Chapter 8 -Hindi kita sasaktan-

1711 Words
◄Sebastian's POV► After naming kumain ay nagmamadali na ako sa paglabas ng restaurant. Sinusundan namin kung saan nagpupunta sila Adi. Hindi ko muna sila nilalapitan, Kasunod ko lamang ang mga kaibigan ko. Nagtatawanan sila dahil para daw akong asong gutom na nakasunod lang sa buto. Okay lang, sabihin na nila sa akin kung ano ang gusto nilang sabihin. Basta ang mahalaga sa akin ay nakikita ko siya at hindi siya nilalapitan ng kahit na sinong lalaki. Totoo ang sinabi ni Marcus sa akin sa bar. Territorial ako at possessive. Kulang pa, dahil obsessive din ako. Ang akin ay akin, at sa pagkakataong ito, akin na si Adi kaya walang dapat na pumagitna sa aming dalawa. Napatingin ako sa aking orasang pambisig. Mag-aalas singko na ng hapon at kailangan na naming umuwi. Naglakad ako papalapit kila Adi ng bigla kong marinig ang boses ni Marcus kaya agad akong napalingon sa likuran ko. Kasama niya si Harvey, Mayson, Hanz, Hugo at si Zyler Zev na isang buwan ng nandito sa Pilipinas dahil may inaasikaso daw ito. "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Marcus, habang nakatayo na sila sa harapan namin. "Uhm, titingin kami ng tuxedo," sagot ko at hindi ko alam kung bakit iyon ang naisagot ko. Ipinakilala ko na din sa kanila ang mga kaibigan ko kahit kilala na ni Marcus at Hugo si Raegan. Si Lyn ay umuwi na kanina pa after naming kumain. Isa pa ay marami siyang trabaho na dapat niyang asikasuhin. "Ah, ganuon ba! Akala ko kasi ay sinusundan mo ang stepsister mo. Kasi nga ayaw mo siyang mawala sa paningin mo. Kaya lang sorry dahil mukhang wala na sila," wika ng aking pinuno kaya bigla akong napalingon sa kinatatayuan nilang shoe store. What the fudge! Nasaan na ang mga 'yon? Nag-aatubili tuloy ako kung iiwanan ko ba dito sila Marcus upang hanapin ko si Adi, pero kinakabahan din naman ako na baka bigla akong sigawan ni Marcus kapag nilayasan ko sila. Shiiit! Nasaan na ba kasi sila Adi? Sinabi ko na nga na huwag silang lalayo sa paningin ko. Bwisit talaga! "Nasaan ba si Mayson? Bakit ba biglang nawala ang isang 'yon?" ani ni Marcus at inilibot ang paningin sa paligid. Pero wala akong pakialam kay Mayson dahil ang hinahanap ko ay si Adi, ang nobya ko. "May kailangan ba akong gawin?" tanong ko at napatingin pa ako sa dalawa kong kaibigan. Inaya ni Raegan si Seth na lumayo sa amin upang makapag-usap kami nila Marcus. May alam si Raegan sa tunay na pagkatao ni Marcus at ng mga kasama nito, maliban lamang kay Seth at sa iba pa naming mga kaibigan. "Wala naman, nakita ka lang namin na sumususnod-sunod sa stepsister mo. Akala ko ba ay hindi ka interesado? Bakit ngayon ay para kang naglalaway sa isang buto na sumusunod sa kanya?" wika ni Marcus. "Pinababantayan sa akin ng aking ama 'yang stepdaughter niya. Sinusunod ko lang ang iniuutos ng aking ama," wika ko. Natawa naman siya at inakbayan ako. Nagsimula kaming maglakad-lakad. Ang atensyon ko ay wala sa kanila, na kay Adi at hindi ko alam kung nasaan sila. "Huwag kang mag-alala sa kapatid mo, nandyan lang 'yon," wika ni Marcus. "She is not my sister!" malakas kong ani. Pagkatapos ay napalunok ako ng laway, kinabahan lalo na ng huminto si Marcus sa paglalakad. Mahihinang tawa ang naririnig ko sa mga pinsan niya kaya mas lalo tuloy akong kinakabahan. "Sinisigawan mo ba ako?" ani ni Marcus. Ang nakaakbay niyang braso sa aking balikat ay unti-unting humihigpit at sumasakal sa aking leeg. Kinakabahan tuloy ako, sa laki ng bicep ni Marcus, pwedeng madurog ang buto sa leeg ko. "Marcus. Puro ka kalokohan. Bitawan mo nga 'yang kaibigan mo," ani ni Zyler Zev na may kausap na sa telepono. Hindi naman ito nakinig kay Zyler kaya lumapit sa kanya si Zyler at tinapik ng malakas ang braso ni Marcus na ikinagulat ko. "I said, let him go!" galit na ani nito kaya napakamot ng ulo si Marcus at binitawan nga ako. "Binibiro ko lang 'yan. Hindi ko naman 'yan sasakalin dahil paborito ko 'yan. Paborito kong asarin. Isa pa ay kukuhanin niya akong bestman sa kasal niya. Hindi ba bro?" ani ni Marcus. Tumango lang ako at hawak ko ang leeg ko. Hindi naman ako nasaktan, hindi naman kasi niya idinidiin ang sakal. Kontrolado niya na tila ba ipinaparating lang niya sa akin kung sino siya sa buhay ko at kung ano ang katungkulan niya. "Pasensya na, alam naman ninyo kung bakit lagi kong sinasabi na hindi ko siya kapatid," wika ko. Natawa naman siya at tinapik niya ang balikat ko at nagsimula ulit itong maglakad kaya sumabay ako sa kanila. Napatingin pa ako kay Zyler, mukhang may boses si Zyler pagdating kay Marcus. Mukhang sa kanilang lahat, kay Zyler nakikinig ang isang Marcus Dux. "Alam mo bro. Dumating ako sa punto na nakilala ko ang isang babae na sa unang tingin ko pa lang ay minahal ko na. Ginawa ko ang lahat upang huwag siyang masaktan. Prinotektahan ko siya at sinigurado ko na hindi siya maaagaw sa akin ng iba. Pero sa lahat ng ginawa kong 'yon sa kanya, sinigurado ko naman na hindi ko siya masasaktan. Sinigurado ko na ang pag-ibig na inaalay ko sa kanya ay tunay at wagas. Sinigurado ko na kaya kong panagutan ang mga pangakong binitiwan ko sa kanya, at hindi ko lang siya pinaasa. Tang-na! Kung sakali, ikaw ang susunod na magbibigay sa akin ng puting buhok, kaya umayos ka kung ayaw mong humarap kay karma at hindi na sumakit pa ang ulo ko sayo," ani niya. Natawa naman ako at napakamot ako ng ulo. "Mahal ko siya. Kung inaakala ninyo na ang balak ko lamang ay paglaruan ko ang damdamin niya ay nagkakamali kayo. Mukha lang akong tarantado, pero kapag ako ang nagmahal, wagas at totoo," wika ko sa aking pinuno kaya muli siyang napahinto sa paglalakad at humarap sa akin. "Sa totoo lang, mabait ka naman talaga. Nakukuha ko na nga ang tunay mong ugali at nasasanay na ako na kung minsan may pagka-sira ulo ka. Pero sana nga ay totoo ang sinasabi mo dahil kung hindi mo mahal, palayain mo at maghanap ka na lang ng ibang babae na mag-aalis ng init ng katawan mo. Huwag mong saktan ang babaeng lumaki na kayo ang kasama at nagtiwala sayo," wika ni Marcus kaya isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko. "See? 'Yang ngiti mong 'yan, parang hindi totoo ang mga sinasabi mo sa akin," ani niya kaya natawa na ako ng mahina. "Don't worry bro. May konsensya naman ako, at hindi naman ako mapaglaro," wika ko. Sya naman ngayon ang natawa at tinapik ako sa balikat. Ngumuso siya sa isang lugar kaya tinignan ko ang inginunguso niya. Napangiti ako ng makita ko si Adi. Ngiting totoo kaya natawa sa akin sila Marcus. "Sige na, ililigaw namin 'yung mga kasama niya para masarili mo na 'yang babaeng mahal mo," wika ni Marcus kaya bigla akong natawa. Humugot ako ng malalim na paghinga at tinitigan ko si Adi na masayang nakikipag kuwentuhan sa kanyang mga kaibigan. "Iuuwi ko na ang girlfriend ko, kayo na ang bahala sa mga makukulit na 'yan dahil susunod at susunod ang mga 'yan. I need some alone time with my girlfriend. Thanks bro, I owe you one," wika ko at nagmamadali na akong lumapit kay Adi. "Uuwi na tayo," wika ko ng hinawakan ko si Adi sa kanyang braso. Nagulat siya at bigla siyang napaharap sa akin. "Sige sasama na kami sa inyo, kahit na ano pa ang sabihin mo ay hindi namin iiwanan si Adi, kahit na ano pa ang mangyari!" wika ni Trisha, pero bigla siyang tinawag ni Marcus. "Hey, Trisha! Kakain kami ng ice cream nila Mayson, gusto ba ninyong sumama?" Biglang napalingon si Trisha kay Marcus at nanlaki ang mga mata nito na biglang tumakbo palapit kila Marcus. Isinigaw pa niya na ako na raw ang bahala kay Adi at huwag ko daw itong pababayaan. Galit na galit naman si Jhovel kaya sinigawan niya si Trisha na hindi daw maaasahan. "Ikaw Jhovel, ayaw mo bang sumama sa amin? Kakain kami ng ice cream," ani naman ni Hugo kaya lumuwa ang mga mata ni Jhovel at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan nila Hugo. At katulad ni Trisha ay inihabilin din sa akin ni Jhovel si Adi kaya tawa ako ng tawa. Si Adi naman ay hindi makapaniwala sa kanyang mga kaibigan. "Grabe kayo! Talagang pinababayaan na ninyo si Adi. Nakakainis kayo!" ani ni Ynah pero tinawag din siya ni Harvey. Hindi pa tapos magsalita si Harvey ay tumakbo na agad si Ynah at nag goodbye pa kay Adi kaya tawang-tawa talaga ako sa mga kaibigan ng girlfriend ko. Napatingin ako kay Avvi na nakatayo lang sa tabi ni Adi at bumubulong na siya daw ay hindi patutukso katulad nila Trisha. Pero tinawag siya ni hanz at ni Zyler kaya tumitili pa si Avvi na lumalapit sa dalawang magpinsan. "Nakakahiya kayo! Pinagpalit ninyo ang friendships natin sa mga Dux!" inis na ani ni Adi. "Basta 'yung itinuro namin sayo ha, pilitin mong pagkasyahin sa bibig mo," wika ni Trisha kaya biglang napayakap sa akin si Adi na ikinagulat ko at isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko sa sobrang hiya. Tawang-tawa naman ako, pero nagpasalamat ako kila Marcus at kumaway pa sa amin ang mga kaibigan ng aking girlfriend. "Nakakahiya sila!" bulong niya kaya mas lalo tuloy akong natawa. "Tara na, huwag kang matakot sa akin, I will take good care of you," bulong ko at kinuha ko ang kanyang kamay at pinagsalikop ko ang aming mga palad. Pagkatapos ay naglakad na kami palabas ng mall upang makauwi na. Dinala ko siya sa aking penthouse. Nagulat siya dahil inaasahan niya na sa mansyon ng mga magulang ko siya dadalhin. Pero dito ko siya dinala dahil gusto kong masarili ang girlfriend ko. Binuhat ko siya at dinala ko siya agad sa aking silid. Nakikita ko na kinakabahan siya, nakikita ko ang pag-aalinlangan niya ngunit papawiin ko ang mga nararamdaman niya sa pamamagitan ng aking pagmamahal. Nang aking mga halik at ipapalasap ko sa kanya ang walang hanggang kaligayahan. "I love you Adi, pangako hindi kita sasaktan," bulong ko sa kanya at siniil ko siya ng halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD