I’ve been in this room, sitting in an uncomfortable chair I was thinking about it—again. Three years had passed... Tatlong taon na pala ang lumipas simula nang mangyari ang insidenting iyon, sa araw na iyon doon din nagtapos ang lahat, lahat ng masasamang plano ng mga taong sumubok na kitilin ang buhay nila Papa’t Aqua.
Nang araw na nagpaalam ako kay Mama, na aalis ako ay mabilis niya akong pinasundan sa mga tauhan niyang sundalo, dahil ramdam niyang may kakaiba sa aking mga kinikilos at kapag natutulog ako ay parati ko raw binabanggit ang ngalan ng isang lugar—lugar na kung saan ay minsang nabanggit ni Papa, kay Mama, bago siya mawala at pinabalitaan lang kami na patay na siya kahit wala namang bangkay na pinadala sa amin kaya naman hindi siya nag-alanganing pasundan ako sa mga tauhan niya at ang kasundaluhan ang napili niya. Si Mama, ay may mataas na rangko sa kasundaluhan.
Ang lugar pala na iyon ay matagal na ring pinaghahanap ng Militar dahil nga sa napapabalitang may napakalaking laboratoryo roon para sa mga kakaibang nilalang na kung saan ay isang illegal, hindi lang mawari ng kasundaluhan kung saan matatagpuan dahil binura iyon sa mapa ng Pilipinas. At isang maipluwensang baliw na scientist ang may pakana roon, ang nagmamay-ari ng illegal na laboratoryo si Mr. Bielgen Willyson.
“Hayst, nagmumukmok ka na naman riyan, thinking about it again?” Mabilis along napabaligkwas when I heard my mother’s voice with full of sadness.
I smiled bitterly and turned my gaze on her. “I missed him, I’ve been waiting for him a long time. What do you think, Ma? Is he’ll comeback to me? Is he really loves me?” I told everything to her—about Aqua.
She sat right beside me. Hugging while patting me consolingly on my back. “Hayst, my Unica Hija. Do you love him that much?” I nodded as my response.
“Alam mo ba? Noong mga oras, araw at panahon na hindi ko kasama ang Papa, mo na kung saan bigla na lang siyang naglaho. Doon ko naramdaman na parang ayaw ko ng lumaban para sa buhay ko at mas lalo pang tumindi iyon nang maipabalita sa akin na wala na raw ang Papa mo, akala ko ay katapusan na ng mundo ko, pero naisip kong may anak pa akong umaasa sa akin—at ikaw iyon. At isa pa may pinanghahawakan akong salita ng Papa, mo iyon ay ang ‘PANGAKO BABALIK AKO KAHIT ANONG MANGYARI’ pinanghawakan ko iyon sa loob ng walong taon maraming problema ang hinarap namin ng Papa, mo kaya ngayon pa ba ako susuko gayong may anak na kami? If I did anything right in my life, it was when I’ve never given up on your father, and look at us right now. He came back to me; to us. Happy ever after doesn’t come so easily but right now? Well it’s waving on us. Kaya ikaw anak huwag kang susuko hindi pa naman gaano katagal ang 3 years.” Patawa nitong ani. “Malay mo bukas, makalawa na riyan na siya kumakatok sa ating pintuan. Worrying has never solved any problem but with prayers, faith, hope, and love. Stop worrying it won’t do any good, it won’t change anything but making it worse. So, stay strong sweetie.”
“Thank you, Ma! I will always be; I am a strong woman because a strong woman in the world raised me, am I right?”
“Of course,” she giggled after saying those words. “I love you, ’nak,” she added.
The corners of my eyes crinkled, I hugged her tightly I was constantly worried about something but after she talked to me my sudden thoughts goes-by—such a relief if there’s someone whom willing to listen to your rants.
“Oh! Tila may seryosong pinag-uusapan ang mag-ina ko, huh? Others na ba ako ngayon at hindi na ninyo ako sinasali a tsismis na iyan?” pabirong wika ni Papa, na bigla na lamang sumulpot kung saan.
“Papa, talaga oh!”
“Sali ako, group hug.”
Kumawala na ako sa yakapan namin at pinunasan ang butil ng luhang tumulo sa aking pisngi pero ang dalawa na na sa harapan ko ay enjoy na enjoy pa rin ang pagyayakapan. Iniinggit talaga ako ng magulang ko.
“Oh, siya pupunta muna ako sa dalampasigan, Ma’t Pa. Nakahihiya naman sa inyo dahil ginawa ninyo akong viewer. Parang nakalimutan yata ninyong nandirito pa ako.
Hindi ko na hinintay ang tugon nila dahil mukhang wala naman din silang balak na tugunan ako.
Nabuhay si Papa, sa paraang hindi ko alam. I was sure on that day, I was holding his cold-dead body but the miracle is on his side and I knew it was because of Aqua— the reason for my father’s revival. And I thanked him for doing that, for giving us a chance to make our family complete again.
Ngayon alam ko na kung bakit gustong-gusto akong dalhin ng mga paa ko sa lugar na iyon dahil doon ko pala matatagpuan ang taong kay tagal ko ng hinahanap—Papa. At ang taong mamahalin ko habang buhay. Mahirap mang ipaliwanag pero alam ko sa sarili kong si Aqua, na ang taong matagal ko ng hinihintay na taong gusto kong makasama habang buhay. At alam kong buhay siya, ramdam ko iyon. At kung bakit naman ayaw ng puso ko iyon ay marahil doon ko rin naman mahahanap ang magbibigay hapdi rito at iyon ay ang masaksihan ko ang muntikang kamatayan ni Papa, gayon din ni Aqua. My life is too short to wake up with regrets, kaya naman hinding-hindi ko pinagsisihan na nagtungo ako roon, walang rason para pagsisihan iyon.
**†**
Tatlong oras na akong nakatambay sa dalampasigan, kay gandang pagmasdan nagbibigay ito sa akin ng kapayapaan pero walang anu-ano’y bigla na lamang bumilis ang pagpintig ng puso ko hindi ko mawari kung bakit, mabilis akong lumingon sa aking likuran dahil bigla akong nakaramdam ng presensya ng isang tao.
I felt my breathing stopped when I met the stranger’s tantalizing emerald eyes “I know him,” my heart said. Those eyes... They were hypnotizing. His kissable and natural red lips were thin, he had a well-toned body. He was staring at me like I am the most beautiful woman on his tantalizing eyes.
I stunned to speak I don’t know why. “Magtititigan na lang ba tayo? Hindi mo ba ako yayakapin?” borito nitong ani na mas nagpabilis pa sa t***k ng aking puso pati ba naman ang boses ay guwapo?
Parang may sariling utak ang paa ko’t mabilis na naglakad patunggo sa lalaki at ang mga kamay ko naman ay mabilis na yumakap sa kaniya. Hindi ko dapat ito ginagawa dahil hindi ko siya kilala, pero sabi naman ng puso ko ay kilala ko ang taong niyakap ko.
Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa taong ito pero hindi naman siya si Aqua, para maramdaman ko ito nababaliw na yata ako ng lalaking iyon kaya kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko at pinaggagawa ko!
Tinulak ko ito at mabilis na dumistansya sa kaniya. “A-Anong karapatan mong u-utusan akong y-yakapin ka? S-Sino ka ba?” he stared at me for a while but after that he chuckled. Hala ksnginang ito bakit siya ganiyan mas lalo lang siyang gumaguwapo. Ahhh, iyong puso ko! Dapat kay Aqua, ko ito nararamdam hindi sa estrangherong ito.
Lumapit ito sa akin at mabilis na kinuha ang kanang kamay ko at nilagay iyon sa tapat ng kaniyang puso habang ang isa niyang kamay ay hinahaplos-haplos ang aking pisngi, titig na titig ito sa akin habang ako ay hindi makatitig sa kaniya ng maayos. “Ako ito si Aqua, ang taong matagal mo ng hinintay patawad mahal ko, kong natagalan ako sa pagbabalik.”
Gulat ko itong binalingan ng tingin, pinagloloko ba ako ng lalaking ito? Pero sa kaso niya hindi iyon impossible nagawa nga niyang buhayin si Papa. “Pinagloloko mo ba ako boy? Gusto mong kiktusan kita? Masarap iyon sa pakiramdam,” pekeng ngiti kong ani rito.
Pero ngumiti rin ito nang nakakaloko na parang may binabalak na masama. “Ito talaga iyong literal na masarap sa pakiramdam.” Nagsilakihan ang aking mga mata, this stranger pressed his lips on mine.
Nang makabawi ako sa pagkagulat ay malakas ko itong sinuntok sa tiyan pero mukhang baliktad yata at tila iyong kamay ko ang nasaktan dahil din siguro sa nagtitigasan niyang pandesal sa tiyan.
Mabilis niyang kinuha ang kamay ko para haplosin, epektibo naman at unting-unting nawawala iyong sakit. “B-Bakit ka ba kasi n-nanghahalik? Ipapapstay kita kay Aqua.”
Seryoso ako nitong tinitigan. “Ako nga si Aqua,” mahinahon nitong ani.
“Kung ganoon pa’no ka naging tao? Paano ka nakaligtas? Ikaw ang bumuhay kay Papa, ’di ba?”
“Nabuhay si Papa, mo dahil hiniling ko sa aming reyna na aking kapatid na muling buhayin ang iyong ama kapalit noon ay magiging isa akong tao. At tanging kaming may dugong bughaw lamang ang may karapatang humiling noon,” nanatili akong tahimik. “Nakaligtas ako dahil na rin sa tulong ng aking kapatid ko. ”
“Patawad ako pala ang may kasalanan kong bakit naging tao ka ak—” hindi ko natapos ang aking sasabihin nang muli na naman niyang sakupin ang aking labi.
“Shhhh... Wala kang kasalanan mahal ko, ipapatapon pa rin naman ako kahit hindi ko iyon ginawa dahil umibig ako sa isang tao. Ikaw ang pinaka-tama sa lahat ng naging desisyon ko. Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang, hinding-hindi ko pagsisihan kong ano man ang naging pasya ko. Ang gusto ko ay makasama ka, mahalin ka at bumuo ng pamilya na ikaw ang kasama. Mahal kita, mahal na mahal at pangako hinding-hindi na ulit tayo maghihiwalay. Na miss kita ng sobra.”
“Salamat at bumalik ka at tinupad mo ang pangako mo, mahal na mahal din kita salamat sa Diyos, at nakilala kita aking Aqua.” At sa ikatlong pagkakataon ako naman ang gumawad sa kaniya ng matamis na halik na siya naman niyang tinugunan ng buong pagmamahal.
ANG WAKAS