Kabanata 10

2377 Words
Mark's Pov "Pakawalan niyo siya!" Sigaw ko at pinasok siya sa kabilang karwahe. Sinuntok ulit nila ako sa tiyan pero akala nila masasaktan ako. "Matibay itong prinsipe na ito dalhin na din natin siya!" sabi ng isang lalaki at pag pasok namin sa karwahe kahit na nakatali kamay ko tinabihan ko agad si Hana. Wala siyang malay. "Wag kang mag alala hindi namin gagalawin prinsesa mo." Tumawa sila kaya lalo ko sinamaan ang tingin sa kanila. Hindi ko hahayaan na masaktan nila si Hana lalo na ang magalaw mag didilim talaga ang paningin ko kapag nangyari iyon. Huminto ang karwahe at napatingin ako sa bahay na sira sira. Sumunod lamang ako habang buhat nila si Hana. Naiinis na ako, buhat buhat nila si Hana. Gusto ko silang patayin lahat. Hiniga nila si Hana sa kama at ako naman sinipa nila bigla. "Tawagin na natin si Ferdinand." Narinig kong sabi ng isang lalaki at agad akong lumapit kay Hana. "Hana gumising ka kailangan mo gumising!" Inuuga ko siya gamit ang paa ko pero hindi pa din siya nagigising kaya naman inilapit ko labi ko sa kamay niya at sabay kinagat ko iyon. "Aray!" Bigla siyang napasigaw. "Buti naman at nagising ka. Kailangan mo makaalis dito," sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. "Hindi kita iiwan dito Mark! Sabay tayo tatakas dito!" sabi niya at umalid naman siya sa kama. Inalis niya ang tali sa kamay ko. "Kailangan natin makagawa ng paraan muna bago tayo makatakas," sabi niya sa akin at sumilip siya sa labas. Bakit parang sanay na sanay ata siya tumakas? "Bakit sanay na sanay ka ata sa pag takas?" Tanong ko sa kanya at tinignan naman niya ako. "Hindi ito iyong oras para pag usapan iyon," sabi niya sa akin. "Sige ano iyong plano?" Tanong ko sa kanya at habang nag uusap kami lumipas ng ilang minuto bago kami matapos sa usapan namin. Dumating na iyong mga lalaki at agad naman ako humarang sa harapan ni Hana. "Balak niyo tumakas ha?" sabi ng lalaki at may pumasok na matangkad na lalaki nakasuot ito ng kulay itim na coat. "Gusto niyo ba makatakas?" Eto na yata ang sinasabi nila na pangalang Ferdinand hindi siya pamilyar sa akin pero halatang may balak siya. "Nakita mo bang tumakas kami?" Nagulat ako dahil biglang nag salita si Hana at pag lingon ko halata sa itsura niya na matapang siya. "Hindi naman pero may gusto akong kunin sayo," sabi niya kay Hana at lumapit naman ito sa akin. "Gusto kong nakawan mo si Prince Nyxon. Nakita ko kasi na kilala niyo siya," sabi nito at bigla naman tumawa si Hana. "Patawa ka? Mukha bang mag nanakaw kami?" sabi niya at nagulat ako ng bigla niyang sampalin si Hana kaya naman sinuntok ko agad siya. "Putang ina mo! Sino nag sabi sayo na puwede mo siyang saktan?!" Sigaw ko at bigla siyang tumawa. "Gusto mo bang mamatay ng maaga o gusto mo makita na gahasain ko iyong taong mahal mo," saad niya at tumawa ito ng mala demonyo. "Subukan mo tayong dalawa ang mag lalaban," sabi ko sa kanya at tinapik naman niya ang balikat ko. "Babalikan ko kayo kapag nag bago isip niyo, sa ngayon dito muna kayo matutulog kasama ang mga alagad ko," sabi nito at lumabas na kaya naman nag ka tinginan kami ni Hana Pag ka labas niyong Ferdinand tumayo ako pero biglang pumasok ang mga alagad niya at nalaman na tatakas kami, kaya naman nakipag suntukan ako sa kanila. "Tumakbo kana Hana bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya at nagulat ako ng pukpukin nila ang paa ko kaya napaluhod ako. "Mark!" "Umalis kana bilisan mo!" sabi ko sa kanya at nakita ko na nag simula ng umiyak siya. Bilisan mo at humingi ng tulong kay Nyxon. Hana's Pov Patuloy lang ako sa pag takbo hindi ako humihinto hindi din ako lumilingon dahil ang sabi niya sa akin wag ako lilingon kahit anong mangyari. Parte daw ito ng mga tinuro niya sa akin. Hindi ko din mapigilan ang luha ko dahil nag aalala ako baka kung anong gawin nila kay Mark. Baka pag balik ko wala na akong babalikan. Nakarating na ako sa palasyo ni Nyxon at gabi ngayon. Hingal na hingal ako dahil sa pag takbo ko buti nalang madali lang makaalis sa gubat na iyon at nakabalik agad ako sa dinaanan namin kanina. Papasok sana ako nang bigla akong pigilan ng mga nakabantay dito. "Papasukin niyo ako, hindi niyo mo ba ako kilala? Hindi ba ko pinakilala ni Prinsipe Nyxon sa inyo?" sabi ko sa kanila at sabay silang napakuno't ng noo. "Walang nabanggit ang prinsipe namin tungkol sa inyo. Sino ba kayo para pumasok sa palasyo ng Sullivan?" Tanong niya sa akin. "Hana Belle ang pangalan ko hindi niyo ba alam na pumunta na ako dito sa palasyo niyo at nakapasok ako?!" sabi ko sa kanila at nagulat ako ng paluhurin nila ako. "Hindi ka namin kilala–" "Hana? Anong ginagawa mo dito?" Narinig ko ang boses ni Nyxon at napaangat ako ng tingin ko. "Nyxon! Kailangan ko ng tulong mo si Mark nasa panganib siya!" sabi ko sa kanya at agad naman niya ako pinatayo. "Hindi niyo ba kilala na isa siyang Prinsesa sa Creuch Palace?" sabi ni Nyxon at agad naman sila napaluhod kaya naman isinawalang bahala ko nalang dahil importante mailigtas si Mark ngayon. "Kailangan natin mailigtas si Mark." Seryoso ko na sabi sa kanya. "Naiintindihan ko mag papadala ako ng madaming alagad mag susuot din ako ng armor ko, kaya mo ba mag hintay dito?" sabi niya sa akin at tumango naman ako. Nag hintay naman ako dito at maya maya nandiyan na siya at may espada na nakalagay sa gilid ng katawan niya. "Pag ka dating natin doon kailangan makaalis ka agad at wag ka mag alala ililigtas ko si Mark," sabi niya sa akin. "Hindi ko pwedeng iwan si Mark doon! Tutulong din ako sa pag ligtas sa kanya." Seryoso kong sabi at napatingin naman siya sa akin hanggang baba. "Sa tingin mo ba makakagalaw ka ng maigi kapag iyan ang suot mo?" Tanong niya sa akin at napatingin ako sa sarili madumi na pala ang dress ko dahil kulay puti ang suot ko. "May damit ka ba na pwede akong gumalaw ng mabilis?" Tanong ko sa kanya. "Gusto mo ba talaga lumaban din sa kanila?" Tanong niya sa akin. "Oo para sa taong mahal ko," saad ko sa kanya. "Mahal. Kayo na pala. Sige sasamahan ka ng mga katulong para mag bihis," sabi niya sa akin kaya napangiti ako. "Salamat Nyxon," sabi ko sa kanya. "Hindi pa ako nakakatulong kaya wag ka muna mag pasalamat," sabi niya sa akin at dumating na ang mga katulong para bihisan ako. Pag labas ko tinulungan ako ni Nyxon makasampa sa kabayo. Pinatakbo niya na iyon at tinuturo ko kung saan kami dadaan nang makarating na kami doon nakita ko na binubugbog si Mark at hindi na makatayo kaya agad akong bumaba. Tumakbo ako papunta doon at kahit na mabigat ang espada lumaban pa din ako. Hindi ako marunong gumamit nito pero sinubukan ko pa din. "Hana? Umalis ka diyan baka masaktan ka nila," sabi niya at hindi siya makatayo dahil hawak niya ang paa niya na may dugo kaya lalo akong nainis. "Mark hindi kita iiwan dito kung mamamatay ka ngayon ganoon din ako!" Seryoso kong sabi. "Mukhang matapang itong babaeng–" Biglang sumugod si Nyxon at ako naman tinulungan ko makalabas si Mark. "Hana hindi ko kayang tumayo masakit talaga," sabi niya sa akin at napaupo siya sa labas ng bahay kaya tumawag ako ng gwardya ni Nyxon. "Tulungan niyo ko dito buhatin si Mark!" sabi ko at may lumapit naman na dalawang alagad ni Nyxon at tinulungan nila si Mark makatayo at sinakay sa kabayo. "Kaya mo bang mag patakbo?" Mahina ang boses niya dahil nang hihina siya ngayon. "Nakita ko kung paano mo pinatakbo ito kaya gagayahin lang kita," sabi ko sa kanya at tinaas ko ang tali sabay binaba ko iyon. Ginalaw ko din ang paa ko para tumakbo ang kabayo. "Kumapit ka ng maigi. Hindi naman nasaktan kamay mo," sabi ko sa kanya at naramdaman ko naman na niyakap niya ako. "Salamat Hana. Wag ka mag alala kakapit ako sayo ng maigi," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako at nakarating na kami sa palasyo. Pinahinto ko naman ang kabayo pag pasok namin doon nagulat ako dahil nakita ko ang prinsesa ng sullivan. "Anong nangyari kay Prinsipe Mark? Nasaan ang kuya ko bakit hindi mo kasama?" Tanong niya sa akin at nagulat ako ng hawakan niya si Mark at pinaakbay niya si Mark sa kanya. "Mauna na daw ako sabi niya kailangan na kasi magamot ang sugat ni–" "Mark ayos ka lang ba? Dadalhin kita sa kwarto ko para doon ka gamutin at doon kana din mag pahinga." Halatang ayaw niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanila at akay din ng alagad dito si Mark. Nalungkot naman ako bigla dahil hawak hawak nung Francheska iyong kamay ni Mark dapat ako iyong nandiyan sa pwesto mo hindi ikaw. Teka nag seselos ba ako? Nakarating na kami sa kwarto kung saan maganda at maayos ang kama nito. Hiniga si Mark at mag katabi sila ngayon pero biglang tumingin si Mark sa akin. "Hana dito ka sa tabi ko." Tawag niya sa akin at biglang napatingin sa akin si Princess Francheska. "Mark hindi siya pwede umupo sa kama ko ikaw lang my karapatan humiga dito at umupo," sabi nung Francheska kaya napaiwas ako ng tingin. "She's my princess is there a problem?" Nagulat ako dahil biglang sinabi ni Mark na princess ako. "You princess? Is she a princess of creuch your sister?" Nagulat ako sa tanong niya kata mapapatampal nalang ako. "No, my girlfriend." Seryoso na sabi ni Mark. "Ano!? Saan pala siya na palasyo nakatira? Hindi mo siya pinakilala sa akin pero nakita ko siya sa ballroom party," sabi nito. "None of your business, come here Hana." Tawag sa akin Mark kaya lumapit na ako sabay hinawakan niya agad ang kamay ko. "Tawagin mo na iyong manggagamot sa akin," sabi ni Mark kay Francheska at nakanguso na tumayo ito sabay lumabas. "Kanina ka pa nag seselos diyan nakikita ko. Wag ka mag alala ikaw lang mahal ko at gusto ko," sabi niya sa akin at nag init naman ang pisngi ko. "Alam ko naman iyon," sabi ko sa kanya. "Namumutla ka nga oh," sabi niya sa akin kaya naman tinignan ko siya at ngumiti siya kahit na putok iyong labi niya. "Tumigil ka Mark," sabi ko sa kanya at maya maya pumasok na ang mag gagamot sa kanya. Habang ginagamot siya, hawak niya ang kamay ko. Pag tapos siyang gamutin may pumasok dito at si Nyxon iyon na may dugo sa suot niya kaya nag alala ako. "Okay ka lang ba Nyxon? Kamusta iyong sa Ferdinand na iyon?" Tanong ko sa kanya. "Dinala namin siya dito para bitayin kinabukasan," sabi niya sa akin. Grabe naman sila dito bibitayin agad nila? Hindi ba nila tatanongin kung bakit nila nagawa 'to sa amin? "Papatayin agad sila? Hindi ba pwedeng tanongin muna bakit gusto nila mag nakaw sayo?" sabi ko sa kanya. "Kapag nandito ka sa Sullivan Palace hindi na pinag uusapan ang mga ganyan. Pinapatay agad namin iyon," sabi naman ni Francheska na nakaupo sa sofa at malayo sa amin iyon. "Ganoon ba? Sige hindi na ako mangengeelam," sabi ko sa kanila at minasahe ko naman ang kamay ni Mark. Hindi ko sila pinapakinggan dahil nag uusap sila. Hindi ko alam na may ganto pala silang batas. Nasa 19th century nga talaga ako. Hindi ako nananaginip, gising na gising ako. "Hana okay ka lang ba?" Biglang nag tanong si Mark sa akin kaya napaangat ako ng ulo ko at wala na pala si Francheska at Nyxon dito. "Oo okay lang ako." Sagot ko naman agad at binalik ko ang pag mamasahe ko sa kamay niya. "Bakit mo minamasahe kamay ko? Hindi naman iyan masakit," sabi niya sa akin napahinto ako at tumingin sa kanya. "Hindi ko ba pwedeng libangin sarili ko? Nag alala kasi ako sayo ng masyado kanina," sabi ko sa kanya. "Hindi naman pasensya na kung nag selos ka kanina kung nagagalaw ko lang paa ko, sayo na ako nag pabuhat," sabi niya sa akin at natawa naman ako dahil sobrang lambing niya talaga sa akin. "Akala mo naman mabubuhat kita nakita mo naman na maliit katawan ko at wala akong malaking katawan para buhatin ka," sabi ko sa kanya at nagulat naman ako nang yakapin niya ako. "Kaya madali kang yakapin napakaliit mo tapos ang ganda mo pa," sabi niya sa akin tumibok naman ang puso ko ng sobrang bilis. "Salamat kanina at bumalik ka pa ang tagal mo kasi eh akala ko nahuli ka na nila." Dugtong niyang sabi at humigpit ang yakap niya sa akin kaya nararamdaman ko ang pag hinga niya. "Madami kasi nangyaro pag punta ko dito sa Sullivan Palace hindi daw nila ako kilala," sabi ko sa kanya kumalas naman siya sa pag kakayakap niya. "Kailangan natin lumipat sa ibang kwarto dahil hindi naman natin pwede gamitin kwarto ni Francheska," sabi niya sa akin at sinubkan niyang tumayo. Matutumba naman siya agad ng bigla kong kinuha ang kamay niya at inakbay ko iyon sa akin. Napangiti naman siya at pag labas namin may katulong na sumalubong sa amin at tinanong namin kung saan kami mag kwakwarto. Sumunod naman kami doon sa guest room daw nila. Pag pasok namin doon humiga agad si Mark kaya ako naman tinanggal ko ang sapatos ko at inalis ko ang tali ng buhok ko. "Napakaganda mo talaga." Narinig kong sabi ni Mark. "Alam ko," sabi ko sabay tumabi sa kanya at yumakap naman ako sa kanya. "Isang linggo ka mag papahinga paano na iyong pag gagala natin at paano pag nalaman ng ina at ama mo 'to?" Tanong ko sa kanya. "Pupunta iyon dito pero wag ka mag alal hindi sila naninisi ng tao," sabi niya sa akin at nakahinga naman ako ng malalim dahil kinabahan agad ako eh akala ko papagalitan ako o sisisihin ako. "Sa isang linggo na iyan aalagaan kita." Ngumiti ako pag ka sabi ko niyon at hinalikan naman niya ang noo ko. "Salamat prinsesa ko," saad niya sa akin. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD