Kabanata 15

2542 Words
Hana's Pov "Saglit lang po!" Sigaw ko at napahinto naman ang mang gagamot sabay napalingon sa akin. "May masakit pa ba na ibang parte sayo?" Tanong ko sa kanya at umiling iling naman ako. Yumuko ako para mag bigay galang. "Salamat po sa pag gamot ng sugat ko," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang napangiti. "Ikaw lang ang tao na nag pasalamat sa akin ng ganyan," sabi niya sa akin at may kinuha naman siya sa bag niya isang papel iyon na may nakasulat. "Kung may masaktan sainyong dalawa, hanapin mo lang ako," sabi niya sa akin sabay tinap niya ang ulo ko at umalis na siya kaya napangiti naman ako. Pag talikod ko nakita ko si Mark na nakangisi, lumapit sa akin at sabay yumuko naman siya kahit na nag lalakad na ang mang gagamot palabas. "Pasensya ka na kung hindi ako nag pasalamat. Napakabait mo talaga," sabi niya sa akin at tinignan ko naman ang papel may nakasulat na pangalan doon. Ang pangalan niya pala ay Robert Quian. Tinupi ko naman ang papel at bumalik na kami sa may kwarto pag pasok ko umupo naman ako sa kama. "Dapat ganoon kahit na late sila kailangan mag salamat ka pa din," sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya. "Bakit nandiyan ka sa sofa? Diyan ka ba matutulog?" Tanong ko sa kanya at bigla naman siya nalungkot kaya natawa. Akala niya ba nagagalit ako sa kanya? "Galit ka sa akin kasi hindi ako nag pasalamat sa mang gagamot," sabi niya sa akin kaya naman natawa ako ng kaunti. "Hindi ko kayang magalit sayo Mark. Halika na dito ka na sa kama," sabi ko sa kanya at unti unti naman siyang napangiti sabay lumapit sa akin. Humiga siya sa tabi ko. "Mag pahinga ka na para gumaling agad sugat mo," sabi niya sa akin. Ganoon ba iyon? "Ganoon ba iyon? Parang hindi naman," sabi ko sa kanya at tumawa naman siya. Pinikit ko naman ang mga mata ko para makatulog na ako pero bago ako makatulog ng tuluyan naramdaman kong hinawakan ni Mark ang kamay ko na may sugat. Napangiti naman ako. Kinaumagahan pag gising ko wala sa tabi ko si Mark siguro nag tratrabaho na siya. Pag tayo ko, tinignan ko ang kamay ko kinuha ko na ang tuwalya ko at sabon na gagamitin ko. Pag labas ko nagulat ako ng may mga lalaki na papunta dito mukhang kasama ata ni Mark 'to sa trabaho niya kaya naman dali dali akong nad lakad papuntang banyo. "Iyon ba iyong kasintahan ni Mark?" Tanong nya sa akin. "Parang siya nga sabi kasi maliit daw iyong kasintahan niya eh." Naririnig ko kayong apat kaya naman napahinto ako. "Pero ang narinig ko pangit daw." Kaya naman napalingon ako sa kanila at nagulat silang apat. "Naririnig ko bulungan niyo kahit malayo kayo. Katrabaho ba kayo ni Mark?" Tanong ko sa kanilang apat at nakatitig lang sila sa akin. "Oo kababata niya din kami. Ikaw ba iyong kasintahan ni Mark?" Tanong sa akin ng isang lalaki na nakakulay gray na damit. "Oo bakit may reklamo kayo?" Mataray kong sabi sa kanila at halatang natatakot naman silang apat. "Nakasuot siya nang pang laban, hindi kaya?" Bulong nila sa isa't isa. "Tinuturuan pa lang ako ni Mark wag kayong matakot," sabi ko sa kanila. "Ako nga pala si Mac Ainsworth," sabi ng nakasuot ng gray na damit. "Ako naman si Jarvis Ainsworth," sabi naman ng nakakulay pula. "Ako naman si Walter Ainsworth." Napatingin naman ako sa naka suot ng kulay itim na damit. "Ako naman si Leo Ainsworth." Teka mag kakapatid silang apat? "Mag kakapatid kayong apat?" Tanong ko at tumango tango naman sila. "Ako nga pala si Hana Belle." Pag kasabi ko niyon biglang may humawak sa ulo ko at naramdaman ko na matangkad. Si Mark 'to. "Anong ginagawa niyo dito? Kaya pala ang tagal niyo nakikipag usap pa kayo sa mga babae dito?" Boses ni Mark iyon kaya naman natawa ako. "Pasensya na nakita lang namin iyong kasintahan mo kaya nag pakilala na din kami," sabi nung Leo sabay kumakamot siya sa ulo niya. "Bumalik na kayo sa opisina ko," sabi ni Mark sabay yumuko naman silang apat sa amin. Pag ka alis nila humarap naman ako kay Mark. "Hindi ko alam sila iyong kababata mo, kamusta naman iyong trabaho mo?"tanong ko sakanya at hinawakan naman niya ang pisngi ko. "Ayos lang naman ikaw maligo ka na," sabi niya sa akin at napanguso naman ako. "Oo na alam ko iyon," sabi ko sa kanya at nag patuloy naman ako mag lakad papunta sa banyo. Nararamdaman ko pa rin iyong mga yapak ng paa niya kaya lumingon ako. "Bumalik ka na doon sa opisina mo," sabi ko sa kanya. "Kaya nga dito din iyong daan. Iba siguro iniisip mo," sabi niya sa akin at nag init naman ang pisngi ko. "Hindi ko iniisi iyon! Tsaka ikaw lang nag iisip ng mga ganoon bagay," sabi ko at buti naman nandito na ako sa harapan ng banyo kaya pumasok agad ako. Pag pasok ko sa loob walang tao buti nalang ako lang mag isa dito. Hinubad ko na ang suot ko pag tapos nilugay ko ang buhok ko at naligo na ako. Pag tapos kong maligo nakalimutan kong bit bitin iyong dress na susuotin ko kaya napatampal ako sa pag mumukha ko, tanga mo talaga Hana. Sumilip ako sa labas pero wala naman mga katulong na nag lilibot kaya lumabas agad ako. Naka balabal lang iyong tuwalya sa katawan ko sabay nag lakad papuntang kwarto ko. Nagulat naman ako nang nandoon ang Robert na nang gamot sa akin kagabi kaya naman tumalikod ako pero biglang humapdi ang sugat ko kaya napasigaw ako. "Mahal na prinsesa ano nangyari?" Narinig ko ang boses ni Robert pag lingon ko bigla siyang napatalikod dahil nakabalot lang sa akin ay tuwalya. "Hindi ka pa nag bibihis bakit lumabas ka na ng banyo? Mag bihis ka muna," sabi niya sa akin kaya naman dahan dahan akong pumasok sa kwarto ko. Pag pasok ko nakita ko na nakalapag sa kama ko ang kaparehas ng suot ko kahapon pero kulay blue naman siya. Sinuot ko na iyon  at sinuklayan ko ang buhok ko. Pag tapos ko niyon binuksan ko na ulit ang pintuan para papasukin ang mang gagamot. "Pasensya ka na ah. Nakalimutan ko kasing dalhin iyong susuotin ko," sabi ko sa kanya. "Ayos lang gagamotin ko ulit iyong kamay mo mukhang hindi pa siya magaling. Humapdi ba kanina?" Tanong niya sa akin. "Oo kaya napasigaw ako. Buti nalang tayong dalawa lang nandoon baka kung nandoon si Mark kabahan na naman siya," sabi ko sa kanya. Nilagyan niya ng durog na dahon sabay binalutan ng tuwalya na kulay puti. "Siguro mag pahinga ka muna sa ngayon wag kang masyadong mag buhat ng mabigat," sabi niya sa akin at tumango tango naman. "Salamat ulit," sabi ko sa kanya at yumuko lamang siya. "Sige mauna na ako. May iba pa akong gagamutin," sabi niya sa akin kaya naman naiwan na ako dito mag isa sa kwarto. Tumayo naman ako at lumabas ng kwarto. Gusto ko pumunta sa garden ulit kasi napakaganda doon eh doon nalang muna ako mag tatambay. Nakarating na ako sa garden pero ang nakita ko doon ay si Mark na nag tuturo sa mga puno kaya nag tago naman agad ako para hindi niya ako mapansin. "Bakit nandito siya?" Bulong ko sa sarili ko. Nakita ko din iyong apat na nandoon may bitbit na mga gamit na hindi ko alam. Siguro puputulin nila iyong puno pero mukhang maganda pa naman iyong puno. Bakit kaya nila puputulin? Tatambay pa ba ako o gagala nalang ako? Tinitigan ko naman si Mark dahil napakagwapo niya talaga. Hindi ko namalayan na palapit ng palapit na pala ako sa kanila. "Hana?" Nagulat ako dahil bigla akong tinawag ni Walter kaya tatalikod na sana ako. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong naman ni Mark at lumapit siya dito sa akin kaya hindi ko na nagawang tumakas. "Tatambay sana ako dito kaso may ginagawa pala kayo na trabaho dito," sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin kaya nag takha ako. "Pwede ka naman tumambay dito. Upo ka doon sa duyan," sabi niya sa akin at pumunta naman kami sa may duyan sabay pinaupo niya ako at lumuhod naman siya. "Nilagyan na ba ulit ito ng gamot?" Tanong niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Oo nilagyan niya na nag pasalamat na din ako," sabi ko sa kanya nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya iyon. "Babalik na ako sa trabaho ko," sabi niya sa akin at lumapit naman siya sa apat. Nakatingin din ang tatlo sa akin kaya natawa ako. Nako wag nila ako aagawin kay Mark kasi alam kong seloso itong si Mark. Habang nandito ako sa duyan, tinitignan ko ang ginagawa nila. Kumapit ako sa bakal sabay nag sway ako sa duyan. Habang nag sway ang duyan, naka tingin ako sa langit. Ang sarap ng hangin na tumatama sa mukha ko. Huminto ako at magii-sway na sana ulit ako ng bigla kong madiinan ang kapit sa bakal kaya napasigaw ako sa sakit. "Anong nangyari?!" Narinig ko ang sigaw ni Mark at nakita ko sa kamay ko na may dugo na lumabas doon kaya naman napatitig na naman ako. "Hana iyong kamay mo!" Narinig ko naman ang boses ni Leo kaya napatingin ako sa kanila na nag aalala. Binuhat naman ako ni Mark. Nakita ko na papasok kami sa kwarto ko pag tapos niyon nilapag niya ako aalis na sana siya para siguro tawagan iyong mang gagamot ng pigilan ko siya. "Kasalanan ko 'to. Ako nalang mag lalagay ng gamot kung meron kayo dito," sabi ko sa kanya at umiling iling naman siya. "Hindi pwede kailangan mang gagamot mag lagay niyon," sabi niya sa akin pero pinigilan ko pa din siya kahit na masakit iyong kamay ko sa pag hawak sa kamay niya. "Hana tumutulo na iyong dugo lalo!" Sigaw niya sa akin. "Akala ko ba hindi ka magagalit sa akin? Akala ko ba magagalit ka lang pag tinuturuan mo ako?" sabi ko sa kanya at hinawakan niya naman ang kamay ko para alisin niya iyon sa pag kakahawak ko sa kanya. "Sige bibigyan kita ng gamot," sabi niya sa akin sabay lumabas naman siya at nakita ko sa may pintuan iyong apat na nakatingin sa akin. "Nahihiya ba kayong pumasok?" Tanong ko sa kanila habang nakangiti ako. "Tapang mo pala kahit may sugat ka hindi ka man lang umiyak. Hindi kagaya ng mga nakilala namin na prinsesa iyakin." Nag tawananan ang apat ng sinabi ni Leo iyon. "Hindi naman ako prinsesa," sabi ko sa kanila at bigla naman silang napapasok dito. "Kung hindi ka prinsesa? Paano ka nakapasok dito sa palasyo at paano mo nakilala si Mark?" Tanong naman sa akin ni Walter. "Nakilala ko siya sa labas. Nabunggo ko siya," sabi ko sa kanya at bigla naman sila nagulat. Para namang mga bakla 'to kung magulat kaya natawa ako. "Ang swerte mo naman pala," sabi ni Mac. "Eto na iyong mga gamot," sabi ni Mark at nakita niya ang apat na nandito. "Sino nag sabi na pumasok kayong apat dito?" Seryoso na sabi ni Mark kaya naman sumingit ako sa sinabi niya. "Hayaan mo na sila kinamusta lang nila ako. Bigay mo na sa akin iyong gamot kuhanan mo din ako ng malinis na panyo," sabi ko sa kanya. "Anong panyo?" Tanong niya sa akin. "Kagaya ng nakabalot sa kamay ko ganto." Pinakita ko ang kulay puti na maliit na parang panyo talaga siya para sa akin. "Sige saglit lang," sabi niya pero bago ko siya makaalis may sinabi ako. "Bakit kaya hindi mo utusan iyong apat? Ikaw ang prinsipe na inuutusan sila hindi ba?" Tanong ko sa kanya. "Mga prinsipe din sila," sabi niya sa akin. "Alam ko pero kailangan kita dito sa tabi ko eh," sabi ko sa kanya at nakita ko na namula ang pisngi niya. "Mac ikaw kumuha ng sinasabi ni Hana," sabi ni Mark sa kanya at sumunod naman ito agad sa inutos. Umupo naman si Mark sa kama sabay hinawakan ang kaliwang kamay ko. Habang hinihintay namin si Mac, mag katitigan lang kaming dalawa ni Mark. "May laro ako," sabi ko naman sa kanya. "Kapag pumikit ka ipagluluto mo ako ngayon gabi," sabi ko sa kanya. "Sige ba," sabi niya sa akin kaya naman nag titigan kaming dalawa. Ang ganda ng mga mata niya pero kailangan kong mag focus para hindi ako matalo. "Kapag ikaw ang pumikit, may gagawin ako sayo,"sabi niya sa akin kaya naman tumango ako kahit na nakatitig ako sa kanya. "Oorasan ko kayo!" Narinig kong sabi ni Leo. Binibilang ko din ang oras at lumipas na ng minuto hindi pa din pumipikit si Mark. "Ito na nakakuha na ako." Narinig ko ang boses ni Mac. "Anong ginagawa ng dalawa?" "Titigan daw na laro" "Pag natalo daw si Hana may gagawin si Mark sa kanya sa gabi," pag kasabi ni Jarvis niyon napakurap ako kaya natalo at napasigaw. "Ang daya! Bakit kasi ang ingay niyo!" sabi ko sa kanila at nag tawanan naman ang apat. "Ako ang nanalo. Mamayang gabi alam mo na?" sabi sa akin ni Mark kaya naman wala na akong nagawa. Inasikaso ko na ang sugat ko nilagyan ko na siya ng gamot sabay iniligay ko ang kulay puti na parang panyo. Pag tapos niyon isang kamay ko langang ginamit ko pang tali. "Sabi ko sayo kaya ko sarili ko sa lahat," sabi ko naman kay Mark. "Oo na kaya mo na sarili mo," sabi naman ni Mark sa akin. Umalis naman na ang apat pero si Mark nanatili sa tabi ko dito. Habang tinitignan niya ang kamay ko, ginugulo ko ang buhok niya. "Kahit guluhin mo iyang buhok ko maayos ko pa din iyan," sabi niya sa akin kaya naman hinawakan ko ng madiin iyon bigla naman siyang umaray. "Aray ko! Masakit iyang ginagawa mo Hana ah!" sabi niya sa akin kaya naman tawa ako ng tawa, bigla naman niyang hinawakan ang balikat ko sabay pinahiga niya ako. Nakatitig siya sa akin ngayon bigla naman niya akong hinalikan. Malalim ang halik niya sa akin kaya naman kumalas kaagad ako at nag takha naman siya. "Bakit?" Tanong niya sa akin. "Baka alam mo na bigla ka na naman lumabas ng walang dahilan. Well kahit hindi mo naman sabihin alam ko naman iyon," sabi ko sa kanya at namula naman bigla ang mukha niya. "Hindi kasi sa amin lang mga lalaki lang iyon," sabi niya sa akin at umalis naman siya sa harapan ko sabay bumangon naman ako. "Buti nalang wala pa ako sa ganoon," sabi ko sa kanya. "Bakit may tumitigas ba sayo?" Tanong niya sa akin kaya naman natawa ako. Napatawa na din siya sa sarili niyang biro. "Grabe ka naman sa akin. Wala naman akong ganoon!" sabi ko sa kanya at tawa pa din siya ng tawa kaya naman hinampas ko siya ng unan. Hindi naman siya bumabawi sa pag hampas sa akin kaya naman patuloy pa din ako sa pag hampas sa kanya pero noong napagod ako napasandal ako sa dibdib niya at nasa ibabaw niya ako. Niyakap naman niya ako. "I love you Hana," sabi niya sa akin. "I love you too Mark," sagot ko naman. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD