Chapter 3 - Alimpuyo

1494 Words
“WOHOOH!!! Best biking ever!” Ang lakas ng halakhak ni Percival nang bumagsak siya sa buhanginan. Hindi man lang niya naramdaman ang sakit sa lakas ng pagkakabagsak niya. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang cellphone sa bag. Kukunan niya ng larawan ang paligid. Ayos na ayos ito! Tiyak na magti-trending siya nito kapag pinost niya ito lahat sa social media. “f**k!” Bigla siyang napalunok matapos kunan ng picture ang paligid. Ibang mundo ang kaniyang nakikita. Hindi ito ang mundong gusto niyang mapuntahan pero pwede na rin. Nagkibit siya ng balikat. Dinamihan niya ng pagkuha ng larawan saka niya sinilid sa bag ang kaniyang latest iPhone. Nakasuot pa rin siya ng bicycling outfit at may helmet pa rin na suot sa ulo. Kung sa mundo niya ay gabi, dito ay umaga. Tuyo na rin ang damit niya at kompleto pa rin ang kaniyang katawan. Wala naman nabawas. Natawa siya sa parteng iyon. Naglibot siya ng tingin. Nasa isang disyerto siya napunta at sa unahan ay isang malawak na karagatan. Mainit ang sinag ng araw at wala ni kahit isang ibon na lumilipad. “Tangina! Balik na ako.” Napalingon siya sa kaniyang likuran kung saan ang portal na daan para makabalik. Bumundol ang kaba sa kaniyang dibdib nang hindi makita iyon. Naalala niya ang Efuanti. Agad niya itong kinuha sa bag at itinaas. Ito ‘yong ginawa niya kagabi kaya bumukas ang lagusan. Napangisi siya. Yeah, right! Ito pala ang saysay ng kristal na binigay sa kaniya ng kaniyang aguelong namatay, eh ‘di sana, matagal niya itong ginamit. Pero nangalay na lang ang kamay ni Percival, walang liwanag na nagmula sa kristal. Walang lagusan. Wala kahit isa. Napamura siya ng sunod-sunod at napapunas ng pawis. Ilang beses niya itong itinaas at paulit-ulit na inikot sa kamay. Halos ilapit niya ito sa kaniyang mata at sinipat-sipat ang kristal. Baka may nakaligtaan siyang mga numero o mga latin words na nakasulat doon pero wala. “Puta! Mukhang mahaba-habang lakbay ‘to, ah.” Sinilid niya muli sa bag ang Efuanti at napatingin kung saan may malapit na bahay o kahoy. Masusunog yata ang balat niya sa init. Ilang beses siyang paikot-ikot sa kaniyang kinatatayuan. Nagliwanag lang ang kaniyang mata nang matanaw niya ang matandang babaeng naglalakad sa unahan. May dala-dala itong tungkod. “Lola!” Mabilis siyang tumakbo papalapit sa matandang babae. Magtatanong lang siya kung saan at kung paano makabalik sa totong mundo. “Lola saglit lang. Magtatanong lang ako kung saan ang daan pabalik sa— puta!” Biglang huminto ang kaniyang paa at napaatras. Ang matandang nakikita niya ay biglang naging isang malaking itim na lobo. Tangina! Mabilis siyang napatakbo papalayo. Nagkatotoo ang sinabi ni Magnus na black wolf pero takte, bakit ngayon pa?! Nasambit na yata ni Percival lahat ng Santos para makawala sa humahabol na lobo sa kaniya pero himala na lang yata ang makakaligtas siya rito. Literal na heganteng lobo ito. Ayaw pa niyang mamatay na ganito kagwapo! “Oy gago!” Muntikan mahagip ang kaniyang ulo. Kung hindi siya gumulong malamang nakain na siya nito. halatang gutom na gutom ito at naglalaway pa. Natawa siya pero ang lakas ng t***k ng kaniyang puso. Buhay na buhay ang kaniyang dugo at mabuti na lang isa siyang track ‘n field athlete. Ito ‘yong literal na takbo hangga’t kaya mong tumakbo. At bago pa siya maabutan ng lobo, hindi na siya nagdalawang-isip na takbuhin ang tubig at nag-dive doon. “Ano? Tangina mo gago! Lapit ka rito!” Ngumisi siya at binigyan ito ng dirty sign. Hindi na ito humabol sa kaniya nung makita siya nitong nag-dive sa tubig. Mabilis itong tumakbo papalayo na parang may kinakatakutan. Napakamot siya sa ulo. Nawalan siya ng thrill nung tuluyan mawala sa kaniyang paningin ang black wolf. Pero hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat. Nung akmang aalis na siya sa tubig, parang may kung anong nangyayari sa ilalim.  Eksaktong paglingonn ni Percival, nakita niya ang malaking alimpuyu! “Tangina!” Mabilis siyang lumangoy papalayo sa alimpuyo at alam niyang nakakamatay ito. Pero kahit anong langoy ni Percival, may humahatak at may humatak sa kaniyang malakas na enerhiya para tuluyan siyang mapasok sa mata ng alimpuyo. “Oh s**t! I’m dead.”     MUNTIKAN mahulog si Percival sa kinahihigaan nang magising siya. Agad hinagilap ng kaniyang mata ang batong pinangalaga sa kaniya ng Lolo nila ni Reedrick. Napahinga siya ng maluwang nang makitang nasa side table ito katabi ng kaniyang cellphone. Naiinis siyang bumangon at dinampot ang batong iyon. Matagal niya itong tinitigan at pinaglalaruan sa kamay. Sa tuwing nananaginip siya ng batong ito, palagi siyang dinadala sa ibang mundo pero lagi rin siyang hinihigop ng alimpuyo. “Insan! Gising ka na ba? Andiyan sa labas si Eli.” Napabalikwas siya ng bangon at mabilis na tinungo ang pintuan, binuksan iyon. “Bakit daw?” “Ewan ko. Nakita ka yatang kasama mo si Jona kahapon sa sinehan.” Ngumisi si Reedrick at agad siyang tinalikuran. Kaagad siyang sumenyas ng dirty sign kay Reedrick at dali-daling tinungo ang pintuan sa sala. Malayo pa lang siya, dinig na dinig na ni Percival ang boses ni Eli sa gate tinatawag ang kaniyang pangalan. Namura si Percival at sandaling inayos ang buhok. Inamoy rin niya ang kaniyang hininga. Okay naman, hindi mabaho. “Percival Peirce! Isang tawag ko pa, mag-eeskandalo ako rito!” Napalunok siya ng laway. Ito na nga ang kaniyang sinasabi, mahilig pa naman sa eskandalo ang kaniyang girlfriend.  Laging mainit ang ulo nito sa kaniya pero ‘pag sinusuyo niya, nagiging maamong kuting. Nag-practice muna siya ng isang masayang ngiti saka binuksan ang pintuan at tinungo ang gate. “Babe!” “Babe mo mukha mo!” Isang sampal ang kaniyang nakuha pero hindi kalakasan iyon. Kunwari pa itong girlfriend niya, gusto lang nitong magpalambing sa kaniya. “Halika muna sa loob at mainit dito sa labas.” Hinalikan niya ito sa labi. Effective ang kaniyang ginawa, nawala ang galit nito at naging maamong kuting. Kagat-labing tumango ito at humawak sa kaniyang braso. Niyaya niya ito na pumasok sa bahay nila. Tamang-tama na wala si Perlita, ang kaniyang Ina. Dahil paniguradong mahabang sigway na naman ang pagalit ang gagawin nito. “Babe, may nakakapagsabi sa ‘kin na kasama mo si Jona sa sinehan kahapon, totoo ba ‘yon?” “Naniwala ka naman? Alam mo naman na gwapo itong boyfriend mo, maraming tsismis.” Napalabi naman ito at tumango. “Kung sabagay, gwapo ang boyfriend ko.” Pinaupo niya muna ang babae sa sofa ng kanilang sala at mabilis na tinungo ang silid ni Reedrick. Kinatok niya ang pintuan ng kwarto nito. Nakasimangot naman na binuksan ito ng kaniyang pinsan. “Ikaw muna humarap sa babaeng iyon, insan.” “Ako na naman?” “Oo. May lakad kami nila Magnus ngayon araw.” Umarko ang kilay nito at mabilis siyang sinarhan ng pintuan. Puta! Gusto niyang sigawan si Reedrick pero hinamig ni Percival ang sarili. Pauwiin na lang niya si Eli. Nag-compose siya ng alibi sa utak. Hindi pwedeng wala siya sa usapan nila ni Magnus. Sabado at kapag sabado, nasa tambayan sila dalawa magtropa. “Percival?” Napakamot siya sa kaniyang ulo. Bumalik siya sa sala at agad na ngumiti. Paprangkahin na lang niya ito. Para tapos na ang lahat. “Mag-usap tayo.” Niyaya niya itong umupo silang dalawa. “Bakit?” “Eli, gusto kitang personalin.” Panimula niya. Seryuso ang kaniyang boses. Pang-ilan nga niyang girlfriend ngayon taon? Hindi niya mabilang sa lagi niyang papalit-palit ng jowa. “Ang totoo niyan, tatlo kayong girlfriend ko at hindi kita mahal.” Isang malakas na sampal ang nakuha niya sa babae. Ouch! Totoong malakas na sampal iyon at pakiramdam ni Percival, natanggal ang panga niya. “Sabi ko na nga ba! Manloloko ka talagang hayop ka. Makakarma ka rin, Percival! Tandaan mo ‘yan!” At mabilis itong tumakbo na umiiyak. Nagkibit naman siya ng balikat. At least tapos na ang kaniyang problema. Napangisi siya. Tumayo siya at tinungo ang kaniyang silid. Maliligo siya muna at ilang sandali lang ay dadaanan siya ng kaniyang kaibigan. Mainitin pa naman ang ulo ng isang iyon at gusto alis agad sila. Mabilisan ligo lang ang kaniyang ginawa. Pakanta-kanta pa si Percival habang nasa ilalim ng shower. Narinig niya rin ang malakas na boses ng kaniyang Ina sa may pintuan pero hindi niya pinansin. “Takte! Mali-late ako nito.” Kaagad siyang nagsabon ng katawan at nag-shampoo ng buhok. Inabot niya ang tuwaya nung matapos siyang magbanlaw. Nagpalit siya kaagad ng damit pambiseklita. Nagsuot ng MTB shoes at jersey. Inayos niya saglit ang kaniyang buhok at napangisi nang pagmasdan ang sariling kagwapuhan. Ayos ‘to! Single siya ngayon, pwede siyang lumandi ulit sa mga kasabayan magbibiseklita. “Percival!” Nasapo niya ang noo nang marinig ang tawag ng Ina. Hinanda niya  ang sarili sa mahabang lintanya ng kaniyang Ina. Nasa pintuan ito at kumakatok. Tinungo niya ang pintuan at binuksan iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD