Kabanata 1

2356 Words
Hana's Pov Hindi ko na alam kung saan ang palabas dito sa gubat na 'to! Naliligaw na ako. Malapit nang dumilim, baka hindi ako makauwi nito— Nagulat ako dahil nadulas ako at tuloy-tuloy ang hulog ko kaya napapikit na lang ako dahil hindi ko alam kung sa tunnel deretso ko nito. Naimulat ko ang mata ko at nagulat ako dahil umaga dito at pinagtitinginan ako ng mga tao. Bakit puro gown iyong suot nila? Napatayo naman ako habang tinitignan pa rin nila ako kaya napatingin ako sa suot kong sobrang dumi at ibang-iba sa kanila. Naglakad ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mayamaya, may nakita akong karwahe na pinapatakbo ng kabayo, kaya naman lalo akong kinabahan. Nakakita ako ng lalaki na naglalakad patungo sa direksyon ko kaya naglakas-loob akong tanungin siya. "Kuya nasaan ako? Bakit kakaiba ang karwahe na iyan?" tanong k rito. Bigla naming nagulat si Kuya sa akin. "Anong Kuya? Hindi kita maintindihan sa tawag mo sa akin, pero narito ka sa lugar ng Creuch Palace. Bago ka ba rito?" tanong sa akin nito. Nagulat ako nang may tumulak sa akin estranghero. "Tumabi ka nga sa dinadaanan ko!" Patuloy na lumakad ito nang hindi man lang ngso-sorry. Napakapit naman ako sa gilid ko at napakapa ako dahil malaki ‘yung katawan ng taong nakapitan ko. Pagharap ko’y nakita ko ang isang lalaki na sobrang gwapo at nakasuot ito ng formal na damit. "Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin. Iyong boses niya’y malalim at napaka-manly. “Hana gumising ka kailangan mong makaalis dito,” bulong ko sa sarili. "Ahh, Kuya, alam mo ba kung saan may butas dito?" tanong ko sa kanya na bigla naman siyang natawa. "Anong klaseng butas ba?" tanong niya sa akin pero tumatawa pa rin siya kaya naman tumalikod ako at hindi ko na siya sinagot. "Teka lang, Binibini, ano bang ibig mong sabihin?" Pinigilan niya ako at nagtanong ulit sa akin. "Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo, bitawan mo nga ako," sabi ko sa kanya at inalis ko ang kamay niya. "Kung ang hinahanap mo ay kagaya sa Wonderland na libro walang ganoon dito." sabi niya sa akin. Teka, Wonderland? Nakabasa ako ng libro na iyon pero parang hindi naman Wonderland ang lugar na ito, e di sana may tenga siya ng bunny. "Sorry kung naistorbo kita, Kuya, aalis na ako," sabi ko pero pinigilan niya ulit ako. "Baka sakaling matulungan kita. Saka nga plaa, bakit ganyan ang kasuotan mo?" tanong niya sa akin. "K-kasi hindi naman ako tagarito," nauutal kong sabi sa kanya at umiwas ako ng tingin. "Hindi ako naniniwala. Paanong hindi ka tagarito? Saka napakaganda mong binibini," papuri niya sa akin. Teka, napakaganda ko raw? Na-in love ba agad siya sa akin? "Mali iyang sinasabi mo, Kuya, kasi hindi ako maganda," sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko. "Mali ba ang sinabi ko?" Naging seryoso bigla ang boses niya. Pinalis ko ang kamay niya. "May pupuntahan pa ako," sabi ko sa kanya pero pinigilan niya ulit ako. "Ano ba kasi—" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. "Ngayon ka pa ba aalis marami nang nakatingin na tao sa atin, hindi mo ba kilala kung sino ang nasa harapan mo?" tanong niya sa akin. Ano ba pinagsasabi niya? Eh hindi ko naman talaga siya kilala. "Hindi naman talaga kita—" pinutol ulit niya ang sasabihin ko. "Prinsipe ako ng Creuch Palace," sabi niya sa akin. Teka, prinsipe? Anong ibig niyang sabihin? Bigla naman niya akong hinatak papasok sa karwahe. Hindi ako nakapag-react agad dahil sa sinabi niyang isa siyang prinsipe. "Hindi ka tagarito sabi mo. Taga saan ka pala, prinsesa ka ba sa ibang palasyo?" tanong niya sa akin. "Hindi ako prinsesa kaya wala kang mapapala sa akin," sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Pero mukha kang prinsesa sa akin, babaguhin mo lang suot mo," sabi niya sa akin na nagpa-init naman ng pisngi ko. Bahala na nga! Susunod na lang ako para naman may matutulugan ako habang naghahanap ako ng paraan para makaalis ditto. Naramdaman kong huminto ang karwahe kaya sumilip ako. "Binibini, hindi ka pa ba bababa?" sabi ni kuyang naka-formal na hindi nagpakilala sa akin. Bumaba naman ako at nagulat ako sa laki ng mansion. Teka mansyon ba 'to? Sabi kasi nilaay palasyo ito, ibig sabihin ay napadpad ako sa palasyo?! "Ang ganda," bulong ko. "Tara na at pumasok sa loob," sabi niya sa akin at parang sa likod kami pumasok. Bakit kaya sa likod? "Kailangan magpalit ka ng suot mo para mapakilala kita sa mga magulang ko," sabi niya sa akin. Nagulat ako nang may mga babae na pumasok at nakasuot sila ng puti na gown. Siguro’y mga katulong sila. "Teka, hindi ko pa alam pangalan mo," sabi ko sa kanya. "Mamaya na ako magpapakilala kapag maayos na ang kasuotan mo," sabi niya sa akin. Hinatak na ako ng mga babae. Nabigla ako dahil isa-isa nilang isalis ang mga damit ko at napatulala ako sa gown na kulay pink na ipapasuot nila sa akin. "Ang ganda naman ng gown na iyan," namamngha kong sabi. "Dress po ang tawag namin diyan," sabi ng isa sa mga katulong sa akin. Ang formal naman ng mga tao rito. Sabagay, ano pa ba aasahan ko, eh mukhang mayaman yata iyong lalaki na iyon. Pagkatapos masuot sa akin ang pink na dress na iyon, parang nag-iisip sila kung ipapasuot nila sa akin ‘yung parang bakal na nilalagay sa bewang. "Hindi na siguro niya kailangan ito kasi napakaganda ng korte ng katawan niya. Saan kaya siya nakilala ni Prinsipe Mark?" narinig kong tanong ng isa pa. Teka, Mark? Iyon ang pangalan niya pero ano naman kaya ‘yung apelyido niya? Inayos din ang buhok ko at tinaas nila ng kalahati iyon. Nilagyan din ako ng kung ano sa mukha pero parang hindi makeup eh. Pagkatapos niyon ay tinulungan nila akong makatayo at pinasuot sa akin ang flat shoes. "Salamat," sabi ko a kanila. Yumuko lang sila sa akin, kaya iniwan ko na sila at pumunta na ako doon sa nagngangalang Mark. Pagtingin niya sa akin ay bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nag lakad ako papalapit sa kanya pero natapilok agad ako dahil naapakan ko ang laylayan ng dress na 'to. "Dahan-dahan paglakad, halatang hindi ka sanay. Iyong pagtayo mo ay hindi tuwid, lalo na iyong lakad mo," habilin niya sa akin. "Ano ba ang gusto mo na lakad ko?" tanong ko sa kanya. "Bago iyan, magpapakilala muna ako," sabi niya sa akin. "Ako nga pala si Mark Zu Creuch. Tawagin mo akong Mark na lang at ‘wag mo nang lagyan ng prinsipe dahil hindi ako sanay na tawagin ako nang ganyan ng kasing ganda mo," sabi niya. "Ako naman si Hana Belle tawagin mo ko kahit ano diyan wala naman akong apelyido dahil galing akong ampunan." sabi ko sa kanya. Mukhang napaisip siya sa sinabi ko. "Ampunan? Wala kang mga magulang?" tanong niya. Tanging iling lang ang naisagot ko. "Nakakalungkot naman, tumayo ka," sabi niya sa akin kaya tumayo naman ako. "Ituwid mo ang likod mo." Sinunod ko naman kaso ang sakit sa likod kapag tinuwid. "Teka, ang sakit sa likod," reklamo ko at nagulat ako nang paluin niya ang likuran ko. “Aray!” "Teka, hindi ka naka-corset?" umiling naman ako at nabigla ako nang hawakan niya ang baywang ko at napatitig siya doon. "N-nakakahiya," nauutal kong sabi. "Paumanhin, ituwid mo nang kaunti ang likod mo at ilagay mo ang mga kamay mo nang magkasalikop sa harapan." "Ganto?" tanong ko sa kanya at napangiti naman siya. "Kailangang masanay ka na ganyan at maglalakad ka nang tuwid ang likod mo," sabi niya sa akin at sinubukan ko naman maglakad nang tuwid pero parang may tumunog sa likuran ko. "Mark hindi na ako makagalaw,"sabi ko. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang baywang ko. "Dahan-dahan mo igalaw patagilid baywang mo,"sabi niya at sumunod naman ako. Ginalaw ko ang paa ko, buti naman at hindi na tumunog. "Magpahinga ka muna. Mahirap ka turuan pero okay lang naman iyan, nagsisimula pa lang tayo," sabi niya sa akin. Itinaas ko ang isang paa ko pero bigla niyang pinalo ang binti ko. "Bakit mo tinataas ang paa mo nang ganyan? Hindi ka lalaki para itaas iyan," sabi niya sa akin. Napanguso naman ako at saglit nanahimik. "Tuturuan naman kita sa pananalita," sabi niya sa akin. Humarap naman ako sa kanya. "Iyan ba ‘yung hindi ako pasigaw sa kinakausap ko?" tanong ko sa kany. Tumango naman ito. "Isa na iyon pero kailangan kapag may kausap ka, pormal ang pananalita mo at hindi impormal. Sa akin lang pwede iyang impormal na pananalita mo," sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ilagay moa ng kamay mo sa harapan mo. Tuwid lang ang katawan mo at tuwid din ang tingin mo sa kausap mo," sabi niya sa akin kaya ginawa ko naman iyon sa kanya. Nakatingin ako nang diretso sa mga mata niya. "Kagaya ba ng ganito?" tanong ko habang nakatingin ako sa mata niya nang nakatuwid din ang katawan ko. "Oo ganyan nga at kapag may kausap ka na may edad na, gumamit ka ng po at opo," sabi niya sa akin. Alam ko naman iyon ah! Meron din pala sa kanilang gano’n. "Nakabisado ko agad pero iyong paglalakad ko, kailangan pagaralan ko pa. Bigyan mo ako ng limang araw," sabi ko sa kanya kaya napangiti naman siya. "Sige manunuod ako ah?" tumango-tango naman ako bilang sagot nang biglang tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko. "Uutasan ko ang katulong namin dito para magdala ng mga masusuot mo at gagamitin mo na bagahe," sabi niya sa akin kaya tumango na lang ako. Habang naghihintay ako’y sinubukan kong tumayo at sinunod ko ang tinuro ni Mark sa akin. Habang naglalakad, napangiti ako dahil hindi na ako natatapilok. Nang mainip ako sa pag-iisa ay sumilip ako sa bintana. Maaliwalas ang tanawin. "Maganda ba ang tanawin sa labas?" Nagulat ako sa boses na narinig ko at si Mark lang pala iyon. "Oo, napakaganda ng tanawin ditto," sabi ko pero impormal ang ginamit ko dahil sabi niya’y pwede naman. "Mabuti naman kung ganoon at nagustuhan mo rito," sabi niya. Ngumiti naman ako rito. Nakita kong nilapag niya ang mga susuotin ko. Iba't ibang kulay ng dress ang naroon. "Ang gaganda ng mga disenyo nito," sabi ko nang may maluwang na ngiti. Lumipas na ang maghapon at dumating ang oras ng aming hapunan, napansin kong kakaiba ang pagkakaayos ng mga kutsara nila sa mesa. Buti na lang ay naturuan niya agad ako kung paano gumamit. Masaya kaming nagsalo sa hapagkainan. Uminom ako ng tubig pagkatapos kumain saka ko pinunasan ang gilid ng labi ko. "Salamat sa pagkain." Pumikit ako pagsabi niyon. Umusal ako ng pasasalamat sa Maykapal. "Hindi naman kailangan niyan, bakit mo ginawa?" tanong niya. "Sa tinitirahan, ko ito iyong tinuro sa akin," sabi ko. Napatango-tango lang siya. Pagkatapos niyang kumain, inutusan niya ang katulong para magligpit ng pinagkainan. Kasalukuyan akong itinatago ni Mark dito sa malaking bakanteng lugar na may mga upuan at mga naka-display na litrato ng mga prutas. "Ipapakita ko sa ‘yo magiging kwarto mo," sabi niya sa akin. Tumayo ito saka nauna sa aking maglakad. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Nakarating na kami sa sinasabi niya na kwarto ko at pagpasok namin ay bumungad sa akin ang napakalaking kama. Hindi ako sanay sa ganitong kama na malaki nang wala akong katabi. "Maaari ka nang magpahinga, Binibini," sabi niya pero pinigilan ko siya. "Teka, hindi ako sanay matulog nang walang kasama sa tirahan ko. Katabi ko ang mga inampon din na mga bata hanggang ngayon," sabi ko rito. "Ganoon ba? E di babantayan kita hanggang sa makatulog ka," sabi niya. Isinara nito ang pinto ng silid. "Hindi ako makakatulog kapag wala akong katabi. Bakit kasi napakalaki ng kama?" tanong ko sa kanya at saka ako tumingin sa mga mata niya. "’Wag mo akong titigan sa mga mata dahil kinakausap mo ko gamit ang impormal na pananalita. Sige tatabi ako sa ‘yo," sabi niya sa akin kaya napangiti naman ako. "Salamat! Palitan mo na lang iyong kama ko kinabukasan kung okay lang sa ‘yo? Gawin mo siyang maliit lang," pakiusap ko sa kanya. "Sige, papapalitan ko. Magpalit ka na ng pantulog mo," sabi niya sa akin at tinuro niya sa akin ang susuotin ko. Nakita ko ang harang na mahaba at pumasok ako doon, hindi niya ba ako makikita rito? Mukhang hindi naman… teka sa likod ang bukasan ng damit?! Paano ko matatanggal 'to! "Umm… Mark? Pwede mo ba akong tulungang tanggalin ang suot ko?" sabi ko rito. Narinig kong tumayo siya at nagulat ako dahil bumungad ang katawan niyang naka-half na bukas ang damit niya. "Bakit, nagpapalit ka din ba?" nauutal kong tanong. "Naiinitan ako kaya inalis ko muna. Nagpadala ako ng pantulog ko," sabi niya sa akin at tumalikod naman ako saka tinuro ang butones sa likuran ko. "Patulong, hindi ko abot," sabi ko. Naramdaman ko naman ang mainit niyang kamay. "Ayan, tapos na," sabi niya. "Salamat," sabi ko at inalis ko agad ang dress sabay sinuot ang pangtulog nang mapansin kongl maluwag ito sa akin pero wala na akong magagawa roon. Lumabas na ako matapos magbihis. Tumingin siya sa akin, naka paa na ako, malalaman niyang maliit ang mga paa ko. "Maluwag pala sa ‘yo ang binigay na pantulog," sabi niya. Lumapit siya sa akin. "Paano mo napaliit ang bewang mo?" tanong niya sa akin. "Sa totoo lang sumasayaw ako pero hindi sayaw na inakala mo na meron kayo ah," sabi ko sa kanya. "Ballroom ang sayaw namin ditto," sagot niya sa akin. Sabi na eh hindi ko alam iyon. "Hindi ko alam iyon pasensya na." Humiga na ako sa kama. Tumalikod ako dahil katabi ko lang siya. Lalaki siya okay lang sana kung babae siya, pwede akong humarap sa kanya. Sadyang hindi lang ako makatulog nang wala akong katabi. "Pasensya na kung naabala kita ngayong gabi at pinatabi pa kita rito sa kama," nahihiyang sabi ko sa kanya. "’Wag mong isipin iyon, matulog ka na. Ipahinga mo na ang katawan mo," sabi niya sa akin. Nakampante na ako kaya ipinikit ko na ang mga mata ko. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD