Humans, are one of the ferocious and worst creatures in this world. Killing and hunting mermaids are one of theirn games, but still tinutulungan o binibigyan pa rin namin sila ng matatabang mga isda, hinahayaan namin silang magsawa sa lamang dagat. But everything changed when I met Lucas—human. Binago niya ang negatibong paniniwala ko ukol sa mga tao.
I saved his life from drowning. And because of that we became friends, every midnight nagtatagpo kami sa dalampasigan at nagdadala naman ako ng mga perlas or ’di kaya’y mga isda upang ihandog sa kan’ya dahil sa pagiging mabuti n’yang kaibigan sa akin pero alam ko sa aking sarili na hindi lang bilang isang kaibigan ang turing ko sa kan’ya kun’di mas higit pa rito.
Pero nanaisin kaya nitong malaman ang tunay na nilalaman ng aking puso?
“Saan mo nga ba kinukuha ang mga perlas? Sioeiyah,” tanong sa akin ni Lucas, na may masayang kislap sa kaniyang mga mata.
Nakangiti akong binalingan ito ng tingin. “Galing ’yan mismo sa aking mga mata na kapag umiiyak ako o kami ang luha naming mga serena ay nagiging perlas,” paliwanag ko rito.
Sa tingin ko ay mas lalo pang lumalalim ang pagmamahal ko kay Lucas, dahil sa taglay n’yang kabaitan at kagwapuhan and I can’t hide my feelings anymore towards on him.
“May sasabihin ako,” sabay naming wika.
“Hmmm... Sige mauna ka na, Lucas.” Malapad na ngiti kong ani rito.
“No, I mean mauna ka na.”
“Sabay na lang nating sabihin if okay lang sa iyo?” wika ko.
“Yeah. Yeah, sure. Let’s count out of 3, okay?”
Tumango na lang ako bilang tugon dito.
“Start.”
1
2
3
“Mahal kita,” sabay naming wika.
Hindi ako makapaniwalang pareha kami ng nararamdaman akala ko ay uuwi akong luhahan, sa una ay medyo nakaramdam ako ng kaunting takot at pangamba dahil baka ako lang ang ganoon—ang nagmamahal.
**†**
Naging magkasintahan kami ni Lucas, at tumagal hanggang isang taon. Minahal namin ang isa’t isa ngunit ang tadhana yata’y masyadong mapaglaro. O baka naman ako lang ang nagmamahal at naging bulag lang ako sa katotohanan—nabulag sa pag-ibig?
“What the hell! Sioeiyah! You betrayed us! Humans are evil—enemy. Wala silang dala kung hindi kamalasan at kapahamakan,” my mother said out loud.
Nalaman ng aking Ina, ang relasyon ko sa taga-lupa kaya naman galit na galit ito sa akin dahil sinuway ko ang kaniyang utos ang isa sa pinagbabawal na batas naming mga serena ay ang umibig sa isang tao o taga-lupa.
“I think you might be mistaken my, Queen—Mother. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho katulad din natin sila may mabubuting at masasamang tao rin. Tulad ni Lucas, siya ay nabibilang sa mabubuti, kilalanin mo s’ya Ina, nakiki-usap akong bigyan mo siya ng pagkakataon. And I’m sure gugustuhin mo rin s’ya para sa akin,” nagmamakaawa kong ani rito.
“Hindi mo kilala nang lubusan ang mga tao kaya layuan mo s’ya. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon dahil alam ko at nakikita ko na isa siyang masamang tao, madali silang matukso sa mga bagay-bagay isang kang prinsesa, maging mabuting halimbawa ka sa mga nasasakupan natin, mahirap ba iyon gawin at sundin huh?”
My mother ordered me to stay away from, Lucas. But I disobeyed it, at sumama ako kay Lucas, na manirahan sa lupa. We mermaids have an ability to be a human gamit lamang ng asin na ipapahid sa aming buntot, oo ganoon lamang kadali para sa amin ang maging isang tao pero kung gaano kadali maging isang tao ganoon din naman kadaling maging isang serana ulit.
“Sigurado ka na ba rito?” Lucas asked me.
Masaya ko siyang nilingon, “Yes.”
Maayos naman ang pagsasama namin sa iisang bubong for passed 3 months. Pero tama nga siguro ang aking Ina, na ang mga tao ay ’di ko pa lubos na kilala. Naging makasarili ako at tanging kaligayahan ko lamang ang aking iniisip ni hindi nasagi sa isip ko na nasaktan ko si Ina.
“Sige na! Umiyak ka na! Kailangan ko ng mga perlas mo! Iyak!” Lucas.
Hindi nagtagal ay lumabas ang tunay niyang kulay marahil ay ang perlas lamang ang kaniyang habol sa akin noon pa man.
“Hindi ko kaya! Hindi ko kayang pilitin na lumabas ang mga luha ko! Dapat ay kusang tumutulo ang mga luha ko.”
“Maramot ka! Perlas lang ang hinihingi ko taong isda na malansa!” Sabay sampal at bugbog sa akin.
“Sabi mo m-mahal mo ako? B-Bakit pinipilit mo ako sa isang bagay na hindi ko kaya! Sumama ako dahil nangako ka nangako kang mama—”
“Huwag kang mag-drama! Hindi kita mahal ang kailangan ko lamang ay ang mga perlas kaya pumayag ako na rito ka tumira! Isa pa’t may asawa’t anak na ako!” Sabay pahid n’ya nang asin sa binti ko dahilan para manumbalik ang aking buntot at nilagay ako sa aquarium.
Ang tanging paraan para maging tao ako ay pahiran ng asin ang buntot ko at iyon din ang paraan para bumalik ang aking buntot.
Ikinulong ako ni Lucas, at araw-araw na pinapahirapan, pinipilit akong umiyak para sa mga perlas. At ’pag ayaw ko nilalagyan n’ya ng mga basura ang tubig ko at kapag hindi siya nakuntento ay binubugbog ako nito dahilan para ako ay mawalan ng lakas na puwede ring maging sanhi ng aking kamatayan.
“Kawawa naman po iyong sirena sa kuwento n’yo Ina, buhay pa po ba siya?” Dhelon—ang aking anak.
Limang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Nakaligtas ako sa tulong ng aking Ina, mula sa isang mapang-abusong nilalang, nagkaroon din ako ng anak na lalaki kay Lucas, at iyon ay si Dhelon. Ang pagdating ng aking anak sa aking buhay ay hinding-hinding ko pagsisisihan, he is the best gift kahit bunga siya ng maling decision ko sa buhay.
“Yes! Baby, she’s still alive. Because... Because that mermaid is me—your Mother.”
Hindi lahat ng taong pinapakitaan ka ng kabutihan ay talagang mabuti sa iyo, minsan ay naghihintay lang sila ng tamang panahon para maisakatuparan ang maitim nilang balak. Minsan kahit anong pagpapakita mong kabutihan ay masama pa rin sa kanilang paningin at ang mas malala pa ay inaabaso nila ang kabutihan mo.
Simula na ng araw na iyon ay ’di na ako nagtangkang magpakita pa sa mga tao at ’di ko na rin nakita pa ang taga-lupa hindi na rin kami tumutulong pa sa pangingisda nila dahilan upang kahit isang isda ay wala silang mahuli. Ang ibang mga tao ay masiyadong malupit—makasariling nilalang, mapagsamantala.
WAKAS