Chapter 2 -Hawakan daw- ?

1525 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Katatapos lang makipag-usap ni Adriana sa telepono at makikita sa mukha nito ang frustration na hindi niya maitago. Nakausap niya ang choreographer nila sa sayaw. Pinapapunta kasi siya sa school para sa isang ensayo. Inis na inis siya dahil ang pagkakaalam niya ay wala siyang gagawin ngayon, pero ayun na nga at tinawagan siya para pumasok sa school at mag-ensayo sa sayaw. Nuong una ay nagreklamo siya pero dahil parte ito ng grades nila ay wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumunod sa gusto ng kanilang choreographer. "Mamaya na lang tayo umalis kapag maaga akong natapos sa school, tumawag kasi ang choreographer ko. May practice daw kami today. Nakakainis nga, kasi dapat free ako today, walang klase pero heto at kailangan kong bumalik ng school upang mag practice ng sayaw. Kasali kasi ako sa dance group para ipanglaban sa ibang school. Ayoko nga sana kaso baka maapektuhan ang grades ko," wika ni Adriana. "Kaloka naman! Akala ko pa naman makakagala tayo ngayong araw, pero okay lang, sige at sa susunod na lang tayo gumala. Pwede ba kaming sumama sayo sa school? Allowed ba sa school ninyo ang mga outsider?" wika ni Avvi. "Pwede naman, pag-aari naman ni Kuya Sebastian ang school na 'yon, pero huwag na lang kayong maingay ha, kasi hindi niya ipinapaalam sa school niya na stepsister niya ako. Ikinakahiya daw niya ako," bulong ni Adriana at tumingin pa ito sa paligid ng may marinig siyang ingay sa paligid. Tumayo ito at agad na sumilip sa pintuan. Sigurado kasi siya na may narinig siyang mga kaluskos pero wala namang tao sa labas ng silid niya kaya bumalik siya sa kama. "May problema ba bruh?" tanong ni Trisha sa kanya. "May narinig kasi akong ingay sa pintuan, akala ko tuloy ay may tao. Pero wala naman. Magbibihis lang muna ako sa loob ng walk in closet ko. Hintayin ninyo ako dito. Mabilis lang ako para makaalis na agad tayo," wika ni Adriana. Pagkatapos ng halos kinse minutos ay lumabas na rin si Adriana na nakasuot lamang ng black leggings na makapal, rubber shoes na komportable at magaan, at loose t-shirt na may pang-loob na isang sandong hapit sa kanyang katawan. Sabay-sabay na silang umalis. Nagtungo sila sa malawak na garahe at sumakay na sila sa sasakyan ni Adriana, upang makarating na sila sa school at ng maaga siyang makatapos sa practice. Pagkarating nila ng school ay nag-park agad ng sasakyan si Adriana at pagkatapos ay dumiretso na siya sa malaking court ng university kung saan ay ginaganap ang taunang paligsahan ng kanilang unibersidad. "Buti naman at nandito ka na Miss Adriana Fuentes. Kanina ka pa namin hinihintay ng mga kasama mo," ani ng choreographer ni Adriana. Bahagyang sumibangot ng palihim ang dalaga. Inihatid niya sa bench ang mga kaibigan niya at pagkatapos ay bumalik siya sa pinakagitna ng basketball court. "Sorry po, medyo na-traffic po kasi ako," sagot nito at nag inat-inat na ang dalaga upang paghandaan ang kanilang practice. May kapareha siyang isang lalaki, ang kaklase at kaibigan niyang si Jack na may matagal ng pagtingin sa kanya. "Bruh! Pag-igihan mo ang sayaw, break a leg!" sigaw ni Jhovel. Natawa naman si Adriana habang patalon-talon ito ng bahagya upang mag warm up. Pero natigilan ang dalaga at nagpalinga-linga sa itaas. May mga tinted window sa itaas ng gym, ang alam nila ay duon nanunuod ang president ng school. Pero nakikita naman niya na patay ang ilaw nito. Kasi kahit tinted ito, kung minsan ay napapansin nila na may liwanag sa ilang sulok nito pero bahagya lang kaya alam nila kung kaylan ay may tao sa loob nuon. Pero bakit pakiramdam niya ay may tao sa loob at nakamasid lang sa kanya. Napatingin pa siya sa mga kaibigan niya na nakatingin na din kung saan siya nakatingin. "Miss. Fuentes, tatayo ka na lang ba diyan?" ani ng choreographer niya kaya bigla siyang napaharap dito. Nagulat pa siya na sila na lang dalawa ng kapareha niyang lalaki ang nakatayo sa gitna kaya napakamot siya ng ulo at napatawa. "Sorry coach," bulong niya. Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang musika sa loob ng basketball court. Nagsimulang umindak ang kapareha ni Adriana papalapit sa kanya sabay buhat sa kanya at ipinaikot sa ere. Umuugong naman ang background music na tunog ng isang motorcycle habang ang dalawa ay umindak sa gitna. Ilang practice pa ang nangyari, akala ni Adriana ay matatapos agad sila pero kanina pa sila sa court pero tila walang balak tumigil ang choreographer nila hangga't hindi sila tuluyang napapagod. Binigyan sila ng fifteen minutes na break. Nagmamadali siyang lumapit sa mga kaibigan niya at inabutan siya ng tubig. Inis na inis ang dalaga dahil mukhang mabubulilyaso pa yata ang kanilang lakad dahil wala pang balak tumigil ang choreographer nila. "Bruh anong nangyari? Akala ba namin eh saglit lang ang practice ninyo, mukhang gagabihin tayo dito," ani ni Delfina. "Hindi ko nga alam eh! Ngayon lang ito nangyari na inabot kami ng ganito katagal sa practice. Mukhang hindi tayo matutuloy sa lakad natin dahil ngayon pa nga lang ay pagod na ako. Gusto ko pa namang uminom dahil naiinis ako diyan sa kuya ko," wika ni Adriana. "Kaya nga, naka ready na ulit ang Id mo, dala-dala ko pa naman dito sa bag ko," ani ni Trisha. "Wala naman akong pasok bukas, pwedeng bukas na lang. Kapag umalis na si Kuya Sebastian para pumasok sa opisina ay pupuntahan ko agad kayo. Ikaw Avvi, huwag ka munang bumalik ng Baguio ha, dito ka lang muna sa Manila para makagala pa tayo," ani ni Adriana. "Gaga! Hindi na muna ako aalis ng Manila, sabi ko kay nanay ay duon muna ako kay Ate Marcia ko tutuloy. Sayang nga at wala si Mellard, hindi kasama ng ate niya, ang gwapo pa naman ng lalaking 'yon at sobrang macho, kaya lang may baklang aali-aligid sa kanya, si Luciana. Naiinis ako sa baklitang 'yon, gwapong-gwapo sana kaso lang baklita. May itinatagong lihim ang lalaking 'yon, kaya para sa akin ang hot niyang tignan kahit bakla siya. Si Mellard naman ay naiwan sa Baguio, kasama ang anak ng ate niya. Isa pa 'yong hot, makalaglag panty at bra," ani ni Avvi kaya nagkatawanan sila ng malakas. "Luciana? Meron bang baklang hot?" natatawang ani ni Adriana. "Oo naman! Ang macho nga niya, ang gwapo niya sobra, kaso lang bakla," wika ni Avvi kaya muli silang natawa. "Lasingin mo, tapos gawin mong lalaki," ani ni Trisha. "Gaga! May gusto si Ate Marcia sa baklang 'yon. Nakikita ko sa mga titig ni ate sa tuwing nasa Baguio si Luciana. Alam na alam ko na gusto niya ang baklang 'yon pero dahil nga bakla ito, hindi niya magawang akitin kasi gwapo din ang gusto ni Luciana. Balitang-balita nga sa lugar namin na dumating si Luciana na may gwapong kasama at iyon daw ang nobyo. Sayang wala ako ng oras na 'yon kaya hindi ko nakita. Nakipag-away pa nga daw, kaya mas lalong na-in love si ate sa baklang 'yon," wika ni Avvi. Magsasalita pa sana si Adriana pero pumito na ang kanilang choreographer kaya nagmamadali na itong bumalik sa gitna ng court. Halos inabot na sila ng alas siyete ng gabi ng matapos ang practice nila. Pagod na si Adriana, tagaktak na rin ang kanyang pawis habang halos bumagsak na ang katawan niya sa pagod. Malakas na tilian ng mga kababaihan ang umugong sa loob ng court ng isang matipunong lalaki ang pumasok sa loob. Napalingon si Adriana at ang mga kaibigan niya at gulat na gulat ang dalaga ng makilala niya ang pinagkakaguluhan ng mga kaklase niyang babae. "Hi Seb," ani ng kaibigan kong Avvi kaya natawa ng mahina si Adriana. Pagod na ito at wala na siya sa mood makipag away kay Sebastian. Kung nandirito ang kuya niya para pagalitan siya dahil ginabi na sila ay hindi na lang niya ito papatulan. Nanginginig pa nga ang mga tuhod ng dalaga dahil sa pagod at pakiramdam niya ay hindi na kaya pa ng mga binti niya ang lumakad. "Let's go home," ani niya. Pagharap ng dalaga sa binata para tumutol ay nagulat si Adriana ng bigla siyang binuhat ni Sebastian. Nagtilian naman ang mga kaibigan niya habang ang dalaga ay pilit na nagwawala upang ibaba siya ng Kuya Sebastian niya. "Oh my god, bruh, ang panty mo hawakan mo!" malakas na sigaw ni Delfina kaya nagkakatawanan ang mga kaibigan niya. "Calm down, pagod ka na at iuuwi na kita. Baka isipin ng aking ama na hindi ko ginagampanan ang pagiging kuya ko," bulong nito. Hindi naman na kumibo pa ang dalaga dahil alam naman niya na kahit ano ang kanyang gawin ay hindi naman siya mananalo pagdating kay Sebastian. Ibinigay na lang niya ang susi ng kanyang sasakyan kay Jhovel upang ito ang magmaneho. "Sumunod na lang kayo sa mansyon ng ama ko, dalhin ninyo ang sasakyan niya dahil sa akin siya sasakay," wika ni Sebastian. Tumutol ang dalaga, pero hindi siya pinansin ng binata at pinasok pa rin siya sa loob ng sasakyan nito at kinabitan ng seatbelt. Pagkatapos ay tuluyan na nilang nilisan ang campus upang umuwi sa mansyon na pag-aari ng ama ni Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD