Kabanata 8

2315 Words
Hana's Pov Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan ko kaya naman bumangon ako. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang mga katulong. "Oras na po mahal na prinsesa para maligo." Nagulat ako dahil iba na ang tinawag nila sa akin. Sumunod naman ako at nakarating na kami sa banyo. Hinubad ko na ang suot ko pinaliguan naman nila ako pag tapos akong paliguan. Kulay asul ang suot ko na dress ngayon inayos nila ang buhok ko pag tapos niyon nag pasalamat ako sa kanila. "Salamat," sabi ko at yumuko lamang sila sa akin. Tumayo naman ako at sakto nakita ko si Mark na kakapasok lang sa kwarto ko. Lumapit ako sa kanya at nakangiti siya sa akin parehas kami ng kulay na suot. "Ang saya mo ah masaya ka ba kasi naging tayo?" Tanong ko sa kanya. "Sino bang hindi sasaya kapag gusto ka din ng taong mahal mo?" sabi niya sa akin at natawa naman ako ng kaunti. "Tinanong ko lang naman," sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko. Nag lakad na kami palabas ng palasyo. Nang makalabas na kami hindi ko alam kung saan iyong sinasabi niya na pupuntahan namin dalawa. Sumusunod lang ako sa kanya at maya maya napahinto kami sa isang lugar na abanduna na bahay. "Bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko sa kanya. "Noong bata ako dito ako palagi tumatambay para tumakas sa pag aaral ko. Hindi ko nga alam kung paano ko nagustuhan dito," sabi niya sa akin at umakyat kami sa taas kung saan makikita mo ang lawak ng lugar. "Maganda naman dito kaso nagiba ng lang iyong bahay," sabi ko sa kanya at umupo naman siya sa sahig. Nag iisip ako kung paano ako uumupo kasi naka dress ako. "It's okay. You can sit here at my lap kung nadudumihan ka," sabi niya sa akin at nag init naman ang pisng ko pag ka sabi niya niyon. Tinaas ko ang laylayan ng dress ko sabay umupo ako. Narinig ko naman na tumawa si Mark wala naman nakakatawa sa ginawa ko ah gusto ko lang din naman umupo kagaya niya. "Kwento mo naman sa akin kung paano ka napunta sa ampunan," sabi niya sa akin at nagulat naman ako. "Namatay sa sunog ang mga magulang ko," sabi ko sa kanya at napatingin ako sa langit. "Ako lang iyong nailigtas hindi nila nailigtas iyong bagong anak ng nanay ko," sabi ko sa kanya. "May kapatid ka pala," sabi niya sa akin at tumango naman ako. "Saglit ko lang nakasama ang kapatid ko kaya iyong napunta ako sa ampunan hindi ko pinabayaan iyong mga batang naulila din sa magulang nila," sabi ko sakanya at tumango tango naman siya. "Kaya gusto ko malaman kung paano makabalik kaya ko hinahanap ulit iyong butas kung saan ako nakapasok papunta dito," sabi ko s akanya at hinawakan naman niya ang kamay ko. "May balak ka pa din umuwi?" Tanong niya sa akin at pag tingin ko sa kanya malungkot ang itsura niya ngayon. "Babalik pa din ako kapag nahanap ko iyon," sabi ko sa kanya at napayuko naman siya pero hinawakan ko ang mukha niya para iangat iyon. "Wag ka nang malungkot diyan. Nakita mo naman nahihirapan tayo hanapin iyon," sabi ko sa kanya. "Atsaka baka matanda na ako bago ko mahanap iyon," dugtong kong sabi sa kanya at napangiti naman ako dahil alam ko mabuti naman ang kalagayan ng mga kapatid ko doon sa ampunan. "Hana gusto ko mag sama tayo ng matagal. Gusto kitang pakasalan balang araw papayag ka ba?" Tanong niya sa akin natawa naman ako. Gusto niya agad ako pakasalan kagabi lang naging kami. "Oo na mag sasama tayo ng matagal," sabi ko sa kanya at niyakap naman niya ako ng biglaan. "Sobrang saya ko talaga ngayon araw na 'to! Hindi ko alam gagawin ko dahil hindi ko akalain na magiging tayo!" sabi niya sa akin. "Masaya din ako Mark," sabi ko sa kanya sabay kumalas siya ng pag kakayakap niya. "Saan mo gusto pumunta?" Tanong niya sa akin at nag isip naman ako wala namn masyado mapasyalan dito. "Saan pa ba pwedeng pasyalan?" Tanong ko sa kanya. "Gusto mo ba pumunta sa ibang palasyo sa mga kakilala namin? Welcome naman tayo pumunta doon kaso nga lang aabutin tayo ng ilang oras bago tayo makarating doon," sabi nya sa akin. "Ganoon ba? Tara subukan natin kapag hindi tayo makauwi doon muna tayo matutulog sa mga renta bahay," sabi ko sa kanya sabay tumayo namam siya at tinulungan niya ako makatayo. Bumaba na kami at inalalayan niya pa ako makababa. Nag lakad na kami pabalik sa palasyo at kinuha doon ni Mark ang kabayo niya na pag mamay ari niya. "Suotin mo 'to," sabi niya sa akin at sinuot ko naman ang kulay brown na coat. Kumuha siya ng tungtungan ko at nagulat aki ng hawakan niya ang bewang ko para itaas ako at makaupo sa kabayo. Sumakay na din siya. "Kumapit ka ng maigi," sabi niya sa akin at kumapit naman ako sa kanya sa may bewang niya. Pinatakbo niya ang kabayo at napayakap naman ako dahil parang pakiramdam ko babagsak ako. Sobrang mauga hindi ako sanay sumakay sa ganto na kabayo. Huminto kami sa isang lugar na medyo maliit lang pero may palasyo siya. Bumaba siya at ako naman tinulungan niya makababa parang ang bilis naman yata namin makarating. "Halika na?" Nilapad niya ang kamay niya at humawak naman ako doon. Nag lakad na kami at iniwan namin ang kabayo namin sa gate mismo may mga nakabantay nama doon na guwardya eh at kilala din si Mark pag pasok namin. "Maganda din dito sa lugar na 'to," sabi ko sa kanya nakita ko na ngumiti siya. "Maganda talaga dito kahit maliit lang ang lugar nila dito. Kaunti ang mga tao pero makikita mo na masaya sila," sabi niya sa akin at habang nag lalakad kami napahinto ako sa isang bilihan ng mga sapatos. Tinignan ko kung paano gawin ng lalaki dito na nag tratrabaho habang nakatingin ako, nagulat ako dahil biglang nag salita si Mark sa gilid ko. "Gusto mo bumili?" Tanong niya sa akin. "Tinitignan ko lang kung paano nila gawin iyong mga sapatos sa taon niyo," sabi ko sa kanya at nagulat naman ako ng nilapitan niya iyong gumagawa. Napasunod naman ako. "Magkano sa gantong sapatos?" Tanong niya at ako naman tahimik lang dito. "Mura lang ang mga sapatos ko Prinsipe Mark. Pwede ko din ibigay ng libre ito." Nagulat naman ako. "Nakakahiya naman po kung libre niyo ibibigay sa amin. Kumikinta po kayo paano nalang mga pamilya niyo po?"sabi ko sa kanya at napatingin naman sa akin si kuya na nag takha. "Asawa niyo po ba siya Prinsipe Mark?" Tanong niya kay Mark. "Magiging asawa palang. Bibilhin ko nalang ito," sabi ni Mark at pinigilan ko siya. "Pipili ako ng disenyo," sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya. Habang namimili ako kausap ni Mark iyong mang gagawa doon, nakakita ako ng kulay asul na may disenyo na ibon kinuha ko iyon at sinukat ko sa paa ko iyon napangiti ako dahil bagay siya sa akin. "Gusto mo na iyan?" Tanong sa akin ni Mark sabay tumango tango naman ako. "Gusto ko siya. Kunin na natin ito," sabi ko sa kanya at inilagay siya sa isang nag na kulay brown. Binigay sa amin iyon at nag bayad si Mark sa kanya dinagdagan niya pa ang binayad niya. Pag ka labas namin kinuha niya saakin ang bitbit ko na sapatos. Lumuhod siya at hinawakan ang paa ko kaya naman nagulat ako. "Alam ko kung gaano mo 'to gusto kaya isuot mo na agad," sabi niya sa akin at inalis naman niya ang suot ko na sapatos na kulay puti. Isinuot niya sa akin ang bago. Pag ka tapos niyang masuot saakin nag simula na ulit kami mag lakad. Habang nag lalakad kami, may nakabunggo sa akin na isang matandang babae at napatitig sa akin ng matagal kaya napakuno't ako ng noo aalis na sana kami ng hawakan niya ang braso ko. "Hindi ka taga dito ija." Nagulat ako sa sinabi niya. "Manang bitawan niyo siya," sabi naman ni Mark. "Prinsipe Mark hindi siya taga dito bakit may kasama ka na nang galing sa magaganap pa lamang?" sabi nito at nag ka tinginan kaming dalawa at bigla akong nalungkot. Sabi ko na nga ba pati mang huhula malalaman na hindi ako taga dito. "Taga dito siya kaya bitawan mo siya," sabi naman ni Mark at pinigilan ko naman siya. "Baka sakaling alam niya kung paano ako makabalik Mark hayaan natin siya mang hula," sabi ko sa kanya. "Naniniwala ka sa kanya?" sabi niya sa akin at tumango naman ako. "Manang alam mo ba kung paano ako makakabalik sa taon ko?" Tanong ko sa kanya at hinawakan naman niya ang mga kamay ko. "Hindi ko mahanap kung nasaan ang lugar kung saan ka pwede bumalik sa taon mo pero kailangan mo mag hintay ng sampung taon. Mag bubukas ito sa tabi ng palasyo kung nasaan si Prinsipe Mark," sabi niya sa akin tama siya katapat ko lang ang palasyo ni Mark noong nakarating ako doon. "Salamat manang mag kano ba ang ibabayad ko saiyo?" Tanong ko sa kanya at umiling iling naman siya. "Hindi ko kailangan niyan ija. Ang mahalaga makakabalik ka sa taon mo makalipas ng sampung taon," sabi niya sa akin at umalis na siya. Nakatitig lang ako sa pag alis niya at naramdaman ko naman na hinawakan ni Mark ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at napayuko naman ako. "Wag kang malungkot. Babalik ka ba talaga ngayon na mahal natin ang isa't isa?" Tanong niya sa akin napaangat naman ako ng ulo ko nakita ko ang mukha niya na naging malungkot. "Hindi ako uuwi pero gusto ko malaman kung ayos lang ba ang pamilya ko. Kailangan mabuksan iyon daanan ko na iyon. Kung makakahanap tayo ng paraan para mabuksan iyon," sabi ko sa kanya at nagulat naman ako ng bigla niya ako yakapin. "Paano pag hindi ka agad nakabalik? Paano kung pag balik mo simula ulit sa una?" sabi niya sa akin at hindi ko naman naisip na mangyayari iyon. "Hindi ko inisip na mangyayari iyon dahil kung umaandar ang araw at oras dito ganoon din sa future kung nasaan ako," sabi ko sa kanya. "Susunod ako kapag hindi ka bumalik," sabi niya sa akin kaya naman napakalas ako ng pag kakayakap sa kanya. "Nababaliw ka na ba?! Kapag sumunod ka sa akin, hindi mo alam kung anong mangyayari sayo sa pag punta mo," sabi ko sa kanya at bigla naman niyang pinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Wala akong paki kung anong mangyari sa akin. Mahal kita Hana at hindi ko kayang wala ka sa tabi ko," sabi niya sa akin at sabay humawak sa bewang ko. "Hindi mo alam iyong nakilala kita nabighani ako sa kagandahan mo pero ang buong akala ko kagandahan lang meron sayo pati din ugali mo napakaganda," sabi niya sa akin at napangiti naman ako. "May nakuha din akong aral sayo Mark. Tinuruan mo ko maging tunay na babae sa taon niyo na 'to," sabi ko sa kanya. "Tara na ituloy na natin pag gagala natin," sabi ko sa kanya sabay humawak naman ako sa kamay niya at ngumiti. Makalipas ng ilang oras na pamamasyal namin inabot kami ng gabi at inabot kami sa gitna ng gubat ginabi na kami at madilim na ang dadaanan namin. Sumilong lang kami sa malaking puno. "Okay ka lang ba? Wag kang mag alala alam naman ni Ina kung saan tayo nag punta at kung sakaling gabihin tayo," sabi niya sa akin at umupo naman ako. Buti nalang nakabili kami ng pag kain doon sa pinuntahan namin. "Okay lang ako. Medyo nilalamig lang ako," sabi ko sa kanya at nagulat naman ako ng hubarin niya ang coat na kulay brown at nilagay niya sa katawan ko iyon. "Kumain kana para makapag kwentuhan tayo," sabi niya sa akin at kumain naman ako. Pag tapos namin kumain nagulat ako ng paalis siya. "Saan ka pupunta?" Pag aalala kong tanong. "Mag hahanap ng pwedeng pag ihian." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. "Sige." Nauutal kong sabi at habang paalis siya sinusundan ko ng mata kung saan siya nakarating. Hindi ko siya makita masyado at nang makita ko ang katawan niya na palapit dito nakita ko na nakagisi siya at umiwas naman ako ng tingin. "Gusto mo pa yata sumilip ah." Natatawa niyang sabi sa akin at naramdaman kong nag init ang pisngi ko. "Hindi ah tinitignan kita kasi malay natin baka may kumuha sayo ipag tatanggol kita," sabi ko sa kanya at natawa naman siya ng malakas. "Hinaan mo nga boses mo baka marinig ka," sabi ko sa kanya sabay dumikit naman siya sa tabi ko at lalong tumibok ng mabilis ang puso ko. "Gusto mo bang gawin?" Nagulat ako sa sinabi niya at napaatras ako. "Anong gawin?! Mark kagabi lang naging tayo gagawin agad natin. Ganyan ba ginawa ng mga magulang mo?" sabi ko sa kanya at tumawa naman siya ng malakas sabay napanguso naman ako. "Binibiro lang kita masyado ka naman kabado. May respeto ako sayo," sabi niya sa akin at bumalik naman ako sa pwesto ko. "Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ko sa kanya. "Kaming mga lalaki parating mainit kayong mga babae kasi madaling lamigin," sabi niya sa akin. Edi sila na malakas. "Siguro ginawa ng diyos na parating kayong mainit para mayakap niyo kaming mga babae," sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya. Nag ka titigan kaming dalawa sabay inakbayan niya ako at napasandal ako sa dibdib niya. Narinig ko ang puso niya na tumitibok ng sobrang bilis kaya naman napatingin ako sa kanya at nakita ko na kagat kagat niya labi niya. "Bakit mo kinakagat labi mo?" Tanong ko sa kanya. "Gusto kasi kitang halikan," sabi niya sa akin sabay yumuko siya at hinalikan ako. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD