Chapter 7 -Bad Sebastian daw-

2215 Words
◄Sebastian's POV► "Lyn, I need the documents soon. We've been doing this for a few weeks now, and I still haven't gotten anything," galit kong ani. Si Lyn Ortiz ay kaibigan kong matalik, and we've known each other since we were kids. Ang friendship naming dalawa ay solid na magkaibigan lang, 'yung parang magkapatid lang. Simula kasi pagkabata ay kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Apo siya ng katiwala ng hacienda ng aking ina, at dahil mahirap lang ang buhay nila ay kinuha ko siyang magtrabaho dito sa kumpanya ko, bilang sekretarya ko. Pero ni minsan ay hindi lumagpas ng higit pa sa pagiging magkaibigan ang relasyon namin. Inakala nga ng marami na kami ang magkakatuluyan. Pero malinaw sa aming dalawa na magkaibigan lamang kami. Isa pa ay in love siya sa isang assassin, habang ako naman ay nababaliw sa aking stepsister. "Oo na! Matatapos na nga, at bago ang meeting ay sigurado akong hawak mo na ang mga ito. Basta 'yung pangako mo sa akin na bibigyan mo ako ng picture ni Giovanni," wika niya kaya napapailing ako ng aking ulo. May meeting kami ngayon, pero kanina pa niya ako tinatanong kung nasaan na ang picture ni Giovanni. "Lyn, hindi kita pinipigilan magmahal. Parang kapatid na ang turing ko sayo at alam mo 'yan. Para sa akin, hindi kailangan maging magkadugo upang maramdaman ang pagmamahal ng isang kapatid. Kaya ngayon pa lang ay pinapaalalahanan na kita upang huwag kang masaktan. Si Giovanni ay isang player, mapaglaro ng damdamin ng isang babae. Gagawin niya ang lahat, upang makuha niya ang atensyon mo at mahulog ka sa kanyang bitag. Kapag nangyari 'yon at nakuha na niya ang gusto niya sayo, iiwanan ka lang niya na parang basahan. Kilalanin mo muna ang lalaking 'yon, magtanong-tanong ka sa mga taong nakakakilala sa kanya bago ka tuluyang mahulog sa patibong ng isang 'yon at hindi na makaahon pa," wika ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo kaya tumahimik na lang din ako at nagtititipa ako sa aking keyboard. Lumipas ang ilang oras at maging ang meeting namin ay natapos din na successful naman ang kinalabasan. Mag-aalas dos na ng hapon at hindi pa ako kumakain ng pananghalian kaya inaya ko si Seth at si Raegan. "Guys let's go at nagugutom na ako. Kumain na muna tayo sa labas," wika ko. Napatingin ako kay Lyn, mukhang nakalimutan nito ang baon niyang pagkain kaya inaya ko na lang din siya. "Lyn, gusto mo bang sumabay na sa amin para mananghalian?" tanong ko sa kaibigan ko. Tumango naman agad siya at kinuha na niya ang gamit niya. "Isasama mo na naman 'yan, tapos iuuwi ang leftover," wika ni Raegan kaya hinampas siya ni Lyn ng bag nito. Natawa naman kami sa tinuran ni Raegan, lagi na lang niyang inaasar si Lyn, kaya pinagseselosan tuloy ng kanyang girlfriend ang kaibigan ko. Si Raegan Moreau ay half Filipino/French at si Seth Morelli naman ay half Filipino/Italian. Pareho na silang may kasintahan at si Seth ay balak ng mag propose sa kanyang girlfriend. Mahigit alas dos na ng makarating kami ng mall, nag-asaran pa kasi ang mga bwisit na ito kaya mas lalo tuloy akong nagutom. Isang Italian restaurant ang napili naming kainan, at habang naghihintay kami ng order naming pagkain ay may napansin akong limang babae na naglalakad. Hindi ako maaaring magkamali, kahit nakatalikod ang mga ito, kilalang-kilala ko silang lahat. Sa porma pa lang nila ay alam ko na sina Adi ito at ang apat niyang kaibigan. Pero paanong nangyari samantalang ako mismo ang naghatid sa kanya sa school kaninang umaga? Paano siyang nakalabas ng university ng hindi ko alam? "Shiiit!" ani ko at mabilis kong kinuha ang phone ko na hindi ko inaalis ang aking mga mata sa limang babae na huminto sa isang boutique. Tatawagan ko agad si Shawn, kailangan kong malaman kung bakit nakalabas si Adi ng school ng hindi ko nalalaman. Pero natigilan ako ng makita ko ang napakaraming missed calls ni Shawn, maging ang mga messages na hindi ko na napansin dahil sa dami ng trabaho ko kanina. Nagmamadali kong binasa ang isa sa message sa akin ng kaibigan ko, at nagkaroon nga raw ng emergency meeting kaya na-cancel ang buong klase. Humugot ako ng malalim na paghinga at walang kaabog-abog akong tumayo at lumabas ng restaurant. "Dude, saan ka pupunta?" gulat na ani ni Raegan. "Ayun sila Adi, naglalakwatsa ng hindi ko alam kaya humanda siya sa akin," ani ko. Naiinis ako dahil nandito siya sa mall ng hindi nagsasabi sa akin. "Adriana!" malakas kong tawag sa kanya na ikinalingon nilang bigla. Nagkatinginan silang magkakaibigan at binitawan ang mga damit na hawak nila at tinitignan. Nanlilisik ang mata ko sa galit, ayoko sa lahat ng umaalis siya ng hindi nagsasabi sa akin dahil ako na ang nobyo niya. Dapat alam ko lahat. "Kuya Sebastian?" ani niya. Hindi ako kumibo. Masama lamang akong nakatitig sa kanya habang nakatayo ako sa gitna ng hallway ng mall. Wala akong pakialam sa mga taong naglalakad at napapahinto na nakatingin sa akin. "Inaya ko si Adi dito sa mall para mag shopping kami. Wala namang masama, hindi ba?" wika ni Jhovel kaya nagtagis ang bagang ko. Pasalamat siya at kaibigan siya ni Adi at kapatid ni Orion, kung hindi ay may kalalagyan siya sa akin. "Dude, relax," ani ni Seth kaya napalingon ako sa likuran ko. Huminga ako ng malalim at tinitigan ko si Adriana. Nagsimula akong maglakad papalapit sa kanila kaya ilang hakbang paatras naman ang ginawa ng nobya ko. "Kumain na ba kayo?" tanong ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ayokong matakot siya sa akin. Ayokong ipakita sa kanya ang bad side ko. "Tapos na, gusto lang sana naming mag shopping ng mga damit," wika ni Adi kaya tumango ako at ibinalik ko sa kanya ang black card na isinauli niya sa akin nuong nakaraang nagalit ako sa kanya. "Hindi na, may pera naman ako," ani niya kaya muling naningkit ang mga mata ko. Dahil sa nakita niyang inis ko ay kinuha na niya ang black card. Si Jhovel naman at Ynah ay nakataas ang kilay sa akin. "What? May gusto kayong sabihin? Huwag ninyong gagamitin sa akin ang pagiging..." Hindi ko na sinundan pa ang sinasabi ko. Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin ako kay Adriana na nakayuko at tila ba natatakot sa akin. Bigla tuloy akong nahimasmasan at muli akong humugot ng malalim na paghinga. "Mag enjoy lang kayo, huwag kayong lalayo sa paningin ko," wika ko kaya natawa si Seth na nakatayo sa tabi ko. Siniko ko tuloy siya. Alam naman nila ang tungkol sa relasyon namin ni Adi dahil sinabi ko sa kanilang lahat kaninang umaga. "I'm guessing na may alam na din kayo tungkol sa amin ni Adi, base na rin sa tingin ninyo sa akin. Well, ngayon pa lang ay gusto kong itikom ninyo ang mga bibig ninyo. Huwag kayong lalayo sa paningin ko, kakain lang kami duon dahil hindi pa kami kumakain ng lunch. Puro kasi kami trabaho, hindi namin inuuna ang lakwatsa at pagwawaldas ng pera na pinaghirapan ng iba," wika ko. Shiit! Bakit ba hindi ko ma-kontrol ang galit ko? Damn it! Hindi ko dapat 'yon sinabi. Naiinis kasi ako dahil hindi siya nagpaalam sa akin. Alam naman niya na ayokong umaalis siya na hindi nagsasabi sa akin. "FYI! What we do with our lives and money is none of your business!" ani ni Trisha. Natawa naman ako ng pagak. Magsasalita pa sana ako ng magsalita si Adi kaya natigilan ako. "Hindi naman ako nagwawaldas ng pera mo. Ito 'yung mga baon ko na iniipon ko sana para makabili ng gamit ko na hindi ko na idadagdag pa sa gastusin mo. Wala naman akong balak bawasan ang kaban ng pera mo kaya huwag kang mag-alala, hindi ko gagastusin ang pera na isinusumbat mo sa akin," sagot ni Adi. Para akong sinuntok sa mukha dahil sa sinabi niya. Agad kong iniisang hakbang ang pagitan namin at niyakap ko siya ng mahigpit na ikinagulat nilang lahat. "I'm so sorry, hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Hindi ko sinasadya at alam ko naman sa sarili ko na hindi 'yon totoo. Galit lang ako dahil hindi ka na naman nagpaalam sa akin," ani ko. Naramdaman ko ang pag-iyak niya sa dibdib ko. Naramdaman ko ang mainit-init na likido na bumabasa sa suot kong polo. Hindi ko gustong makita siyang umiiyak. Hinagod ko ang ulo niya at mas niyakap ko pa siya ng mahigpit. "Bad, Sebastian!" ani ni Ynah na kunot pa ang noo sa akin. Ngunit ko siya pinansin dahil ang focus ko ay humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa aking kasintahan. "Bakit mo naman kasi pinagsalitaan ng ganyan si Adriana? Kung hindi lang kita best friend, matagal ko ng hinila 'yang dila mo at ginawa ko na sana 'yang Lengua," wika naman sa akin ni Lyn. Hindi ko rin siya pinansin, wala ako sa mood sagutin ang mga sinasabi nila dahil ang mahalaga ngayon ay mawala ang galit sa akin ni Adriana. "I'm so sorry, huwag ka ng magalit pa sa akin. Hindi ko sinasadya ang mga salitang lumabas sa bibig ko," bulong ko sa kanya. "Bro, bitawan mo si Adriana at baka may mga taong kakilala ang inyong mga magulang at makita kayong magkayakap ng ganyan," bulong ni Raegan na nakalapit na rin sa amin. "Bro, tama na 'yan," ani naman ni Seth. Humugot ako ng malalim na paghinga at hinalikan ko sa ulo si Adi saka ko siya binitawan. Napatingin ako sa mga kaibigan niya na masamang nakatingin sa akin. "Sa susunod aayusin mo ang pagsasalita mo. Hindi naman ikaw ang nagpapakain sa kanya. Isa pa ay iba naman ang ipapakain mo sa kanya. Talong na malaki, hindi ba?" ani ni Trisha, kaya bigla akong napatitig sa mukha niya. Maging si Adi ay tila ba nagkulay vinegar na dahil sa tinuran ng kanyang kaibigan. Ang mga kaibigan ko naman ay tawa ng tawa dahil sa sinabi ni Trisha sa akin. Napatakip naman ng bibig si Trisha habang ang mga kaibigan niya ay tawa din ng tawa. "I like her, damn!" wika ni Raegan kaya natawa ako habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Adi na namumula naman ngayon dahil sa kahihiyan. "Ibang klase ka talaga bruh, nakakahiya ka!" ani ni Avvi. Hindi ko naman maialis ang tingin ko kay Adi. Ito ba ang madalas nilang pag-usapan? Napapangiti tuloy ako dahil mukhang expected na niya kung ano ang mangyayari sa amin. "Bakit ka nakangiti diyan, Kuya Seb?" tanong ni Adi kaya mas lalong lumaki ang pagkakangiti ko. "Bakit, bawal ba na ngumiti ako? Naiisip ko lang kasi 'yung sinabi ng kaibigan mo, saka kapag tayo-tayo lang ang magkakasama ng mga kaibigan mo at kaibigan ko, dapat Sebby lang, walang kuya. Pakakainin pa nga kita ng talong, hindi ba?" sagot ko kaya bigla siyang tumakbo papasok sa loob ng boutique. Tawa naman ako ng tawa ng malakas lalo pa at naririnig ko na pinapagalitan ni Adi ang kanyang kaibigan. "Dude, mukhang pinag-pa-practice na nila ang stepsister mo ah!" ani ni Raegan. Napatingin naman ako sa kanya, tumaas ang mga kilay ko bago ako nagsalita. "Girlfriend bro. Wala dito ang mga magulang ko kaya girlfriend dapat at hindi stepsister," ani ko. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa loob ng restaurant. Bago pa man ako maglakad ay nagsalita ako ng malakas. "Huwag kayong lalayo sa paningin ko, ako ang maghahatid sayo pauwi," malakas kong ani. Natawa na lamang ang mga kaibigan ko at sinabayan na nila ako sa aking paglalakad pabalik sa loob ng Italian restaurant. Pag-upo ko ay muli akong sumulyap sa loob ng boutique. Hindi ko sila natatanaw mula dito, mukhang sinasadyang magtago sa loob ng kasintahan ko. Pero at least, aware siya kung ano ang mangyayari sa amin. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa mga kaibigan niya dahil mukhang tinuturuan na siya ng mga ito. "I like that Trisha girl, mukhang wild," wika ni Raegan. Siniko naman siya ni Seth at pinagbantaan na isusumbong ito sa kanyang nobya. "Don't even try kung ayaw mong masira ang buhay mo. Kilala mo naman ang mga Dux, hindi ba? Kilala mo naman kung sino si Mayson? Interesado diyan ang isang 'yon kaya huwag kang magkakamali," wika ko kaya napatingin sa akin si Raegan. "Ang mga trilyonaryong Dux? Balitang fùckboy ang Mayson na 'yon. Masasaktan lang ang Trisha na 'yan, kung ako sa kanya, duon siya sa kapatid ko, good boy pa na katulad ko," wika ni Raegan, pero tumawa lang ako dahil ayokong pag-usapan ang kaibigan kong si Mayson. Napapangiti lang ako at hindi ko inaalis ang tingin ko sa boutique upang hindi ako matakasan ni Adi. May mga lesson pa akong ituturo sa kanya mamaya na dapat niyang matutunan. Isang ngising pagak tuloy ang kumawala sa akin, sabay dila ko sa gilid ng labi ko. "Mukhang minamanyak mo na sa isipan mo si Adi. Umayos ka Sebby, huwag kang ganyan sa kanya, iba ang nakikita kong ngiti sa labi mo. Kung talagang mahal mo siya, panindigan mo ang pag-ibig na 'yan bago ka pa mapag-laruan ni tadhana. Karma is a bítch!" ani ni Lyn, pero tumawa lamang ako at nagsimula na kaming kumain bago pa lumamig ang aming pagkain. Hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi nila. Tahimik lamang akong kumakain at panaka-nakang sinusulyapan ang boutique.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD