bc

PERCIVAL AND THE BLACK CRYSTAL

book_age12+
267
FOLLOW
1K
READ
adventure
powerful
comedy
kicking
mystery
another world
secrets
superpower
like
intro-logo
Blurb

Likas na maloko at matigas ang ulo ni Percival Pierce. Mahilig din siya sa pagma-mountain biking kasama ang mga kaibigan at dahil sa kahiligan niyang iyon, napasok sila sa isang mundo. Mundo na kung saan tinatawag itong Asticus.

Nung una, hindi niya sineryuso ang nangyayari sa mundong iyon hanggang sa nakaharap nilang magkakaibigan ang mga demonyo, halimaw at ang panginoon sa mundong iyon.

At para makalabas sila at makabalik sa totoong mundo, kinailangan nilang ibalik sa pusod ng Asticus ang batong kristal na itim at ito lang ang tanging paraan para makalabas sila ng buhay at hindi manatili roon habang-buhay.

Makakalabas nga ba sila?

Kung sa bawat hinto ng kanilang paa, maraming gustong umagaw ng batong kristal na hawak ni Percival. Maraming gustong makuha ito.

Paano nga ba nila maipapagpatuloy ang isang paglalakbay lalo na at hindi lang halimaw o demonyo ang kalaban nila, kundi itim din na mahika.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Efuanti
**Comments for bonus!** **Click this book and leave your ideas or suggestions, you may be offered 200 bonus!** MALAYANG pinagmasdan ni Percival Pierce ang pagpatak ng ulan mula sa kaniyang bintana. Madilim na sa labas at wala pa rin tigil ang ulan sa pagbuhos ng malakas kaya umiinit ang kaniyang ulo lalo na at napurnada ang kaniyang lakad kasama ang kaniyang nobya. Napakamot siya sa kristalk at ilang beses na napamura. “Takteng ‘yan!” Sinara niya ang bintana at hinarap ang cellphone. Pasalampak siyang humiga sa malambot niyang kama. Itetext niya ang kaniyang nobyang si Eli na hindi siya makakapunta sa date nila. Maiintindihan naman siya ng dalagita lalo na at alam niyang mahal na mahal siya nito. Hahalikan na lang niya ito bukas. Napangisi siya. “Percival Peirce!” Hindi niya pinansin ang boses ng kaniyang pinsan si Reedrick. Nagpatuloy siya sa pagtipa sa messenger pero tumawag ang walang-hiyang kaibigan niyang si Magnus. “Puta ka! Ano?” asik niya rito nang sagutin niya ang videocall nito. Ang lakas naman ng halakhak ni Magnus at binigyan siya ng dirty sign. Gumanti rin siya rito ng ‘f**k you’ sign bago ito nagsalita. “Mamayang gabi raw! Kita-kits tayong mga tropa.” “Gago! Gabi na kanina pa.” “Gago ka rin!” Ningisihan siya nito at muling nagbigay ng dirty sign. “Biking sabi nila Rowen. Tulad pa rin ng dati.” Natawa siya at nagdalawang isip. Nung huling nag-mountain biking sila ng gabi, katakot-takot na sermon ang inabot niya sa kaniyang Ina. Umabot pa iyon ng tatlong araw bago kumalma ang Ina niyang machine g*n ang bibig. “Takte, pre! Si ermats, baka palayasin na ako.” “Pinaalam na kita!” “Tangina.” Napaunat ang kaniyang likod at hindi makapaniwalan gnapatingin sa kaibigan. “Napapayag mo si Mommy?” “Tanga! Kay Eli.” Natawa siya. Kaya pala ang haba ng chat ni Eli sa kaniya na ‘di niya pa nagawang basahin dahil kausap niya ang baliw niyang kaibigan. “Sige-sige, dating gawi. Mamaya pagkatapos tumila nitong ulan.” “LT ka pre! Anong titila ang ulan? Tumila o hindi, arats ang tropang bikers squadrangle!” Sumuntok-suntok pa ito sa hangin at nagsuot ng helmet. Minura niya lang ang kaibigan at pinatay ang tawag nito, eksaktong bumukas naman ang pintuan at lumitaw si Reedrick. Napagod sa pagkakatok sa kaniyang pintuan. Nakakunot ang noo nito at seryusong nakatingin sa kaniya habang may suot na eyeglass sa mata. “Binabalik ko na sa`yo.” Binato nito sa kaniya ang kulay itim na kristal na hugis octahedron at agad niya itong sinalo. Kasinglaki ito ng sampung piso at kumikislap ang itim nitong kulay. “Binibigay ko na ‘to sa`yo, ah?” Nagkibit ito ng balikat. “Sa`yo ‘yan binigay ni Lolo bago siya namatay. Mahalaga sa kaniya iyang Efuanti.” Napangisi siya. Pinagmasdan ang kristalng nasa kamay niya. Wala siyang nakikitang mahalaga sa hugis at kulay niyon. Isa pa rin itong ordinasyong kristal sa kaniya na nadadaanan niya sa Quiapo at binebenta. “May magic ba ang kristalng ito? Wala naman. Sa`yo na ‘to. Hindi ko close si Lolo para sa`kin niya ito ihabilin.” Akmang ibato niya ang kristal dito pero sinara na nito ang pintuan. Binigyan niya ng dirty sign si Reedrick at bumalik ng higa sa kama. Tinaas niya ang Efuanti na sinasabi ni Reedrick at pinagmasdan ito. Ilang beses niya na itong sinipat-sipa sa ilalim ng araw noon pero walang mahalagasa loob niyon. Mas may halaga pa ang centavos. Sinilid niya ito sa bulsa ng kaniyang waterproof backpack bag na gagamitin sa pagbibisekleta. Sinulyapan ni Percival Pierce ang suot na wristwatch. Mag-alas otso nang gabi at malakas pa rin ang ulan sa labas. Sumasabay pa ang kulog at kidlat kaya napapamura siya. Hindi niya pwedeng taguan ang kaibigan at pambubully ang makuha niya sa kumag na iyon bukas. Naghintay siya ng sampung minuto patilahin ang ulan pero mas lalo itong lumakas. Naiiling na nagpalit siya ng breathable jersey at shorts. Naglagay siya ng knee pads sa kaniyang tuhod at sinunod niya ang gloves sa kamay. Humarap siya sa salamin at napangisi. “Kaya patay na patay si Eli sa`kin.” Kinindatan niya ang kaniyang sariling repleksyon at natawa. Inabot niya ang kaniyang mahabang medyas at MTB shoes. Sinuot niya ito. Hinanda rin ni Percival ang waterproof flashlight. Nilagay niya ito sa kaniyang backpack. “Takte! Saan ba ang powerbank at earpiece ko?” Hinalungkat niya ang bag. Ang tanging nandoon ay extra jersey, short, at medyas. Isali pang may tatlong tsokolate roon ng tobleron na nakalimutan niyang ibigay kahapon sa date nila ni Eli. “Hiniram ko pala ang powerbank at earpiece mo.” Bumukas ulit ang pintuan at binato sa kaniya ni Reedrick ang mga ito. “Tangina mo!” Mabuti at mabilis ang kaniyang kamay na saluhin ito. Nilagay niya ito sa bag niya. “Saan ka?” “May kitakits kaming mga tropang gwapo!” “Umuulan, ah?” “Tapos?” natatawang sinuot niya ang helmet. “Umulan o hindi, ‘pag tropang bisekleta ang tumawag, kailangan nandoon ako.” “Isumbong kita kay Tita.” Nagkibit lang siya ng balikat. “Pakisabi kay Mommy na sa Santague Mountain kami pupunta.” “Santague Mountain? Doon sa spooky mountain?!” Napatingin ito sa orasan ng kaniyang silid at napakunot ang noo. Ngumisi siya nang tingnan niya ang pinsan niyang matakutin at nerdo. “Oo, takot ka ‘no? Nababakla ka na naman.” Binato niya ito ng towel. “Ako natatakot? H-hindi, ah.” “Sabihin mo sa tuhod mong nanginginig na.” Tinapik niya ang balikat nito nang lagpasan niya. “Kasama pala si Athena.” Binanggit niya ang pangalan ng crush nito. “Si Athena?” nagliwanag naman ang mata ng pinsan niyang nagtatago sa makapal na salamin. “Sama ako!” “Tangina mo! Bilis at baka maabutan tayo ni Perlita!” “Gago!” Natawa naman ito nang tawagin niya ang buong pangalang ng kaniyang Ina. Mabilis itong tumalikod at tinakbo ang silid nito na katabi lang sa kaniya. Sampung minuto lang, tapos na ito at may suot-suot na helmet. “Bilis, ah? Saan glasses mo?” “Lens gamit ko. Saka naghihintay ang crush ko.” Ningisihan niya ito at nagmadali na silang umalis ng bahay. Kinuha nila sa garahe ang kanilang mountain bike at nagkaniya-kaniya na silang nagpedal papunta sa tagpuan nilang magtotropa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook