Hana's Pov
Nakaupo na ako dito at pinipinta na ako ni Mark ngayon. Kapag tumitingin siya sa akin may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko mapaliwanag kung ano 'to.
"Ngiti ka ng maigi Hana." Narinig kong sabi ni Mark at inayos ko naman ang ngiti ko at makalipas ng isang oras na tapos niya akong ipinta.
"Maganda ba?" Tanong niya sa akin at pinakita niya ang ipininta niya agad naman akong lumapit. Tinignan ko iyon ng maigi napakaganda niya mag pinta.
"Salamat at ipininta mo ko Mark gusto ko ito ilagay a kwarto ko pwede ba?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede naman kwarto mo naman iyon pwede ka mag lagay ng kahit ano doon," sabi niya sa akin at napangiti naman ako.
"Sige sabi mo eh. Tara na, mamasyal pa tayo dito sino ba pwedeng utusan para ilagay ito sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanya at may tinawag naman siyang katulong.
Binigay ko katulong ang pininta ni Mark sabay nag patuloy na kami mag lakad. Habang nag lalakad kami nakatingin ako sa mga bulaklak na nandito at may isang bulaklak na napakaganda na nakatanim dito, lumapit naman ako doon.
"Napakaganda naman nito." bulong ko at hinawakan ko iyon.
"Mas maganda ka pa diyan." Narinig kong sabi ni Mark at pag lingon ko nagulat ako dahil halos mag ka dikit na ang mukha namin sa isa't isa.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at hindi pa niya inaalis ang mukha niya kaya naman itinulak ko siya. Nag init ang pisngi ko at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Paumanhin kung tinitigan din kita," sabi niya sa akin.
"Huwag mo alalahanin iyon tara na." Pag iiba ko ng usapan at tumayo na ako para pag patuloy ang pag lakbay namin sa garden dito.
Pag tapos namin malibot ang garden napag desisyunan na namin lumabas tutulungan niya akong hanapin iyong butas kung saan ako nakapasok papunta dito.
"Matatagalan tayo sa pag hanap. Kapag hindi natin nahanap ngayon mag papaalam tayo kay ina at ama ko na mag lakbay ng ilang araw para lang mahanap iyong sinasabi mo," sabi niya sa akin at tumango tango naman ako.
"Sige mas mabuti iyon. Nag aalala na din ako sa pamilya ko kahit na hindi ko sila tunay na mga kapatid o ina tinuring ko pa din silang pamilya," sabi ko sa kanya habang nag lalakad kami tinuro ko kung saan ako nagising.
"Napaka impossible mag karoon ng butas diyan sa dinadaanan ng mga tao. May mga nakapwesto na nag titinda diyan," sabi niya sa akin at tinignan ko ang simento pero wala akong nakita kahit maliit na butas lang.
"Tama ka pero paano ako nakapasok dito. Ang naalala ko nahulog ako sa butas habang nag lalakadako sa isang gubat tapos napunta na ako dito," sabi ko sa kanya at nalungkot naman ako.
"Baka wala naman talagang butas at dito talaga ako nakatira pero alam ko talaga nasa gubat ako," sabi ko sa kanya at nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil gusto kong umiyak.
"Baka panaginip lang ang lahat na ito gusto ko nang gumising." bulong ko sa sarili ko at napahawak ako sa buhok ko at sinabunutan ko iyon pero naramdaman kong hinawakan ni Mark ang kamay ko.
"Hindi ka nananaginip Hana totoo ako at totoo din itong lugar na ito wag mong isipin na wala ng paraan para makabalik ka sa lugar mo," sabi niya sa akin at tinulungan niya akong makatayo dahil napaluhod ako kanina.
"Gagawin ko ang lahat mahanap ko lang ang sinasabi mo wag kang mag alala," sabi niya sa akin at napangiti naman ako sabay kumalas ako ngpag kakayakap.
"Salamat Mark ang dami mo ng natulong sa akin hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang lahat ng ito," sabi ko sa kanya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Wala naman akong hiniling sayo hindi ko kailangan iyong ibabayad mo sa akin," sabi niya sa akin bigla naman tumibok ulit ang puso ko.
"Tara ituloy nalang ulit natin bukas iyong pag hahanap punta tayo sa kainan!" sabi ko sa kanya at hindi ko namalayan na gabi na pala, pumayag naman siya nag hanap kami ng makakainan.
Nakahanap na kami at konti lang ang tao na nandito, bumili kami ng pag kain at bumili din kami ng alak kaya ko uminom ng alak hindi ko lang alam kay Mark.
Makalipas ng ilang oras natatawa ako dahil hindi kaya ni Mark uminom ng alak lasing na agad siya at hindi ko alam kung anong totoo sa sinasabi niya.
"Mark kailangan na natin umuwi baka magalit pa iyong ina mo at ama mo," sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin.
"Hindi magagalit iyon, yakapin mo muna ako Hana gusto ko maramdaman balat mo," sabi niya sa akin at napailing iling naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko ito mauuwi sa bahay.
"Mark tumayo ka na diyan hindi na ako nakikipag biruan," sabi ko at may narinig ako na mga boses at pamilyar ang boses nila kaya napalingon ako sa pintuan at nandoon ang pamilyang Panchel.
"Binibini naparito-" Napahinto sa pag sasalita si Gorchou ng makita niya si Mark na lasing na lasing na.
"Mukhang may problema ka binibini," sabi naman ni Ferdie at nagulat ako ng yakapin ako ni Mark.
"Bakit nandito kayo aagawin niyo ba sa akin si Hana?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Mark at hinigpitan niya ang pag kakayakap niya saakin.
"Mark kailangan na natin umuwi hindi ako aagawin sayo tsaka anong aagawin hindi naman tayo," sabi ko at biglang nalungkot ang itsura ni Mark.
"Hindi pa ba tayo?" sabi niya at bigla niyang ginulo buhok niya.
"Hindi pa pala kita napapasagot pero okay lang iyan sasagotin mo din ako," sabi niya sa akin at tumingin naman ako sa pamilyang Panchel.
"Pakitulungan naman akong iuwi ito," sabi ko sa kanila.
"Sige tulungan ka namin huwag kang mag alala nagawa na din namin na buhatin siya pauwi sa palasyo niya," sabi niya at nagulat naman ako.
Sumunod ako sakanila habang hawak nila sa bandang paa si Mark at ako naman nilagay ko ang kamay niya sa balikat ko, akbay akbay niya ako ngayon para mabuhat ko din siya.
Nakarating na kami sa palasyo at nakita ko na nag aantay pala sa amin ang hari at reyna agad naman itong lumapit sa amin.
"Anong nangyari sa anak ko?-" Naputol naman ang sasabihin ng reyna iyong maamoy niya ang kanyang alak.
"Lasing pala dalhin niyo nalang siyq kwarto niya." Utos ng reyna at tutulong na sana ako ng tumawag siya ng mga guwardya para mabuhat ng maigi si Mark.
"Ija pasensya kana hindi ko nasabi sayo na mahina ang anak ko pag dating sa alak," sabi niya sa akin at yumuko naman ako para mag bigay galang.
"Okay lang po siya din naman mismo uminom ng alak hindi ko po siya pinilit. Ayoko nga din po uminom eh," sabi ko sa kanya at napatango tango naman siya.
"Mag pahinga ka na din ija," sabi sa akin ng reyna at yumuko ulit ako para mag bigay galang. Nag lakad na ako papuntang kwarto ko.
Habang nag lalakad ako nakita ko ang pamilyang Panchel na nag lalakad siguro nadala na nila si Mark sa kwarto niya kaya naman lumapit agad ako sa kanila para makapag pasalamat ulit ako sa kanila.
"Ayos na ba si Mark? Mahimbing na ba ang tulog niya?" Tanong ko sa kanila.
"Binibini tinatawag niya palagi ang pangalan mo, ayos naman siya pero mukhang kailangan ka niya ata," sabi sa akin ni Christo.
"Ganoon ba? Sige titignan ko siya baka sakaling makatulog kapag nandoon ako," sabi ko at pinadaanan naman nila ako pero huminto ako para mag pasalamat.
"Salamat pala ulit sa tulong niyo!" sabi ko sa kanila at tuluyan na akong umalis papunta sa kwarto ni Mark.
Napahinto naman ako sa pag lalakad dahil naalala ko na hindi ko pala alam ang kwarto ni Mark kaya naman napakagat ako ng daliri ko. Nag lakad nalang ako baka sakaling marinig ko ang boses ni Mark.
Bawat may pintuan dinidikit ko tenga ko baka sakaling marinig ko ang boses ni Mark kung nasaan siyang kwarto pero nakarating na ako sa kwarto at hindi ko nahanap ang kwarto ni Mark.
Papasok na sana ako sa loob ng biglang may yumakap sa likuran ko.
"Hana hinahanap kita kanina pa." Narinig ko ang boses ni Mark at naamoy ko ang alak galing sa kanya.
"Mark kailangan mo ng mag pahinga," sabi ko sa kanya at pag harap ko namumula ang pisngi niya at mainit ang mga kamay niya.
"Hindi ako makatulog gusto ko makita mukha mo," sabi niya sa akin at tumibok naman ang puso ko nagulat ako sa sinabi niya.
"Matulog ka sa kwarto mo hindi dito sa kwarto ko," sabi ko sa kanya.
"Wala naman mag susumbong nag aalala ka ba sa ina ko?" sabi niya sa akin.
"Aaminin ko oo kasi hindi naman ako prinsesa para mag ka gusto ka Mark kaya alisin mo-" Napahinto ako sa pag sasalita nang bigla niya akong halikan.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hinalikan niya ako! Kumalas naman siya at bigla siyang napangiti at bumagsak kami sa lapag sabay narinig ko ang hilik niya. Napailing nalang ako.
Paano kaya ako makakatayo nito pinilit kong buhatin siya pero ang resulta nakaalis ako sa ilalim. Kinuha ko ang unan ko at nilagay ko iyon sa ulo niya nilagyan ko na din siya ng kumot.
Pag tapos niyon lumabas ako at pumunta ako sa library para doon nalang ako matulog baka kasi kapag nalaman ng mga katulong na natulog ako kasama na naman si Mark baka hindi na ako patuloyin dito ng tuluyan. Umupo ako at napahawak ako sa labi ko.
Hinalikan ako ni Mark unang halik iyon saakin hindi ko alam kung unang halik din iyong sa kanya. Napatingin ako sa mga libro at naghanap ako ng pwedeng basahin at mapag lilibangan ko.
Habang nag babasa ako nararamdaman ko na ang antok ko kaya pinikit ko ang mga mata ko. Nagising ako sa liwanag at pag angat ko ng ulo ko may nalaglag na kumot pag tingin ko doon kumot ko iyon.
Si Mark tumayo naman agad ako at pag bukas ko ng pinto bumungad siya sa akin. Kulang nalang mag kadikit iyong mukha namin.
"Gising kana pala, gusto ko mag hingi ng sorry sayo kagabi sa nangyari," sabi niya sa akin teka naalala niya ba iyong nangyari kagabi?!
"Wala ka namam dapat ikasorry sa akin okay naman ako at okay ka din. Kung tungkol doon sa pag bubuhat wala iyon," sabi ko sa kanya at bigla naman siya ngumiti.
"Hindi lang iyon baka meron pa akong nagawa sayo?" Tanong niya sa akin at umiling naman ako.
"Wala kang ginawang masama sa akin kaya huminahon ka diyan." Pag sisinungaling ko sa kanya.
"Kung ganoon mabuti naman, maligo ka na pala," sabi niya sa akin.
"Hindi mo na kailangan paalala gagawin ko namn iyon," sabi ko sa kanya at lumabas na ako nang tuluyan sa library at nandito na agad ang mga katulong.
Sumunod na ako sa kanila at habang sumusunod ako may pinag uusapan sila.
"Mag kakaroon daw nang ballroom party mamaya pwede daw tayo mag pahinga ng maaga mamaya." Ballroom party? Bakit bigla sila nag karoon nf ballroom party.
"Umm sino nag sabi na may ballroom party mamayang gabi?" Tanong ko sa kanila.
"Binibini hindi mo pa ba alam? Ipapakilaa ka daw ng mahal na reyna sa ibang palace kasama daw ang mga prinsipe doon. Ipapakilala ka nila at may mga prinsesa din hahanap yata ng mapapangasawa ni Prinsipe Mark.
"Ganoon ba?" Tumango naman sila at nakarating na kami ng banyo nag hubad naman na ako. Pag ka tapos kong maligonag pasalamat ako sa kanila.
Nakarating na kami sa banyo at nag hubad na ako pinaliguan na nila ako pag tapos niyon nandiyan na susuotin kong dress at kulay pink ito na may halong puti.
"Napakaganda naman nito," sabi ko sabay ngumiti ako.
"Binibini hindi pa iyan ang susuotin mo sa ballroom mamaya, may mas maganda kaming ipapasuot sayo," sabi nila sa akin ano naman kaya iyong mas maganda na iyon?
Pag tapos kong bihisan lumabas na kami at nagulat ako dahil nakasalubong namin si Mark na inaayos ang suot niya na damit. Umalis naman ang mga katulong at yumuko sila para mag bigay galang.
"Bagay sayo iyomg dress," sabi niya sa akin at tumibok medyo iyong puso ko sabay iwas ko ng tingin.
"Tara pag papatuloy natin iyong hinahanap natin kahapon," sabi niya sa akin at nakalapad ang kamay niya kaya naman napangiti ako sabay humawak sa kamay niya.
**