo," bulong ko, at hindi ko alam kung bakit ako bumubulong sa kanya. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin?
"Stop calling me kuya. We are not blood-related kaya walang masama kung mahalin kita, o mahalin mo ako. Mahal kita Adi at hindi ko na kaya pang itago ang damdamin ko. Nagpapakatotoo ako dito dahil iyon ang nararamdaman ko," wika niya at muli na naman niyang inilapat ang kanyang labi sa aking labi. Hindi ako kumikilos, hindi ko ginagantihan ang halik niya dahil natatakot akong ipagkanulo ng sarili kong damdamin.
Kinagat niya ang pang-ibaba kong labi, kaya ng maramdaman ko ang kirot ay agad kong naibuka ang aking bibig. Nanlalamig ako, pero nadadarang din ako sa kanyang ginagawa lalo na ng sinimulan niyang galugarin ng kanyang dila ang loob ng aking bibig. Bakit pakiramdam ko ay gusto ko kung ano man ang ginagawa niya sa akin? Nasaan na ang paninindigan ko na kaylanman ay hindi ako mahuhulog sa kanya?
Gumapang ang kamay niya sa aking dibdib, napapikit ako, lalo na ng maramdaman ko na unti-unti niyang inihihiga ang aking upuan.
"Kuya," ani ko ng tinigilan niya ang labi ko, pero kinagat niyang muli ang labi ko ng marinig niya ang pagtawag ko sa kanya ng kuya.
"Stop calling me kuya," ani niya, at hindi ko na namalayan na nasa ibabaw ko na siya habang ang kanyang labi ay gumagapang sa aking leeg. Kung ano man ang ginagawa niya, tuluyan na akong nadarang. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko habang patuloy niyang hinahalikan ang leeg ko. Ang kamay niya ay walang tigil na humihimas sa aking katawan, hanggang sa kusa na lamang siyang tumigil at tinitigan ako sa aking mga mata.
"Akin ka na ba Adi? Ako na ba ang nag-mamay ari ng puso mo? Nang buo mong pagkatao?" tanong niya, pero hindi ako makasagot kaya muli niya akong hinalikan sa leeg pababa sa dibdib ko. Isang mabining ungol ang kumawala sa labi ko ng maramdaman ko ang dila niya sa korona ng aking dibdib. Gusto kong tumanggi, pero bakit hindi ko naman magawa? Bakit ba hindi ko magawang tumanggi sa ginagawa niya sa akin?
"Sebastian..." bulong ko kaya bigla siyang nag-angat ng kanyang mukha at tinitigan ako sa aking mga mata ng may ngiti sa kanyang labi.
"Is that a, yes?" tanong niya. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Para akong mababaliw na gusto kong ituloy niya kung ano man ang ginagawa niya sa akin. Hindi ako makakibo, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Ang alam ko lang, masaya ang puso ko.
"Answer me baby," bulong niya habang bahagya niyang idinadampi ang kanyang labi sa aking labi, sa aking ilong at sa aking pisngi. 'Yung halik na tila ba may pag-iingat, may pagmamahal. Hindi ko tuloy na namalayan na tumatango na ako sa kanya. Oh god, ito ang ipinagbabawal sa amin ng aming mga magulang. Ang mahalin ang isa't isa ng higit pa sa kapatid.
"Totoo? Mahal mo din ako? Oh my god, you made me happy! Don't worry babe, wala akong balak gawin sayo dito. Gusto ko lang kitang makausap dahil matagal ko ng kinikimkim ang damdamin ko para sayo, at ayoko ng patagalin pa. Ngayong tinanggap mo na ako, akin ka na, ako na ang nag-mamay ari sayo at sa puso mo. May penthouse ako at duon kita lagi dadalhin, duon tayo lagi magkikita upang hindi malaman ng aking ama," wika niya at muli akong hinalikan sa labi, at pagkatapos ay siya na rin ang nag-ayos ng suot kong damit.
"Ihahatid na kita sa school, I will pick you up later, I love you Adi," ani niya at muli niya akong hinalikan sa labi. Hindi na ako makapag salita. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at bumigay akong bigla. Ewan! Bahala na.
"Keep it a secret. For the time being," wika niya at tumango lamang ako sa kanya.