Chapter 6 -Talong daw- ?

2722 Words
❀⊱Adriana's POV⊰❀ Pagkahatid sa akin ni Kuya Sebastian sa school ay walang lingon likod na akong naglakad papasok sa loob ng gate ng school. Ang mabilis na pagkabog ng puso ko ay parang sasabog sa sobrang lakas nito. Hindi rin ako mapakali, hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina. Ibig bang sabihin ng nangyari ay kami na? Nobyo ko na sya? Ang rupok ko, grabe! Anong gagawin ko? Mapapatay ako ni mommy kapag nalaman niya na mag-nobyo na kami ni Kuya Sebbastian. Saka ang sagwa, Kuya Sebastian ang tawag ko sa kanya tapos jowa ko din siya? Hindi ko na lang siya tatawaging Kuya Sebastian kung kami lang magkasama. Ay ewan, ang sakit sa ulo ng pinasok ko. Pero sa totoo lang ay matagal-tagal na rin naman na napapalapit ako sa kanya. Lagi siyang hinahanap ng paningin ko at aaminin ko na mula ng magdalaga ako at malaman ko na hindi kami tunay na magkapatid ay napapalapit na ako ng husto sa kanya, at kung minsan nga ay sinisilip ko pa siya sa kanyang silid ng palihim kung nakauwi na ba siya. Kasalanan naman niya 'yon kung bakit lihim akong nahuhulog sa kanya, 'yung mga sulyap at titig naman niya kasi sa akin nuon pa man ay may pagnanasa na sa akin. "Oh, bakit ganyan ang hitsura mo?" napatingin naman ako sa classmates ko, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa loob ng classroom namin. Natawa pa ako dahil muntanga lang ang peg ko na nakapasok ako ng elevator at nakarating dito ng hindi ko namamalayan dahil sa lalim ng iniisip ko. "Hoy bruha! Sabi ko bakit ganyan ang hitsura mo? Hindi mo ba alam na cancelled ang klase ngayon? May emergency meeting daw kaya maaga tayo makakauwi," ani niya kaya napatingin ako sa paligid. Kakaunti lang ang mga estudyante dahil ang ilan daw ay nagsi-uwian na. "Bakit cancelled? Anong meeting ba 'yan? May practice pa tayo ng sayaw later, hindi ba?" wika ko. Si Kuya ang may-ari ng school na 'to, pero ang kanyang kaibigan na si Kuya Shawn ang namamahala nito. Maraming kaibigan si kuya, pero ang ilan ay bumalik na ng America. Ang nanatili dito sa Pilipinas ay sina Kuya Raegan, Arquiz at Shawn. Si Kuya Liam, ewan ano na nangyari duon. Baka nasa America na rin. "Tatawagan ko na lang mga kaibigan ko para magpasundo ako, hindi ko kasi dala ang kotse ko, inihatid lang ako dito," ani ko. Nagkibit balikat lamang siya at iniwanan na ako upang makauwi na daw siya. Kinuha ko naman agad ang phone ko upang matawagan ko agad ang mga kaibigan ko. Ayoko namang maiwanang mag-isa dito sa school. "Jho, sunduin mo ako, wala kaming pasok eh, wala na si Kuya Sebastian, umalis na dahil may meeting daw siya sa opisina. Ayoko namang mag-commute. Sige na bruh, sunduin na ninyo ako dito," wika ko ng sinagot ni Jhovel ang tawag ko sa phone. "Ayan na, papunta na ako diyan. Tulog si Trisha kaya iwanan ko sila dito at ako na lang ang susundo sayo," sagot niya at natapos din naman agad ang pag-uusap namin. Hindi naman ako maiinip dahil malapit lang naman ang mansyon ng mga magulang ko mula dito sa school. Hindi naman nagtagal ay humihinto na ang sasakyan ni Jhovel sa harapan ng gate ng university kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng sasakyan para makauwi na agad. Kailangan ko pa silang makausap tungkol sa amin ni Kuya Sebastian, kasi baka mabaliw ako kapag hindi ko ito sinabi sa kanila. Isa pa ay ayokong maglihim sa kanila. Pagkarating namin sa bahay ay inaya ko naman sila na duon muna kami sa condo ni Ynah. Hindi alam ni kuya ang condo ni Ynah dahil ito ang ginagawa naming hideout kapag gusto naming makapag relax, 'yung hindi kami masusundan ni Kuya Seb. "Bakit sa condo ko? Dito na lang tayo mga bruh, maglaro na lang tayo ng computer games," ani ni Ynah kaya sumibangot ako sa harapan nila. "Sige dito na lang tayo, hindi ko na lang ikukuwento sa inyo ang bago kong sikreto," wika ko, at akma na akong aakyat sa hagdanan upang pumunta ng silid ko ng pinigilan nila ako. "Okay, gigisingin lang namin si Trisha para makaalis na tayo. Bilisan mo magbihis ka na para makaalis na agad tayo. Car na lang namin ni Jhovel ang dalhin natin para hindi tayo masundan ng gwapo mong kuya," wika ni Ynah kaya natawa na ako at halos patakbo kong inakyat ang hagdanan. Ang bilis talaga nila kapag sa chismisan. Mabilis lang ako nakapag bihis. Bumaba agad ako at ang mga bruha ay nasa loob na agad ng sasakyan ng sasakyan. Nagpaalam lang din kami sa guard na pupunta lang kami kunwari ng mall upang bumili ng gamit para sa proyekto ko, na kahit ang totoo ay sa condo ni Ynah kami tutungo. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa condo ng aming kaibigan ay kinukulit na ako ni Ynah kung ano daw 'yung sikretong ibubunyag ko sa kanila, pero sabi ko sa kanya ay hintayin nila hanggang sa makarating kami sa place nya para duon ko na lang sasabihin sa kanila ang sikreto ko. "Hoy bruha, nakikipag karerahan ka ba? Bakit naman ang bilis mong magpatakbo? Bagalan mo nga, nakakatakot ka naman," ani ko kasi ang bilis talaga niya. "Excited kasi ako sa sasabihin mo. Saka bakit ka ba natatakot? Kaya ko nga ang magpatakbo ng mas mabilis pa dito na ang isang kamay ko ay may hawak na baril at nakikipagpalitan ng bala sa kalaban," wika ni Ynah, kaya hinampas ko talaga siya sa balikat. "Hindi ka naman nakikipaglaban ngayon. Magdahan-dahan ka lang, nakakatakot ka namang magmaneho," wika ko kaya natawa siya at nagsimula ng magbagal ang kanyang sasakyan. Napatingin ako sa likod, ang bruhang si Jhovel ay talagang hindi rin nagpapahuli. Sa tingin ko ay sinadya nilang magkarerahan, ang pasaway lang talaga. Napatingin ako kay Ynah ng mapansin ko na panay ang sulyap niya sa akin. Kumunot noo ako at tinaasan ko siya ng isa kong kilay. "Parang may bago sayo, 'yung parang naka-dila ka na ng talong," ani niya kaya nanlaki agad ang mga mata ko at hinampas ko siyang muli. "Nakakadiri ka! Ano ba ang pinagsasasabi mo diyan ha? Naiinis ako sayo bruha ka," wika ko sa aking kaibigan na malakas ng tumatawa. Pagkarating namin ng condo unit ni Ynah ay hinila nila agad ako para makaupo sa sofa. Lahat ay excited sa kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Nakikita ko sa kanilang mga mata na hindi na sila makapaghintay pa, at kahit na si Trisha na masakit daw ang katawan, heto at tila isang Marites na nakadukwang sa akin. "Kahit masakit ang katawan ko ay nandito kami para malaman kung ano ang sasabihin mo. Kaya magsimula ka ng magsalita dahil atat na kami sa chismis na 'yan," ani ni Trisha. Napatingin ako sa kanilang apat. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin sa kanila o sikretong malupit na lang. Hindi ko alam, pero ayoko namang maglihim sa kanila. Bahala na nga! Tanggapin ko na lang kung magagalit sila sa akin. Lalo na si Trisha na laging nagpapa-cute kay Kuya Sebastian. "May boyfriend na ako," wika ko na ikinagulat nilang apat at titig na titig pa sa akin. Ako naman ay alanganing ngumingiti sa kanila. Hindi sila kumikibo kaya hindi ko alam kung galit ba sila sa akin. "Mga bru, ano na? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" inis kong ani. "Yung kaklase mo ba na kapareha mo sa sayaw? Iyon ba ang boyfriend mo? Kasi wala naman kaming alam na manliligaw mo dahil lahat sila itinataboy mo," wika ni Trisha. Umiling naman agad ako. Kung ano-anong pangalan ang binanggit nila at ang iba ay natatawa pa ako dahil hindi ko kilala. Pati hardinero at ang janitor ng school ay binanggit pa nila. Mga pasaway lang talaga. Nakakaloka naman 'yang mga binabanggit ninyong mga pangalan," wika ko. "Sino nga kasi?" inis na ani ni Avvi kaya ngumuso ako at nagsimula akong magsalita. "Si Sebastian. Kaninang umaga nagtapat siya sa akin na mahal daw niya ako. Dinala niya ako sa liblib na lugar, akala ko papatayin na niya ako para masarili niya ang kayamanan nila, pero ayun nga at hinalikan lang niya ako. Tapos hinawakan niya ako dito sa dede ko saka dinilaan. Grabe 'yung kuryente eh, para akong napaso. Tapos napapikit ako, kasi may iba akong nararamdaman. Lalo na nuong sinubo nya 'yung ituktok, basta ganoon. Tapos tinanong niya ulit ako kung mahal ko siya. Ikaw ba naman ang hawakan sa dede tapos isubo pa. Tapos pumatong pa sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang kakaibang init, at grabe ang laki pa, umbok na umbok, hindi ka ba mapapa-oo? Lalo na si Kuya Sebby 'yun. Nuon pa ako attracted sa kanya, nililihim ko lang ang damdamin ko kahit pa sa sarili ko. Kasi nga ipinagbabawal ito ng mga magulang namin," ani ko. Pero ang mga kaibigan ko ay hindi nagsasalita, naka-awang lang ang kanilang mga bibig at nakatitig lamang sa akin. "Hoy! Magsalita nga kayo diyan!" inis kong sabi sa kanila, kaya bigla silang nagkagulo at talaga namang niyuyugyog pa ang katawan ko kaya para akong nahilo. "Oh my god! Hindi ka na virgin? Natusok ka na ni Sebastian?" ani ni Avvi kaya hinampas ko siya sa braso. Anong natusok ang pinagsasasabi ng bruhang ito? "Grabe ka! Hindi na agad virgin? Wala namang nangyari, pumatong lang siya sa akin tapos ano... basta, pero walang ganon," wika ko na hindi na makatingin sa kanila kasi nahihiya na ako. "Pumatong sayo? Shoot ba? Three points? Malakas ba ang pag-alog ng sasakyan, tapos ganito kayo sa loob? Ooooohhhh... aaaaaahhhhh..... Sebbyyyyyy...... diinan mo paaaa...." wika naman ni Trisha, kaya halos lumuwa ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Malakas na tawanan nila ang mas kinainisan ko. Bakit ba ako nagkaroon ng mga ganitong kaibigan? "Nakakahiya ka, walang ganoong nangyari. Jusko ano ba pinag-sasasabi mo diyan Trisha?" inis kong wika sa kanya. "So, gusto mo siya kaya mo sinagot si Sebastian? Hindi dahil nakaramdam lang 'yang pempem mo ng pagtibok? Baka mamaya nadarang ka lang dahil pinatungan ka. Payong kapatid, dapat malaki ang hinaharap niya kung siya ang pipiliin mo para masarap umungol, kung jutay walang ungol. So, dahil nakapatong sayo, tumigas ba naman? Naramdaman mo bang malaki? Dapat daks 'yan hindi jutay," ani naman ni Jhovel kaya asar na asar ako sa mga kaibigan ko. "Oo nga bruh, dapat talaga malaki 'yang hinaharap ng Sebastian na 'yan. Daks kung daks! Kapag jutay, thumbs down at umiwas ka na," pakli naman ni Ynah. Kaya naman natawa ako sa mga kaibigan kong ito, mga simpleng manyakis lang. "Malaki sya, naramdaman ko ang pagkakabukol, natakot nga ako kasi feeling ko anaconda ang nararamdaman kong matigas. Tungkol naman sa damdamin ko, oo gusto ko siya, matagal na, takot lang akong aminin sa sarili ko kasi nga bawal," sagot ko kaya ang ingay talaga nila. Nagtitilian sila at may patalon-talon pang nalalaman. "Sabi ko na nga ba! Hindi mo kami mapagtataguan ng feelings mo. After ng private island ni Marcus, nagbago ka na talaga. Lagi mo siyang simpleng sinusundan ng tingin. Nahuhuli ka namin, pero ikaw naman todo deny. Ngayon lumabas din ang totoo dyan sa bibig mo na mabilis malaglag 'yang panty mo sa lalaking 'yon," ani ni Jhovel. "Oo na! Kayo na ang magaling," nakanguso kong ani kaya tawa sila ng tawa. "So, ano ang plano ni Sebby sayo? Bawal sa bahay ninyo dahil papatayin siya ng daddy niya. At ikaw naman bruha ka, kakalbuhin ka ng mommy mo at baka palayasin ka pa sa oras na malaman nila ang kalokohan ninyong dalawa," ani ni Trisha, kaya bigla akong natahimik. Pinaalala na naman nila ang sitwasyon namin ni Sebby. "Huwag mo ng intindihin ang sinabi ni Trisha, bruha talaga 'yan eh! Panira ng moment. Kwentuhan mo na lang kami kung ano ang plano ni Sebastian sayo at sa relasyon ninyo," ani ni Jhovel. Kaya napabuntong hininga ako ng malalim at napasandal ako sa sofa. Ikinuwento ko sa kanila na may penthouse daw na binili si Sebastian at duon nga daw niya ako laging dadalhin kaya kilig na kilig naman ang mga bruha kong kaibigan. "Jusko, ang pempem mo mawawarak na!" tumitiling ani ni Trisha kaya tawang-tawa kami sa kanya. "Wait, kukuhanin ko ang laptop ko, manuod tayo ng pòrn para alam mo kung ano ang gagawin sa unang sabak mo sa gyera," wika ni Ynah at nagtatakbo ito papasok sa kanyang silid. Tawa naman ng tawa sila Trisha sa kaibigan namin dahil sa sinabi nito, pero ako naman ay kinakabahan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng maisip ko ang sinabi ni Ynah. Pagbalik ni Ynah ay agad niyang binuhay ang laptop niya at nag-search ng kung ano-anong kalokohan niya. Gulat na gulat naman ako ng makita ko na isang babae ay kinakain ang ano ng lalaki. Hala! Hindi ko yata kayang gawin 'yon. Eh sa naramdaman ko kanina, malaki ang hinaharap ni Sebastian, baka matigok ako ng maaga kapag sinubo ko 'yon. "Bruh, ganyan ang gagawin mo. Dapat mapapaungol mo si Sebastian kapag ni-lollipop mo na ang nobyo mo. Dapat mapapahawak siya sa ulo mo at isusubsob niya ang mukha sa harapan niya. Ganyang-ganyan ang dapat na mangyari," wika ni Ynah. "Kung kayo kaya ang isubsob ko diyan! Nababaliw na ba kayo? Bakit ko naman gagawin 'yan eh ang laki-laki ng kay Sebastian? Naramdaman kong malaki at sigurado ako na hindi 'yun kakasya sa akin. Jusko naman kayo, mga manyakis pala kayo?!" wika ko kaya ang lakas ng tawanan nila. "Hindi kami manyakis. Huwag mong sabihin na hindi ka interesadong gawin 'yan? Tignan mo 'yung mukha ng lalaki, parang nasisiraan na ng katinuan kasi sarap na sarap," ani ni Trisha. "Akala ko ba Trisha eh masakit ang katawan mo? Bakit naka dukwang ka dyan?" tanong ko sa kaibigan ko. "Ano ka ba? Kaibigan ka ba talaga namin? Alam mo na ganyan ang mabisang gamot kay Trisha. Kahit na anong sakit ng katawan niya, kapag ganyan ang kaharap niyan, lahat ng masakit sa kanya ay naglalahong parang bula, kaya huwag ka ng magtaka pa. Basta sundin mo ang sinasabi namin sayo, uso lollipop, enjoy mo lang para hindi 'yan maghanap ng iba," wika ni Jhovel. Tinaasan ko lang siya ng kilay, hindi ko gagawin 'yon. Napatingin akong muli sa screen ng laptop at nakikita ko ang mukha ng lalaki na sarap na sarap at malakas na tinatawag ang pangalan ng babae habang umuungol din ito. "Nag-iisip na 'yan, gagawin niya 'yan," panunukso nila kaya sa inis ko ay bigla kong isinara ang takip ng laptop. "Inuman na lang nga tayo dito. Ynah, maghanda kayo ng alak at gusto kong uminom," wika ko kaya tuwang-tuwa naman sila at mabilis na kumuha ng alak sa bar area ni Ynah. "Alright! Sa wakas, ngayon ka lang nag-ayang uminom," wika nila kaya natawa na rin ako. Oo nga naman. Ito yata ang unang beses na nag-aya akong uminom, lagi na lang na si Trisha ang nag-aaya sa amin o kaya si Jhovel. "Basta mag-practice ka na ha," ani ni Ynah kaya napatingin ako sa kanya. Ano ba ang pinagsasasabi nito? Ano 'yon? Tatawag ako ng isang lalaki sa labas at sasabihin ko sa lalaking 'yon na magpa-practice lang ako kaya humilata siya sa kama? Nababaliw na talaga ang mga kaibigan ko. Napatingin naman ako kay Avvi na nagmamadaling nagtungo ng kitchen. Mula dito sa kinauupuan namin ay nakikita namin siya na nagbubukas ng refrigerator at kumuha ng isang malaking talong. "Ayan ang talong, mahaba, matigas at mataba. Mag-practice ka na at i-vi-video ka namin," ani ni Avvi, kaya kinuha ko ito at binato ko sila ng talong dahil sa inis ko. Mga baliw talaga itong mga kaibigan ko. Nakakainis! Malakas na tawanan ang maririnig sa buong paligid habang ako ay napapaisip kung ano na kaya ang ginagawa ngayon ni Sebastian. Hindi ko makalimutan ang ginawa niya sa akin kanina. First time ko 'yon at talagang nagustuhan ko. Manyakis yata ako, bakit naiisip ko ang mga bagay na 'yon? Pero wala namang masama, dalaga naman ako at nasa hustong edad na. "Iba talaga nagagawa ng love, natatahimik na lang sa isang sulok at nag-iisip kung paano isusubo ang talong ng kanyang nobyo," wika ni Trisha, sabay tawa nila kaya binato ko sila ng mga unan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD