Kabanata 17

2490 Words
Hana's Pov Kinabukasan maaga akong nagising para mag handa para mamayang hapon. Nasa trabaho ngayon si Mark at ako naman pumunta kung saan ako nag prapractice para sa archery kahit kaya ko naman na 'to. Pero habang nag lalakad ako may kinakain akong tinapay kasi hindi pa ako nag agahan. Pag ka dating ko doon binuksan ko ang ilaw sabay nag lagay ako ng gloves sa kamay ko. Sinimulan ko na ang pag pana ko at tumama iyon sa may ginta. Napangiti naman ako dahil akala ko sasakit pa iyong kamay ko na may sugat kapag humawak ako nito. Matagal akong nag prapractice ng bigla kong marinig na bumukas ang pintuan kaya napatingin ako kung sino iyon. Nakita ko si Mark na kakapasok lang at napangiti pa siya. "Kanina ka pa dito?" Tanong niya sa akin. "Oo kanina pa. Gusto ko lang matuto ng maigi para kapag sa totoong kalaban na ang titirahin ko," sabi ko sa kanya. "Ganoon ba? Alam mo ba ang susunod na papanain mo ay totoong tao pero wag kang mag alala naka armor sila. Hindi sila masasaktan," sabi niya sa akin at nanlaki naman ang mga mata ko dahil excited na ako mangyari iyon. "Pero bago mangyari iyon, sabi mo espada muna ituturo ko sayo hindi ba?" Tanong niya sa akin at napaisip naman ako. Kung uunahin ko ang archery baka matagalan din. "Oo iyong sa espada mamayang hapon," sabi ko wala na akong magagawa iyan na ang napili ko. Kumuha ulit ako ng pana sabay pumorma ako. Pinana ko iyon pero sumamblay siya kaya naman napanguso ako. Narinig ko naman na tumawa si Mark kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit mo ko tinatawanan? Pumunta ka lang dito para asarin ako eh," sabi ko sa kanya sabay bumaba sa pinag tutungtungan ko na kahoy at hinarap siya. "Ngumuso ka kasi iyong hindi tumama sa gitna kaya natawa ako. Mukhang ayaw mo mag pa talo," sabi niya sa akin sabay ginulo ang buhok ko. Buti nalang nakalugay siya hindi nakatali. "Ayoko lang naman na madismaya kita na hindi tumama sa gitna," sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. "Ayos lang naman na sumablay hindi naman ako galit kasi hindi pa naman kita tinuturuan," sabi niya sa akin. "So pag tinuturuan mo pala ako papagalitan mo ako?" Tanong ko sa kanya at tumango tango naman siya kaya naman lalo akong napanguso. Sige payag ako na pagalitan niya ako pero sana wala naman palo kasi nakakahiya iyon. "Sige na bumalik ka na sa trabaho mo," sabi ko naman sa kanya at niyakap niya muna ako bago siya umalis. Pag ka labas niya pinag pa tuloy ko na ang pag pana ko. Hindi ko namalayan na naubos na pala iyong pang pana ko kaya naman pumunta ako sa bilog kung saan doon ko pinapatama iyong mga pana. Hindi ko ineexpect na ganito kabaon iyong pag pana ko sa gitna. Pinilit kong tanggalin at ng matanggal siya tumalsik ako at napaupo ako sa lapag. Napaaray ako dahil tumama iyong pwet ko sa lapag dito na kahoy. Tumayo naman agad ako at napahimas ako sa pwet ko dahil masakit iyon ah akala niyo hindi. Pag tapos ko kunin ang mga pana bumalik na ako sa pwesto ko, nilagay ko iyon sa lagayan niya pag tapos nag simula na ulit ako pag ka pana ko bigla kong narinig na may bumukas ulit na pinto pag lingon ko nakita ko si Nyxon. "Galing naman." Narinig kong sabi niya. Anong ginagawa niya dito? "Ikaw pala iyan Nyxon anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya sabay bumaba ako sa pinag tungtungan ko. "May trabaho lang kami ni Mark na inaasikaso," sabi niya sa akin tapos nandito siya? "Tapos nandito ka sa Archery Room?" Tanong ko sa kanya. "Akala ko kasi walang tao gusto ko kasi mag ganyan," sabi niya sa akin sabay kinuha sa akin ang pana. "Teka hindi ka pa nakakasuot ng gloves." Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng tiniri niya na 'yon at tumama siya sa gitna. "Hindi ko kailangan ng gloves. Ikaw lang may kailangan niyan kasi nag eensayo ka palang 'yata," sabi niya sa akin sabay binigay sa akin iyong pana. "Anong trabaho na inaasikaso niyo?" Tanong ko sa kanya at parang napakuno't naman siya ng noo. "Hindi dapat tinatanong ng isang babae kung anong trabaho ang ginagawa namin, kasi puro lalaki lang nakakaalam ng mga iyon," sabi niya sa akin kaya naman napakuno't ako ng noo. "Ganoon ba? Sa taon kasi namin hindi pati babae nag tratrabaho," sabi ko sa kanya at nagulat naman siya. "Taon mo?  Ibig sabihin totoo iyong sinasabi saakin ni Mark na sa ibang taon ka talaga galing?" Tanong niya sa akin at tumango tango naman ako. "Babalik ka pa taon mo?" Mahina niyang tanong sa akin at hindi naman ako nakaimik. Nalungkot ako bigla. "Mukhang hindi ka naman babalik kasi napamahal na sayo si Mark at alam mo na masasaktan iyong taong mahal mo," sabi niya sa akin sabay napatingin naman ako sa kanya. "Tama ka Nyxon wala akong balak umuwi sa ngayon pero kapag nabigyan ko na siya ng anak aalis na ako," sabi ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya. "Babalik ka talaga?" Tanong niya sa akin at tumango tango naman ako. "Hindi natin alam na pang gulo lang pala ako sa taon niyo kasi dumating ako pero kung hindi ako dumating walang mangyayaring usapan na ganito na meron tayo ngayon," sabi ko sa kanya at napatango tango naman siya. "Kung iyan ang desisyon mo hindi ka naman pipigilan 'yata ni Mark maliban nalang kung sobrang mahal na mahal ka na niya kasi kasal na kayo niyon," sabi niya sa akin. "Sige alis na ako." Dugtong pa niyang sabi at naiwan akong mag isa dito sabay napaupo. Niyakap ko ang mga tuhod ko dahil nalulungkot nanaman ako, naisip ko nanaman kung anong mangyayari kung iwan ko talaga si Mark sa taon niya at bumalik ako sa taon ko. Napahagulgol ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung panaginip ba ito o may tumulak sa akin para mapunta sa taon na 'to. Tumayo naman ako sabay pinunasan ko ang mga luha ko na pumatak galing sa mata ko. Baka kasi biglang sumulpot nanaman si Mark at makita ako na umiiyak baka mag alala lang siya sa akin. Kinuha ko ang pana sabay umakyat sa pinag tungtungan ko. Pumorma ako sabay ipapana ko na sana ng biglang pumatak na naman ang luha ko kaya pinana ko na agad sabay tumama siya sa may gilid lamang. Binitawan ko muna iyon at umupo muna ako para pakalmahin ang sarili ko sa pag iyak ko dito. Mark's Pov Tumingin ako sa orasan at alas kwatro na pala kaya naman ininom ko ang kape ko na hindi ko pa nauubos. Pag tapos kong uminom kinuha ko ang coat ko sabay sinuot ko iyon nag lakad naman ako palabas. Pumunta muna ako sa Archery Room para tignan kung nandoon pa si Hana. Nakarating na ako doon at nagulat naman ako ng nandoon din si Nyxon. "Tapos ka na mag trabaho Mark?" Tanong agad sa akin ni Nyxon at napalingon naman sa akin si Hana sabay ngumiti siya sa akin. "Mark kayang kaya ko na itong Archery tinuruan din ako ng ibang galaw ni Nyxon," sabi niya sa akin kaya naman biglang nawala ang ngiti ko sabay napatingin kay Nyxon. "Ganoon ba? Doon na tayo sa espada para maturo ko na sayo iyong unang gagawin," sabi ko sa kanya sabay sinamaan ko ng tingin si Nyxon. "Huwag kang magalit sa akin Mark wala akong ginawang masama kay Hana nag turo lang ako ng kaunting galaw," sabi niya sa akin pero hindi ko naman pinansin iyon. Hinawakan ko naman ang kamay ni Hana sabay lumabas na kami at nag punta na kung saan ako nag eensayo dati. Nasa Sword Room kami ngayon. Nakarating na kami doon sabay nag palit na kaagad ako. Nag suot ako ng armor pati na din siya nag suot siya buti naman at nautusan ko ang katulong na ihanda na ang mga armor na gagamitin namin at espada. "Ayos na iyong armor sayo?" Tanong ko sa kanya sabay lumapit ako sa kanya. "Oo ayos na siya. Bagay pala sayo naka armor," sabi niya sa akin at hinawakan niya ang dibdib ko kahit na may armor iyon. "Tuturuan na kita Hana kaya kailangan naka focus kana, naiintindihan mo?" seryoso kong sabi sa kanya at bigla naman siyang napatuwid ng tayo niya. "Pero bago mag simula iyong turo mo puwede mo ba akong halikan?" Tanong niya sa akin sabay napangisi naman ako. Hinalikan ko naman siya sa labi pero saglit lang iyon. "Sige na mag sisimula na tayo," sabi ko sa kanya at binigay ko sa kanya ang espada na medyo magaan lang para naman hindi siya mahirapan buhatin. "Ang ganda ng espada pero mas maganda," sabi niya sa akin at bigla naman siyang gumalaw kaya hindi ko nakita iyon. Hinampas niya iyong tuhod ko. "Madali ka lang ma distract Mark," sabi niya sa akin. Bakit parang may alam na agad siya? "Tinuruan ka pa ba ni Nyxon maliban sa Archery?"tanong ko sakanya at umiling iling naman siya. "Nakikita ko lang 'to sa mga pinapanuod ko dati," sabi niya sa akin kaya naman natawa ako at tumayo naman ako ng tuwid. "Napapanuod lang pala. Ituwid mo likod mo tapos tumingin ka sa mga mata ng makakalaban mo," sabi ko sa kanya at agad naman siyang sumunod. Itinuwid naman niya ang katawan niya sabay lumapit ako sa kanya at inangat ko ang kamay niya. Sabay pinag tama namin ang espada namin dalawa. "Kapag nakikipag laban ka kailangan madami mata mo, bawat galaw kasi ng ginagawa ng kalaban hindi mo minsan makikita kaya kailangan mabilis mata mo," sabi ko sa kanya at mukhang nakikinig naman siya. Habang nag lalaban kaming dalawa. Nakatingin lang siya sa mata ko kaya naman napangisi ako umikot naman ako sabay hahampasin ko na sana siya ng bigla niyang iharang ang espada sa mukha niya. "Huwag kang magugulat kasi kapag nagugulat ka baka ma distract ka sa pakikipag laban," sabi ko sa kanya. "Pasensya na nagulat lang din ako," sabi niya sa akin at bumalik naman kami sa puwesto namin. "Kung gusto mo puwede naman kahoy ang gamitin na espada para hindi ka kabahan pero iisipin mo na totoong espada iyong hawak mo," sabi ko sa kanya at napaisip naman siya. "Sige." Sumagot naman siya agad kaya naman kinuha ko ang kahoy na espada sabay binigay ko sa kanya ang magaan din. "Tuwid ang katawan kakasabi ko lang kanina," sabi ko sa kanya sabay tinuwid naman niya ang katawan niya. Sumugod naman ako dahan dahan at nakatitig siya sa akin. Mukhang naka focus naman siya nag laban ulit kaming dalawa . Lumipas ng mahabang oras nakikita ko na pawis na pawis na siya. Umupo muna ko siya naman kumuha ng pamunas sa pawis niya. "Ayaw mo bang tumabi sa akin?" Tanong ko sa kanya sabay napalingon naman siya sa akin sabay ngumiti siya at lumapit dito sa akin. "Gusto naman pinupunasan ko pa kasi mukha ko basang basa ng pawis pati iyong buhok ko, parang naligo tuloy ako," sabi niya sa akin sabay hinatak ko naman siya palapit sa akin. "Nag papahinga tayo kaya puwede na kitang hawakan sa kamay at yakapin," sabi ko sa kanya nakita kong nag init ang pisngi niya. Tumibok naman ng mabilis ang puso ko. "Medyo magaling na ba ako?" Tanong niya sa akin. "May kulang pa. Nag sisimula palang tayo wala pa tayo sa pinakamahirap ako palang ang pinag sasanayan mo sa susunod mga kawal ng Creuch Palace ang makakatapat mo," sabi ko sa kanya at gulat na gulat naman siya. "Hindi ba puwede iyong mga kakilala mo? Kagaya ng Ainsworth Brothers?" Tanong niya sa akin kaya naman natawa ako dahil tinawag niyang Brothers ang Aisnworth. "Puwede naman kaso kasi pagod na iyong apat na 'yon pag tuturuan na kita sa hapon," sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya. "Sige okay na ako sa mga kawal ng Creuch Palace," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako, tumayo naman ako sabay nag unat unat ako. Nakita ko na tumayo na din siya at parang may hinahanap siya sa mga nakalagay na espada, kaya naman lumapit ako sa kanya. "Anong hinahanap mo diyan?" Tanong ko sa kanya. "Gusto ko sanang talian iyong buhok ko kasi nakalugay siya eh," sabi niya sa akin kaya naman kinuha ko muna iyong tali ng na nakabitin sa damit ko at itinali ko iyon sa buhok niya. "Bakit mo sinira iyong damit mo? Hindi mo na magagamit iyan," sabi niya sa akin kaya naman napangisi ako. "Madami akong damit na nakatambak sa kabinet ko kaya wala ka dapat ipag alala sa araw araw na susuotin ko," sabi ko sa kanya at nanahimik naman siya sabay hinawi ko ang kaunting butil ng buhok niya. Sinabit ko iyon sa tenga niya "Handa ka na ba?" Tanong ko sa kanya at tumango tango naman siya sabay pumorma naman siya. "Ikaw unang sumugod saakin ngayon," sabi ko sa kanya sabay sumugod naman siya sa akin at nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka seryoso. Napaatras naman ako dahil malakas ang pag kakahampas niya sa akin kaya naman napangisi ako at tinuwid ko ang katawan ko nakita ko din na hinawakan niya ng maigi iyong espada na kahoy. Sumugod ulit siya sa akin kaya naman ginamit ko nalang isang kamay ko at bigla naman siyang nagulat kaya nakasugod agad ako bigla kaming bumagsak dalawa pero agad kong hinawakan ang ulo niya para hindi tumama sa kahoy na sahig. "Hindi ba sinabihan na kita na kailangan naka focus ka lang sa mga mata ko?" sabi ko sa kanya at bigla naman siyang napaiwas ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap ko ulit iyon sa akin. "Hindi ko namalayan nakatingin din kasi ako sa pag hawak mo ng espada kung paano hawakan iyong espada ng maigi," sabi niya sa akin kaya naman tinulungan ko siyang makatayo. Nakaupo nalang kami dito ngayon dahil napatingin ako sa orasan at alas otso na pala. Mabilis lumipas ang oras ngayon. "Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya at agad naman siyang tumango tango kaya naman napangiti ako. "Sabi ko na nga gutom ka na kaya nawawala ka na sa focus," sabi ko sa kanya at umunat naman ako. "Pero mabuti na may nakukuha kang moves na ginagawa ko. Mabuti iyan," sabi ko sa kanya bigla naman siyang napangiti sa akin. "Talaga?! Hindi ka galit sa akin kasi na didistract ako minsan," sabi niya sa akin. Hindi ko magawang magalit bakit kaya ganoon. "Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagalit. Sweet pa din ako sayo," sabi ko sa kanya bigla naman bumilis t***k ng puso ko ng yakapin niya ako. "Salamat talaga ulit Mark. Marami akong matututunan sayo!" Dugtong niyang sabi para sa akin. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD