Kabanata 2

2219 Words
Hana's Pov Umaga, iminulat ko ang mga mata ko.Nnagulat akong yakap-yakap ko si Mark kaya napaatras ako. Nagising naman din siya. Napatingin siya sa akin at ginulo niya ang buhok niya. "Gising ka na pala," bungad niya. Umalis na siya sa kama at umunat pa siya kaya naman tumayo na din ako at pumunta ako sa mga damit ko. Namili ako ng susuotin ko. "Saan pala ako maliligo?" tanong ko sa kanya. "Sasamahan ka ng mga katulong. Malaki iyong banyo na pagliliguan mo," sabi niya sa akin kaya nagulat ako. "Malaking banyo?! Teka kaya ko naman maligo mag-isa!" sabi ko sa kanya. "Ayaw mo bang may nagpapaligo sa ‘yo?" tanong niya sa akin. "Gusto pero noong bata pa ako noon, pero ngayon na malaki na ako hindi pwede!" sabi ko sa kanya habang nakanguso. "Kailangan malinis ka nang maigi kaya pumayag ka na," sabi niya sa akin at pumasok na dito ang mga katulong, may dala silang timba at tuwalya. "Sige na nga." Wala na akong nagawa at sumama na ako sa katulong. Habang naglalakad kami, napansin kong tahimik lang ang dinadaanan namin na hall way. Nakarating na kami sa malaking banyo na sinasabi ni Mark at may pangalan pa talagang nakalagay doon: Creuch Bath Place. Pumasok kami sa loob at mukhang ako lang mag-isa na maliligo rito. Hinubad ko na ang damit ko, binuhusan ako ng tubig sa ulo ng mga katulong saka nilagyan nila ng sabon ang katawan ko. "Napakaganda naman po ng balat n’yo, napakakinis," sabi sa akin at napangiti ako sa papuri nila. "Maalaga kasi ako sa balat ko. Mayro’n ba kayo dito na pwedeng ilagay sa buong katawan ko para manatiling makinis ang balat ko?" tanong ko sa isang katulong. "Mayroon kaming ganoon kaso sa reyna lang namin iyon ginagamit po. Mayro’n sa labas na nabibili, baka magustuhan mo rin," sabi niya sa akin. Sa labas? Yayain ko ba si Mark lumabas para bumili niyon kaso ano kaya iyong pera na ginagamit nila dito? "Sige, salamat." Tapos na nila akong paliguan at sinuotan nila ako ng tuwalya, saka inipit pataas ang buhok ko. Lumabas na kami at pinalibutan nila ako para siguro walang makakita sa akin. Pumasok na kami sa kwarto ko at binihisan nila ako. Kulay asul naman ang dress ko ngayon. Tinaas nila ang buhok ko at nilagyan nila iyon ng disenyo na bulaklak. "Salamat sa pag asikaso sa akin." Humarap naman ako sa salamin. Umikot ako dahil napakaganda ng dress ko. "Masaya ka ba kasi maganda suot mo?" Narinig ko ang boses ni Mark at pagharap ko sa kanya nagulat ako dahil kulay asul din ang suot niya. "Sinadya mo ba talaga na magkaparehas tayo ng kulay?" tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin. "Oo kasi kapag may nakakita sa atin at magkaiba ang kulay ng kasuotan natin, iisipin nila na isa kang babae na galing sa basura," sabi niya. Natawa naman ako grabe naman pala iyong mga tao dito mag-isip. "Umm… Mark, pwede ba tayo lumabas? May gusto sana akong bilhin," sabi ko sa kanya. "Ano ba iyang bibilhin mo?" tanong niya sa akin. "Para sana sa balat ko. Kailangan ko ituloy iyong pampakinis ng balat ko," sabi ko sa kanya. "Makinis ang balat mo?" gulat na tanong niya sa akin. "Oo–" Naputol ang sasabihin ko nang hawakan niya ang kamay ko at inangat nang kaunti ang sleeve ng suot kong dress. Lalo siyang nagulat nang hipuin niya iyon. Napangiti naman siya at binitawan niya iyon. Napatingin naman ako sa kanya dahil pag-angat niya ng mukha niya tumibok ang puso ko nang sobrang bilis. Bakit tumitibok iyong puso ko nang ganto kabilis? "Tara na?" tanong niya at tumango naman ako. Lumabas na kami at madaming tumitingin sa amin kaya naman humapit ako sa kanya para wala nang matanong pa iyong iba. Isipin nila na magkasintahan kami. Tumingin na kami sa isang tindahan at pinakita niya kung paano gamitin iyon. Binili na agad namin iyon. Ang pinambayad ni Mark ay isang gold na korteng bilog, medyo kagaya din sa amin pero kakaiba siya. "Salamat pala sa pagbili nito ah." Pinagmasdan ko ang lalagyan ng lotion na binili namin. Ang tawag nila doon pamahid daw sa balat para kuminis. "Itutuloy mo ‘yung pagsasanay mo ngayong araw na 'to, ah? Papanuorin kita, sabi mo limang araw, di' ba?" tanong niya sa akin kaya tumango ako. "Alam ko iyon hindi naman ako makakalimutin!" Mauuna na sana akong maglakad nang maalala ko na pagbubulungan kami kapag nalamang naguusap kami at hindi magkahapit. "Bilisan mo naman Mark baka gabihin tayo pabalik sa palasyo n’yo," sabi ko sa kanya, humapit ako sa kanya. Naglakad na kami habang papunta kami sa palasyo. May bisita na nasa harapan at bigla namang inalis ni Mark ang pagkakahapit ko sa kanya. "Mauna kana sasamahan ka ng mga gwardya papunta sa kwarto mo doon ka muna mag-ensayo ng paglalakad mo," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako saka ko sinunod ang utos niya. Umalis siya at sinamahan naman ako ng mga gwardya. Nakarating na kami sa kwarto. Pumasok na ako sa loob at sinimulan ko nang mag-practice. Makalipas ang ilang oras, hindi pa rin pumapasok si Mark dito para panuorin ako. Pagod na ako at kailangan ko nang magpahinga. Habang nagpapahinga ako, naalala ko bigla na kailangan ko din palang makabalik sa lugar ko. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko roon sa orphanage lalo na si Mama, tinuring ko siyang nanay dahil siya ang nag-ampon sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko para matulog dahil pagod na pagod ako. Mark's Pov "Paumanhin sa istorbo, Ina, pero kailangan ko nang umalis," saad ko. Tumingin naman sa akin si ina at ama. "Ganoon ba? Hindi pa rin ba tapos ang trabaho na ibinigay ko sa ‘yo?" tanong ni Ina sa akin. "Natapos ko na po ang trabaho na iyon, Ama. Iniwan ko na po sa lamesa n’yo iyon," saad ko ulit. Tumayo ako at yumuko ako sa kanila. Umalis na ako at napangiti ako. Ano na kaya ang resulta ng pag-eensayo niya? Nandito na ako sa kwarto niya at pumasok na ko. Pagpasok ko ay nadatnan ko siya na natutulog na. Lumapit ako sa kanya at nakita ko na basa iyong ulo niya. Pinagpawisan siya, ibig sabihin kakatapos lang niya mag-ensayo. Kumuha naman ako ng silya at umupo ako doon. Hinintay ko siyang magising. "Napakaganda mo talaga," bulong ko rito. Hahawakan ko na sana ang mukha niya nang bigla siyang gumalaw. "Mark?" Minulat niya ang mga mata niya at umayos siya ng upo niya. "Hindi mo tuloy ako napanuod maglakad pero kaya ko ipakita sa ‘yo iyong resulta ng paglalakad ko," sabi niya sa akin. "Sige nga, ipakita mo sa akin," sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya. Nagsimula siyang maglakad at nagulat ako nang makuha niya iyong tinuro ko sa kanya kahapon. Napangiti naman ako dahil mabilis niyang matutunan ang lahat ng iyon. "Magaling! Pwede na kita ipakilala sa mga magulang ko," saad ko sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi ko. "Papakilala mo agad ako?! Teka hindi pa ako handa! Pwede pa ba ako magpalit ng suot ko?!" kinakabahan siya habang sinasabi niya iyan kaya naman pinaupo ko siya. "Huminahon ka muna nandito naman ako sa tabi mo, huwag kang mag-alala, hindi naman sila masamang tao," pagpapakalma ko sa kanya. "Ganoon ba? Hindi sila masamang tao? Kung ganoon tara na gusto ko sila makilala!" sabi niya sa akin nang nakangiti. "Mamayang dinner kasama natin sila kumain. Ipapakilala kita. Nag-iisa lang akong anak nila kaya medyo marami silang itatanong sa ‘yo." sabi ko sa kanya. "Ayos na ba iyong suot ko pati iyong buhok ko, ayos na rin ba?" tanong niya sa akin. Tumalikod siya bigla at nagulat ako dahil napakakinis ng balat niya sa batok. Lumapit naman ako at hinawakan ko ang balikat niya. "Napakabango ng batok mo." Inamoy ko iyon. Hindi naman siya gumagalaw. "Mabango ba? Hindi ko alam hindi naman umaabot ilong ko diyan," sabi niya sa akin kaya naman natawa ako. Lumayo na ako sa kanya. Gabi na at papunta na kami sa kusina kung saan kami kakain. Nakikita ko na nagpapakahirap siya at ginagawa niya ang makakaya niya masunod lang niya ang tinuro ko sakanya na paglalakad. "Magandang gabi, Ama at Ina." Yumuko ako at nakita ko na yumuko rin si Hana. Pinigilan ko na lang iyong tawa ko. "Sino itong binibini na kasama mo?" tanong ni Ina sa akin. "Magandang gabi po sa inyo, mahal na reyna at mahal na hari. Ikinagagalak ko po kayo makilala. Ako po si Hana Belle, galing po ako sa–" pinutol ko naman ang sasabihin niya kung saan siya galling, baka sabihin niya na napunta siya sa lugar na 'to dahil nakakita siya ng butas patungo rito. "Isa siyang prinsesa sa Belle Palace, malayo ang lugar na iyon sa atin. Nakapunta siya rito at tinutulungan ko siyang makabalik sa palasyo niya," saad ko kay Ina. Pinaupo naman niya kaming dalawa sa hapag-kainan. "Kung ganoon, dumito ka muna sa palasyo ko dahil gabi na rin at delikado na lumabas," sabi ni ina. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang sa isang tabi si Hana habang kumakain. "Ipapasama kita sa mga katulong sa kwarto mo. Gusto mo bang simpleng kwarto lang o galanteng kwarto?" tanong ni Ina kay Hana. "Simpleng kwarto po ay pwede na sa akin, hindi naman po ako ganoon na ka-eleglante para sa eleganteng kwarto pa ako," seryoso na sabi ni Hana at deretso ang tingin niya kay Ina. "Mabuti naman kung ganoon. Bibigyan kita ng masusuot mo rin at kung sakaling magbago ang isip mo na manatili rito at pakasalan ang anak kong si Mark," sabi naman ni Ina kay Hana habang nakangiti ito. Gusto niya na talaga ako ikasal pero hindi pa naman kami magkakilalang masyado ni Hana. Pero sa unang kita ko sa kanya, hindi ko na maialis ang tingin ko dahil sa sobrang ganda niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang sinasabi ng puso ko na mahalin ko siya at mapasaakin. "Ina, napakaaga naman para sa akin na ikasal mo agad ako kay Hana saka nahihiya pa siya sa akin at sa atin," saad ko. "Wala kang dapat ikahiya dahil mabait naman kami," sabi ni Ina. Hinawakan nito ang kamay ni Hana at nararamdaman ko din na tanggap siya ni Ina. Pagkatapos namin kumain, tinulungan ko makatayo si Hana at hinatid siya ng mga katulong. Buti na lang na kilala agad siya ng mga katulong, alam na agad nila kung saang kwarto dadalhin si Hana. "Anak, ‘wag ka munang umalis, kakausapin ka namin ng ama mo," sabi sa akin ni ina kaya naman napaupo ako at napalingon pa ako nang kaunti kay Hana na paalis. "Ano po iyong pag-uusapan natin?" tanong ko agad sa kanila. "Wala kaming alam na Belle Palace umamin ka nga anak kung saan mo siya nakilala?" tanong sa akin ni ama. Kinabahan naman ako. Maniniwala kaya sila kapag sinabi ko na kakaiba iyong kasuotan niya noong makita ko siya? "Tama ka po, Ama, wala pong palasyo na ganoon ang pangalan. Maniniwala po ba kayo kapag sinabi ko na kakaiba iyong kasuotan niya noong makilala ko siya?" sabi ko sa kanila. Nagtatakang napakunot ang mga noo nila. "Kakaiba ang kasuotan? Kagaya ba 'to ng suot na pang mahirap?" tanong sa akin ni Ina. "Hindi pang mahirap ang kasuotan niya, Ina. Nakasuot siya ng maiksing damit at naka pantalon siya na ginagamit ng mga lalaki," sabi ko sa kanila at napaisip naman siya. "Wala din siyang apelyido dahil ang Belle ay isang pangalan. Hindi kaya galing siya sa ampunan?" tanong ni Ina. "Tama ka, Ina, sa ampunan nga siya galing pero hindi dito na ampunan sa atin, sa ibang lugar daw at noong makilala ko siya tinanong niya ako kung may malapit daw ba na butas dito sa lugar natin.” Parang nahihirapan na rin silang mag-isip kung saan ng aba galing si Hana. "Magtatanong ako sa kakilala ko, bukas na ulit tayo mag-usap. Maghanap ka rin sa mga libro mo at baka sakaling may mahanap ka," payo sa akin ni Ina. Tumango ako bilang tugon. Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanila. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko doon ay naghanap ako ng mga libro na sinauna na, ang mga nakalagay doon ay wala pa kami historya o nakaraan ang tawag. Habang nagbabasa ako, biglang may kumatok kaya naman pumunta ako sa pintuan at binuksan ko iyon. "Young Majesty, kanina pa po umiiyak si Hana. Hindi ko po alam kung ano ang dahilan," natatarantang saad nito. Napatingin ako sa labas at naalala ko na hindi pala niya kayang matulog kapag walang katabi kaya naman kinuha ko ang tatlong libro na babasahin ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Hana. "Maiwan mo na kami," sabi ko sa jatulong. Pumasok na ako sa loob at nakita ko siya na umiiyak. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. "Akala ko nakalimutan mo na ako, akala ko wala ka nang pake sa akin. Baka kasi may sinabi iyong mga magulang mo sa akin," sabi niya sa akin. Napangiti ako sa ginawa niya. "Wala silang sinabi tungkol sa ‘yo, matulog ka na. Magbabasa lang ako ng libro sa tabi," sabi ko rito. Tumango naman siya at humiga na. Saglit lang ang lumipas nang mapansin ko na tulog na siya habang ako ay nagbabasa pa. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD