Kabanata 4

2301 Words
Mark's Pov Lumipas na ng isang linggo at papunta ako ngayon kay ina at ama para sabihin sakanila na kukunin ko na si Hana dahil napatawad na nila ito, sinabi ko din sa kanila ang totoo. "Magandang umaga ina at ama." Pag bati ko at yumuko pa ako para mag bigay galang. "Maupo ka muna anak," sabi sa akin ni ina at umupo naman ako. "Hindi mo siya pwedeng tabihan nalang ulit nang ganoon ha? Kahit na galing siya sa ampunan at sanay siya na may katabi pwede naman ako kumuha ng tatabi sa kanya," sabi sa akin ni ina. "Hindi ko alam ina kung ganoon oa din siya ngayon dahil nakalipas na nang isang linggo baka sanay na siya," saad ko kay ina at napatango tango naman siya. "Kung ganoon mabuti naman at pwede ko na siya pag katiwalaan ulit," sabi ni ina. "Maaari mo na siyang kunin ulit buti nalang may kilala ka na mag aalaga sa kanya ng isang linggo." Dugtong nitong sabi at tumayo naman ako at tumingin ako kay ama na tahimik lang. "Sige na anak tanggap ko naman kahit sinong babae ang pakasalan mo at mahalin mo," sabi ni ama napangiti naman ako. "Salamat ina at ama!" sabi ko at lumabas na ako sabay sumakay ng karwahe papunta doon. Nang makarating na ako doon nakita ko si Hana na may dalang mga damit. Hinahango niya iyon sa may sampayan at pumasok naman siya sa loob. Napangiti naman ako dahil mukhang okay naman siya. Bumaba na ako sa karwahe at pag pasok ko sa loob nagulat ako dahil may isang lalaki na matangkad at nakaupo katabi si Hana. Nakaramdam ako ng inis. "Mark! Namiss kita!" Tumayo agad si Hana at niyakap naman ako kaya napangisi ako at nakatingin dito ang lalaki na nakasuot ng armor. "Namiss mo ba ako? Sino iyang bago mong nakilala?" Tanong ko sa kanya. "Oo nga pala siya si Prinsipe Nyxon! Sa Sullivan Palace siya tinulungan niya ako kailan lang!" sabi niya sa akin at tumayo naman ito. "Ikaw pala ang prinsipe sa Creuch?" Tanong sa akin ni Nyxon. "Oo ako nga may problema ba?" sabi ko at inatras ko naman si Hana dahil pakiramdam ko may balak siya. "Kilala mo si Hana totoo bang isa siyang prinsesa?" Tanong niya sa akin. "Oo prinsesa ko siya sa palasyo namin malapit na kami ikasal," saad ko. "Anong ikasal pinag sasabi mo diyan Mark?! Kailan lang tayo nag kakilala wala ako nararamdaman sayo!" sabi niya sa akin at bigka naman tumawa ang apat. "Talaga bang wala? Kung iwan kaya kita sa labas na walang mag aalaga sayo?" sabi ko sa kanya at bigla naman nanlaki mga mata niya. "Sa ngayon wala pa akong nararamdaman hindi ko alam sa mga susunod," nauutal niyang sabi at napangiti naman ako nakita ko ang pisngi niya na namumula. "Kung walang tutuluyan si Hana sa akin nalang siya tumuloy dahil na kuwento din niya na pinalayas siya sa palasyo niyo," sabi ni Nyxon at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Nandito ako ngayon para kunin ulit siya at tumira sa palasyo ko kaya huwag mo na pag pilitan na tumira siya sa palasyo niyo," sabi ko nama at kinuha niya ang espasa niya. "Huwag kayo mag away dito nakikita ng pamilyang Panchel ang pinag gagawa niya," sabi ni Hana at hinarang niya ang kamay niya sa gitna namin. "Pumayag na ang reyna na bumalik ka sa palasyo namin," sabi ko kay Hana. "Hindi niya na ba ako ulit aawayin?" Tanong niya sa akin. "Hindi na pero bawal mo na akong katabi," sabi ko at tumingin ako kay Nyxon na nakikinig sa amin. "Nag katabi na kayo sa iisang kama?!" Gulat na tanong ng pamilyang Panchel. "Oo hindi ko ba na kuwento sa inyo?" sabi naman ni Hana at biglang lumapit sa amin ang apat. "Ginoo may nangyari na ba sainyo?" bulong sa akin ni Gorchou at umiling naman ako. "Hana okay lang sayo na may katabi na lalaki?" Tanong naman ni Nyxon. "Hindi kasi ako makatulog sa gabi kapag walang katabi dati pero ngayon nasanay na ako mag isa matulog," sabi ni Hana at ngumiti pa siya. "Pero bago ako bumalik Mark gusto ko makita palasyo ni Nyxon sabi niya madami daw magagandang lugar doon sa garden nila gusto ko makita iyon!" sabi ni Hana at hinahatak pa niya ang suot ko. "Gusto mong pumunta doon?" Tanong ko sa kanya at tumango tango siya. "Bago ka makarating doon aabotin tayo nang isang araw doon okay lang sayo?" Tanong ko sa kanya. "Oo okay lang puwede na tayo mag simula ngayon umalis tara na!" Nag lakad agad siya palabas pero pinigilan ko siya. "Mag paalam ka muna sa apat hindi ka na naman nagiging formal sa salita mo," sabi ko sa kanya. "Oo nga pala!" sabi niya at yumuko naman siya sa apat. "Maraming salamat sa inyo sa pag alaga sa akin!" sabi ni Hana at lumapit naman ang apat at niyakap siya. "Mag iingat ka sa pag lalakbay mo binibini puwede kang dumalaw dito at kapag wala ka nang matitirahan nandito lang kami," sabi ni Gorchou at may binigay naman si Christo. "Dalhin mo ito baka sakaling mag karoon ka ng sugat gamitin mo ito," sabi ni Christo at kinuha naman ni Hana ang lagaya ng gamot. "Salamat Christo!" Malambing ang boses ni Hana ngayon. "Tara na Mark! Nyxon tara na!" Masayang sabi ni Hana at nag ka titigan naman kami ni Nyxon. "Huwag na huwag mo gagawan ng masama si Hana," bulong ko at sumunod ako kay Hana bago siya makalabas. Sumakay na kami sa karwahe na dala ko at ganoon din si Nyxon. Sinabihan ko ang mag papatakbi ng kabayo na sa Sullivan Palace kami pupunta. Mag katabi kami ni Hana at inakbayan ko siya. "Mark nakakailang. Bakit ka ba nakaakbay sa akin?" Tanong niya sa akin. "Gusto ko lang makasigurado na ayos ka lang," sabi ko sa kanya at ngumuso naman siya kaya natawa ako. Makalipas ng ilang oras bumagsak ang ulo ni Hana sa balikat ko kaya napangisi ako at nakatingin naman dito si Nyxon. "Nauna ako. Wala kang laban sa akin," seryoso kong sabi at parang naiinis na siya. "Kaya kong humabol at kapag nanalo ako magiging akin siya naiintindihan mo?" seryoso din niyang sabi. "Kung mananalo ka," ngumisi ako at maya maya narinig ko ang pag hinto ng karwahe dahil umihi ang nag papatakbo. "Nandito na ba tayo?" Tanong ni Hana. "Wala pa tayo doon matulog ka lang," sabi ko at napatingin naman siya saakin. "Bakit ang guwapo mo ngayon Mark?" Nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko at bumalik ulit siya sa pag tulog. Nag patuloy na ulit ang pag lalakbay ng karwahe namin. Hindi ako natulog dahil baka pag gising ko kinuha na ni Nyxon si Hana at itakas sa akin, maya maya nakita ko na ang palasyo akala ko aabutin kami ng isang araw pero hating gabi kami dumating. Lumabas na si Nyxon at ako naman binuhat ko si Hana habang tulog siya. "Sumunod ka lang sa akin hahanapan ko siya ng kuwarto," sabi ni Nyxon at sumusunod lamang ako. Nakarating kami sa dulo sa loob ng palasyo at binuksan niya ang pinto. Pumasok naman ako at hiniga ko agad sa kama si Hana dahil baka maistorbo ko siya sa pag tulog niya. "Dito ka sa kabilang kuwarto–" "Hindi, dito ako sa tabi niya matutulog," seryoso ko na sabi. "Gusto mo bang isumbong kita?" sabi niya sa akin. "Isumbong mo–" "Huwag na kayo mag away ang ingay niyo." Narinig ko ang boses ni Hana pero nakapikit pa din ang mata niya. Sumenyas na ako na umalis si Nyxon buti naman pinag bigyan niya ako. Umupo ako sa kama at hinawi ko ang buhok ni Hana. "Napakaganda mo talaga pati ang ibang prinsipe nahulog sayo," bulong ko. Kinaumagahan naramdaman kong may gumigising sa akin. Minulat ko naman ang mga mata ko nakangiti si Hana at nakasuot siya ng kulay pula na dress. "Ang tagal mo magising nauna na akong naligo. Maligo ka na!" sabi niya sa akin at natawa naman ako. "Mabilis naman ako maligo," sabi ko sa kanya dahil wala naman nag papaligo sa amin hindi kagaya ng mga babae. "Sige na maliligo na ako," saad ko sa kanya at binigay niya ang damit na kulay pula. "Ako pumili niyan parehas tayo ng kulay na suot," sabi niya sa akin at kinuha ko nama ang dala niyang damit. Nag lakad na ako hinanap ko kung saan dito ang paliguan nila. Ganto kaming mga lalaki walang sumasama sa amin para dalhin sa liguan basta hanapin lang namin iyong pangalana bath doon na iyon. Maya maya nakita ko na iyong bath. Pumasok na ako doon at nagulat ako ng makita ko si Nyxon na nakababad sa spa hindi ko siya pinansin at nag hubad na ako. "Saan mo nakilala si Hana?" narinig kong tanong niya. "Hindi niya ba sinabi sayo?" sagot ko naman. "Ang sabi niya tinulungan mo din daw siya gaya ng ginawa ko. Paanong tulong ba iyong ginawa mo?" tanong niya sa akin at nag buhos ako ng tubug sa katawan ko. "Tinulungan ko siya sa lahat," seryoso ko na sabi at pinatong ko naman ang damit ko na ginamit ko kahapon. Napahinto ako dahil may nakabitin na parang tali kaya kinuha ko iyon. Nanlaki mga mata ko dahil sa babae ito ginagamit tekha kay Hana ba ito?! "May nakalimutan ako!" Biglang bumukas ang pinto at si Hana iyon kaya naman kinuha ko agad tuwalya ko at hinarang ko iyon sa maselan kong parte. "Waaaaa ang laki–ang laki ng katawan niyo! Teka nakita niyo ba bra ko dito?" Tanong niya at tinuro ko naman kung saan nakalagay iyong sinasabi niya. "Salamat!" Binuhat niya ang dress niya. Nag lakad siya palapit dito pero lalo akong nagulat nang bigla siyang madulas at mahulog sa spa. "Tulong Mark!" sigaw niya at nag ka tinginan naman kami ni Nyxon at nag unahan kami sa pag kuha sa kanya buti nalang aki ang mas malapit kay Hana. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at inahon ko siya. Hindi na ako makakaahon dito wala akong suot na pang ibaba. "Okay lang ako ikaw okay ka lang ba namumula ka? Mainit diyan siya spa," sabi niya sa akin at hinawakan naman niya ang noo ko. "Medyo mainit kana umalis kana diyan," sabi niya sa akin. "Mag palit ka ng damit mo basany basa ka baka lagnatin ka," sabi ko sa kanya napatingin ako sa bandang dibdih niya at bandang bewang. "Mag bihis ka na binibining Hana." Narinig kong sabi ni Nyxon. "Sige na nga umalis ka agadd diyan Mark baka ikaw ang lagnatin," sabi niya at kinuha niya ang bra niya sabay tumakbo palabas. Nakakainis may tumigas sa baba ko. Hindi ako makakaahon agad dito. "Mauna na ako." Narinig kong sabi ni Nyxon at pag tapos nito mag punas lumabas na siya. Umahon naman ako at nakita ko kung gaano kalaki ang maselan na parte ko. Hinawakan ko iyon at naalala ko ang katawan ni Hana. Umiling iling naman ako dahil mali itong naiisip ko pinag nanasahan ko siya sa isipan ko. Pinunasan ko na ang katawan ko pati na din ang buhok ko. Sinuot ko ang damit ko at inayos ko nalang ang maselan na parte ko para hindi mahalata. Siguro naman mawawala din iyan maya maya. Lumabas na ako at nakita ko si Hana na nakapag palit na. Kulay puti na ang suot niya at lumapit naman ako sa kanya. Buti nalang hindi niya kasama iyong Nyxon na iyon. "Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo okay na ako, ikaw okay ka lang ba? Bagay sayo iyong kulay pula na damit!" sabi niya sa akin at hinawakan niya ang balikat ko. "Nag hihintay na si Nyxon sa garden tara na!" sabi niya sa akin at nag lakad naman siya. Napatitig naman ako sa kanya dahil kulay puti ang suot niyang dress. Bagay sa kanya lahat ng kulay ng dress na suotin niya lalo na ang puti parang ikakasal tuloy siya pero iba ang disenyo niyon malayo siya sa itsura ng wedding dress. Sumunod naman ako sa kanya at nandito na kami sa garden. "Ang ganda dito! Wala ba kayong camera na puwedeng kunan ng litrato ito?" Tanong niya sa akin. "Wala kaming camera pero may tao dito na puwede kang ipinta," sabi naman ni Nyxon at dinala niya kami doon sa tao na nag pipinta. "Magandang umaga prinsipe Nyxon," pag bati sa kanya ng lalaki na nag pipinta. "May binibini na gusto niyang ipinta ang sarili niya kasama ang magandang garden na ito pwede ba iyon?" Tanong ni Nyxon. "Puwedeng puwede prinsipie Nyxon. Halika binibini maupo ka dito." Tinawag si Hana at nagulat ako nang hatakin niya ako papunta sa upuan. "Kasama si Mark okay lang ba?" sabi niya kay Nyxon. "Ayos lang susunod ako naman?" Tanong ni Nyxon at sumama naman ang loob ko. Nilalabanan niya talaga ako ah. "Si Mark lang gusto ko kasi tinulungan niya ako sa lahat. Dali ipinta mo na kami," sabi ni Hana at napangiti naman ako. Lumipas ng mga ilang oras tapos na kami ipinta at pinakita ng lalaki ang pinta niya napalapit naman si Hana at tinitigan niya iyon sabay ngumiti siya. "Iniba ko ang kulay ng ginoo dahil mas maganda kung kulay puti din ang suot mo diyan," sabi ng lalaki at tinignan ko iyon. Parang bagong kasal kami dito. "Ang ganda niya Mark! Kunin natin ito! May bayad po ba ito?" sabi ni Hana at halata sa kanya na masayang masaya siya. "Libre lang ang pinta ko dahil dito ako nag tratrabaho sa Sullivan Palace," sabi ng lalaki at lalong natuwa si Hana. "Mark ilalagay ko ito sa kuwarto ko ayos lang ba?" Tanong niya sa akin. "Oo ayos lang," sabi ko at umalis naman na kami sa garden. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD