Kabanata 3

2291 Words
Hana's Pov Nagising ako dahil may humawak sa tiyan ko. Napatingin ako kay Mark na tulog pa rin at hawak niya ang libro na binabasa niya, habang nakadantay ang isang kamay niya sa tiyan ko. Dahan-dahan ko naman iyon inalis. Bumangon na ako at pagbukas ko ng pinto, may mga katulong na nag-aabang sa akin kaya naman binigay ko sa kanila ang susuotin ko pagkatapos kong maligo. "Huwag kayong maingay, natutulog pa ang prinsipe," sabi ko sa kanila Nagulat naman sila nang makita nila si Mark na natutulog sa kama ko. "Diyan po siya natulog sa inyo?" tanong niya sa akin. "Oo, bakit, may problema ba?" tanong ko naman. "Bawal po kayo magtabi kapag hindi pa po kayo kasal, makakarating po 'to sa mahal na reyna," sabi ng isang katulong at agad naman itong umalis kaya naman sinubukan ko siyang pigilan pero hindi ko nagawa. Pumasok ako sa kwarto at ginising ko si Mark. "Mark gumising ka! May katulong na sinumbong tayo na magkatabing natulog!" sigaw ko rito kaya nagising naman siya. "Sinong katulong? Saan doon? May mga pangalan sila, sino sa kanila?" tanong niya sa akin. Aba hindi ko alam ang pangalan ng mga katulong ditto, hindi naman sila nagpakilala sa akin! "Paano ko malalaman, hindi ko pa kilala ang lahat ng katulong dito pero pumunta siya sa mahal na reyna at isusumbong daw tayo," sabi ko at agad naman siyang napatayo, lalabas na sana kami nang bumukas ang pinto at bumungad ang reyna. "Anak anong ginagawa mo sa kwarto ni Hana? May nangyari ba sa inyo?" tanong agad ng reyna at lumuhod naman si Mark bigla. "Wala pong nangyari sa amin ako po ang kusang pumunta sa kwarto ni Hana para bantayan siya," sabi ni Mark at bigla namang napaisip ang reyna. "Bantayan? Nag-aalala ka ba sa kanya? Marami naman tayong guwardya ditto, wala namang makakapasok, anong ibig mong sabihin na babantayan?" tanong ng reyna at seryoso itong nakatingin kay Mark. "Naninigurado lang ako dahil may ibang guwardya na pumapasok dito sa palasyo at naghahanap ng gagahasain nila," seryoso na sabi ni Mark. Gumagawa ba siya ng paraan para hindi ako mapagalitan? "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, nagsisinungaling ka. Hindi mo ba nakikita ang suot ni Hana ngayon? Nakabukas ang butones sa bandang dibdib niya, ibig sabihin may nangyari sa inyo, at saka iyong damit mo hindi ka nakasuot ng pamatong!" pabalabag na sabi ng reyna kaya lumuhod ako. Kasalanan ko din naman ako iyong nagpatawag kay Mark dito sa kwarto ko. "Ako na lang ang parusahan niyo po, kasalanan ko po ang lahat ng ito," saad ko. Lumapit sa akin ang reyna. "Ikulong niyo itong babaeng ito sa kulungan ng mga aso," sabi nito kaya nagulat naman ako. Mga aso? Teka takot ako sa aso, hindi ko kaya na doon ako ikulong! "Teka lang, Ina, ako ang may kasalanan kaya dapat ako ang parusahan niyo!" saad ni Mark. "Tumigil ka! Ang babae na mismo ang nagsabi na siya ang may kasalanan. Hindi marunong magsinungaling ang mga babae, hindi kagaya ninyong mga lalaki na nagsisinungaling!" sigaw nito May pumasok na mga guwardya sa silid at binitbit na ako palabas. Wala na akong nagawa dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako pwede sa ganitong lugar na 'to. Isa lang akong ampon at hindi naman ako mayaman para makatanggap ng eleganteng matutuluyan pansamantala. Nakita ko na may tumatahol na aso. Ipinasok ako sa kulungan nila at nilagyan ako ng kadena sa paa saka sinarado na nila ang pinto. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil takot na takot ako sa aso. "Tama na!" sigaw ko dahil lumipas na ang ilang oras pero hindi pa rin pumupunta rito si Mark. Siguro hinayaan niya na ako tutal wala naman akong kwentang tao. Nagulat ako dahil akala ko hahabulin ako ng aso mga kaya napatayo ako tumakbo ako kaso nadapa ako dahil sa kadena na nakakabit sa akin. Nakita ko na may gasgas na ang paa ko kaya nanatili na lang akong nakaupo. "Hana.” Narinig ko ang boses ni Mark. Pagdilat ko ng mata ko’y nakita ko siya na may dalang espasada. "Anong gagawin mo, Mark?" tanong ko sa kanya. Biglang kumirot ang paa ko. "Ilalabas na kita rito," sabi niya sa akin at nagulat ako nang gamitin niya ang espada niya para matanggal ang lock sa pintuan. Tumahol naman ang mga asong may mahbang tali sa leeg kaya hindi nila ako maabot. Saktong hinati ni Mark ang kadena na nasa paa ko, sabay binuhat niya ako. Napatingin naman ako sa kanyang seryosong itsura kaya napakapit ako nang mahigpit. Lumabas kami sa palasyo. Sumakay kami sa karwahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Nakatingin siya sa paa ko at halata sa itsura niya ang pag-aalala nito kaya naman tinusok ko iyong pisngi niya gamit ang daliri ko. "Huwag kang mag-alala sa akin, hindi naman ito ganoon ka sakit," sabi ko sa kanya at ngayon sa akin naman siya nakatitig. Nalungkot siya bigla. "Kasalanan ko 'to, sana hindi na lang kita pinatuloy doon sa palasyo at sa iba kita pinatuloy muna," sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon dito. Ang akala ko sasabihin niya ay sana pinabayaan niya na lang ako pero hindi iyon ang sinabi niya. "Salamat sa lahat, Mark, babawi ako sa lahat ng nagawa mo sa akin," sabi ko sa kanya. Huminto naman ang karwahe. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Pumasok kami sa isang maliit na bahay nang buhat pa rin niya ako. Pagpasok namin doon ay bumungad sa akin ang apat na lalaki na maliliit. Teka, bakit sila maliliit? "Bakit sila maliit, Mark?" tanong ko. Ibinaba naman niya ako sa may sofa. "Tulungan niyo ako, pamilyang Panchel, na alagaan ang aking prinsesa." Nagulat ako sa sinabi niya na ‘aking prinsesa’. ‘Yung totoo? Hindi naman ako prinsesa ah. "Nako, Kuya Gorchou, may sugat ang paa ng binibini na 'to." Napasigaw ako dahil hinawakan ng isang lalaking maliit iyong paa kng may sugat.. "Sino kayo?! ‘Wag niyong hawakan ang mga sugat ko!" banta ko sa kanila. Natawa si Mark sa inasal ko. "Paumanhin, Binibini, pero kailangan naming gamutin iyan," sabi ng nakasumbrero. Nagulat ako na mabilis niyang natanggal ang naiwang kadena sa paa ko. "Hana, pinapakilala ko sa ‘yo ang pamilyang Panchel. Ito nga pala si Gorchou." Tinuro niya ang lalaking nakasimangot ang mukha pero mukhang mabait naman. "Ito naman si Ferdie, marunong siya sa gawain bahay." Turo niya sa isa na nakaupo sa silya. Nagulat ako nang kindatan niya ako. "Siya naman si Christo, ang gumagamot sa paa mo ngayon," pakilala nito sa lalaking nasa paanan ko. Nlalagyan ng dahon iyong paa ko, hindi ko nga alam kung anong klaseng gamot ang nilalagay niya sa mga sugat ko. Hayaan ko na, basta gumaling lang. "Ito naman si Andrey, ang namimili sa mga kailangan nila," sabi ni Mark. Bigla naman akong nalungkot, ibig sabihin ba nito ay aalis na si Mark? "Aalis ka na, Mark?" tanong ko sa kanya. "Pansamantalang mawawala ako pero babalikan kita rito kapag ayos na ang lahat sa palasyo. Huwag ka mag-alala hindi kita makakalimutan.” Tumibok naman ang puso ko sa mga tinura niya. "S-sige," nauutal kong sagot. Tinignan ko ang paa ko na binalutan ng tela. "Kami na ang bahala sa kanya, Ginoong Mark," sabi ni Gorchou. Bago makalabas si Mark ay ngumiti pa siya sa akin. Pagkalabas nito’y tumingin sa akin ang apat. "Dito ka ba nakatira sa lugar na 'to?!" "Binibin, hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo para matawag ka namin sa pangalan mo," sabi ni Christo. "Napakaganda mo, hindi ka lang isang prinsesa, baka anak ka ng mas mataas pa kay Ginoong Mark," sabi naman ni Andrey. Napakamot ako ng ulo ko. "Oo maganda ako pero iyong anak ako ng mas mayaman hindi totoo iyon, naligaw lang ako sa lugar na 'to at hindi ko alam kung paano ako makababalik sa amin," paliwanag ko sa kanila. "Ako nga pala si Hana Belle, ikinagagalak ko kayong makilala. Sa totoo lang, ang cute niyo," sabi ko sa kanila. Napakuno't sila ng noo. Oo nga pala hindi nila alam iyong ibig sabihin ng cute. "Dito ang kwarto mo," sabi sa akin ni Gorchou at pinakita niya sa akin ang kwarto ko. Maliit lang ang higaan ko pero sapat na iyon sa akin. "Salamat, kaya ko na sarili ko rito." Isinarado ko na ang pinto. Pinatay ko na ang kandila na nasa silid saka ako humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko pero dinilat ko makalipas ng ilang saglit dahil hindi ako makatulog. Bumangon ako at sumilip ako kung gising pa iyong apat at kita ko na wala nang ilaw na nakabukas, tulog na siguro sila. Hindi ako makatulog kahit na maliit na iyong kama ko. Hindi pa din ako makatulog nang wala akong katabi. Binuksan ko ang bintana at nagulat ako nang makita ko si Mark na papunta rito kaya naman napatayo ako sa pagkakaupo ko. Tumingin siya sa gawi ko, ngumiti ako nang makalapit na siya rito. Pumasok siya sa may bintana. "Alam ko na hindi ka makakatulog kapag walang katabi kaya naisipan ko na puntahan ka kahit na bawal ako lumabas ng isang linggo sa palasyo naming," sabi niya sa akin. Natawa ako sa sinabi niya. "Masamang tumakas, Mark ,alam mo ba iyon? Baka lalo pang lumaki iyong kasalanan mo," sabi ko sa kanya. Humiga na ako sa kama at siya’y naupo lang sa silya. "Matulog ka na, anong oras na din. Siguro kailangan mo nang matulog," sabi niya sa akin. Tumibok na naman iyong puso ko nang sobrang bilis. Hindi ko alam kung bakit ganito ang puso ko. 21 pa lang ako, hindi ko alam kung ilan na ang edad ni Mark, baka mas matanda pa siya sa akin. "Mark." tawag ko sa kanya. "Hmm?" "Ilan na ang edad mo?" tanong ko sa kanya, baka kasi hindi niya maintindihan kapag sinabi ko na ilang taon na siya. "24 na ako. Ikaw ilan na ang edad mo?" tanong niya sa akin. "Mas matanda ka sa akin. 21 lang ako," sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang tapikin niya ang ulo ko nang mahina. "Wala naman akong pake kung ano pa ang edad mo," sabi niya sa akin. Makatulog na nga! E di wala siyang pake! Napaka-weird din niya. Kinaumagahan, nagising ako nang wala na sa tabi ko si Mark. May nakita ako na parang damit na nakahanda kaya naman kinuha ko iyon. Simpleng damit lang siya. "Binibini–" "Waaaaa!" napasigaw ako dahil naghuhubad ako ng damit kaya napahalukipkip agad ako at napaupo ako. "Paumanhin, Binibini, pero doon ka maliligo sa likuran. May mga harang na rin kami na ginawa," sabi ni Christo. "Oo na, umalis ka na! Nakahubad ako!" singhal ko rito kaya umalis naman siya. Napatingin ako sa pintuan at lahat sila’y nakatakip ang mga mata nila. Lumabas na ako at nakita ko ang banyo na ginawa nila kaya pumasok ako roon. Nagsimula na akong maligo at pagkatapos ay nagsuot na ako ng dress na simple lang, madali lang din siyang suotin. "Binibini, may pinadala ang prinsipe para sa ‘yo. Makakatulong daw sa ‘yo 'to sa balat mo," sabi ni Christo at binigay niya sa akin ang lotion na binili namin sa labas kahapon. "May magagawa ba ako rito ngayon? Nakakahiya naman kapag hindi ako tutulong sa inyo! May nagluluto ba ng pagkain para sa inyo?" tanong ko sa kanila. "Sige, ikaw ang magluto. Heto ang mga gulay." Binigay sa akin ni Andrey ang mga gulay na nasa basket at ang lagayan ng ulam. "Sige, tatawagin ko kayo kapag tapos na!" sabi ko sa kanila at tinuro naman nila ang lutuan. Hiniwa ko na ang mga gulay at habang ginagawa ko iyon ay nagpakulo ako ng tubig. Naghati na rin ako ng patatas at carrots. Paglatapos kong magawa iyon ay may isda sila na ibinigay din. Pagkatapos ko magluto, tatawagin ko na sana sila nang makita ko silang apat na tinulak ng guwardya na hindi ko alam kung saan galing. Iba iyong kasuotan nila. "Bakit niyo sinasaktan ang mga ito ha?!" galit kong sabi at tumingin naman sa akin ang isang guwardya na naglalakad at tinutok niya sa akin ng matulis niyang espada. "Sino naman itong babaeng ito? Ikaw ba iyong nagpapagalaw sa apat na ito? Tumabi ka mababang nilalang ka!" Itinulak din ako pero hindi ako napaupo dahil may sumalo sa akin. "Sino nagturo sa inyo na saktan ang isang magandang babae na ito?" Iba iyong boses ng lalaki na nasa likuran ko? "Prinsipe Nyxon!" napaluhod ang mga guwardya at pagharap ko’y isang lalaki na nakasuot ng armor sa katawan at mahaba ang buhok nito hanggang balikat niya. "Humingi kayo ng tawad sa kanya," sabi ni Prinsipe Nyxon. "Patawarin mo po kami, Binibini, hindi na po mauulit iyon. Maaari din ba namin malaman pangalan mo?" tanong nila sa akin. "Bakit naman ako magpapakilala sa bastos na mga kagaya ninyo? Hindi dapat kayo tinutularan at ginagalang," sabi ko sa mga ito. Tumalikod na ako at pinapasok ko na sa loob ang apat na kasama ko sa bahay. "May pagka siga ka rin pala, Binibining Hana," tila papering sabi sa akin ni Christo. "Ayoko kasi sa tao na masama tapos magiging mabait kapag nalaman nila na maganda ang loob mo," sabi ko at hinanda ko na ang niluto ko na ulam sa lamesa. "Isa pa, hindi dapat sila ginagalang. Napakasama nila. Hindi ko alam kung anong mali sa pagiging mahirap," seryoso kong sabi. Napansin kong nakatitig sila sa niluto ko na ulam. "Ang sarap ng ulam na niluto mo, Binibini! Salamat sa pagtulong sa amin kanina at sa pagkain!" sabi ni Andrey. Napangiti ako sa tinuran niya. "Kumain lang kayo nang kumain para mabusog kayo at lumakas kayo!" sabi ko sa kanila. Nagsimula na rin ako kumain nang may ngiti sa labi. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD