Chapter 3 -Lagot kayo!-

2348 Words
❀⊱Adriana's POV⊰❀ Maaga akong nagising. Umuwi rin ang mga kaibigan ko kagabi sa mga bahay nila,. Si Avvi naman ay umuwi kagabi sa bahay daw nila dito sa Manila dahil nanduon ang ate niya at ang kaibigan ng ate niya. Pero mamaya ay darating si Avvi sa condo ni Jhovel dahil may lakad kami. Hinihintay ko lang din umalis si kuya, ang alam ko ay may pasok siya ngayon sa opisina niya. Pag-alis niya ay saka ako pupunta sa condo ni Jhovel. Siguradong magkakasama na sila ngayon duon at hinihintay ako. Pero hindi pa ako pwedeng umalis dahil alam ko na nandito pa sa bahay si kuya. Hindi ako lumalabas ng silid ko. Hindi rin maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi. Ano ba ang ginagawa niya sa school kagabi? Sinundo ba niya ako dahil gabi na ay nasa practice pa ako? Saka bakit naman niya gagawin sa akin 'yun eh wala naman siyang pakialam sa akin? Hindi ko siya maintindihan kung minsan. Minsan galit na galit siya sa akin at kung minsan naman ay parang tanga lang na nagpapaka sweet sa akin. 'Yung nangyari sa resort, duon sa kubo, ramdam ko ang galit niya sa akin ng gabing 'yon. Para sa kanya, ang dami kong kasalanan. Para sa kanya mang-aagaw kami ng aking ina at mukha kaming pera. Pero hindi naman talaga totoo 'yon. Mahal ni mommy si daddy. Sana malinawan ang isipan niya at mapagtanto niya na wala kaming inaagaw at totoong mahal ng aking ina ang kanyang ama. Totoo din na mahal ko si kuya pero hindi ko alam kung bilang isang kapatid lang ba itong nararamdaman ko, hindi ako sigurado. Pero hindi ibig sabihin ay ibibigay ko sa kanya ang gusto niya, kaya kung ano man ang naiisip niya tungkol sa akin, sana huwag na niyang ituloy dahil hindi mangyayari 'yon. Ilang katok sa pintuan ang narinig ko kaya nagmamadali akong humiga sa aking kama at ipinikit ko agad ang mga mata ko. Lagi kasi siyang pumapasok dito dahil may sarili siyang susi ng silid ko. Nagpanggap akong tulog. Narinig ko ang pagpihit ng seradura kaya hindi ako kumikilos. Narinig ko rin ang mga yabag ng paa na papalapit sa kinahihigaan ko. "Adi, are you awake?" ani niya. Kumunot ang noo ko. Naalala ko nuon kapag naglalambing siya kay daddy, at nakikita niya ako ay Adi ang tawag niya sa akin. Sa totoo lang ay marami naman kaming mga masasayang memories ni kuya na tinatawag niya akong Adi, at hinahabol niya ako habang tumatawa siya ng malakas. Ngayon ay hindi ko na alam kung totoo ba ang mga tawa niyang 'yon nuon, o nagpapanggap lamang siya katulad ng sinabi niya sa akin kahapon. "Adi, are you awake? Aalis na ako, kailangan ako ngayon sa opisina. Walang aalis ng bahay habang wala dito sila daddy. Wala kang pasok ngayon kaya manatili ka lang dito," ani niya. Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Hindi pa rin ako kumikilos at nagpapanggap lang akong tulog. Alam ko rin na nakaupo siya sa gilid ng kama pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Ayokong idilat ang mga mata ko. Ayokong makita ng malapitan ang mukha niya. "Aalis na ako Adi, huwag kang magpapagutom," bulong niya at ang ikinagulat ko ay ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko. Para saan 'yon? Gusto kong idilat ang mga mata ko para sigawan siya pero hindi ko ginagawa. Tahimik lamang ako na nagpapanggap na tulog. Naramdaman ko ang pagtayo niya at ang yabag niya na papalabas ng silid ko. Hindi ko pa rin idinidilat ang mga mata ko. Gusto kong makasiguro na wala na talaga siya. Narinig ko ang pagbukas at pag sara ng pintuan pero nananatili akong pikit. Halos sampong minuto rin ang lumipas ng idinilat ko ang mga mata ko. Tumingin ako sa paligid. Wala namang tao kaya napahawak ako sa pisngi ko. Bakit niya ako hinalikan? Hindi naman niya ako hinahalikan kahit nuong bata pa kami. Bumangon ako at nagtungo ako ng balkonahe upang silipin kung nanduon pa ang sasakyan ni kuya pero wala na. Kaya nagmamadali akong nagtungo ng banyo upang maligo. Tatlumpong minuto din ang itinagal ko sa banyo. Paglabas ko ay kumakanta-kanta pa ako. Nagbihis agad ako at nag-ayos ng bahagya at pagkatapos ay tinawagan ko na agad ang mga kaibigan ko. "Bruh, papunta na ako. Kailangan ko ng umalis baka bumalik pa si kuya mahuli pa niya ako," ani ko. "Bilisan mo, gagala tayo ngayon. Sa labas na rin tayo kumain para hindi na ako magluto," wika ni Jhovel. May sarili kasi siyang condo na iniregalo sa kanya ng kanyang kuya nuong birthday niya. "Oo na! Ayan na, paalis na ako dito. Sige na at magkita na lang tayo diyan sa condo mo," sagot ko at pinatay ko na agad ang phone ko. Nagmamadali na akong bumaba ng unang palapag. Nagpaalam ako kay manang na may bibilhin akong gamit para sa school para kung tatawag si kuya ay may sasabihin siya na excuse ko. Pagsakay ko ng aking sasakyan ay umalis na agad ako. Mahirap ng abutan ni kuya dito. Mahilig pa naman 'yung bumalik sa bahay dahil lagi na lang may nakakalimutang dokumento na kailangan niya. At least bumalik man siya ay wala na ako. Hindi naman nagtagal ay nakarating din ako sa condo unit ni Jhovel. Tuwang-tuwa ang mga lukaret kong mga kaibigan ng sinalubong nila ako. "Akala namin hindi ka makakarating ngayon, jusko gusto ko na ngang magkatay ng manok at magtirik ng kandila para mag-alay noh! Para lang siguraduhin na hindi ka mapipigilan ng Kuya Sebastian mo sa pagpunta mo dito. 'Yang kuya mo talaga nagiging mahigpit sayo, palibhasa may pagnanasa sa alindog mo. Ibigay mo na kasi para mabaliw na 'yang kuya-kuyahan mo," wika ni Trisha kaya napapa eww ako sa kanya. "Oo nga! Nuon pa natin alam na matagal ng may pagnanasa sa iyo ang Kuya Sebastian mo. Baliw na baliw 'yan sa alindog mo kaya kung ako sayo, pagbibigyan ko na 'yan. Nasa hustong edad ka na bruh, malapit ka na ngang mag-twenty kaya mapapaungol ka na ni Fafa Sebby," ani naman ni Jhovel kaya sinibangutan ko sila, habang sila naman ay tumatawa. "Tumigil na nga kayo. Huwag na nating pag-usapan si kuya. Ang pag-usapan natin ay kung saan tayo gagala at saan tayo kakain. Huwag natin pag-usapan ang isang tao na nakakasira ng mood ko," wika ko. Pero nakakasira nga ba ng mood ko? Kung tutuusin nga ay may kung anong ngiti ang gustong sumilay sa labi ko na pilit kong itinatago. Ayokong makita nila ang ngiting 'yon. "Sus! Umiiwas ka lang dahil alam mo sa sarili mo na may pagnanasa ka rin sa kanya. Hindi kami isinilang kahapon para hindi namin makita sa kilos mo na halos sukatin na ng mga mata mo kung gaano kalaki, kahaba at kataba ang hinaharap niya. Please lang, magkakaibigan tayo kaya alam namin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo," ani naman ni Ynah. "Naglalaway nga 'yan kapag napapasulyap sa ano ni Sebby," pakli naman ni Avvi kaya pinaghahampas ko talaga sila. Nakakainis talaga ang mga ito. Kuya lang naman ang turing ko kay Kuya Sebastian. Pero, kuya nga lang ba? "Saan nga kasi tayo pupunta?" inis kong tanong sa kanila sabay irap ko sa kanila. "Sa Alabang tayo pumunta, duon na lang din tayo kumain. Pagkatapos mamayang gabi ay mag bar tayo. Duon tayo sa bar na hindi tayo pwedeng makita ng kuya mo. May alam ako at duon tayo pupunta," wika naman ni Trisha. Pagkatapos naming mag usap-usap kung saan kami pupunta at kung ano-ano ang mga gagawin namin ay umalis na rin agad kami. Katulad ng napag-usapan namin ay sa Alabang nga kami nagpunta, sa mall ng mga Hendrickson ang napili naming puntahan. At dahil mag-aalas onse na ay naghanap na lang muna kami ng makakainan. Isang fine dining na Italian restaurant ang pinuntahan naming magkakaibigan. Sabi ko ay treat ko sila pero gusto ni Delfina ay siya ang magbabayad ng kakainin naming lahat kaya pumayag na lang kami. Makakatipid ako, at least hindi mababawasan ang pera ni kuya na lagi niyang ipinagmamalaki. Kasi sabi niya pera din daw niya ang ginagastos namin ni mommy. Perang daw na galing sa kanyang ina ang ginagastos namin. Kaya minsan tuloy ay parang ayaw ko ng gumastos. Ibinalik ko nga kay daddy 'yung atm at credit card na ibinigay niya sa akin. Ibinalik ko lahat 'yon at sabi ko ay bigyan na lang ako ng sapat na allowance para sa school, pang baon lang at sapat na pang-kain para hindi isinusumbat ni kuya sa amin ang lahat ng ginagastos ko. Kaso ng malaman ni kuya na ibinalik ko ang mga cards na ibinigay sa akin ni daddy ay binigyan naman niya ako ng dalawang card. Parang praning lang. Susumbatan ako pagkatapos bibigyan ako ng card para daw may magamit ako. Ayaw ko namang tanggapin pero ipinilit niya at mas lalo daw niya akong pagdududahan kapag hindi ko tinanggap. Halerrr! May toyo yata sa utak ang lalaking 'yon. "Bruh! Ano ba ang iniisip mo diyan? Nandito na ang pagkain natin, pero ikaw ang layo ng naabot ng isipan mo," ani ni Avvi kaya natawa ako ng napatingin ako sa kanila. "Iniisip ko lang kung ano ang iinumin natin mamayang gabi. Bruh Jhovel sa condo mo ako matutulog mamaya ha, tatawagan ko na lang si mommy at daddy na mag sleepover na lang ako sayo para iwas sermon kay kuya mamaya," wika ko. Natawa pa ako makita ko na tuwang-tuwa si Jhovel. "Itutuloy natin ang inuman natin mamaya sa condo ko, sa akin din sila matutulog, may dala nga silang damit," sagot ni Jhovel. May damit naman ako sa condo niya kaya hindi ko na poproblemahin ang isusuot kong pamalit. Pagkatapos naming kumain ay namasyal kami at nag shopping na rin. Inisin ko si kuya, bibili ako ng mamahaling damit at sapatos na pwede kong isuot mamaya pagpunta namin ng bar. Tignan ko lang kung ano na naman ang sasabihin niya sa akin. Bibigyan ako ng card tapos ipapamukha sa akin na pera lang ang habol ko, eh di gora! "Bibili ako ng mamahaling damit na maisusuot ko mamaya sa bar. Bibili din ako ng sapatos at gagamitin ko ang card ni kuya," wika ko kaya tawa sila ng tawa. Ilang beses na tumunog ang phone ko. Pinatay ko agad ito at lumipat kami ng mall. Mahirap na at baka ma trace pa ni kuya kung nasaan kami kaya naisipan naming lumipat ng lugar. Nagpunta pa kami ng park para magpahangin at kumain ng fishballs. Hindi na ako nag-on ng phone, mamaya na lang kapag tapos na kaming mag-bar. Isa pa ay hindi alam ni kuya na may condo si Jhovel kaya hindi niya ako mahahanap mamayang gabi. Hindi rin naman niya alam kung ano ang plano namin ngayong araw. Isa pa ay alam niyang hindi ako nakakapasok sa mga bar kaya hindi niya iisipin na magba-bar kami. "Papadilim na, umuwi muna tayo sa condo ko, duon na tayo magpalipas ng oras para mamaya ay pupunta na lang tayo ng bar. Gusto ko rin maligo muna para naman fresh ako mamaya kapag may nakita akong gwapo," wika ni Jhovel kaya natawa kami sa kanya. "Makikiligo na rin ako, may mga binili akong mga bagong gamit na pwede kong isuot mamaya," ani ko. Sumakay na kaming lahat sa sasakyan at bumalik na kami sa condo niya. Sabay kaming naligo ni Jhovel pero syempre hiwalay ng banyo. Dito ako sa kanyang guest room habang ang mga kaibigan namin ay nasa kusina at kumakain. Pagkatapos kong maligo ay nakisalo na rin ako sa kanila sa pagkain ng hapunan. Mas mainam ang uminom ng busog kaysa walang laman ang tiyan, iwas sa malasing agad. "Saang bar tayo, sigurado na ba kayo na sa Neon Nights bar tayo mag-iinuman?" ani ko. Duon kami madalas pumuslit, nakakapasok kami dahil magaling gumawa ng fake Id ang mga kaibigan ko, lalong-lalo na si Jhovel. "Oo kaya maghanda na kayo dahil in ten minutes ay gogora na tayo," maarteng ani ni Jhovel kaya naman pumapalakpak pa ako dahil makakainom na naman kami. Nakarating kami sa Neon Nights bar. Katulad ng dati ay napakaraming tao dito. Maingay ang musika at sari-saring ingay ang maririnig sa buong paligid. "Duon tayo pumuwesto," wika ni Trisha sabay turo sa table na malapit lang sa dance floor. Gusto niya kasi ay nakapag sasayaw siya kapag medyo lasing na at dinadamay pa kami sa pagsasayaw niya. Umorder kami ng tequila at tig-iisang margherita. Nagsimula kaming mag-inuman at may ilang mga kalalakihan ang lumalapit sa amin at nakikipag kilala. Hindi naman namin sila pinapansin kahit na ba gwapo pa sila. Saka hindi naman kami nandito sa bar para lang makipag kilala sa mga kalalakihan, nandito kami para mag-enjoy at mag-inuman. Marami-rami na rin kaming naiinom. Medyo nahihilo na ako at umiikot ang aking paningin. Napatingin ako sa bote ng tequila na naubos na namin at napasapo pa ako sa sintido ko. "Na-Nahihilo na ako, naparami ang inom natin," wika ko. Pero si Trisha ay nag-aaya pang sumayaw sa gitna ng dance floor. Hindi ko na kayang tumayo pa, pero hinihila niya ang kamay ko kaya napatayo akong bigla. Pero pagtayo ko ay nahilo ako kaya akala ko ay babagsak ako sa sahig, pero sa isang matigas na bagay ako napasandal. Pag-angat ko ng aking mukha ay gulat na gulat ako ng makita ko si Kuya Sebastian. Iniupo niya ako sa silya at naupo din siya. Itinuro niya ang mga bakanteng upuan sa mga kaibigan ko kaya lahat ay parang robot na nagsi-upo. "Marami kayong ipapaliwanag sa akin. Ayusin ninyo ang gamit ninyo at iuuwi ko na kayong lahat sa bahay namin dahil kakausapin ko kayo," may galit na ani ni kuya. Nagkatinginan kaming magkakaibigan, tatanggi sana kami pero biglang tumayo si Kuya Sebastian at malakas na sumigaw. "NOW!" Lahat kami ay nataranta at tila ba nawala pa ang pagkalasing ko. Mabilis kong kinuha ang aking bag na hindi ko magawang tumingin kay kuya dahil guilty ako, isa pa ay nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata. "Yari tayo mga bruh!" bulong ni Trisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD