Chapter 2 - Santague Mountain

1185 Words
“PERCIVAL PIERCE! Ang hina mo naman pumedal.” Malakas na sigaw ni Magnus. “Gago! Nasa likuran kita.” Humalakhak siya at paakyat na sila sa Santague mountain. Ang mga suot nilang flashlight lang ang nagbibigay ng liwanag sa kanilang daanan. Umabot sila ng kinse kataong nag-night mountain biking sa gabing ito kahit bumubuhos pa rin ang ulan. Mas delikado, mas masaya. Kasunod niya si Magnus at Reedrick. Siya ang nauuna sa kanilang lahat at alam ng mga ito na memoryado niya ang daan. Maputik at malamig pero mas lalo niyang na-enjoy ang gabi. Isa ito sa nagustuhan ni Percival kapag nag-mountain biking silang magtotropa. Delikado pero ito ang gusto ng mga kabataan na tulad nilang malalapit ng aapak ng kolehiyo next year. Magkakahiwalay na sila sa susunod na taon at sila ni Reedrick ay susunod sa Ama niyang nasa America nakadestino. “Mas lalong lumakas ang ulan. Wala na akong nakikita.” Narinig niyang reklamo ni Reedrick. “Tanggalin mo ‘yang suot mong eyeglass, gago! Malamang wala kang nakikita diyan,” asik ni Athena rito na tinawanan nila ni Magnus. “Naka-lens ‘yan, Athena. Pwede mo rin mahalin kung gusto mo.” pang-aasar niya na tiwanan naman ng babae. Walang-wala ang pinsan niyang gago sa babae dahil likas na torpe at nerdo si Reedrick pero may ibubuga naman ito. Mahiyain lang lalo na pagdating kay Athena at natotorpe rito. Nagbibiruan pa silang magtotropa at nagpapalitan ng mura nang biglang gumuhit ang malakas na kidlat sa kalangitan. Lahat sila ay napahinto at napatingin sa itaas. “Nakita niyo ang kidlat na iyon?” Binundol ng kaba ang puso ni Percival Nakita niya ang hugis ng kidlat at hindi siya kayang dayain ng kaniyang mata, hugis octahedron ito. Hugis ng kristal na laging sinasabi sa kaniya ni Reedrick na huwag niyang iwala at mahalagang kristal ito. Sunod-sunod na kumulog at kumidlat at tumama ang kidlat sa isang malaking Santague Tree at nasa unahan limang kelometro ang layo sa kanila. Napaatras sila at nagulat nang lumiyab ito ng asul na apoy. Malaking apoy ang ginawa nito pero si Percival ay namangha. Naniniwala na siya sa sinasabi ni Reedrick na spooky mountain ang Santague. Panglimang beses na nila itong pag-mountain biking dito at ngayon pa lang ito nangyari. “Tangina! Alis na tayo mga pre.” Nagsiunahan sa pag-alis ang kaniyang mga kasamahan pababa ng bundok habang siya ay nanatiling nakatingin sa malaking kahoy na nagliliyab ng asul na apoy. Napangisi siya nang paglingon niya, nagsiunahan na sa pagpedal papalayo ang mga tropa niya kasama si Magnus. Ang naiwan ay si Athena, at Reedrick sa kaniyang likuran. Tulad niya, namangha ang mga itong nakatingin sa kahoy. “Dito lang kayo.” Hindi na hinintay ni Percival ang dalawa, mabilis ang siyang bumaba sa kaniyang besikleta at tinakbo ang kahoy. Kukunan niya ito ng larawan at ilalagay sa i********: at biruin ang mga hayop niyang mga tropang nagsiunahan sa pagtakbo. “Percival Peirce!” Natatawang napalingon si Percival nang marinig ang boses ni Magnus. Nasa likuran nito ni Athena. Bumalik pala ang gago. Gusto niyang humalakhak. Ang buong akala niya, tumakbo na ito at naduduwag ang tuhod. “Saglit lang mga pre.” Sumenyas siya sa mga ito at kandangising hinarap ang malaking kahoy. Sobra siyang namangha sa nakita lalo na at malakas ang buhos ng ulan pero hindi namamatay ang apoy na ginawa ng kidlat sa malaking patay na kahoy. Sobrang laki nito at kaya ito tinatawag na Santague Tree dahil ito ang nagmistulang isang kahoy na kailangan ng anim na katao para masukat ang katawan. Ang kahoy na sinasabi ng iba ng may nakatirang mga elemento pero hindi naniniwala si Percival sa mga kwentong kutsero. Dito nabuo ang Santague Mountain. Huminto siya mga sampung dipa ang layo at namamanghang pinagmasdan ang lumiliyab na kahoy. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at kinunan ito ng larawan. “Percival Peirce! Gago, uwi na tayo!” Muling sigaw ni Magnus. Nagselfie muna siya saka tinago sa bag ang cellphone. Sandali siyang napahinto nang mapansin niyang lumiliwanag ang Efuanti sa loob ng kaniyang bag. Napakunot ang kaniyang noo at kinuha ito. “Mukhang maniniwala na yata akong may magic ang isang ‘to, ah.” Parang may sariling isip ang kaniyang kamay na itaas ang Efuanti at isentro ito sa lumiliyab ng puno ng Santague. Napamura siya ng malakas nang biglang nagkaroon ng malaking liwanag. Halos mabulag ang kaniyang mata sa liwanag na nagmula sa kristal na hawak niya. Muling kumidlat at kumulog ng malakas. Napasigaw ang mga kasamahan niya pero hindi niya pinansin ang mga ito. Hindi siya likas na matakutin kaya chill pa rin si Percival kahit alam niyang iba na ang nangyayari sa paligid. Mabilis niyang binalik sa bag ang Efuanti. Mabubulag yata siya nito ng wala sa oras! Takte! Sa gwapo niyang ito, ang mabulag ang hindi pwedeng mangyari sa kaniya. Doon lang napansin ni Percival na huminto ang lumiliyab na apoy sa Santague Tree. Pero may lumitaw na asul na na liwanag sa katawan nito at mahihintulad ni Percival ito sa mga nilalaro niya. Isang doorway. Isang portal! “Gage mga pre! Punta kayo rito, dali. Isang portal ang nakikita ko!” Malakas na sigaw niya kay Reedrick, Magnus at kay Athena. Nanatiling nakatingin pa rin ang kaniyang mata sa asul na liwanag na alam niyang isang portal. Tangina! Kung portal ito, paniguradong exciting chapter ang naghihintay sa kanila sa kabilang mundo. Nagkislapan ang kaniyang mata! “Gago ka Percival Pierce! Hintayin mo kami! Huwag kang lalapit diyan. Tangina mo!” Natawa siya ng malakas sa sinabi ni Magnus. Magkaibigan talaga sila ng hayop na ito, eh. Lakas magmura kahit isang anak ng Pastor. Lagi nitong tinatawag ang sarili na isa itong black sheep at kaya ito sumama sa kaniya dahil isa raw siyang black wolf. Baliw ang kaibigan niya, alam niya na ito. “Dalian niyo! Papasok na ako.” Nagselfie muna siya saglit. Alam niyang hindi ito panaginip dahil tumama sa kaniya ang malakas na patak ng ulan sa kaniya. Ayos! ito ang gusto niyang maranasan. Ang sumuot sa delikado at siya pa rin ang bida sa huli. “Percival!” Ang pinsan niyang si Reedrick ang tumawag sa kaniyang pangalan.  Tumatakbo na ang mga ito papunta sa kaniyang deriksyon. Kasunod si Athena na hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Humahangos ang mga ito at habol ang hininga. Pero nang makita ang kaniyang sinasabi, napaurong ang mga dila ng mga ito. Hintakot naman na napahawak si Athena sa braso ni Reedrick habang si Magnus ay hindi alam kung ano ang sasabihin sa kaniyang tabi. “Ako na ang mauuna mga pre. Videohan mo ‘ko, Mag.” “Gago! Hindi mo alam kung ano ang nasa kabilang bahagi ng portal na iyan. Uwi na tayo.” “Paano ko malalaman kung hindi ko papasukin? Ganito na lang, hintayin niyo ako, babalik ako agad. Kukunan ko lang ng picture.” Sa sinabing iyon, walang pagdadalawang-isip na tinakbo ni Percival ang portal at nag-dive doon. “Percival Peirce!!!” Ito ang huling narinig niyang tawag sa mga ito bago siya tuluyan nilamon ng portal.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD