Kabanata 16

2488 Words
Mark's Pov Habang hinihimas ko ang buhok ni Hana hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya kaya naman dahan dahan kong inalis ang ulo niya at kumuha ako ng unan. Tumayo na ako at nilagyan ko siya ng kumot sabay hinalikan sa noo. Napangiti naman ako dahil mahimbing siyang natutulog ngayon. Lumabas na ako ng kwarto para bumalik sa opisina ko. Habang nag lalakad ako nakasalubong ko bigla ang hari kaya naman yumuko agad ako para mag bigay galang sa kanya. "Hindi mo pa natatapos trabaho mo. Saan ka nanaman nag punta?" Tanong niya sa akin. "Nag karoon lang po ng importante na gagawin," sabi ko sa kanya at naningkit naman ang mga mata niya. "Kinausap mo nanaman iyong babaeng mahal mo?" Tanong niya sa akin at napangisi naman siya sa akin kaya tumango tango ako. "Nag mana ka talaga sa akin," sabi niya sa akin sabay ginulo niya ang buhok ko. "Sige na bumalik ka na sa trabaho mo, pupuntahan ko lang si Ina mo baka kasi namimiss na din ako," sabi niya sa akin kaya nag tawanan naman kaming dalawa. Nag simula na ulit ako mag lakad papuntang opisina ko. Nang makarating na ako doon, nandoon na din ang apat nag hihintay sa akin kaya naman kinuha ko muna ang mga papel kung saan doon nakasulat ang iba pang gagawin namin. "Ang tagal mo naman bumalik siguro may ginawa pa kayo hindi ba?" Narinig kong sabi ni Mac at napangisi ito dahil alam kong nag bibiro lang ito. "Wala kaming ginawa, pinatulog ko lang siya para makapag pahinga pa," sagot ko naman sabay umupo sa silya. "Ano susunod na gagawin natin?" Tanong naman ni Leo. "Kailangan sa ibang parte ng garden maayos iyong fountain kasi ang huling inutos sa akin ni Ama ay may leak daw ang tubig doon," sabi ko sa kanila at pinakita ko naman ang drawing ng fountain at tinuro ko sa kanila. "Sige kaya na namin iyan. Balik ka na sa mahal mo," sabi naman ni Jarvis kaya naman hinampas ko siya ng papel. "Tarantado ka talaga kung ano ano na naman iniisip mo about sa amin dalawa wala pa nga ako sa step na iyon," sabi ko sa kanila at nag tawanan namin kaming lima. Tumayo na kami para pumunta sa garden habang papunta kami doon nagulat naman kami dahil may babae doon na nakatayo sa pasukan ng garder. "Sino iyong babaeng iyon?" Tanong ni Mac. Pag harap nito si Sofia iyon noong makita ako biglang tumakbo ito palapit sa akin at niyakap ako kaya naman hinayaan ko siya dahil alam kong sobrang close namin noong mga bata palang kami. "Namiss kita Cousin!" sabi nito at napatingin sa akin ang apat sabay napailing iling kaya naman sumenyas ako na mauna nalang sila doon. "Bakit nandito ka? Wala ka bang ginagawa sa palasyo niyo?" Tanong ko sa kanya. "Wala kaya naisipan kong pumunta dito at dalawin ka! Kamusta naman ang Cousin ko?" sabi niya sa akin at inayos niya ang buhok ko kaya naman hinawakan ko ang kamay niya. Inalis ko iyon. "Ayos lang ako. Dapat sa ibang araw ka nalang dumalaw kasi may ginagawa ako eh," sabi ko sa kanya at tinuro ko ang fountain kung nasaan ang apat. "Ganoon ba? Hihintayin nalang kita sa dinner. Dalawang araw naman ako dito sa palasyo niyo," sabi niya sa akin. Kinabahan naman ako dahil hindi pa niya nakikilala si Hana baka mag takha siya. Alam ko din na may gusto sa akin ito kaya kung makayakap sa akin wagas. "Sige." Iyon lang ang sagot ko at umalis naman na siya. Lumapit naman ako sa apat at tinignan nila ako. "Kilala na ba niya si Hana?" Tanong ni Mac saakin sabay umiling iling naman ako at lalo silang nagulat. "Paano kung malaman niya?! Tapos wala ka doon?! Kung ako sayo babalik na ako doon sa kwarto ni Hana para bantayan siya," sabi niya sa akin. "Hindi naman masama si Sofia kagaya ni Francheska na masama," sabi ko sabay tumawa naman silang apat. Alam kasi nila na may gusto talaga sa akin si Francheska kaya tuwing sinasabi ko na masama si Francheska natatawa silang apat. "Pero para sa akin mas bagay sayo si Hana kasi simple lang siya at walang arte. Hindi kagaya ng ibang babae diyan maarte," sabi naman ni Jarvis. "Mahal na mahal ko si Hana. Hindi ko siya pag papalit sa kahit sino. Walang makakahadlang sa amin." Pag kasabi ko niyon bigla naman ang sigawan ang apat kaya naman pinag babatukan ko sila. "Ang ingay niyo baka marinig tayo ng mga katulong dito. Alam mo naman iyong mga iyon mga tsimosa iyon," sabi ko sabay tumawa naman sila. Tumahimik naman na sila kaya naman ako umupo ako dito sa malaking silya. Habang nakaupo ako pag lingon ko sa gilid nakita ko si Sofia na nag lalakad papunta dito pero parang may kasama siya na babae at nagulat ako noong makita ko si Hana na hawak hawak niya mismo sa braso. "Cousin! Sino itong babaeng ito bakit nasa kwarto mo?!" Tanong niya sa akin at nagulat ako ng ihagis niya si Hana kaya naman sinalo ko kaagad siya at hinawakan ko ang kamay niya. "Mark." "Shh," sagot ko. "Nakalimutan kong sabihin sayo na may kasintahan ako. Bakit ka nagagalit na meron akong ganito? Nag seselos ka ba?" sabi ko sa kanya at bigla naman siyang nainis lalo. "Hindi daw siya prinsesa Cousin! Bakit mo mamahalin ang isang tao na hindi naman prinsesa hindi ba dapat ako iyong babaeng naka takda sayo na pakasalan ka?!" sabi nito kaya naman napailing iling ako. "Totoo ba iyong Mark?" Narinig kong tanong sa akin ni Hana. "Hindi totoo iyon, wag kang mag alala hindi ako maaagaw ng iba." Mahina kong sabi sa kanya at diniinan niya ang pag kapit sa kamay ko. "Hindi pa pala nasasabi sayo ni Ina na puputulin nanamin ang inayos niyang kasal para sa atin dalawa kasi ang sabi niya sa akin kapag nakahanap ako ng taong mamahalin ko mawawalan na ng bisa iyong inayos na  kasal," sabi ko sa kanya at lalo siyang nanlisik ng tingin kay Hana. "Hindi pwede iyon Cousin kasi kung hindi siya prinsesa hindi kayo pwedeng mag pakasal sa palasyo mo," sabi niya sa akin. "Ano naman kung hindi? Mahal ko si Hana at wala kang magagawa doon. Kung makikipag away ka lang umalis ka nalang." Pag kasabi ko niyon hinarap ko si Hana sabay ngumiti ako. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at tumango tango naman siya. Tinignan ko naman ang kamay niya. "Mark totoo bang wala kang paki kahit hindi tayo dito sa palasyo ikasal?" Tanong niya sa akin sabay ngumiti naman ako. "Oo kahit sa lumang bahay lang tayo ikasal masayang masaya na nga ako," sabi ko sa kanya sabay napangiti naman siya at niyakap niya ako. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" Narinig ko pa ang boses ni Sofia kaya pag harap ko wala na siya doon. "Nagising tuloy ako dahil sakanya kasi sumigaw siya pag pasok niya sa kwarto natin," sabi ni Hana at pag harap ko sa apat nakatingin sila sa akin sabay bumalik sa ginagawa nila. "Taposin niyo iyan trabaho. May gagawin lang ako," sabi ko sa kanila. "Lagi ka naman may ginagawa. Sige na kami na bahala dito." Narinig kong sabi ni Mac. Bumalik naman kami sa kwarto namin ni Hana. Pinaupo ko siya sa kama sabay umupo din ako. "Pasensya kana sa Cousin ko. Ganoon talaga iyong babaeng iyon huwag kang mag alala pag sasabihan ko siya," sabi ko sa kanya. "Okay lang Mark hindi naman siya nakaapekto sa pag mamahalan natin," sabi niya saakin kaya naman nag init ang pisngi ko. "Sige pag pahinga ka lang diyan para bukas malakas kana at maturuan na kita sa hapon," sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Bago ako umalis, hinalikan ko siya sa noo. Lumabas na ako sabay bumalik na sa garden. Pag balik ko doon nakita ko na inaayos pa din nila iyong inutos ko sa kanila. "Hindi pa din kayo tapos?" Tanong ko sa kanila. "Hindi pa mukhang mahirap iikot iyong turnilyo," sabi ni Mac sabay napatingin naman ako doon. Hiningi ko ang hawak nilang materyales. Ako mismo ang nag tanggal at bigla naman silang namangha sabay napatingin ang apat sa akin. Natawa naman ako dahil sa pag tingin nila sa akin. "Hindi kasi kayo malakas kagaya ko. Mag palakas nga kayo paminsan minsan," sabi ko sa kanila. "Ano ba dapat inumin namin para lumkas kami?" Tanong ni Leo sa akin. "Walang iniinom mag excersise ka lang sa umaga," sabi ko sa kanya at napatango tango naman siya. "Iyan ba iyong sa kamay na papalakihin mo muna?" Tanong niya sa akin kaya naman binatukan ko siya. "Hindi iyon! Mga bastos talaga kayo bilisan niyo tapusin niyo na ito. Bukas kasi iba na naman ang gagawin natin," sabi ko sa kanila sabay tumango tango naman sila. Bumalik naman ako sa opisina para taposin ang ibang mga papeles na binigay sa akin ni Ama. Habang nag susulat ako, naiisip ko si Hana. Napailing iling naman ako dahil hindi ako makapag focus sa ginagawa ko. Pinag patuloy ko ulit ang pag susulat ko maya maya natapos ko na siya sabay umunat ako. Lumabas na ako at pag tingin ko sa may garden nakita ko ang apat. Tapos nag kwekwentuhan na lang sila napatingin ako sa orasan ko sa opisina, hapon na pala. Papauwiin ko na sila. Nag lakad naman ako palapit sa kanila at napansin nila na palapit ako kaya huminto sila sa pag kuwentuhan. "Puwede na kayong makauwi. Bukas maaga kayo dito," sabi ko sa kanila at yumuko naman silang apat. "Sige alis na kami Mark," sabi nung apat. "Good luck sa inyong dalawa ni Hana," sabi naman ni Jarvis at tuluyan na silang lumabas ng garden. Bumalik naman ako sa opisina at umupo ako sa sofa doon. Habang nakaupo ako, pinikit ko ang mga mata ko dahil pagod na pagod ako sa trabaho ngayon. Sino bang hindi mapapagod sa kakaisip ng mga gagawin. Ito kasi iyong inutos sa akin ni Ama kasi hindi niya kayang taposin ang ibang gagawin kaya sinabi niya na tumulong ako. Hana's Pov Naimulat ko ang mga mata ko at nakita ko na madilim na sa labas. Napatingin naman ako sa orasan at nakita ko doon na alasais na pala. Bumangon ako sabay umunat ako hindi pa ba tapos si Mark? Inayos ko muna ang suot ko sabay pati na din ang buhok ko inayos ko. Lumabas ako sa kwarto at nag punta ako sa garden. Wala naman sila na dito saan kaya iyong opisina ni Mark? Kakalingon ko, may nakita akong isang maliit na bahay kaya pumunta naman ako doon. Sumilip ako at nakita ko si Mark na natutulog doon sa may sofa. Napangiti ako at dahan dahan kong binuksan ang pintuan para pumasok ako sa loob. Dahan dahan ko din sinarado ang pintuan para hindi talaga siya magising. Tinignan ko naman ang mga trabaho na ginawa niya. Napatango tango lang ako dahil alam ko na pagod na pagod siya sa trabaho. Lumapit ako sa kanya sabay umupo ako dito sa may maliit na silya para matitigan ko siya. Hahawakan ko na sana ang buhok niyo ng biglang dumilat ang mga mata niya at hinawakan ang kamay ko. "Ikaw lang pala." Bulong niya at tumibok naman ng sobrang bilis ang puso ko dahil hinawakan niya ang kamay ko. "Nakakagulat ka naman. Hindi ka man lang gumising ng hindi ka mang gugulat," sabi ko sa kanya sabay tumawa naman siya. "Mukhang bagong gising ka lang din," sabi niya sa akin at hinawakan niya ang buhok ko kaya napaiwas ako ng tingin. "Akala ko kasi hindi ka pa tapos sa trabaho kaya pinuntahan kita dito," sabi ko sa kanya sabay tumayo naman siya at kinuha ang jacket niya. "Tara na. Sigurado akong hinahanap na tayo ni Ina at Ama para sa dinner ngayon gabi," sabi niya sa akin kaya naman tumayo na din ako. Lumabas na kami sa opisina niya at hinawakan niya ang kamay ko. Nag lakad na kami papasok sa loob ng palasyo. Papunta na kami sa hapag kainan ng makita namin ang Reyna na pabalik kasama ang Hari kaya naman napahinto kaming dalawa. "Tapos na kaming kumain. May pag kain pang nakahanda doon kailangan na kasi mag pahinga ng Ama mo," sabi ng reyna at yumuko naman kaming dalawa ni Mark. Nandito na kami at pinaupo naman ako ni Mark sa tabi niya kasi kapag kasama ang Reyna at Hari. Hindi kami mag katabi pero ngayon mag  katabi kami. "Ngayon lang tayo mag kakatabi sa hapag kainan kaya i-enjoy na natin," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako at kinuha ko ang ulam na kanina ko pa naamoy kasi mukhkang masarap eh. Habang kumakain kaming dalawa nakita ko na nakatitig nanaman sa akin si Mark kaya naman uminom ako ng tubig para makapag salita ako. "Bakit mo nanaman ako tinitignan?" Tanong ko sa kanya. "Wala." Sagot naman niya sa akin kaya naman iniba ko ang usapan. "Bukas puwede na yata ako mag ensayo sa ituturo mo sa akin," sabi ko sa kanya at unti unti naman siyang napatingin sa akin dahil kakainom lang niya ng juice. "Sigurado ka ba?" Tanong niya sa akin. "Ibang Mark makakaharap mo bukas ayos lang sayo iyon?" Tanong niya sa akin at tumango tango naman ako. "Kaya ko naman wala pang nararamdaman sa isa alam ko na kung paano ka mag turo sa akin. Mahigpit ka talaga," sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya. Sinabayan ko naman ng pag subo ng tinapay. "Basta bukas handa na ako! Espada na ba ituturo mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Magaling ka naman na sa Archery kaya sige espada na ang ituturo ko sayo pero madali lang ang ituturo ko sayo muna naiintindihan mo?" sabi niya sa akin at tumango tango naman ako sabay uminom ako ng juice. Pag tapos namin kumain bumalik na kami sa kwarto namin dalawa. Maliligo muna daw si Mark kasi naiinitan daw siya hindi ko nga alam kung anong klaseng init iyon. Humiga naman ako sa kama at nag pagulong gulong ako doon. Kailangan kong maging malakas kagaya niya sa labanan. Napatingin naman ako sa labas at tinignan ko ang langit. Namimiss na kaya nila ako? Hindi ko namalayan na pumatak na naman ang luha ko kaya pinunasan ko kaagad iyon pero hindi pa din talaga humihinto kaya naman sinabunutan ko ang sarili ko. "Anong ginagawa mo sa sarili mo?" Nagulat ako dahil narinig ko ang boses ni Mark kaya naman napalingon ako sa kanya. "Bakit ka umiiyak?!" Pag aalala niyang tanong sa akin sabay lumapit kaagad. "Wala ito napuwing lang ako may alikabok kasi 'yata iyong kurtina dito sa bintana," sabi ko sa kanya at nilayo naman niya ako sa bintana. "Papalinis ko sa mga katulong iyan bukas wag kang mag alala," sabi niya sa akin. Hindi naman kailangan iyon pero hayaan mo na nga. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD