Kabanata 7

2289 Words
Hana's Pov "Hindi ko alam na meron palang Ballroom mamaya, hindi mo sinabi sa akin," sabi ko kay Mark habang nag lalakad kami at hinahanap ang butas na sinabi ko sa kanya. "Nakalimutan kong sabihin sayo ipapakilala ka ni Ina sa ibang kaharian nandoon din si Nyxon," sabi niya sa akin at napatango tango naman ako. Kinakabahan na ako dahil paano kung ipakilala ako ng reyna sa ibang lalaki tapos ipapakuha niya ako. Nakakatakot na kailangan ko mag ingat mamayang gabi pero teka bakit parang ayaw ko mag pakuja sa iba? "Sigurado ako mamayang gabi maraming bisita nakakahiya naman hindi ako prinsesa pero nandoon ako," sabi ko sa kanya at bigla naman siya huminto. "Hindi ba sabi ko sayo para sa akin prinsesa ka? Kung may mang babastos sayo doon sabihin mi agad sa akin," sabi niya sa akin natawa naman ako. Napaka worried talaga ng lalaki na 'to. "Sige sasabihan kita pero kapag may kausap ka na ibang prinsesa. Hindi na ako mag susumbong," sabi ko sa kanya at nandito kami sa isang gubat na ngayon ko lang napuntahan. Tinignan ko ang bawat lapag na tatapakan ko kung may madadaanan akong butas pero wala kong nakita kaya lalo naman akong nalungkot baka hindi ngayon araw na 'to. "Hindi natin talaga mahanap paano na kaya 'to," sabi ko kay Mark at napaupo nalang ako dito sa mga halamanan. "Hindi ko din alam kung bakit natin hinahanap iyon, paano kung wala naman talaga at dito ka talaga nakatira?" Tanong niya sa akin at umiling iling naman ako. Napaka impossible ng sinasabi niya. "Bakit ayaw mo dito nalang sa lugar namin tumira? Wala naman masama kapag ikaw mismo nakahanap ng sinasabi mo mag paalam ka saamin"sabi niya saakin at bigla naman ako napaisip, paano kung gabi kaya ako mag hanap? Baka sakaling bumubukas iyong sinasabi ko na butas! "Paani kung gabi kaya tayo mag hanap malay natin baka sa gabi pala siya nag bubukas," sabi ko at bigla naman siya tumawa kaya naman napanguso ako. "Bakit ka tumatawa?" sabi ko sa kanya. "Natatawa lang ako sa mga pinag iisip mo!" sabi niya at tumatawa pa din siya kaya naman tumayo ako. "Teka lang wag mo ako iwan dito!" sabi niya at huminto naman ako sa pag lalakad sabay hinarap siya. "Hindi nakakatuwa biro mo Mark nakita mong seryoso ako sa pag hahanap niyon para makauwi na ako, tapos ikaw nag bibiro ka lang!" sabi ko sa kanya at bigla naman niya hinawakan ang kamay ko sabay hinalikan niya iyon. "Patawarin mo ako binibini, gusto ko lang naman na dito ka na pang habang buhay," sabi niya sa akin at nag init ang pisngi ko bigla sabay inagaw ang kamay ko at hinawakan ko iyon. "Tara na nga malapit na din mag gabi kailangan na natin makabalik," sabi ko at nag simula na ako mag lakad pero naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Wag kang mauna mag lakad baka may kumuha sayo, just stay by my side," sabi niya sa akin at wala naman ako nagawa. Nakabalik na kami sa palasyo at agad naman kami nilapitan ng katulong, pinapabihis na ako pati na din si Mark kaya naman sumama na ako sa katulong at pag dating namin sa kwarto nagulat ako sa isusuot ko na dress. "Nagustuhan mo po ba ang iyong dress binibini?" Tanong saakin ng katulong at tumango tango naman ako. "Napakaganda niya!" sabi ko kulay white na may halong gold sa ibaba ang dress ko kumikinang din siya. Sobrang ganda niya gusto ko siya suotin agad. Pag tapos ako ayusan handa na akong lumabas inalalayan pa nila ako sa pag labas dahil medyo mabigat ang dress ko. Habang nag lalakad ako nagulat ako dahil nasa harapan ko na si Mark agad nakasuot siya ng kulay na kagaya sa akin. "You look beautiful in that dress," sabi niya sa akin at agad naman umalis ang mga katulong, teka siya ba nag sabi na ganto ang suotin ko na kulay?! "Hindi ba nakakahiya na parehas tayo ng kulay!" Tanong ko sa kanya. "You are my princess tonight," sabi niya sa akin at nag simula na kami mag lakad nakahapit ako sa braso niya. Unti unti naman ako napangiti. Nakarating na kami sa room kung saan gaganapin ang ballroom. Madami ng tao at nakita agad ako ng Reyna at Hari. "Napakaganda at bagay sayo ang suot mo," sabi sa akin ng Reyna at yuyuko na sana ako nang pigilan niya ako. "My son told me that tonight, you are his Princess," sabi niya sa akin sabay ngumiti siya napangiti na din ako. "Thank you," sabi ko at pag lingon ko may kausap si Mark na mukhang mga prinsipe din at napansin ko madaming nakatingin sa akin na mga babae. Nag lakad naman ako papunta sa pag kain peri nagulat ako nang may humarang na lalaki at pag angat ko ng tingin ko si Nyxon iyon. "Bagay sayo iyong dress hindi ko akalain na makakasama ka dito, want to dance?" Tanong niya sa akin at umiling naman ako. "May nauna na sayo mag aya," sabi ko sa kanya at napakuno't naman siya ng noo niya. "Sino naman nauna?" Tanong niya at tinuro ko kung nasaan si Mark at nagulat ako ng wala na siya doon. Hinanap ko siya at ayon pinalibutan na siya ng mga babae. "Si Mark? Madaming babae na gustong sumayaw kasama siya kaya bakit hindi din ganoon ang gawin mo?" sabi niya sa akin at umiling naman ako. "Hindi–" "Gusto mo ba ikaw maunang sumayaw sa gitna na mag isa lang?" Nagulat ako dahil narinig ko ang boses ni Mark. "Nag bibiri lang ako Mark, aalis na nga ako," sabi niya at natawa naman ako. "Nakakatakot ka naman dapat hindi mo tinatakot si Nyxon nang ganoon, prinsipe din siya," sabi ko at pag tingin ko sa mga mata niya seryoso siyang nakatingin sa akin. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" sabi ko sa kanya. "Gusto mo sumayaw?" Tanong niya sa akin, hindi ako marunong sumayaw paano ba 'to? "Hindi ako marunong Mark," sagot ko sa kanya. "Just follow my lead," sabi niya at hinawakan naman niya ang kamay ko at pumunta kami sa may gitna. Nilagay niya ang kanan kamay ko sa balikat niya at ang kaliaw ko naman sa kanan niyang kamay. Nagulat ako dahil hinawakan niya ang bewang ko. "Slowly first," sabi niya sa akin at sumunod naman ako. Biglang may tumugtog at pang romantica ang tugtog niya. Habang sumasayaw kami ng hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya, bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobrang bilis ng t***k nang puso ko ngayon. Pag tapos namin sumayaw madaming pumalakpak nakakahiya hindi naman ako prinsesa pero ginawa niya akong prinsesa ngayon gabi. Umalis na kami sa gitna at nandito kami ngayon sa kainan. Umupo na ako at pati na din si Mark dumating na ang mga pagkain. Nag simula na kaming kumain at habang kumakain kami may biglang lumapit na babae at bumubulong sa Reyna. "Oh i forgot. Mark my son, Princess Francheska wants to have a dance with you." Nagulat ako bigla dahil Sullivan ang huling apelyido ibig sabihin kapatid siya ni Nyxon. "After this dinner," sabi ni Mark at nag patulot na din ako kumain. Bakit parang nalungkot ako bigla? Pag tapos namin kumain tumayo na agad si Mark at ako naman tumayo na din. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Bagay sila at prinsesa talaga si Francheska samantalang ako isang dayuhan lang naman ako dito pero bakit ganto trato nila sa akin? Dapat hindi prinsesa ang trato nila sa akin kasi isa lang naman akong mahirap at galing ako sa ampunan. Hindi ko namalayan na nag lalakad na pala ako palayo doon sa ballroom. Hindi pa din nila ako pinapakilala ibig sabihin hindi naman totoo na ipapakilala nila ako sa ibang kaharian. Habang nag lalakad ako, tinignan ko ang suot ko pumunta ako sa kwarto ko at hinubad ko iyon. Buti nalang madaling hubarin iyon. Nilugay ko ang buhok ko at inalis ko ang nilagay nilang make up sa akin. Maganda naman ako kahit walang make up. Sinubsob ko mukha ko sa unan. Bakit ganto nararamdaman ko? Mark's Pov Inilibot ko ang mga mata ko hinanap ko si Hana pero wala siya. Saan naman kaya pupunta iyon? Nag paalam ako kila Ina at Ama para hanapin si Hana. Nag selos ba siya dahil sumayaw kami ni Princess Francheska? Natatawa ako parang pakiramdam ko may nararamdaman na siya sa akin. Nag lakad na ako at pumunta ako sa kwarto niya sabay binuksan ang pinto at nagulat ako dahil nakasuot lang nang pantulog niya kaya tumalikod ako. "Hindi ka marunong kumatok!" sabi niya sa akin at natawa ako. "Bakit ka umalis?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam kusa lang gumalaw mga paa ko na umalis doon. Pagod na din ako. Gusto ko na mag pahinga," sabi niya sa akin. "Pagod? O nag seselos ka?" Humarap ako sa kanya at nakita ko na pinipilit niya isuot ang dress niya na suot niya kanina na umalis kami. "Hindi ako nag seselos! Bakit ka humarap nag bibihis pa ako?" sabi niya sa akin at unti unti naman akong lumapit sa kanya at ako mismo nag tali sa likuran niya. "Tutulungan kasi kita sa pag tali nito. Huwag kang magulo," sabi ko sa kanya at hindi naman siya gumalaw pag tapos kong matali iyon hinarap ko siya sa akin at inaayos niya ang buhok niya. "Nakakahiya ang gulo ng buhok ko," sabi niya sa akin at hinawakan ko naman ang kamay niya. "Bakit ka nahihiya may nararamdaman ka na ba sa akin?" Tanong ko sa kanya sabay ngumiti ako. "Wala ano bang sinasabi mo diyan!" Nauutal niyang sagot sa akin kaya natawa ako at pinigilan ko iyon. "Halata sayo," sabi ko sa kanya at hindi naman siya umimik. "Ayos lang naman saakin na magustuhan mo ako wala naman masama kasi pati ako.." Hindi ko tinuloy sasabihin ko dahil pakiramdam ko wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin. "Alam ko." Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi ko sinabi sayo na hinalikan mo ako noong araw na lasing ka," sabi niya sa akin at nagulat naman ako. "Totoo ba sinasabi mo?!" Tanong ko sa kanya. "Oo simula niyon kapag ng sasabi ka ng malalambing na salita tumitibok–" Niyakap ko siya dahil alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Gusto kita Hana aamin na ako sayo," sabi ko sa kanya at naramdaman ko ang kamay niya na yumakao din sa akin. "Hindi ko alam kung pagmamahal itong nararamdaman ko sayo Mark wala akong alam sa pag mamahal," sabi niya sa akin at kumalas naman ako ng pagkakayakap. "Ituturo ko din sayo." Pag ka sabi ko niyon hinapit ko ang bewang niya sabay hinalikan ko siya. Hindi siya kumawala at lalo kong nilaliman ang halik ko. Napataas ang kamay ko papunta sa maselan niyang parte sa dibdib. "Mark!" Kumalas siya at nakita ko na namumula ang pisngi niya. "Hindi ako makahinga ang lalim ng halik mo," sabi niya sa akin at natawa naman ako sabay niyakap ko nalang siya. "Masasanay ka din. Mag pahinga ka na," sabi ko sa kanya at kumalas naman ako ng pag kakayakap. "Ibig sabihin ba nito kasintahan na kita?" Tanong niya sa akin. "Oo ako unang nag sabi na gusto kita at mahal na kita," sabi ko sa kanya ay namula na naman ang pinsgi niya. "Bukas sabihin mo sa Reyna at Hari," sabi niya sa akin. "Kahit hindi ko na sabihin alam nilang may gusto ako sayo," sabi ko sa kanya at nagulat naman siya. "Paano?" Tanong niya. "Kapag nakatingin sila saatin kakaiba daw," sabi ko sa kanya at nakita ko na pinag lalaruan niya na ang buhok niya. "Ganoon ba? Sige mag papahinga na ako mag pahinga ka na din," sabi niya sa akin at may bigla ko naalala. "Bukas may pupuntahan tayo." Pag ka sabi ko niyon sinarado ko na ang pinto. Nag lakad na ako papunta sa kwarto pero bago ako pumasok nakita ko si Ina na papunta dito sa akin kaya naman yumuko ako. "Anak bakit ang aga mong umalis sa ballroom?" Tanong niya sa akin. "Gusto ko na po mag pahinga at may sasabihin din po pala ako sa inyo," sabi ko sa kanya. "Ano iyon anak?" Tanong niya. "Papayag po ba kayo na ibigin ko si Hana?" Tanong ko sa kanya at bigla naman siyang ngumiti. "Hindi naman ako humahadlang anak. Kahit sino ang mahalin mo wala kaming pakielam ng Ama mo dahil kahit hindi prinsesa ang pakasalan mo magiging hari ka pa din," sabi niya sa akin. "Oo nga po pala pero balang araw mo papakasalan ko po si Hana," sabi ko sa kanya sabay lumapit naman siya s aakin at niyakap niya ako. "Mabuti naman anak at nakahanap ka ng babaeng mamahalin mo at aalagaan ka," sabi niya sa akin. "Nag papasalamat ako dahil mahal na mahal niyo po ako Ina," sabi ko sa kanya at kumalas na siya ng pag kakayakap. "Sige mag pahinga kana. Hindi pa tapos ang ballroom," sabi niya sa akin at tumango naman ako. Umalis na si Ina at ngumiti ako, bumalik ako sa kwarto ni Hana dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko si Hana na mahimbing ng natutulog. Umupo ako sa kama niya at hinawi ko ang buhok niya tumibok iyong puso ko dati nakatitig ako sa labi niya. Ang sarap niyang halikan hindi ko mapigilan sarili ko napasabunot naman ako sa buhok ko dahil ang init ng pisngi ko. Tumayo ako at lumabas na pumunta na ako sa kwarto ko pag pasok ko sa loob hinubad ko na ang suot ko na suit sabay nag palit ng pang tulog ko. Humiga na ako sa kama at hindi pa din mawala sa isip ko iyong halik namin dalawa. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD