Kabanata 9

2343 Words
Mark's Pov Kumalas na ako sa pag kakahalik at nakapikit pa din siya kaya naman pinisil ko ang pisngi niya, parang nang hihingi pa siya ng pangalawa pinigilan ko nalang ngumiti. "Bakit mo naman pinisil pisngi ko?" Tanong niya sa akin. "Kailangan mo ng matulog," sabi ko sa kanya at tinignan ko ang paligid dahil napakatahimik sa lugar na ito. Tulog na din ang kabayo namin. Makalipas ng ilang oras tumingin ako kay Hana at tulog na siya. Ngumiti naman ako dahil masarap na ang tulog niya. Hindi yata ako makakatulog ngayon gabi dahil babantayan ko siya hanggang mag umaga. Delikado pa naman sa mga gantong lugar baka pag gising ko wala na sa tabi ko si Hana. Lumipas ng ilang minuto nakita ko ang araw na palabas na tinignan ko naman si Hana at hinalikan ko ang noo niya. Unti unti kong hiniga si Hana sa may lagayan ng gamit. Tumayo naman ako para mag hanap ng tubig pang hilamos sa mukha niya pag ka balik ko nakita ko na gising na siya at halatang hinahanap niya ako. "Saan ka nag punta Mark?" Tanong niya sa akin habang umuunat siya, binigay ko sa kanya ang tubig na malinis para makapag hilamos. "Mag hilamos ka," sabi ko sa kanya at kinuha naman niya iyon. "Ikaw hindi ka mag hihilamos?" Tanong niya sa akin. "Hindi ako natulog," sabi ko sa kanya mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. "Hindi ka natulog?!" Gulat niyang tanong sa akin at tumango tango naman ako. "Bakit hindi ka natulog? Hindi ka ba makatulog kagabi kasi nakasandal ako sa dibdib mo?" Tanong niya sa akin at hinawi ko ang buhok niyang nabasa sa pisngi niya. "Binabantayan kita kaya bilisan mo diyan mag hilamos," sabi ko sa kanya at tumayo naman ako para ayusin ang mga gamit namin at kalat namin na nandito. Pag tapos ko mag ayos pag lingon ko sakanya malungkot ang itsura niya kaya naman lumapit ako sa kanya. Tinanong ko siya kung bakit malungkot siya. "Bakit malungkot ka? Ayaw mo bang bantayan kita? Gusto mo matulog din ako?" Tanong ko sa kanya. "Pag ka uwi natin matutulog ka Mark, hindi pwedeng mapuyat ka dahil lang sa akin," sabi niya sa akin at pumunta siya sa kabayo at inaantay niya ako na buhatin ko siya. "Alam mo naman na importante ka na sa akin–" "Mas importante ang kalusugan mo kaysa sa akin. Tandaan mo Mark, mahal mo nga ako pero hindi ako prinsesa!" sabi niya sa akin at parang iiyak na siya. "Ilang beses ko ba sasabihin sayo kahit na hindi ka prinsesa may mabuti kang kalooban na pang prinsesa. Bagay ka sa akin at walang makakapigil sa atin," sabi ko sa kanya at napakagat siya ng labi. "Edi bagay kung bagay tara na para makapag pahinga ka naman pag ka uwi," sabi niya sa akin at lumapit naman na ako sa kanya. Binuhat ko naman siya at pag ka sakay niya. Umakyat na din ako para makasakat pinatakbo ko na ang kabayo at naramdaman ko na mahigpit ang kapit niya sa akin. Napangiti nalang ako hindi ako nag kamali na hindi siya mahalin. Napakabuti niyang babae kahit na sa ibang taon siya galing. Gusto ko siyang makasama ng mas matagal pa. Nakarating na kami sa palasyo at pag ka dating namin doon binati muna namin ang ina ko at ama ko. Napangiti lang sila sa akin sabay dumiretso kami sa kwarto ko. "Matulog ka at mag pahinga ka kailangan mo iyan," sabi kaagad sa akin ni Hana sabay tumingkayad pa siya para lang mahalikan ako sa noo at ngumiti siya. Hana's Pov Pag ka labas ko ng kwarto niya tumibok ng sobrang bilis ang puso ko at hindi ko alam kung paano ko papakalmahin iyon. Kung ipag luto ko kaya siya? Napangiti ako at nagulat naman ako dahil bumungad ang mga katulong. Oo nga pala kailangan ko muna maligo para malinis ako. Pag tapos ko naman maligo, kulay puti ang suot kong damit ngayon. "Saan dito iyong kusina niyo?" Tanong ko sa katulong at nagulat naman sila sa tanong ko. "Mahal na prinsesa hindi ka pwede doon dahil maraming katulong na nag luluto doon at isa pa napakaimportante mo po para pumunta doon," sabi sa akin. "Gusto ko kasi ipag luto si Mark," sabi ko sa kanila at bigla naman silang kinilig. "Kung para kay Mark po meron po kaming lugar kung saan pwede ka mag luto na walang kasamang katulong," sabi nila sa akin. "Talaga?! Saan ito gusto ko makita," sabi ko sa kanila at sinabi naman nila na sumunod lamang ako sa kanila. Habang sumusunod ako nag iisip na ako ng mga lulutuin ko para kay Mark, hindi ko natanong kung anong paborito niyang pagkain alam kaya ng mga katulong dito? "Alam niyo ba kung anong paboritong ulam ni Mark?" Tanong ko sa isang katulong na katabi ko. "Marami po siyang paborito kung ano naman po siguro lutuin niyo magugustuhan niya," sabi niya sa akin at napangiti naman ako. "Sige bigyan niyo nalang ako ng mga gulay at mga gamit," sabi ko sa kanila at nang makarating na kami dito napakaganda naman ng kusina dito Siguro nag luluto dito iyong reyna para sa hari dahil halatang pang private 'tong kusina na ito eh. Umalis na ang mga katulong matapos nila mailagay sa lamesa ang mga gulay at iba pang gamit sa pag luluto. Napaisip ako kung mag luto kaya ako ng tinola at adobo na kinakain ko sa ampunan? Pati na din ang sinigang na baboy. Tinignan ko ang mga meron dito at kumpleto naman. Sinuot ko ang apron na binigay nila saakin nag simula na ako mag balat ng patatas at nag hati na din ako ng bawang at sibuyas at makalipas ang ilang oras, tapos na ako mag luto at napangiti naman ako dahil masarap ang niluto ko. Siguradong maninibago siya dahil hindi niya alam niluluto ko. Tinakpan ko muna at lumabas ako pumunta ko sa kwarto ni Mark pag pasok ko doon natutulog pa din siya kaya naman umupo ako sa kama. "Napakagwapo mo talaga." Bulong ko at nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahil hinihimas ko ang buhok niya. "Bakit naka apron ka anong ginawa mo?" Tanong niya sa akin sabay ngumiti naman ako. "Pinag luto kita pero bago ka kumain maligo ka muna," sabi ko sa kanya. "Oo naman maliligo ako," sabi niya sa akin at bumangon naman siya sabay hinalikan ako. "Mark!" sabi ko dahil hindi man lang siya nag mumog pa hinalikan niya agad ako pero nag init ang pisngi ko sa ginawa niya. Tumatawa siya habang palabas siya pero agad siyang pumasok para mag tanong. "Doon ka ba nila dinala sa kusina na pamilya lang pwedeng pumasok?" Tanong niya sa akin at tumango ako. "Pang pamilya pala iyon?" sabi ko. "Oo at tinuturing ka ng pamilya agad nila Ina at Ama," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako. Tuluyan na siyang lumabas at ako naman lumabas na din para bumalik sa kusina. Pag balik ko umupo ako sa silya para hintayin siya. Tumayo ako at hinanda ko ang pinggan na gagamitin namin makalipas ng ilang minuto narinig kong bumukas ang pinto at nakakulay puti siya. Napangiti naman ako ginaya niya talaga iyong kulay ng suot ko. "Naamoy ko na agad mukhang masarap iyong niluto mo," sabi niya sa akin at umupo naman siya sa tabi ko. Tumayo naman ako at binuksan ko ang ulam na niluto ko inamoy niya iyon at nag tatakha ata siya. "Bakit parang hindi ako pamilyar sa amoy ibang pagkain yata ang niluto mo?" Tanong niya sa akin. "Itong pagkain na niluto ko meron ito sa taon namin kaya tikman mo na habang mainit pa," sabi ko sa kanya sabay kumuha naman siya ng sabaw. Tinikman niya iyon at hindi naman siya nag sasalita kaya naisip ko na pangit sa lasa nila iyong mga ulam namin. "Masarap siya ngayon lang ako nakatikim ng ganto," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako. "Kain ka na din. Gusto mo ba patawag ko si Ina at Ama para matikman iyong luto mo?" Tanong niya sa akin. "Sayo ko talaga niluto iyan para sayo lang." Nauutal kong sabi at halatang nagulat naman siya. "Talaga sa akin lang ito?" Tanong niya at ngayon nakatitig na siya sa mga mata ko. "Oo sayo–" nagulat ako ng halikan niya ako. Hindi ako nakawala agad dahil malalim ang halik niya. Bakit nasasarapan ako? Kumalas naman siya sabay ako nakatulala lang bigla naman siyang tumawa at pinisil niya ang ilong ko kaya bumalik ako sa diwa ko. "Bakit mo ko hinalikan biglaan?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko din alam pero kapag kasama kita lagi akong mainit," sabi niya sa akin kaya naman pati ako nag init na din sabay tumibok ang puso ko. Nanatili naman ako tahimik at inubos ko na ang pagkain ko. Habang kumakain ako, napapansin ko na nakatitig na naman siya sa akin tinitignan niya ba kung gaano ako kaganda kapag kumakain? "Bakit mo ko tinitignan?" Tanong ko sa kanya. "Iniisip ko paano kung wedding dress na ang suot mo," sabi niya sa akin kaya naman uminom muna ako ng tubig. "Hindi pa tayo umaabot ng buwan Mark nandoon na agad isip mo. Gaano mo ka ba nahulog sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Sobra! Sobra akong nahulog sayo na gusto na agad kitang gawin asawa," sabi niya sa akin kaya naman tumayo ako at inayos na ang pinag kainan namin. Pag tapos kong mag hugas ng plato naramdaman ko ang yakap saakin ni Mark. Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil nararamdaman ko ang hinga niya sa gilid ng tenga ko. "Hana gusto ko tumingin ka sa mga mata ko ngayon hindi ito formal na usapan. Titigan mo lang ako ng matagal kung hindi mo kaya ibig sabihin nahihiya ka pa sa relasyon natin." Narinig kong sabi niya kaya naman inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at humarap ako. "Nahihiya naman talaga ako sayo ayan sinabi ko nalang," sabi ko sa kanya pero inangat niya ang mukha ko at natitigan ko siya sa mga mata niya. "Titigan mo lang wala kang sasabihin," sabi niya sa akin at agad naman ako umiwas dahil tumitibok ng sobrang bilis ang puso ko ngayon. "Bilis mo naman umiwas," sabi niya sa akin at napapikit naman ako dahil akala ko hahawakan niya ang mukha ko pero naramdaman kong hinimas niya ang ulo ko. Dinilat ko naman ang mga mata ko at pag tingin ko sa kanya nakatitig siya sa akin kaya naman nag isip ako ng paraan para makaalis sa gantong lambingan na sobra. "Gagala ba ulit tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya. "Ikaw kung gusto mo ulit makasama ako sa gubat," sabi niya sa akin kaya naman pinisil ko ang pisngi niya. "Tigilan mo nga iyan Mark hind ka nakakatuwa. Binibiro mo ako sa gubat kagabi," sabi ko sa kanya at tumawa naman siya. "Gusto mo ba bumili naman ng mga magagandang dress?" Tanong niya sa akin at mukhang maganda nga bumili ng magandang dress. "Sige gusto ko iyan," sabi ko sa kanya at lumabas na kami ng kusina. "Saan naman iyong sinasabi mo na magagandang dress?" Tanong ko sa kanya. "Sa Sullivan Palace," sabi niya sa akin. Hindi ba doon nakatira si Nyxon? "Hindi ba doon nakatira si Nyxon? Edi malalaman niya na pupunta tayo doon?" Tanong ko sa kanya. "Oo pero hindi ko hahayaan na agawin ka niya sa akin," sabi niya kaya naman natawa ako ng mahina. Nag seselos ba siya? "Nag seselos ka ba kay Nyxon?" Tanong ko sa kanya at nakita ko na nairita ang itsura niya bigla. "Wag ka na mag selos mas gwapo ka doon," sabi ko sa kanya at bigla naman siya ngumiti. "Talaga?" Sagot niya at tumango tango naman ako sabat niyakap niya ako. "Tara na," sabi niya sa akin. Nag paalam kami sa Reyna at Hari pinayagan naman kami makaalis basta makakabalik daw kami ng ligtas. Sumakay na kami sa karwahe na may kabayo sa harapan. Habang na sa lakbay kami alam ko na matagal ang biyahe namin kaya dumikit ako kay Mark baka kasi bigla ako makatulog dito at wala ako mapag sasandalan. "Kung inaantok ka na sandal kalang sa akin matagal tayo makakarating doon," sabi niya sa akin hinawakn niya naman ang kamay ko at naramdaman ko ang init niyon. "Mark hindi ko inakala talaga na mamahalin at magugustuhan mo iyong kagaya kong babae," sabi ko sa kanya. "Tinuruan kita sa lahat habany tinuturuan kita nahuhulog ako sayo kaya hindi ko din masisisi sarili ko," sabi niya sa akin. "Habang kasama kita ng mga ilang linggo hindi ko alam na nahulog na ako sayo." Dugtong niyang sabi sa akin. "Wala naman sigurong masama kung magustuhan agad kita hindi ba?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako. Pero kapag nasa taon ka namin kapag nagustuhan mo agad ang isang babae puppy love lang daw iyon. Hindi ko alam kung bakit nila tinawag na ganun iyon atsaka kailangan sigurado ka sa nararamdaman mo sa taong gusto mo. "Mark salamat sa lahat pa din dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasanay ako matulog ng walang kasama," sabi ko sa kanya at biglang huminto ang karwahe namin. Nagulat ako dahil umihi lang pala iyong nag papatakbo. "Pero tandaan mo mas matanda ako sayo," sabi niya sa akin oo nga pala 24 na siya. "Oo alam ko iyon akala mo naman makakalimutan ko iyon," sabi ko at nag tawanan naman kaming dalawa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya naman minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko si Mark nasa labas at may kausap na lalaki nagulat naman ako ng sinapak siya kaya napabangon ako. "Mark anong nangyaya–hmm!" May biglang nag takip ng bibig ko at hindi ako makakawala sa lalaking humawak sa kamat ko. "Bitawan niyo siya kung hindi mamamtay kayo ngayon din!" Narinig kong sabi ni Mark at nagulat naman ako dahil bigla akong sinuntok sa tiyan. "Hayop kayo!–" Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Mark at naipikit ko na ang mga mata ko. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD