Chapter 4 -Taken na raw-

1769 Words
❀⊱Adriana's POV⊰❀ Pagkarating ng malaking bahay ay pabalagbag na isinara ni Kuya Sebastian ang pintuan. Nagulat pa ako kaya napapiksi ako at ganuon din ang mga kaibigan ko. "DITO KAYO!" malakas na sigaw ni Kuya Sebastian sa amin kaya nataranta naman kami at nagmamadali kaming nagtungo sa sofa at naupo. Nakikita namin sa mukha ni kuya ang matinding disappointment. Nakikita namin ang galit niya. "Ikaw Adriana! Mula ng malaman mo na itong dalawang ito ay assassin, naging matigas na ang ulo mo! Gusto mo bang ilayo kita sa mga kaibigan mong 'yan ha!?" sigaw ni Kuya pero ngumuso lang ako sa kanya at hindi ako sumasagot. Oo assassin si Jhovel at si Delfina. Lalo na si Delfina na nagpapanggap na Delfina Simon, pero Ynah naman pala ang tunay niyang pangalan. Matagal na kaming magkakaibigan, pero Delfina talaga ang pagkakakilala ko sa kanya at hindi Ynah. Ipinakilala lang kasi siya sa akin nuon ni Jhovel. 'Yun pala ang Delfina Simon pala niya ay ginagamit lamang niya kapag may misyon. Ginamit nila 'yon dahil sa utos daw ng bagong kaibigan ni kuya na pinuno na niya ngayon. Sila daw ang nagmanman nuon kay Kuya Sebastian upang alamin ang tunay na background ni kuya dahil nga kay Kuya Arquiz at Kuya Liam. Si Kuya Liam na hindi ko na alam kung saan na napunta. Bigla na lang kasi siyang naglaho na parang bula. Dahil kay Trisha na kaibigan namin ni Avvi ay nakilala namin si Jhovel, then pinakilala sa amin ni Jhovel si Delfina. Kaya pala ganuon sila palaging mag-damit ay dahil nga sa katulad sila ni kuya, mga assassin. Si Trisha at Avvi ang una kong naging mga kaibigan. Si Trisha at si Avvi ay simple lang ang buhay na kinalakihan nila. May trabaho naman si Trisha sa isang hotel bilang isang receptionist kaya kahit na papaano ay maganda ang sweldo niya at nagagawa niya ang ilang luho niya sa buhay. Si Avvi naman ay katatapos lang niya ng kolehiyo kaya naghahanap pa siya ng trabaho, pero sustentado siya ng kanyang ate na si Marcia. Hindi naman naglalayo ang edad namin ni Avvi. Malapit na akong mag twenty, samantalang si Avvi ay malapit namang mag twenty-one. Si Trisha, Jhovel at si Ynah naman... malapit na silang nag-twenty-four years old, meaning ay twenty-three pa lang sila ngayon at sunod-sunod ang buwan ng birthday nila. Si Jhovel at Ynah ay pareho silang anak mayaman. Mga bilyonaryo ang kanilang mga magulang at nagagawa nila ang gusto nila, hindi katulad nila Trisha at Avvi na kailangan pang kumayod upang magawa ang gusto nila. Pero ang alam ko ay magiging tagapagmana si Trisha ng mga lolo nila. Hindi ko lang alam kung ano ang kasunduan na hinihintay ni Trisha upang mabigyan siya ng 25% na maipapamana sa kanya. Mayaman kasi ang mother side ni Trisha, at ang tatay niya ay mahirap lang. Ewan, hindi ko alam ang buong kwento. Mula naman ng malaman ko na assassin si Jhovel at si Ynah ay nakaramdam na ako ng seguridad sa tuwing kasama ko sila. Pakiramdam namin nila Trisha at Avvi ay may tagapagtanggol kami kaya malakas din talaga ang loob naming na mag-bar dahil nga sa kanila. "Kinakausap kita Adriana! Natulala ka na diyan, ha?!" galit na ani ni kuya. Bigla tuloy akong napalingon sa kanya at napangisi ako kasi nga naalala ko ang mga nangyari. "Huwag ka na kasing magalit sa kapatid mo, kasalanan ko naman," ani ni Jhovel. Tumango naman ako at tumingin pa ako kay Trisha. Dapat sisihin din si Trisha kasi siya din ang pasimuno noh. "Shut up at hindi ikaw ang kinakausap ko! Bad influence kayo sa kanya. Kung alam ko lang nuon na tauhan kayo ni Orion, matagal ko ng kinausap si Orion na huwag kayong palapitin sa kanya," galit na ani ni Kuya Sebastian. Pinandilatan naman siya ni Jhovel dahil sa sinabi nitong shut up. "Hala! Grabe sya oh! Bad influence agad? Safe siya sa amin, kilala mo naman kami kung paano makipaglaban. Hindi namin siya pababayaan, sila nila Trisha at Avvi. Saka huwag mo nga akong sina-shut up noh, nakakaloka ka!" sagot naman ni Jhovel at ramdam sa kanyang tinig ang pagkapikon. "Hindi 'yan ang issue natin dito. May limitasyon ang pakikipag-kaibigan ninyo sa kanya. Habang wala siya sa hustong edad, hindi ninyo siya tuturuan ng mga katarantaduhan ninyo, o irereport ko kayo kay Marcus upang sabihin ang mga 'yan kay Orion. Tandaan ninyo, si Marcus ang pinuno ko, may boses kaysa kay Orion ninyo," wika ni kuya kaya natahimik naman si Jhovel at si Delfina. "Oo na kuya, hindi na kami mag-bar. Sorry na," wika ko upang matapos na ang panenermon niya sa amin. Dinaig pa niya ang isang tatay sa ginagawa niya. Oo nga at sa kanya ako inihabilin nila mommy at daddy kapag wala sila at nasa ibang bansa, pero grabe naman ang paghihigpit niya. Talagang dinaig pa niya sa kahigpitan ang mga magulang namin. "Umayos ka ng sagot sa akin Adriana at baka ikulong kita sa silid mo," inis na ani ni kuya. Hindi na ako kumibo at panay na lamang ang panunulis ng aking nguso. "Kuya Sebby naman kasi, minsan lang naman kaming lumabas tapos pinauwi mo pa kami. Sayang naman ang pagbabakasyon dito ni Avvi kung hindi kami gagala noh!" wika ni Trisha. "Tigilan ninyo ako ng mga ganyan ninyo. Kapag sinabi ko na hindi ninyo kakaladkarin si Adriana sa bar, iyon ang masusunod, nagkakaintindihan ba tayo dito?" wika ni kuya kaya matamlay kaming sumagot ng 'yes kuya.' Sumandal si kuya sa pagkakaupo niya sa sofa at tinitigan kaming lima. Kumunot ang noo niya ng panay ang ngisi sa kanya ni Jhovel. Hinampas ko tuloy si Jhovel sa braso dahil mukhang iniinis pa si kuya. Nakakaloka talaga ang mga ito. Palibhasa katulad ni kuya na assassin kaya mga hindi takot. Pero ako takot, kasi kapag nalaman nila mommy ang tungkol sa paglalakwatsa ko sa bar kasama ang mga kaibigan ko, sigurado ako na grounded ako ng isang buwan. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong ma-stuck sa bahay na si kuya lang at mga kasambahay ang kasama ko tapos wala pang phone at computer. Isang beses ng nangyari sa akin kaya hindi na ako uulit. Boring kapag grounded dahil sa loob lang ako ng bahay at walang ginagawa. Pati tv ay bawal. Saan ka pa! "Huwag kang mang-asar Jhovel kung ayaw mo na i-report ko kayo kay Marcus para mapagalitan 'yang pinuno ninyo na hinahayaan kayo na makipag kaibigan sa isang estudyante," wika ni Kuya Sebastian kaya nag-rolled eyes si Jhovel at tumigin kay kuya. "Dale ako, kapatid ni Kuya Orion kaya huwag mo nga akong pagalitan," wika ni Jhovel ng nakanguso kaya napapailing na lamang si kuya. "Oo na nga kasi. Hindi na kami uulit pa," sagot ko kaya napabuntong hininga si Kuya Sebastian. "Huwag ka ng magalit, hindi na namin 'yan hihikayatin uminom sa bar. Saka na lang kapag hindi mo alam," mahinang ani ni Jhovel kaya bigla siyang nilingon ni kuya. Nag-peace sign agad ang kaibigan ko kaya napapailing ng ulo ang kuya ko na pinaglihi sa sama ng loob. "Matulog na kayo. Masyado ng gabi at hindi ko na kayo hahayaan pang umuwi," wika ni kuya kaya natawa si Jhovel at si Ynah. "Sanay kaming umuwi ng kahit na anong oras. May pang-proteksyon kami sa aming mga sarili kaya huwag mo kaming alalahanin. Huwag mong maliitin ang kakayahan namin ni Ynah dahil hindi naman kami magiging assassin kung mahina kaming klase, hindi ba?" ani ni Jhovel kaya hindi na siya pinansin pa ni kuya at umakyat na lamang ito sa itaas. Bago pa man siya tuluyang mawala sa paningin namin ay muli itong nagsalita. "Kung uuwi ang dalawang 'yan, huwag ng hikayatin pa si Trisha at si Avvi, diyan na lang sa guest room sila patulugin," wika ni kuya kaya sumibangot lang sila Jhovel. "Hindi mo na kasi dapat na sinagot-sagot pa si kuya. Mas lalo lang 'yan magagalit sa atin," wika ko. "Nakakainis naman kasi 'yang kuya mo, parang hindi niya kami kilala kung magsalita. Isa pa, kapatid ko kaya ang pinuno ng Dark Immortal kaya hindi tayo mapapahamak," wika ni Jhovel. Hindi na ako kumibo pa. Hindi na rin ako nakipagtalo pa sa mga kaibigan ko. Hindi maalis sa isip ko ang nakikita kong pagkainis ni kuya. Hindi ko rin alam kung bakit nalaman niya kung nasaan kami. Siguro dahil isa na siyang assassin katulad ng mga kaibigan ko. Ito ang sikreto ni kuya na inililihim ko din sa mga magulang namin. Ayaw itong ipaalam ni kuya dahil ang sabi niya ay magagalit si daddy kapag nalaman nila na umanib si kuya sa isang mafia crime organization. Per ginawa lang daw niya 'yon upang protektahan ang kanyang ama. Ama lang niya at hindi kami kasali ni mommy. Hindi niya nauunawaan na ang sinasabi niyang ama niya ay ama ko din kahit na hindi ako tunay na anak. At least ang tatay niya ang kinalakihan kong ama mula ng baby pa lamang ako. Kaya hindi niya ako masisisi kung ituring ko man ang ama niya na tunay kong ama, lalo pa at napakabuti nito sa amin ni mommy. Parang anak talaga ang turing niya sa akin. Pinalaki niya ako na kapatid lang ang tingin ko kay Kuya Sebastian. "Anong iniisip mo diyan?" tanong ni Ynah kaya napatingin ako sa kanya. "Si kuya, baka mamaya magsumbong 'yun sa kuya ni Jhovel eh mapagalitan pa siya," sagot ko kaya natawa naman si Jhovel. "Huwag mong intindihin ang sumbong ng kuya mo. Hindi naman ako pinapagalitan ni kuya. Mahal na mahal ako ni kuya at siya na ang kinilala kong magulang at si lolo. Hindi ako mapapagalitan ni kuya kung iyan ang pinag-aalala mo," wika ni Jhovel kaya bahagya akong tumango sa kanya. "Dito na lang kayo matulog," ani ko kaya sabay-sabay silang tumango. "Mag-inuman tayo sa silid mo," wika naman ni Trisha. "No." malakas na sigaw naman ng boses ni kuya kaya nagulat kami at napalingon kami sa may hagdanan. Nanduon siya sa hagdanan, nakasuot siya ng short at manipis na sando na hapit na hapit sa kanyang katawan. Napataas ang kilay ko at napatingin ako sa ibang direksyon. "Ang hot mo talaga fafa Sebby! Single pa ako," ani ng aking kaibigan na si Trisha kaya napapailing ako ng ulo habang marahas akong napabuga ng hangin. "I'm taken," sagot naman ni kuya kaya napalingon ako at nagtama ang aming paningin. Taken na pala si kuya, since when? Ang alam ko lang ay may kaibigan siya na si Lyn, best friend niya 'yon at talagang friends lang sila, so sino ang tinutukoy niya? "Sayang!" wika ni Trisha kaya natawa kami sa aking kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD