❀⊱Adriana's POV⊰❀
Heto na naman kami, galit na naman sa akin si Kuya Sebastian at ipinamumukha na naman niya sa akin na pera lang ni mommy ang habol namin. Nakakaloka na talaga ang stepbrother kong ito. Nakayuko lang ako at wala akong balak na tignan siya. Kanina pa niya ako sinusumbatan pero binabalewala ko na lang at kunwari mukha akong kawawa para tumigil na siya, pero hindi epektib.
"Stop acting as if you're a victim. We all know why your mother married my father. Everything revolved around money, my father's wealth, and what would be in the best interest of your mother. Financial security was clearly the main objective. Am I right, Adriana?" 'yun ang sabi niya, pero syempre hindi totoo 'yon.
Napaangat tuloy ako ng mukha dahil heto na namin kami, pinapakita na naman niya ang totoong kulay niya dahil wala dito si mommy at si daddy, sumbatan mode na naman kami. Ganito kami mula ng tumuntong ako ng 18 years old, mag twenty years old na ako at magdadalawang taon na niyang ipinamumukha sa akin na pera lang ng pamilya niya ang habol ni mommy, namin ni mommy pero mali siya. Hindi 'yon totoo. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, pero nasasaktan ako sa tuwing iyon ang tingin niya sa amin, lalo na sa akin.
Hindi ko na lang sinasabi sa aming mga magulang ang tungkol sa mga sinasabi niya sa akin dahil ayoko ng gulo. Isa pa ay hindi naman totoo ang mga ibinibintang niya sa amin ng aking ina.
"No, Kuya Sebastian. You were wrong from the start. Money was not something my mother was concerned about. It is a fact that my mother married your father with ardor and devotion. That is the truth, and I don't care if you believe me or not. And, by the way, I have never pretended to be a victim here, but you continuously do so!" sagot ko sa kanya.
"Huh! Really? With loyalty and affection for my father or was it all for my father's wealth? Adriana, neither you nor your mother can fool me. It had nothing to do with love, and it was all about the money. Tigilan mo ako ng mga pagpapanggap ninyo dahil alam ko kung ano ang totoo. Galit na galit ako sa inyo dahil ninakaw ninyo ang aking ama sa aking ina! Ang laki ng kasalanan ninyo sa akin na dapat ninyong pagbayaran!" galit niyang ani sa akin. Nakikita ko ang mga ugat niya na galit na galit lalo na sa noo habang nakatitig ako sa kanya. Aaminin ko na ang gwapo ni Kuya Sebastian, sobrang gwapo na nakakaakit.
"Kuya, bakit ba hindi mo matanggap sa sarili mo na nagmahal muli si daddy? Hindi totoo ang mga nasa isip mo, mahal ni mommy si daddy. Huwag ka namang ganyan," sagot ko sa kanya. Puro na lang siya pera, lagi na lang niyang sinasabi na pera lang ang kailangan ng aking ina pero hindi naman 'yon totoo.
"Ano ba ang kailangan kong gawin para lang mawala ang galit mo sa akin at sa aking ina? Babayaran ko ang kasalanang 'yan para lang matapos na 'to, kuya," wika kong muli sa kanya. Bakit ba napaka kitid ng utak niya? Paulit-ulit na lang siya, nakakainis. Pasalamat talaga siya dahil gwapo sya.
"Gusto mong mabayaran ang lahat ng kasalanan ninyo sa akin ng iyong ina? Ibigay mo sa akin ang katawan mo," sagot niya na ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwala na manggagaling 'yon sa bibig niya. Namumuhi siya sa akin pero ngayon ay sinasabi niya sa akin ang mga ito na ibigay ko sa kanya ang katawan ko? Anong pumasok sa isipan niya para sabihin sa akin na ibigay ko sa kanya ang katawan ko? Nababaliw na ba sya? Pero bakit hindi ko magawang magalit ng totoo?
Isang malakas na sampal ang ipinadapo ko sa mukha niya. Wala akong pakialam kahit sampalin nya din ako, gusto ko lang maramdaman niya na bastos siya. Hindi na siya nahiya para sabihin sa akin 'yon.
Hinimas naman niya ang pisngi niya na sinampal ko. Dinilaan pa niya ang gilid ng labi niya at nginisihan lang niya ako na parang bale-wala lang ang mga nangyari. Nakatitig ako sa kanya, gusto kong magalit sa kanya sampalin siyang muli pero hindi ko na magawa pa. Galit akong humarap sa kanya at sinigawan ko sya.
"Baliw ka na kuya! Kung inaakala mo na gagawin ko 'yon ay nagkakamali ka. Hindi ko ibibigay ang katawan ko sa isang katulad mo, dahil lamang sa inaakala mo na pera lang ang habol ng mommy ko kay daddy. Baliw ka na, ang dapat sayo magpunta ng mental hospital at pa-admit kang mag-isa para naman dumiretso 'yang baluktot mong isip," galit kong sagot at nagtatakbo na ako sa aking silid at sinigurado ko na nakakandado ito.
"Magiging akin ka din Adriana, itaga mo 'yan sa bato. Bubukaka ka rin sa harapan ko ng buong puso mo at uungol ng malakas," sigaw niya sa akin habang tumatakbo ako paakyat ng hagdanan.
Hindi ko na siya nilingon pa at hindi ko na rin siya hinintay na magsalita pang muli. Buti na lamang at walang tao dito dahil lahat ng kasambahay ay nasa labas. Si manang naman ay nag grocery.
Nakakainis! Sasabihin niya sa akin 'yon samantalang habang lumalaki ako, ang tingin ko sa kanya ay tanging kapatid lamang. Tapos may pagnanasa pala siya sa akin? Pero bakit hindi ko magawang magalit ng totoo sa kanya? Ano ba ang nangyayari sa akin?
Ano ba kasi ang pumasok sa isip ni kuya upang sabihin niya sa akin 'yon? Nakakainis siya, magkapatid kami at kahit hindi kami magkadugo, magkapatid pa rin kami para sa akin. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Magdadalawang taon pa lang ako ng pakasalan ni mommy si daddy, at habang lumalaki ako at nagkaka-isip, si kuya ang kinilala kong kapatid. Fifteen years old na ako ng malaman ko na hindi kami magkadugo, pero gayunpaman ay hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya bilang isang tunay na kapatid. Pero lately ay iba ang nangyayari, at 'yun ang inililihim ko lalong-lalo na sa mga kaibigan ko. Sa tuwing nakikita ko si Kuya Sebastian, may iba akong nararamdaman, lalo na kapag tinititigan niya ako ng may pagnanasa sa katawan ko. 'Yung feeling na gusto ko na siyang hubaran at gawin namin ang gusto niya.
Pero alam kong mali dahil sa mata ng mga magulang namin at ng mga nakakakilala sa amin, magkapatid kami, at kahit na hindi iisa ang aming ina at hindi ako anak ng kanyang ama, dapat magkapatid kami. Hindi man kami magka apelyido, pero ako pa rin ang kapatid niya sa ayaw at sa gusto niya.
Naalala ko tuloy nuong thirteen ako, lagi kong tinatanong si mommy kung bakit magkaiba kami ni kuya ng apelyido, hindi nila ako masagot nuon kasi nga hindi naman pala kami tunay na magkapatid. Naging mas mausisa na lang talaga ako ng mag fifteen ako kaya wala na silang choice kung hindi ang sabihin sa akin ang totoo. Hindi kami magkapatid at pangalawang asawa lang pala si mommy ng ama ni Kuya Sebastian dahil namatay ang ina ni kuya. Pero nuon kasi ang bait niya sa akin, nagbago na lang talaga ng mag eighteen years old ako at nag debut. Ang laki ng ipinagbago niya at lumabas ang tunay niyang kulay. 'Yung mga titig niya sa akin, lahat ng 'yon ay may pagnanasa.
"Ma'am nasa labas po ang mga kaibigan ninyo," wika ng kasambahay habang kumakatok ito sa pintuan ng silid ko. Dumating na pala si manang, sana hindi nila narinig ang pag-aaway namin ni kuya sa ibaba kanina at sana ay hindi nila narinig ang mga sinabi nito sa akin.
Nagmamadali kong binuksan ang pintuan at halos takbuhin ko na ang unang palapag. Wala na si kuya, marahil ay umalis na ito upang puntahan ang mga kaibigan niya.
"Hoy bruha! Akala ko ba may lakad tayo ngayon? Kumpleto tayo oh? Bumaba pa ng Baguio itong si Avvi Akrisha. Bakit hindi ka pa bihis?" wika ni Trisha.
"Bakit nga ba hindi ka pa bihis?" ani naman ni Delfina. Ito ang apat na pasaway kong mga kaibigan. Sina Avvi Akrisha, Trisha Cena, Delfina Simon at itong si Jhovel Entice Dale, ang half-sister ni Kuya Orion na kapatid niya sa ama. Ang mga pasaway kong mga kaibigan.
"Inaway na naman kasi ako ni kuya at ipinamukha na naman sa akin na pera lang nila ang dahilan kung bakit pinakasalan ni mommy si daddy. Hindi naman kasi 'yon totoo pero 'yun ang nakasiksik sa utak niya. Bakit hindi na lang niya isaksak sa pagmumukha niya ang lahat ng yaman nila. Hindi naman kami interesado. Kapag kaharap si mommy at si daddy ang bait-bait niya sa akin, palibhasa takot mawalan ng mamanahin," sagot ko sa kanila kaya nagtawanan silang lahat.
"Landiin mo, baka sakaling bumigay sayo," wika ni Avvi.
"Eww! Kadiri ka! Kuya ko 'yan at kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya mula ng two years old pa lang ako noh," ani ko habang nakangiwi ang mukha ko sa kanila. Pero bakit may ibang naglalaro sa utak ko na taliwas sa sinabi ko?
"Sus, naalala mo pa ang mga nangyari nuong two years old ka? Tigilan mo nga kami Adriana!" wika naman ni Jhovel.
Hindi na ako kumibo pa. Nagpaalam na lang ako sa kanila na aakyat ako sa itaas upang magbihis. Bago pa ako makatalikod ay napansin ko si kuya na papasok sa malaking pintuan pero inisnab ko lang siya. Wala akong pakialam sa kanya dahil galit ako. Gusto pa talaga akong manyakin.
"Hi Seb, ang gwapo mo talaga," wika ni Avvi. Kinikilig pa talaga ang kaibigan ko sa mala impakto kong kapatid. Saang banda ba 'yan gwapo? Seb? Pinaganda pa, eh pwede namang Baste na lang para bagay sa ugali niya, pangit.
Natawa na lang ako and I rolled my eyes dahil hindi naman talaga siya kagwapuhan. Mas gwapo ang crush ko na nakilala ko sa Las Vegas last year, si Gavin Ivan Lewis. CIA at sobrang gwapo kahit sampong taon ang tanda niya sa akin, or nine years? 'Yun nga lang, ang balita ko ay may kasintahan na ito, pero siya talaga ang crush na crush ko dahil sobrang gwapo niya, at nakita ko kung paano siya makipaglaban sa bar ng may mambastos sa amin nuon. Kasi naman, pumuslit kami sa likuran para lang makapasok sa loob ng bar, duon kami sa kitchen dumaan ng mga classmates ko dahil kakilala namin ang tagaluto ng pulutan duon.
Hindi ko na nilingon si kuya na nakikipag bolahan sa mga kaibigan ko. Basta umakyat na lang ako sa itaas upang magbihis at ng makaalis na kami at hindi ko na makita pa ang mukha ni kuya.
Pagpasok ko sa silid ay ilang katok agad ang narinig ko. Mukhang naiinip na agad ang mga kaibigan ko eh kapapasok ko pa lang naman dito sa silid ko.
Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako ng si kuya ang nakatayo. Masama siyang nakatingin sa akin kaya nilalabanan ko ang mga titig niya. Hindi naman ako papatalo sa kanya.
"Gagala na naman kayo para gastusin ang perang pinaghirapan ng aking ina? Diyan ka magaling Adriana, sa paglustay ng perang pinaghirapan ng aking mga magulang. Mag-ina nga kayo!" aniya na may gigil. Gustong-gusto ko siyang sampalin. Pero hindi ko ginawa. Itinulak ko lang siya palabas ng silid ko at malakas kong isinara ang pintuan ko.
Bwisit talaga siya! Kapal ng mukha niya na pagsalitaan kami ng ganoon. Si mommy, tumutulong si mommy sa mga business ni daddy at hindi siya katulad ng ibang babae na bili dito at bili duon. Hanggang ngayon pati mga damit ni mommy ay simple lang dahil ang sabi niya hindi niya kailangan ng mamahaling damit. Bakit ba pinipilit ni kuya na pera lang ang habol namin ni mommy kahit hindi naman 'yon totoo? Dahil ba sa mahirap lang ang buhay na kinagisnan ni mommy nuon? Nakakainsulto na ang mga sinasabi niya, pero hindi ko pa rin siya papatulan kahit bumula na ang bibig niya kakasalita.
Gwapo sana kaya lang ang sama ng ugali niya, at mukhang ang laki pa ng hinaharap dahil laging bakat na bakat. Oh my god! Ano ba ang pinagsasasabi ko? Hindi ko siya gusto at kapatid lang ang turing ko sa kanya, iyan ang dapat na isiksik ko sa isipan ko.
"Bruha bilisan mo!" sigaw ni Trisha, kaya napalingon ako sa pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok ang bruha kong kaibigan.
"Bakit ka ba nanggugulat?" ani ko, pero natawa lang siya at patalon na nahiga sa aking kama.
Hindi ko na lang sasabihin sa kanila ang sinabi sa akin ni kuya. Hindi naman mahalaga na 'yon, basta ang importante ay alam ko ang totoo, na hindi pera ang dahilan kung bakit pinakasalan ni mommy si daddy. Isang araw ay maliliwanagan din ang isipan niya.
Sana nga!