Kabanata 5

2293 Words
Hana's Pov Pauwi na kami ngayon ni Mark hindi na sumama si Nyxon sa amin dahil marami daw siyang gagawin. Habang pauwi kami, nag kuwentuhan kami ni Mark. "Bakit parang nag aaway kayo ni Nyxon kanina? Masama tingin niyo sa isa't isa?" Tanong ko sa kanya at napakamot naman siya ng ulo niya. "Hindi ko din alam kung bakit ganito nararamdaman kapag mag kasama kayong dalawa," sabi niya saakin at malungkot ang itsura niya ngayon. "Mark huwag niyo ako pag agawan hindi naman ako prinsesa alam niyo iyon." Malungkot kong sabi sa kanya. "Para sa akin prinsesa ka," seryoso niyang sabi. "Ordinaryong tao lang ako Mark huwag mo ipilit na prinsesa ako mukha akong prinsesa kasi napakaganda ko pero ordinaryo lang ako. Hindi ako bagay sayo lalo na kay Nyxon," sabi ko sa kanya at lalo siyang nalungkot. "Paano kung sabihin ko na bagay tayong dalawa?" sabi niya sa akin at napatingin naman ako sa mga mata niyabg seryoso. "Sa isip mo lang iyan Mark alisin mo na nararamdaman mo sa akin hangga't maaga pa." Sagot ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam din ako ng lungkot. "Hindi ko gagawin iyon," sabi niya at tumingin naman siya sa labas. "Sige ikaw bahal wala naman ako magagawa." Sagot ko at hindi na ulit siya nag salita pa. Makalipas ng ilang oras nakarating na kami sa palasyo at nauna siyang lumabas hindi niya ako tinulungan makababa kaya bumaba naman ako. Sinundan ko siya hanggang makapasok siya sa loob. "Magandang hapon mahal na reyna at hari." Pag bati ko sa nanay at tatay ni Mark. "Bakit ngayon lang kayo? Nilibot niyo ba ang lugar ng Creuch Palace?" Tanong ng reyna kay Mark. "Pumunta kami sa Sullivan Palace dahil gusto makita ni Hana ang lugar doon," seryoso na sabi ni Mark habang nakatalikod. "Bakit ka nakatalikod anak may problema ba?" Tanong naman ng reyna at napatongin ito saakin. "Wala ina pagod lang ako gusto ko mag pahinga." Sabi ni Mark at pinayagan naman ito naiwan ako dito ngayon. "Ijo puwede ka ng tumira ulit dito basta wag mo lang uulitin iyong ginawa niyo ni Mark naiintindihan mo ba?" sabi sa akin ng reyna at tinignan ko siya sa mga mata niya. "Hindi na po mauulit iyon!" sabi ko sa kanya at pinatayo naman niya ako sa pag kakaluhod ko. "Maaari ka nang makabalik sa kwarto mo," sabi niya sa akin at tumango naman ako. Nag lakad na ako at hinanap ko ang kwarto ni Mark dahil hindi ko alam kung saan iyon dito. Nasaan na ba ako hindi ko alam kung saan 'to. Nag patuloy pa din ako sa pag hanap at napahinto ako nang makakita ako ng library. Pumasok ako doon at walang tao doon. Napangiti naman ako dahil noong nasa eskwela ako sa library ako sumasayaw at nag prapractice ng sayaw. Hinubad ko ang dress na suot ko at pinatong iyon sa lamesa, inalala ko iyong dating sayaw na nilaban ko sa competition nagulat ako ng alam ko pa ang mga steps niya. Napahinto ako bigla dahil may kumalabog galing sa likuran ko pag lingon ko si Mark nandoon nabitawan niya ang libro na hawak. "Anong ginagawa mo dito?!" sabi ko at agad kong kinuha ang dress ko. "Ikaw ang tatanongin ko anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin .Akala ko ba pagod siya? Bakit nandito siya sa library? "Sumasayaw ako iyon ang sinasabi ko sayo na kakaiba ang sayaw namin kung saan ako nang galing," sabi ko sa kanya. Napakuno't naman siya ng noo niya ng sabihin ko iyon sa kanya. Tumalikod naman siya bigla kaya nag ka roon ako ng pag kakataon na masuot ko ang dress. "Bilisan mo mag bihis baka pumasok dito bigla si ina at ama. Mahilig sila mag basa ng libro tuwing hapon," sabi niya sa akin at pag ka tapos kong mag bihis ako na mismo ang humarap sa kanya. "Tapos na ako mag bihis," sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. "Galit ka ba saakin?" Tanong ko na din sa kanya at napangisi naman siya. "Hindi ako galit nasaktan lang ako dahil sa sinabi mo kanina may ibig sabihin kasi iyon. Ibig sabihin niyon pinag tabuyan mo iyong nararamdaman ko," sabi niya sa akin at halata sa mga mata niya na seryoso siya sa sinabi niya. "Napakabilis mo naman mahulog sa akin. Wala pang isang buwan gusto mo na agad ako? Para kang na sa lugar ko tuloy kung saan mabilis mahulog ang isang lalaki," sabi ko sa kanya at napaisip naman siya. "Puwede kaya ako pumunta sa lugar mo na iyon?" Tanong niya sa akin paani siya makakapunta sa lugar ko hindi ko pa nga nahahanap iyong butas kung saan ako nahulog. "Hindi ko nga alam pabalik doon tapos gusto mo pang pumunta doon." Natatawa kong sabi sa kanya. "Sabagay gusto mo ba mag simula bukas hanapin iyong sinasabi mo?" sabi niya sa akin buti naisipan pa niyang ayain at tulungan niya ako makabalik sa lugar ko? "Gusto ko talaga mahanap para makabalik na ako. Alam kong nag aalala na sa akin ang pamilya ko doon," sabi ko sa kanya. "Pag nakabalik ka babalik ka pa ba dito sa lugar ko?" Tanong niya sa akin. Bakit bigla niyang natanong iyon? May nararamdaman talaga siya sa akin. "Hindi ko alam kasi baka pag bumalik ako dito baka mag simula ulit sa simula na hindi mo ako kilala," sabi ko sa kanya. "Hindi mangyayari iyon. Tumatakbo ang oras Hana hindi iyon nakahinto," sabi niya sa akin tama naman siya hindi humihinto ang oras. "Paano pala kung may kamukha ako dito na ako talaga mismo iyon pero galinglang sa taon na 'to?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam baka nga hindi ka pa buhay kung meron kang kagaya mo at kamukha mo," sabi niya sa akin. Bakit parang hindi niya ata naiintindihan iyong sinasabi ko? "Mark paani kung sabihin ko na galing ako sa future? Ano gagawin mo?" sabi ko sa kanya at napahinto naman siya sa pag babasa niya ng libro dahil habang nag uusap kami nag babasa siya. "Hindi ako naniniwala na galing ka sa future pero kung totoo nga susunod ako sayo," sabi niya sa akin kaya naman hinampas ko siya. "Huwag ka nga mag patawa Mark hindi mo ako masusundan atsaka may kamukha ka din doon sa lugar ko at taon namin," sabi ko sa kanya. "Kung may kamukha ako doon sa taon niyo siguradong ako pa din iyon nabuhay lang ulit ako niyon," sabi niya sa akin sige na nga hindi na ako kokontra kung may kamukha man siya sa taon ko. "May garden ba kayo dito? Hindi ko pa nakikita garden niyo." Tanong ko sa kanya at sinarado naman niya ang libro na binabasa niya. "Nakalimutan ko na ipasyal ka dito sa buong palasyo namin hayaan mo bukas ipapasyal kita," sabi niya sa akin at tumango naman ako. "Sige sabi mo iyan ah," sabi ko at biglang may pumasok na katulong at tinatawag na kami para kumain. Hindi ko napansin ang oras gabi na pala lumabas na kami at habang nag lalakad kaming dalawa tahimik lang kami at tanging mga sapatos lang namin ang maingay. "Bukas din hahanapin natin iyong sinasabi mo na pinag pasukan mo para makapunta dito." Narinig kong bulong sa akin ni Mark. Nakarating na kami sa hapag kainan at nandoon ang reyna at hari. Bumati kami ng sabay ni Mark pag tapos umupo na kaming dalawa nag simula na kami kumain. "Anak nag hahanap kami ng ama mo ng babae na puwedeng ikasal sayo gusto mo ba ikaw ang pumili o kami nalang ang pipili." Hindi ako umimik at napatingin naman ako kay Mark na hindi din umimik. "Kung ayaw mo naman mag asawa puwede ka din sumali sa labanan gusto mo ba iyon?" sabi naman ng hari kay Mark. "May iba akong gusto." Nagulat ako sa sinabi ni Mark. "Si Hana ba ang gusto mo?" Tanong ng reyna kinakabahan ako sa isasagot ni Mark. "Oo si Hana po iyon," seryoso ang boses niya pag ka sabi niyon. "Hana gusto mo ba ang anak ko?" Tanong sa akin ng reyna. "Hindi ko po siya gusto. Nagiging malapit lang po ako sa kanya dahil tinutulungan niya po ako," sabi ko sa reyna. "Mark hindi ka daw niya gusto ano magagawa mo ngayon?" sabi ng reyna at parang naiinis na si Mark. "Hahanapan ka namin ng binibini para mag pakasal kayo at tandaan mo ikaw ang susunod na magiging hari," seryoso na sabi ng hari at bigla naman napatayo si Mark. "Gagawin ko lahat para lang magustuhan ako ni Hana." Nagulat ako sa sinabi niya at tumibok ang puso ko ng sobrang bilis. "Narinig mo iyon ija?" bulong ng reyna sa akin bakit parang umaasa din ang nanay niya na maging kami. "Huwag ka mag alala ija sinusubukan lang namin kung totoo ba iyong nararamdaman niya sayo. Mararamdaman mo din ang pag mamahal niya," sabi nito at napatayo na din ako. "Salamat po sa pag kain!" sabi ko at umalis naman agad ako. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko at hinarangan ko ng halaman na naka display dito para walang makapasok. Inalis ko na ang suot ko na dress at sinuot ko ang pantulog ko na damit sabay humiga ako sa kama. Narinig ko naman ang pag katok sa pintuan. "Hana buksan mo iyong pinto may sasabihin ako." Narinig ko ang boses ni Mark. "Bukas mo nalang sabihin inaantok na ako," sabi ko sa kanya. "Inaantok? Bakit may nakaharang sa pintuan? Para ba hindi ako makapasok sa loob?" Tanong niya sa akin. "Pag pahingain mo na ako Mark gusto ko na matulog," sabi ko ay maya maya hindi ko na narinig boses niya kaya nakahinga ako ng malalim. May gusto na din ata ako kay Mark dahil napapansin ko kapag may sinasabi siya na salita na napakasweet tumitibok ang puso ko. Kagaya nalang iyong sa spa na nahulog ako binuhat niya ako tumibok puso ko niyon iniba ko lang usapan para hindi niya mahalata. Dami kong iniisip. Makatulog na nga. Mark's Pov Umaga na puntahan ko ba si Hana? Tumayo naman ako sa pag kakaupo dahil hindi naman ako nakatulog kagabi maaga ako nakaligo agad. Nakarating na ako sa kwarto niya at sinubukan kong itulak ang pinto may harang pa din ibig sabihin tulog pa siya. Kumatok ako pero parang hindi siya nagigising kaya naman ginamit ko na ang lakas ko para tadyakan iyon pinto. Nakita ko si Hana na natutulog at nakanganga pa kaya naman natawa ako. "Hana gising na anong oras na," mahina kong sabi at umupo ako sa kama niya. Inimulat niya ang mga mata niya at nagulat siya sa akin. "Paano ka nakapasok dito?" Tumingin siya sa pintuan at nagulat naman siya. "Sinipa mo iyon pintuan?! Iyong halaman na hinarang ko nag kalat na!" sabi niya at bumangon agad siya at tinignan niya ang halaman na kumalat sa sahig. "Bakit mo kasi nilagyan pa ng harang hindi naman ako papasok diyan sa loob. Hindi naman kita tatabihan," sabi ko sa kanya at habang inaayos niya ang halaman lumapit ako sa kanya. "Tigilan mo na iyan tatawag nalang ako ng katulong para iligpit iyan," sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin. "Minsan sa buhay mo kailangan ikaw kumilos para sa sarili mo hindi iyong umaasa ka sa iba," sabi niya sa akin at nakita ko na tapos na niyang ayusin ang halaman at sobrang dumi ng kamay niya. "Magandang umaga po binibining Hana at prinsipe Mark." Nandito na pala ang mga katulong at may dala na silang dress na susuotin ni Hana. "Sige na maligo ka na marami tayong gagawin ngayon araw na ito," sabi ko sa kanya at bigla naman sya napangiti. "Oo nga pala!" sabi niya at sumama na siya sa mga katulong. Lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta ako hapag kainan. Nandoon na sila ina at ama bumati naman ako sakanila. "Nasaan si Hana?" Tanong ni ina sa akin. "Kakagising palang niya po nag lilinis na siya ng sarili niya," saad ko at tumango naman siya umupo na ako kasabay nang pag dating ng pagkain namin. "May pupuntahan ba kayo na lugar ngayon?" Tanong sa akin ni ina. "Ipapasyak ko po siya sa garden natin tapos po hahanapin namin kung saan siya nakatira," sabi ko at tumango naman siya. "Kapag nahanap mo na kung saan siya nakatira hayaan mo siya makauwi at mag desisyon," sabi ni ina at tumango tango nama ako. Narinig ko ang mga yapak ng paa pag lingon ko nandiyan na si Hana at nakasuot siya ng kulay berde na dress. Naka lugay din ang buhok niya. "Magandang umaga po mahal na reyna at hari. Paumanhin po kung ngayon lang ako." Yumuko naman si Hana para mag bigay ng galang kay ina at ama. "Ayos lang iyon ija maupo ka na," sabi ni ina at agad naman siyang umupo nakita niya ang pagkain. Nagustuhan niya ang pagkain na inihanda. Tinuloy ko na ang pagkain ko at maya maya natapos na kami. Nauna ng umalis sila ina at ama sumunod kaming dalawa ni Hana tumayo na din kami. "Tara na ipasyal mo na ako sa garden niyo Mark," sabi ni Hana at ngumiti naman ako sa kanya. "Tara na," saad ko at lumabas na kaming dalawa sa palasyo papunta na kami ngayon doon sa garden na sinabi ko. Nakarating na kami doon at gulat na gulat si Hana dahil napakaganda ng garden mas maganda pa sa garden ng Sullivan Palace. "Mas maganda dito! Mark may nag pipinta din ba dito? Ipapapinta ko sana iyong sarili ko kasama iyong lugar na ito?" Tanong niya sa akin. "Ako marunong ako mag pinta," sabi ko sa kanya. "Talaga ikaw marunong ka mag pinta?!" Gulat niyang sabi sa akin at tumango tango naman ako. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD